DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - ANIM ang kumpirmadong patay sa banggaan ng Hilux, Payong Payong at Hi-ace Van sa national highway boundary ng Sitio Gubat, Barangay Makir, at Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nangyari ang aksidente pasado alas kwatro ng madaling araw kanina, March 5, 2023.
ANG MGA NASAWI on the spot ay ang mismong driver ng van na si Unasan Kaul, taga Guindulungan, Maguindanao del Sur at mga pasahero nitong sina Norhaimin Baladek at Manaut Guialudin, kapuwa mula sa bayan ng General SK Pendatun, Maguindanao del Sur.