Friday Apr, 19 2024 10:19:05 PM

Eat fruits all you can, nagsimula na sa Kidapawan

TOURISM • 11:45 AM Wed Aug 14, 2019
2
By: 
Cherry Exim/ DXND Kidapawan
City tourism office personnel prepare fruits for this day's "eat all you can" program.

KIDAPAWAN CITY - Magbubukas na ang apat na araw na “fruits eat all you can” na siyang highlight na aktibidad sa Timpupo Festival 2019 sa Kidapawan City.

Nakahanda na rin ang mga prutas na gagamitin sa aktibidad mula sa Kidapawan City fruit growers.

Ngayong araw din gagawin ang SOMAYA-POKIYA na isang “Tribal Ritual of Thanksgiving” Enshrinement of Kidapawan Hero sa City Plaza habang alas 9:00 naman ng umaga ang Farm Family day congress sa City Gymnasium.

Samantala, bubuksan din ngayong araw ang drug rehabilitation center sa Barangay Sudapin, Kidapawan City.

Magiging guest of honor sa nasabing okasyon si Secretary Catalino S. Cuy, Chairman ng Dangerous Drugs Board, na naging daan upang maipatayo ang nasabing gusali.

Nabatid na nagbigay ang LGU ng karagdagang P5M pesos bilang pagsuporta na rin sa “Balik Pangarap Program” na kung saan daan-daang mga Persons Who Used Drugs (PWUD’s) ang sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joseph A. Evangelista, naitatag ang programa kung saan maraming mga dating gumagamit ng iligal na droga ang lumabas makaraang ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operation “Tokhang.”

Malaki ang paniniwala ng Alkalde sa pamamagitan ng programa, mabigyan ng pagkakataon ang mga PWUD’s na magbago at makabalik sa lipunang kanilang kinabibilangan.

Pagtitiyak naman ng pamahalaan na susuportahan ang programa kontra iligal na droga.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...