Lalaki, huli matapos magwala at magpaputok ng baril sa Makilala, North Cotabato
MAKILALA, North Cotabato - Inaresto ng mga pulis ang isang 26 anyos na drayber makaraang magpaputok ng baril alas 11:00 ng gabi nitong linggo sa Barangay Concepcion, Makilala, North Cotabato sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.
Sa ulat ng Makilala PNP, nakilala ang nahuli na si Jhonny Encabo Dela Cerna, 26 years old, isang driver at nakatira sa nasabing lugar.
Nagwala umano ang suspek saka pinaputok ang kanyang caliber 45 pistol malapit sa kanilang tahanan dahilan para magpanic ang kanilang kapit-bahay.
Sa follow up operation ng PNP, naaresto ang lalaki at boluntrayong sumama sa mga pulis para sa dagdag na imbestigasyon.
Kulong na ngayon ang suspek at nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession and illegal discharge of firearm.