COTABATO CITY - Nasunog ang ilang gusali ng Notre Dame of Dulawan sa Datu Piang, Maguindanao ngayong gabi.
Hindi pa batid ng mga otoridad ano ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa kumbento ng mga madre na tagapangasiwa ng paaralan at ilang silid aralan ng high school.
Pasado alas 7:30 ng gabi nang nagsimula ang apoy na umupo sa 2-story building ng paaralan.
Sinabi ni acting municipal fire marshall Fire Insp. Zulficar Caseres, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon/
Pinapurihan niya ang maagang pagtawag sa mga kasapi ng Bureau of Fire Protection.