Friday Dec, 13 2019 03:58:59 PM

NDB BIDA BALITA (11.06.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Wed Nov 6, 2019
240
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PAGSASAGAWA ng FIRE, EARTHQUAKE at iba pang emergency drills, pinatutukan ng DepEd 12 sa lahat ng mga paaralan sa rehiyon.

2. HELPER ng water tanker na maghahatid sana ng tubig sa mga apektado ng lindol, patay sa aksidente sa Makilala, North Cotabato

3. Mahigit 200 thousand pesos na halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng mga otoridad mula sa limang mga nadakip na drug suspect sa General Santos city

4. Vice President Leni Robredo, pormal nang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

NAKATAKDANG magtumungo sa North Cotabato ang Cotabato city LGU para ihatid ang mga nalikum na tulong mula sa mga mamamayan ng lungsod kasama na rin ang tulong na mula mismo sa lokal na pamahalaan para sa mga nasalanta ng lindol sa lalawigan.

Sinabi ni Secretary to the Mayor Boy Rasalan na hanggang ngayon ay patuloy silang tumatanggap ng donasyon gaya ng pagkain, gamot, trapal at tubig inumin.

Para aniya sa mga gustong magpadala ng donasyon ay tumungo lamang sa Office on Social Welfare and Development.

Ayon kay Rasalan, ihahatid nila ang mga nalikom na donasyon bago matapos ang linggong ito.

Sa ngayon aniya, marami na rin umanong mga Non Government Organization ang nakipag-ugnayan sa City LGU para sa ilulunsad na relief distribution.

 

-0-

 

MAGBIBIGAY naman ng tig-iisang daang piso ang bawat sundalo ng Philippine Army para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sinabi ni Western Mindanao Command Spokesperson, Col. Arvin Encinas na boluntaryo umano itong ibibigay ng mga sundalo na ikakaltas mula sa kanilang sahod.

Aniya, ang perang malilikom nila ay ibibili ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Encinas, paraan ito ng mga sundalo para makatulong kahit sa simpleng paraan lang.

 

-0-

 

PINATUTUKAN ng Department of Education o DepEd 12 ang pagsasagawa ng fire, earthquake at iba pang emergency drills sa bawat paaralan sa rehiyon.

Ito ay matapos na maranasan ang serye ng mga lindol na puminsala sa mga paaralan.

Sinabi ni DepEd 12 Director Dr. Allan Farnazo na sa pagbabalik ng klase sa mga lugar na naapektohan ng lindol ay magiging prayoridad nila ang regular na pagsasagawa ng drills sa public at private schools.

Maliban dito, iniutos rin nito ang pag-inspeksyon sa mga school building sa Socsargen region.

Binigyang-diin ng opisyal na ipaiiral ang “No Clearance, no Occupancy” policy lalo na sa mga high rise building.

Dagdag pa ni Farnzao, kabilang din sa kanilang bibigyan pansin ay ang pagsasagawa ng psyco-social intervention sa mga estudyante.

 

-0-

 

Helper ng water tanker na maghahatid lang sana ng tubig sa mga apektado ng lindol, patay matapos masangkot sa aksidente sa Makilala, North Cotabato

Patay ang helper ng isang water tanker matapos na madaganan ng bumaliktad na truck sa National Highway sa Purok 11 Sitio Patulangon, Barangay Poblacion, Makilala, Cotabato alas 7:50 ng umaga kahapon.

Sa report ng Makilala PNP traffic section sa pangunguna ni PMSg Xerxes Anthony Fiel, nakilala ang nasawing biktima na si alyas Nonoy at nakatira sa Catiil Compostela Valley.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis lumalabas na binabaybay ng nasabing water tanker ang National Highway na minamaneho ng sugatang drayber na kinilalang Jimmy Calolo Gaspar Caber, 50 anyos company driver ng JORATRACKING services na patungo sana sa mga evacuation center. Nang pagsapit sa lugar ay nag malfunction umano ang sasakyan hanggang sa nawalan ng kontrol ang drayber at bumaliktad ito.

Nabatid na ihahatid lamang sana nila ang pitong toneladng tubig ng DUMOY fresh water sa mga bakwit ng bayan. Nagtamo din ng kasiraan ang sasakyan habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Makilala PNP traffic section sa aksidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

31 na mga evacuees ng pagyanig, isinugod sa pagamutan matapos umanong makakain ng lumang pagkain sa Makilala, North Cotabato

Nasa 31 ka tao na halos mga evacuees ang isinugod sa iba’t-ibang mga pagamutan matapos na makakain umano ng panis na pagkaing inihanda para sa mga internally displaced persons sa isang evacuation center sa Malabuan Elementary School sa Barangay Malabuan, Makilala, North Cotabato gabi nitong lunes.

Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Georgina Sorilla ang mga biktima ay halos mga bata kung saan nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagtatae.

Ito matapos na makakain umano ng patil na ibinigay sa kanila ng isang grupo sa mga evacuation center. Ayon sa ulat, lunes ng umaga ibinigay ang nasabing pagkain na may kanin, toppings na karne at itlog pero ala-1:00 pa ng hapon kinain ng mga evacuees.

Kinagabihan ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan ang mga biktima at ang iba naman ay nagtatae. 11 sa mga ito ay isinugod sa Kidapawan Hospital, 10 sa Cotabato Provincial Hospital habang ang iba naman ay nasa maayos ng kalagayan. Kaugnay nito, ipagbabawal na ang pagbibigay ng mga lutong pagkain sa mga relief operations para maiwasang mangyari uli ang insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Selebrasyon sa Municipal Fiesta ng bayan ng Tulunan, kanselado kasunod ng sunod-sunod na lindol

Kanselado na ang dapat sana’y selebrasyon ng municipal fiesta sa bayan ng Tulunan matapos tumama ang tatlong sunod-sunod na pagyanig. Kasabay sana ng ika-58th Founding Anniversary ay ang selebrasyon din ng 2nd Tulun Kastifun festival.

Nakatakda sanang buksan ang naturang selebrasyon nitong Linggo (November 3) hanggang November 19 –mismong araw ng pagkatatag sa bayan ng Tulunan. Ang kanselasyon ay batay sa inilabas na Executive Order No. 84, series of 2019 ni Mayor Pip Limbungan.

Ito ay upang bigyang daan ang suporta at pakiki-simpatiya ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga mamamayan na apektado na lindol. Pero sa kabila kanselasyon sa nasabing kasiyahan ay tuloy naman sa selebrasyon ng pakikiisa at pagtutulungan ng taong-bayan upang tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang matinding tinamaan ng lindol.

Nabatid na sa nasabing bayan ang naging sentro ng lahat ng sunod-sunod na malalakas na pagyanig kung saan abot sa libo-libong bahay at istruktura ang nasira at hindi na mapakinabangan. Samantala, tuloy-tuloy naman ang mga dumarating na tulong mula sa mga pribadong sector, sikat na personalidad at sa ibang mga karatig lalawigan at hanggang ngayon ay patuloy itong ipinapaabot sa mga biktima ng lindol.

 

-0-

 

Senator Revilla, sinabing ipaparepaso ang National building code of the Philippines kasabay ng kanyang pagbisita sa Kidapawan City kahapon

Irerekomenda ni Senator Ramon ‘Bong Revilla Jr. ang pagrerepaso ng RA 6541 o ang National Building Code of the Philippines. Ito ang kanyang sinabi kay City Mayor Joseph Evangelista bago binisita ang mga pamilyang bakwit ng tatlong magkakasunod na lindol sa lungsod.

Sinabi ng senador, irerekomenda nito sa kanyang mga kasama sa Senado at Kongreso na napapanahon ng repasohin ang batas upang masigurong ligtas ang lahat ng uri ng gusali at istrakturang ipapatayo sa bansa sa hinaharap. Ayon sa alkalde, maraming bahay sa mga apektadong lugar na gawa pa mismo sa kongkreto ang natibag ng tumama ang tatlong lindol sa Mindanao.

Posibleng mahinang klase ng bakal at hollow blocks ang ginamit sa pagpapatayo ng mga gusali kung kaya’t bumigay ang mga ito sa nangyaring pagyanig.

Dagdag pa ni Revilla, maliban sa kalidad ng construction materials, plano din na baguhin ang probisyon ng RA 6541 ang tamang panuntunan sa sukat, taas, lokasyon at tibay ng mga istraktura. Maaring hindi na rin angkop ang batas sa kasaluyang Building Code sa tamang disenyo at integridad ng mga gusali at istrakturang ipinapatayo sa iba’t-ibang mga lugar sa bansa.

 

 

-0-

Magsasaka na sakay ng motorsiklo, patay sa pamamaril sa Arakan, North Cotabato

Patay ang isang 30 anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Roel Boter alyas Baroy, 30 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar. Naganap ang pamamaril alas 9:40 ng gabi kamakalawa kung saan lulan ng motorsiklo na walang license plate ang nasawing biktima patungo sa Barangay Poblacion.

Narekober sa crime scene ang sampung mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit ng mga suspek sa pamamaril. Patuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng Arakan PNP sa motibo at kung sino-sinu ang responsable sa pagbaril at pagpatay sa kanya. 

 

 

-0-

 

IPINATUTUPAD NA ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang phase-out plan sa mga kawani ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Nitong Lunes, November 4 ay isinailalim na sa phase-out plan ang 267 emplyees ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy o MENRE-BARMM kabilang na dito ang apat na humahawak sa posisyon bilang director.

Ang 267 na empleyado ay ang unang batch na kabilang sa phase-out plan.

Ang 2nd batch naman ay kinabibilangan ng 284 employees.

Habang 277 employees pa ang sasailalim sa phase out plan na kabilang sa 3rd batch.

Ayon kay MENRE-BARMM Minister Abdulraof Macacua, nakatakda namang makuha ng 267 phased out employees ang kanilang Separation Pay sa November 15.

 

-0-

 

Patay sa enkwentro sa militar ang tatlong mga hinihinalang suicide bomber ng Abu Sayyaf Group sa Indanan, Sulu kahapon.

Ayon sa militar, ang mga naaresto ay kinabibilangan ng dalawang Egyptian nationals at isang Pinoy.

Nakilala ang mga dayuhan sa mga pangalan lamang na Abduramil at Abdurahman na pinaniniwalaang mag-ama.

Ayon kay Western Mindanao Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, magsasagawa sana ng suicide bombings ang tatlo nang maharang sila ng mga sundalo sa checkpoint sa Barangay Kan Islam pasado alas singko ng hapon kahapon.

Pinaputukan umano ng mga suspect ang mga sundalo kaya nagkaroon ng limang minutong bakbakan.

Narekober ang dalawang bomb vests na mayroong mga pampasabog at triggering device, cal 45 pistol at hand grenade.

Kinukumpirma pa ng militar kung ang dalawang Egyptians ay may kaugnayan sa babaeng suicide bomber na umatake sa isang military outpost sa Sulu noong Setyembre.

 

-0-

 

IDINEKLARA bilang isang "Special Public Holiday" ang araw ng Huwebes, November 7, sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ay bilang paggunita sa mahalagang araw ng pagdating ng Islam sa Pilipinas o Sheikh Karimul Makhdum Day.

Batay sa Memorandum No. 684 na inilabas ng Office of the Chief Minister ng BARMM, ang holiday declaration bukas ay alinsunod din sa Muslim Mindanao Autonomy Act No. 17 at Executive Order No. 40 na inilabas noong November 4, 1991.

 

-0-

 

Mahigit 200 thousand pesos na halaga ng umanoy iligal na droga nakumpiska ng mga otoridad sa lima katao na kanilang naaresto sa General Santos city

Inaresto ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 at mga pulis ang limang mga drug personality sa anti-illegal drug operation na kanilang isinagawa sa Purok I, Barangay Maligaya, General Santos City kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga ito ang kanilang target na si Mathan Romupal, 38 anyos, driver at nakatira din sa nasabing lugar.

Ito ay matapos magbenta umano ng pinaghihinalaang shabu sa nagbalatkayong PDEA agent. Nakuha ng mga otoridad sa kanya ang limang daang pisong marked money. Ang entrapment operation ay nagresulta din sa pagkakahuli ng mga ito sa apat pang mga drug suspek.

Ang mga ito ay sina Joey Badajos, 31 years old, mekaniko at Jona Betonio,29 years old, single pawang mga nakatira sa karatig barangay ng Cannery, Polomolok, South Cotabato.

Arestado din ang mga umanoy kasama ng mga ito na sina Wenar Sayari, 26 years old, at Nario Paildin, parehong driver at nakatira sa Barangay Katangawan, General Santos City. Ito ay ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan.

Ayon kay Duquiatan nakuha ng mga kasapi ng PDEA at mga pulis sa mga ito ang pitong pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 204 thousand pesos at drug paraphernalia. Inihahanda ng PDEA 12 ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa limang inarestong umanoy tulak ng shabu.

 

-0-

 

Mga mamamayan ng Koronadal tumugon din sa panawagan ng NDBC na tumulong sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato

Lumabas din ang pagiging magpakawanggawa ng mga mamamayan ng Koronadal City. Ito ay matapos tumugon sa panawagan ng Radyo Bida at 91.7 Happy FM na tumulong sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato. Kabilang sa mga agad na nagbigay ng mga relief goods ang mga pribadong indibidwal,mga negosyante, estudyante, at iba pang mga tagapakinig ng NDBC Koronadal.

Marami sa mga ito ay nagbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga bakwit tulad ng mga damit, tubig, tsinelas at laminated sacks. Ang mga ito ay nakatakda namang ihahatid sa Kidapawan City ngayong araw. Kaugnay nito lubos naman ang pasasalamat ng mga bumubuo ng NDBC Koronadal sa lahat ng mga mamamayan dahil sa maagap na pagtugon sa aming panawawagan.

Tumatanggap pa rin ng anumang tulong para sa mga nilindol na mamamayan sa North Cotabato mga himpilan ng 91.7 Happy FM at Radyo Bida Koronadal

 

-0-

 

 Polio Alert idineklara ng provincial health office bilang paghahanda sa malawakang anti-polio vaccination sa South Cotabato Nasa State of Polio Alert ngayon ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato. Ito ay bilang paghahanda sa malawakang vaccination kontra Polio sa lalawigan sa November 25 hanggang December 7.

Kasunod ito ng pagkakatala ng kaso ng poliomyelitis o “polio” sa karating lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Norte. Ayon kay Assistant Provincial Health Officer Dr. Alah Baby Vingno, pagkatapos ng kanilang pagpupulong naka-switched on na sa “Polio” outbreak mode ang IPHO.

Paliwanag ni Vingno kailangan kasing madaliin ang pagsasagawa ng vaccination para mapigilan ang pagkalat ng Polio sa South Cotabato. Ang saba sabay na polio vaccination period ay unang bugso na ipatutupad sa Mindanao.

Ayon naman kay Provincial Epidemiology and Surveillance o PESU Chief Cecelia Lorenzo, inaasahan na ito ay mapapakinabangan ng 95 percent sa mahigit 114,000 na mga nasa zero hanggang 59 months old na mga bata sa lalawigan. Ayon kay Lorenzo dalawang drop ng Monovalent-type Vaccine ang gagamitin sa katao kada tao sa kanilang house-to-house vaccination campaign. Ipinahayag ni Lorenzo na may mga itatalaga din silang mga health personnel para magsagawa ng anti-polio vaccination sa mga mall, terminal, ospital, Rural Health Units at iba pang matataong lugar sa lalawigan.

 

-0-

 

Entrance ng Gensan city hall at katabing gusali mariing ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan sa publiko dahil sa mga bitak na resulta ng mga pagyanig

Idineklarang off limit ng lokal na pamahalaan ang main enrance ng General Santos City Hall at katabing Investment Center building. Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera ito ay matapos makitaan ng mga bitak bunsod ng mga pagyanig nitong mga nakalipas na lingo.

Ipinahayag ni Rivera na ay ito ay bilang pagtalima na rin sa rekomendasyon ng City Engineer’s Office at Office of the Building Official o OBO. Layon nito ayon kay Rivera na masiguro ang kaligtasan ng publiko at mabigyan daan ang agarang pagsasaayos ng mga sinira ng lindol. Sa ngayon ayon kay Rivera ginawa munang temporaryong entry at exit points ang side door at backdoor ng dalawang mga gusali.

Ayon kay Rivera inirekomenda din ang City Engineer’s Office at OBO ang pag-demolish ng konkretong water tank malapit sa City Assessor’s Office na maaring bumagsak anumang oras dahil sa mga bitak.

Sinabi ni Rivera na ang nasabing istruktura na kinokonsidera na cultural heritage ay matagal nang inirekomenda para sa demolosyon dahil sa mapanganib ito sa mga mamamayan at katabing mga gusali.

 

-0-

 

Programa sa pautang ng DA mapapakinabangan ng mga magsasaka na nabigyan na ng Cash Card sa Malungon, Sarangani Province

Natanggap na ng mahigit isang daang mga magsasaka sa Malungon, Sarangani Province ang kanilang cash card. Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng SURE-Aid Program ng Department of Agriculture o DA. Ang nasabing cash card ay gagamitin ng mga magsasaka sa pag-withdraw sa land bank of the Philippines ng perang ipinahiram sa kanila ng pamahalaan.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, layon ng SURE-Aid Program na matulungan ang mga magbubukid na apekto sa pagbagsak ng presyo ng palay. Ang nasabing programa ay laan para sa mga magsasaka ng palay na may isang ektaryang lupain pababa.

Ang 15 thousand pesos na maaring mautang ng mga ito sa pamahalaan ay kanilang babayaran ng walang interest sa loob ng walong taon. Nanguna sa pamimigay ng cash card sa mga benepisyaryong mga magsasaka si Malungon Mayor Tessa Constantino at mga kinatawan ng Department of Agriculture 12.

 

-0-

 

 

NPA fighter yields to NoCot gov

COTABATO CITY  -  North Cotabato Governor Nancy Catamco on Thursday afternoon accepted the surrender of a 54-year-old communist rebel who...

RCSU monitoring security agencies, gun stores in Bangsamoro areas

COTABATO CITY --- Members of the police’s Regional Civil Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region have been inspecting randomly since last week...

Friday the 13th highway crash claims 6 lives in Tacurong

TACURONG CITY – Six persons were killed on the spot, including a baby and three children, after a highway mishap involving at least five...

NDBC BIDA BALITA (12.12.19)

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO, patay sa...

Mindanao checkpoints to continue even without martial law

MANILA -- Checkpoint operations in Mindanao will continue despite the lifting of martial law by year-end.

"Well definitely...