Hail storm hits Makilala, North Cotabato evacuation sites
MAKILALA, North Cotabato - Ipinakita ng ilang mga netizen sa kanilang social media post sa facebook kung gaano karami ang yelong dala ng pag-ulan at malakas na hangin na tumama sa ilang bahagi ng North Cotabato ngayong hapon.
Kasabay ng malakas na ulan ay ang pagbagsak ng mga butil ng yelo sa ilang bahagi ng bayan ng Makilala partikular sa brgy. Saguing habang natumba naman ang ilang mga punong kahoy dala ng malakas na hangin.
Sa lakas ng pag-ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin, bumigat naman ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Malaang-Saguing, Highway na sakop ng Makilala, matapos na matumba ang mga kahoy sa gilid ng kalsada.
Tumagal ng hindi abot sa kalahating oras ang pag-ulan. Ayon sa PAGASA, normal lamang ang pag-ulan ng yelo o hailstorm lalo na kung may thunderstorm.