Friday Apr, 19 2024 07:50:20 PM

Bangkay ng babae natagpuan sa Banga, South Cotabato

Local News • 11:15 AM Wed Nov 13, 2019
1
By: 
ROEL OSANO
Residents of Purok Maligaya, Barangay Lambingi, Bangsa, South Cotabato gather near the spot where a woman was found dead. (contributed photo)_

KORONADAL CITY - Patay na nang matagpuan ng mga trabahante ng isang kompanya ang isang babae sa Purok Maligaya, Barangay Lambingi, Banga, South Cotabato alas sais y medya ng umaga kanina.

Kinilala ni Lambingi Barangay Chairman Evelyn Acojedo at mister mismo nitong si Jerry Sakam ang biktima na si Lorena Saman Sakam , 35 years old at nakatira sa kalapit na Sitio ng Lamtabong sa nasabing barangay.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Sakam ay pinalo sa ulo at dibdib ng kawayan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Ang bangkay ni Sakam ay natuklasan ng mga mangagawa ng isang kompanya ng saging na sina Remo Manilla at Feleciano Emboltorio sa tabing sapa.

Hinala ng PNP ang biktimang si Sakam ay napaslang malapit sa bunkhouse ng mga trabahante.

Maaring itinapon lamang ito sa tabing sapa base naman sa bakas ng mga dugo na nakita ng mga pulis sa crime scene.

Hindi pa batid ng Banga PNP kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...