Funeral parlor owner shot dead in Koronadal
KORONADAL CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin dakong ala una ngayong hapon lamang sa labas ng isang flower shop malapit sa Rizal Park, Koronadal City.
Kinilala ang biktima na si John Togonon, may-ari ng Rest Heaven Funeral, residente ng Sueno Village sa lungsod.
Ayon sa report, bumili ng bulaklak para sa patay si Togonon at isasakay na sana sa kanyang kulay itim na Toyota Hilux (NAE 2967) nang biglang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ng tatlong beses sa ulo.
Dead on the spot ang biktima at bumulagta sa sidewalk habang agad namang tumakas ang suspek na tumakbo lang umano papunta sa direksyon ng post office.
Patuloy pang inaalam sa ngayon ng mga imbestigador ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pamamaril kay Togonon.