9 pamilyang Maranao, isinailalim sa profiling sa Kabacan

News in Briefs  • Tue Jun 20, 2017 04:21 PM  •  160   0
By Rhod Benez
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
KIDAPAWAN CITY --- Sumailalim sa social profiling ang nasa siyam na mga pamilya na kasalukuyang naninirahan ngayon sa bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos na lumikas sa Marawi City.  

Ito ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. matapos na pansalamantalang nakikitira ang mga ito sa kanilang pamilya sa iba’t-ibang lugar sa Poblacion ng bayan.

Ayon sa opisyal, dumating sa bayan ng Kabacan ang nasabing mga bakwit ng walang walang dahilan para magpalabas ng tulong ang pamahalaang lokal.

Bukod sa tulong mula sa LGU ay nagbigay din ng ayuda ang Regional Office ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 kabilang dito ang mga bigas at canned goods. 

Dahil dito, iginiit ni Guzman na wala namang mga terorista na nakahalo buhat sa mga evacuees makaraang isagawa ang profiling na pinangunahan ni Municipal Social Welfare officer Susan Macalipat at mga tauhan nito kasama ang mga elemento ng Kabacan PNP.

Kaugnay nito, mas pinaigting naman ang seguridad na ipinapatupad ngayon sa mga check at choke point sa lahat ng lagusan ng bayan, lalo na sa mga pangunahing daanan sa Kabacan. Rhoderick Beñez
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy