Amended Environment code na naglift ng Open-pit mining ban sa South Cotabato na-veto ni Gov. Tamayo
Napagdesisyunan ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na i-veto ang amended Environment Code na nag-lift ng open-pit mining ban sa lalawigan.
Paliwanag ni Tamayo tila minadali kasi ng Sangguniang Panlalawigan ang pag-amend sa ordinansa sa hindi nito malamang dahilan.
Kaya ayon kay Tamayo gusto niya itong ibalik sa konseho.
Dagdag pa ni Tamayo, dahil naka-recess ngayon ang Sangguniang panlalawigan, pag-aaralan na ng susunod na mga myembro ng SP.