HULI ang isang kasapi ng Philippine National Police at isa pang indibidwal sa ikinasang drug buy bust operation ng PDEA at PNP, pasado alas 7:00 ng gabi kanina sa Quezon Avenue, Parang Road, Cotabato City.
Kinilala ng PDEA BARMM ang nahuling pulis na si Staff Sgt. Mujeeb Bitayo Sepi na nakatalaga sa Sultan Kudarat Municipal Police Station.
Habang ang isa pang nahuli ay kinilala namang si Farida Alim Alfonso.
Ang operasyon ay magkatuwang na ikinasa ng PDEA BARMM, Cotabato City Police Station 1, Marine Battalion Landing Team 5 at iba.