Another fire hits Koronadal residential areas

News in Briefs  • Mon Jul 10, 2017 08:48 PM  •  261   0
By Tabingo Karl Mike
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
Koronadal firefighers respond to conflagration in Barangay GPS. (Radyo Bida)
Koronadal firefighers respond to conflagration in Barangay GPS. (Radyo Bida)
KORONADAL CITY -- Ini-imbestigahan na ng Koronadal City Fire Office ang nangyaring sunog sa Domingo Street, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City pasado alas 11:30 ng umaga kanina.

Ayon kay Koronadal City Fire Marshall Reginald Legaste mabilis naman nilang naapula ang sunog ngunit dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan at ang iba ay may kaluma-an na ay mabilis na kumalat ang apoy sa lugar.

Base sa impormasyon ni Barangay GPS Captain Margarita Subaldo na lampas sa 5 bahay ang nasunog at wala namang may nasaktan.

Pinaniniwalaan na nagmula ang apoy sa Carenderia na malapit sa lugar.

Agad namang binuksan ni Subaldo ang kanyang barangay para sa mga nasunugan at hindi pa makakakita ng kanilang pansamantalang tuluyan.

Last week, a fire also hit this city's residential area.
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy