Saturday Aug, 15 2020 12:39:16 PM

Boundary at land dispute sa Tulunan, N. Cotabato, sinimulan nang resolbahin ng SB

Local News • 16:00 PM Mon Jul 6, 2020
127
By: 
DXND Radyo Bida Kidapawan

TULUNAN, NORTH COTABATO- Abot ngayon sa 12 kaso ng land dispute at boundary conflict ang nakabinbin sa Sangguniang Bayan ng Tulunan na nakatakdang resolbahin sa pamamagitan ng lingguhang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Task Force on Land Boundary Dispute Committee.

Ayon kay Sangguniang Bayan Presiding Officer Vice-Mayor Maureen Ann Villamor, ang mga nasabing reklamo ay mga matagal na nakabibin sa lebel ng barangay kaya't iniakyat na sa lebel ng sanggunian upang pag-aralan at bigyan ng agarang rekomendasyon.

Nabatid na nag-ugat ang naturang mga land at boundary dispute mula sa mga complainants na may hawak na kaukulang dokumento ngunit ibang pamilya ang umuukopa sa kanilang pagmamay-aring lupa.

Isa rin sa mga nakikitang problema ng komitiba ay ang pagkakaroon ng 'double titles' o parehong partido ang may hawak ng land titles.

Ayon sa bise-alkalde, karamihan sa naturang mga inihaing reklamo ay mula sa mga barangay ng Maybula at Bual na kadalasan ay kinasasangkutan ng mga kapatid na muslim.

Sa pamamagitan naman ng Task Force ay magkakaroon ng masusing pag-aaral at bibigyan solusyon ang mga hindi matapos-tapos na awayan sa lupa.

NDBC BIDA BALITA (Aug. 15, 2020)

HEADLINES: 1.  APAT NA MGA guro sa Isulan, Sultan Kudarat, nagpositibo sa Covid at posibleng nahawa sa kapuwa guro na nasawi na 2.  ...

PDEA nabbed 5 drug peddlers, seize P13.6-M shabu in Lanao del Sur buy bust opn

COTABATO CITY  – Anti-narcotics operatives and members of Philippine Marines, seized Friday afternoon P13 million worth of methamphetamine...

COVID WATCH: 10 new cases, including 2 health workers, 4 recoveries in Region 12,

COTABATO CITY - Two new health frontliners in Cotabato City and eight others in Region 12 have tested positive of COVID-19 as of Friday night,...

5 nabbed in PDEA-BARMM drug den raid

COTABATO CITY --- State agents shut another clandestine drug den here Thursday just as two barangay officials suspected of trafficking shabu eluded...

Public school teacher dies of COVID-19

COTABATO CITY – A 61-year-old public school teacher in Isulan, Sultan Kudarat, who is due to retire next year, has died of novel coronavirus disease...