DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - NAARESTO ang isang drug suspek sa buy bust operation ng mga otoridad sa bahagi ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng gabi, Jan. 29.
Kinilala ang suspek na si Kenny Malagel Sapad, 30 anyos at residente ng Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat.
Naging matagumpay ang pagkakadakip sa suspek sa pinagsamang ibat ibang police units sa lalawigan at rehiyon.
Nakuha sa suspek ang humigit kumulang 55 grams na nagkakahalaga ng P374,000.