Thursday Apr, 18 2024 07:18:37 PM

Man hacks to death wife in South Cotabato

Local News • 12:00 PM Thu Nov 21, 2019
1
By: 
Grace Toreta
Ann Divino, the victim's relative, posted the image of Denelyn Mara and her husband-suspect (with head scarf)

TANTANGAN, South Cotabato - Selos ang motibo na sinusundan ng imbestigasyon ng mga pulis sa pagpatay ng isang mister sa sariling misis sa bayan ng Tantangan, South Cotabato. Ipinahayag ito ni Tantangan Chief of Police, Captain Romeo Albano Jr.

Kinilala ni Albano ang nasawing misis na si Denelyn Mara, 28 years old, overseas filipino worker o OFW. Suspek naman sa krimen ang mister mismo ng biktima na si Roel John Mara, 38 years old at isang karpintero.

Ayon kay Albano, umuwi ang biktimang misis matapos magtrabaho sa ibang bansa noong October 31.

Ngunit sa halip na sa kanyang mister sa Barangay Bukay Pait umuwi ay tumuloy umano ito sa kanyang mga magulang sa karatig barangay ng Dumadalig.

Sinabi ni Albano na nang puntahan ng kanyang mister ang kanyang misis para kausapin matindi umanong nagtalo ang mag-asawa.

Ayon kay Albano, kumuha ng bolo ang biktimang misis ngunit ito ay naagaw ng kanyang mister hanggang sa siya ay napatay.

Ang biktimang misis na nagtamo ng matinding mga taga sa ibat’ ibang parte ng kanyang katawan ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ayon kay Albano ang suspek na mister ay agad na tumakas at pinaghahanap pa ng mga pulis.

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...