Motor vs. motor: 1 patay nang magbanggaan sa national highway ang 2 motorsiklo
BANGA, South Cotabato - Patay ang isang senior citizen at dalawa ang sugatan sa nangyaring aksidente 1:30 ng hapon sa Crossing Bendita, Barangay Reyes, Banga, South Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na si Glenn Belarmino, legal ang edad, may asawa, isang magsasaka na nagmamaneho ng isang motorsiklo (YTX 125MC) sakay ang backrider na si Joel D Daclangin, 39 anyos at residente ang dalawa ng Prk. Katipunan, Brgy. El Nonok, Banga, South Cotabato at Romeo N Osorio, 73 anyos, may asawa, at residente ng Sitio Pedregosa, Brgy. Poblacion, Banga, South Cotabato ang sinasabing nagmamaneho ng isang motorsiklo (XRM 125MC).
Napag-alaman na ang motorsiklo na minamaneho ni Belarmino ay tinatahak ang daan galing sa Surallah patungong Koronadal. Tumawid naman ang motor na dala ni Osorio at nahagip ang likurang ng motor ni Belarmino.
Nagtamo ng malalang sugat ang mga biktima at agarang isinugod sa malapit na bahay pagamutan sa nasabing bayan.
Napagalaman na si Osorio ang namatay bandang 2:55 kahapon habang si Belarmino ay nananatili sa pagamutan.
Sinasabing ang dalawang drayber ay walang lisensya. Kapowa nasa custody ng Bnga PNP ang kanilang mga motorsiklo.