Bahay sa Kidapawan, nasunog
Breaking News • 15:00 PM Wed Nov 13, 2019
1
By:
NDBC NCA
KIDAPAWAN CITY - Nasunog ang bahay ng isang negosyante na nasa Perez Street, Poblacion, Kidapawan City.
Ayon sa mga residente, nagsimula ang sunog alas 12:00 ng tanghali kanina.
Sa ulat, ang bahay ay pagmamay-ari ng isang Quinee Montero.
Hanggang sa ngayon ay inaapula pa ng BFP ang apoy at inaalam kung ano ang pinag-mula ng apoy.