TATLO katao ng nasawi nang tamaan ng cholera bago magbagong taon sa Brgy. Tamar, Talayan, Maguindanao del Sur.
Ito ang pahayag ng Maguindanao del Sur Integrated Provincial Health Office bilang paglilinaw.
Unang sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Talayan MDRRM Officer Fuad Samola na lima ang nasawi.
Sinabi ni Samola na abot sa 22 ang na-ospital matapos makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo.
Sa ngayon, sampu pa ang nananatili sa ospital.