Bilang ng mga nagpa-enrol sa Kidapawan ngayong school year, bumaba
KIDAPAWAN CITY - Nanawagan ngayon ang Department of Education sa Kidapawan City Division sa mga magulang na ipa-enrol na ang kanilang mga anak ngayong pasukan dahil nagbigay ng palugit ang DepEd sa mga hindi na nakapagpatala.
Aminado naman si City Schools Division Superintendent Omar Obas na bumaba ang enrolment rate ngayon sa mga private school sa lungsod.
Base sa datus nasa 35percent pa lamang ito kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Para sa mga pampublikong paaralan naman nasa 80 hanggang 85 percent na ng mga mag-aaral ang nakapag-enroll ngayong school year 2020- 2021.
Blended learning ang gagamiting modality ng City Division ngayon Agosto ibig sabihin may modular at radio based instruction sa pakikipagtulungan ng With Love Jan Foundation at DXND- NDBC Kidapawan upang maabot ang lahat ng kabataang mag-aaral sa lungsod bilang new normal dahil sa pandemya.
Panawagan din nito sa mga magulang at mag-aaral na hindi pa nakapagpatala ay tumungo lamang sa malapit na paaralan sa kanilang lugar bago mag July 15, 2020.