COTABATO CITY - PATAY nang pagbabarilin ang Islamic Studies and Arabic Language o ISAL teacher sa Barangay Duaminanga, Datu Piang Maguindanao Del Sur, pasado alas 9:00 kagabi.
Kinilala ang biktima na si Ustadz Hassan Musa, ISAL teacher ng Duaminanga Elementary School at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, abala sa pagliligpit ng kahoy na panggatong ang biktima nang lapitan ng salarin at pinagbabaril.
Tinamaan ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang kawatan ang biktima na dahilan ng kanyang pagkasawi.
Patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaslang.