MIDSAYAP, North Cotabato - NASAWI on the spot ang isang indian-national nang pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Barangay Tugal, Midsayap na sakop ng SGA BARMM, pasado alas 10:00 ng umaga kanina.
Kinilala ni Midsayap town police chief Lt. Col. John Miridel Calinga ang biktima na si Juty Singh, nasa hustong gulang, businessman na taga Barangay Bolocawon, Pigcawayan, Cotabato.
Sugatan naman ang babaeng angkas nito na si Rojane Pantuwa Arandilla na taga Brgy. Baguer, Pigcawayan.