COTABATO CITY - Dala ang kanilang matataas na kalibre ng mga baril, nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang anim pang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o (BIFF).
Ang mga sumuko ay iniharap ng 34th Infantry Reliable Battalion kay Midsayap town Mayor Rolly Sandalan sa ginanap na turn-over ceremony sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato.
Kabilang sa mga matataas na kalibre ng baril na isinuko ay ang isang M14 Rifle, isang Garand Rifle, dalawang 7.62 Sniper Rifle, isang M79 grenade launcher at mga bala ng naturang mga armas.