NDBC BIDA BALITA (10.12.17)

NDBC BALITA  • Thu Oct 12, 2017 04:02 PM  •  113   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST OCTOBER 12, 2017 (THU)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. TATLO KATAO, tinambangan ng armadong gryupo sa Sultan Kudarat, Maguindanao; isa sa mga suspek, arestado habang isang bata, sugatan naman matapos tamaan ng ligaw na bala  

2. Katawan ng babaeng nalunod sa Arakan, North Cotabato natagpuan na; 23 anyos na lalaki, nakaligtas naman sa pamamaril sa Kidapawan city.  

3. Damages sa Koronadal market fire, abot P50 milyon, ayon sa BFP

4.  Bilang ng mga namatay na Maute at Abu Sayyaf sa Marawi, dumami pa



-0-




MASWERTENG NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang tatlo katao matapos tambangan ng anim na mga armadong lalaki sa Sultan Kudarat, Maguindanao.  

Sinabi ni Sultan Kudarat PNP chief police chief Insp. Esmael Madin na nangyari ang insidente pasado ala singko ng hapon kahapon sa COTABATO-DAVAO National highway sa bahagi ng Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat.  

Kinilala ni Madin ang mga biktima na sina Datu Razul Denila, 26 years old, isang government employee; Princess Karen Mastor, 37 years old, isa ring government employee; at Alma Abdulla, 35 years old.

Sila ay pawang mga residente ng Sultan Kudarat.   Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na sana ang mga biktima sa Sultan Kudarat mula Cotabato city sakay ng kulay orange na KIA Sephia, may plakang MCA-766 na minamaneho ni Datu Razul Denilo, nang mangyari ang pananambang.  

Samantala, sugatan naman ang isang 13-taong gulang at grade 8 pupil na si Nasser Guimba nang tamaan ng ligaw na bala habang sakay ng isang motorsiklo.  

Nagtamo ng dalawang mga tama ng bala ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan.  

Natagpuan ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa caliber 7.62 mm pistol, carbine rifle, caliber 9 mm pistol at caliber .45 pistol.  

Mabilis namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na nagresulta sa pagkaka-aresto sa isa anim na mga suspek na kinilalang si Oniel Tiboron residente rin sa lugar.  

Habang pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang mga kasamahan nitong sina Husnie Satar (suspect); Abraham Asgar alyas “BAM”; Hapon Satar; Anwar Asgar; at Bohari Umbong   Ayon kay Madin, ‘rido’ o ang matagal ng away ng pamilya Soledad at Satar ang posibleng dahilan sa pananambang ng mga suspek sa mga biktima 


-0-


NASA 24 na mga bangkay pa ng mga hinihinalang miembro ng Maute Group ang natagpuan ng mga sundalo sa loob ng battle zone sa Marawi City.  

Sinabi ni Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez na ang pagkakatagpo sa mga bangkay ay kasunod ng huling yugto ng operasyon ng militar sa main battle area.  

Aniya, 18 sa mga bangkay ay nakuha sa isang abandonadong gusali habang ang anim naman ay mula sa magkakaibang lugar sa loob ng war zone.  

Ang mga bangkay ay pawang mga lalaki na posibleng nasawi sa isinagawang airstrike ng militar.   Sabi ni Galvez, isa sa mga natagpuang bangkay ay foreign-looking na posibleng isang dayuhang terorista na kaanib ng Maute Group.  

Pero sa ngayon, hinihintay pa ang report ng Scene of the Crime Operatives team upang maberipika at magkaroon ng pruweba ukol dito.   Sa ngayon nabatid na nasa tatlong ektarya na lamang ang ginagalawan ng mga natitirang miembro ng Maute Group sa main battle area.  
Samantala, may 22 pang Maute Group members at isang Army Lieutenant ang nasawi sa patuloy na bakbakan sa Marawi.  

Malungkot na ibinalita ni AFP spokesperson Major Gen. Restituto Padilla Jr., ang pagbubuwis ng buhay ng junior officer na si 2nd Lt. Harold Mark Juan ng Army’s elite Special Forces.  

Dahil dito, umaabot na sa isang libo at siyam katao ang nasasawi sa Marawi siege matapos tumaas sa 802 ang napapaslang na Maute, 160 na mga sundalo at 47 mga sibilyan.



-0-


BINUKSAN na kahapon ang bagong Out Patient Department o OPD Building ng Cotabato Sanitarium Hospital sa Barangay Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni Cotabato Sanitarium Hospital chief Dr. Ibrahim V Pangato Jr. na kasabay ng inagurasyon ng naturang gusali at ginawa rin ang groundbreaking ceremony ng 4-storey hospital building, 2-storey warehouse at dietary building ng nasabing ospital.   A

Ayon kay Pangato, ang naturang 20.8 million-peso OPD building ng ospital ay inaasahang makakapagbigay ng de-kalidad na serbisyong medikal at kalusugan sa mga mamamayan ng bayan at mga karatig na lugar sa Maguindanao.  

Samantala, sinabi ni Pangato na sa ngayon ay sinisikap nilang maging 100-bed capacity ang ospital na ngayon ay nasa 25 bed-capacity pa lamang ngunit nagsisilbi sa abot sa 60 mga pasyente.  

Nabatid na dumalo sa inauguration ceremony ng OPD building ng Cotabato Sanitarium Hospital kahapon sina DOH-12 Regional Director  Dr. Aristides Conception Tan; DOH 11 Regional Director Dr. ABDULLAH DUMAMA at mga opisyal ng Sultan Kudarat LGU at ilan pang mga DOH personality.

 

-0-



Sugatan ang 20 taong gulang na lalaki matapos mahagip ng sinasakyang motorsiklo ng dalawang bagitong pulis pasado alas kwatro kaninang madaling araw sa bahagi ng double barrel, Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.  

Kinilala ni Parang PNP chief, police chief Insp. Erwin Tabora ang biktila na si KING MADAG na residente sa lugar.  

Nakilala naman ang driver ng motorsiklo na si P01 JOHARI CASTRO DILAWANGAN, 25 years old, at angkas nitong si P01 ESMAEL MATO BRAYAN, 25 na pawang  mga miyembro ng PNP FTP na naka-base sa D0S PNP at residente ng Cotabato city.
 

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nakatayo sa gilid ng national highway ang biktima nang aksidente itong mahagip ng kulay pulang sniper 150 na walang palaka na minamaneho ni PO1 Dilawangan.   Nabatid na patungo sana sa PNP ARMM headquarters ang dalawang pulis nang maganap ang aksidente.  

Parehong isinugod sa pagamutan ang tatlo na sa kasalukuyan ay patuloy pang ginagamot matapos magtamo ng mga gasgas at sugat sa katawan.  

Samantala, patuloy ding ginagamot sa ospital ang isang binatilyo matapos mabaril ng 18 anyos na nakaalitan nito kahapon ng hapon sa barangay Making, Parang, Maguindanao.  

Kinilala ni Tabora ang biktima na si JAY CALIWANAGAN, 17 anyos at residente sa nasabing lugar.  

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan ang biktima mula sa hindi matukoy na uri ng baril ng suspect na  kinilalalang si WALID LIDASAN,  18 anyos na taga brgy. Poblacion Dos ng bayan.
 

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagka-initan ang suspect at biktima.  

Matapos magtalo, naghagisan pa ng bato ang mga ito hanggang bigla na lamang bumunot ng baril si Lidasan at binaril ng isang beses ang biktima.  

Agad namang tumakas patungo sa hindi malamang direksyon si Lidasan matapos ang insidente.   Ayon naman sa naka saksi sa pangyayari, nabatid na ang biktima umano ang naunang manakit at gumanti lamang umano ang suspect.



-0-



APRUBADO NA sa senado ang 33.569 billion pesos na budget proposal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM para sa susunod na taon.  

Sinabi ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na mabilis na inaprubahan ng mga senador ang panukalang budget kahapon na isang tanda aniya ng malaking tiwala ng mga mambabatas sa kanyang administrasyon.  

Nasa 14.661 billion pesos, o 43.8% ng total budget ay para sa personnel service.  

14.042 billion pesos naman, o 41.96%, ay ilalaan sa capital outlay, at ang natitirang 4.766 billion pesos, o 14.24% ng total budget, ay para naman sa maintenance at iba pang operating expenses.  

Dagdag pa ni Hataman, ang naturang budget ay binalangkas base sa ARMM Regional Development Plan, 2017-2022, na mula naman sa Philippine Development Plan, 2017-2022.


-0-

 


Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Ageny o PDEA 12 sa mga malalaking isda sa bentahan ng iligal na droga sa rehiyon.

Ito ang tiniyak mismo ni PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro. Sinabi ni Castro na maliban sa tatlong mga local chief executives sa SOCCKSARGEN mariing ding binabantayan ng PDEA ang isang maimpluwensyang appointment government official.

Igniit ni Castro na kapag mahuli ang mga malalaking drug personality na ito handa na aniya siyang lumipat sa ibang lugar.

Kinumpirma din ng PDEA 12 Regional Director na ang pagaresto sa ilang mga aniyang ‘big fish” ay may malaking epekto sa kalakaran ng illegal rugs sa region 12.




-0-



Hawak na ng PNP ang suspek sa panghohold up sa ice cream store ni Koronadal City Mayor Peter Miguel. Ang suspek na si Ronald Concepcion, 30 anyos ay naaresto sa follow up operation ng mga pulis sa kanilang lugar sa Barangay Naci, Surallah, South Cotabato.

Ito ay ayon kay Koronadal Deputy Chief of Police, Chief Inspector Jomero Sentinta. Ayon kay Sentinta , nakilala ng mga pulis sa pamamagitan ng CCTV footage ng nahold up nitong Pietro Gelato Ice Cream Shop sa alunan avenue at katabing bakery.

Ang suspek na si Concepcion na tumangay sa mahigit dalawang libong piso sa establisemneto ay nakulong na rin noon sa General Santos City at Surallah, South Cotabato dahil sa mga kasong homicide at robbery.

Isinasailalim pa sa interogasyon ng mga pulis ang suspek matapos makuhanan ng mga ATM cards, baril at mahahalagang dokomento.




-0-


Makatatanggap ng pinansyal na tulong mula sa lokal na pamahalaan ang 336 na may ari ng mga stall na nasunog sa Koronadal public market.

Ayon kay Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano ito ang napagkasunduan sa kanilang emergency meeting.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung magkano ang matatanggap ng apektadong mga stall owners. Idadaan pa kasi ito sa Damage Assessment at Need Analysis ng CDRRMC. Ayon sa tala ng City Social Welfare and Development Office, makikinabang sa pinansyal na tulong ang mga nasunugang stall owners sa Shed 2,4,5,6 at 7 ng merkado publiko.

Damay din sa sunog ang 16 na opisina sa pangalawang palapag ng main building ng palengke. Ito ang tugon ng Koronadal City LGU sa panawagan na tulong ng mga nasunugang negosyante sa merkado publiko.

Kinumpirma naman ni Koronadal City Fire Marshall, Fire Senior Inspectort Jenelyn Te-elen na tinupok ng apoy ang mahigit P50 millin pesos na halaga ng ari arian. Tatlo katao naman ang nagtamo ng minor injury at pawing nakalabas na ng ospital.

Hindi pa makumpirma ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang clearing operation ng mga otoridad sa nasunog na bahagi ng palengke.

May mga nasunugan namang stall owners na pilit na bumabangon at nagpatayo ng temporaryong tent na mapaglagyan ng kanilang mga paninda sa loob ng merkado publiko.



-0-



Makikinabang sa mga proyekto ng KALAHI-CIDSS ng Department of Social Weflare and Development o DSWD ang 17 sa 28 barangay sa Carmen North Cotabato.

Ang mga mamamayan na nag-apply sa mga programa ng KALAHI-CIDSS ay nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang hinihiling ng proyekto sa harap ng mga taga DSWD. Dumalo sa ikatlong Municipal Inter-Barangay Forum Priority Resource allocation ang mga Punong Barangay at iba pang stakeholders.

Ang KALAHI-CIDSS ay programa ng DSWD na pinondohan ng World Bank. Layon nito na makatulong sa mga mahihirap na pamayanan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga proyektong pipiliin mismo ng mga benepisyaryo, tulad ng mga water system at esklwelahan.

Pinakahuling nakinabang sa mga proyekto ng KALAHI-CIDSS ang mga batang estudyante sa Bacolod Elementary School sa Aleosan,North Cotabato na napagtayuan ng apat na silid aralan.




-0-



Isailalim sa State of Calamity ang bayan ng Tampakan. Ito ang rekomendasyon ng Muncipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC sa lokal na pamahalaan ng naturang bayan. Ayon kay Tampakan MDRRMC Action Officer Estela Pascua kasunod ito ng pananalasa ng pagbaha at landslide sa mga barangay ng Tablu, Palo 19 at Kipalbig.

Layon nito ayon kay Pascua na magamit ang bahagi ng kanilang calamity fund para sa agarang rehabilitasyon sa mga nasirang imprastruktura at apektadong mamamayan. Umaasa naaman si Pascua na aaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Tampakan ang kanilang hiling.

Matatandaan na una nang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Tupi, South Cotabato matapos sirain ng malakas na hangin ang mahigit P200 thusand na halaga ng mga arian at imprastraktura.



-0-



HUSTISYA at katarungan ang sigaw ng ina at misis ng pinaslang na magsasakang si Bhebs Nero Quino, 35, ng Barangay Kamada, Magpet, North Cotabato Sa panayam, sinabi ni Ruby Castor-Quino, ina ng biktima, na walang kapatawaran ang brutal na pagpaslang sa mismo niya’ng anak.

Si Nero ay sinasabing binaril ng tatlong beses ng mga nagpakilalang mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA sa labas ng sabungan sa may Barangay Temporan, ala-140 ng hapon, nito’ng Sabado. Nang tiyaking patay na ang target, dinuraan pa raw ng mga suspect ang bangkay ng anak, ayon kay Aling Ruby.   

Ang ginawang ito ng mga rebelde kay Nero ay pagyurak sa karapatan niya’ng mabuhay.
Wala raw katotohanan ang paratang ng NPA sa kanya na informant o intelligence asset ito ng 39th IB kaya nila pinatahimik.

Matagal na umanong nilinis ng anak niya ang pangalan sa NPA noong ang lider pa lamang nila ay si Commander Joel at Commander Aman. Nang pumasok raw ang isang Commander Bulldozer, saka nagbago ang lahat, at muli na naming nagging biktima ng intriga si Nero.  

Kaya’t nito’ng Sabado, pinatay na siya ng mga rebelde.
Ang ginawang ito ng NPA ay kawalang katarungan at di makatuwiran.   Kaya’t panawagan niya sa mga miyembro ng Masan g NPA sa kanilang barangay na ‘wag nang suportahan ang kilusan para tuluyan na ito’ng bumagsak.



-0-


Patay ang isang lending collector ng pagbabarilin ng di pa nakilalang gunman sa Brgy. Bangilan, Kabacan, North Cotabato ala-1:00 kahapon ng hapon. Kinilala ni Police chief Inspector Bryan Placer ang hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Roderick Cagadas Paquit, 30-anyos, collector ng Livingstone lending Investor na nakabase sa Kidapawan city.

Ayon kay Placer posibleng nasundan ng mga suspek ang biktima matapos na maningil sa loobang bahagi ng barangay na 13 kilometro ang layo mula sa Poblacion ng Kabacan.

Nagtamo si Paquit ng tama ng bala sa ulo at dibdib nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Malaki ang paniniwala ng pulisya na tinagay ang gamit nitong motorsiklo kasama ang collection nitong cash matapos na maiwang nakabulagta sa crime scene si Paquit at nawawala ang minamanehong motorsiklo.

Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang responsable sa krimen na sinasabing tumakas sa bahagi ng Sitio Natotongan, Brgy. Sanggadong. Sa ibang balita, patuloy ngayong iniimbestigahan ang insidente ng panloloob sa ilang establisiemento sa Kabacan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, libu-libung halaga ng mga gamit at cash ang natangay ng looban ang isang western union petnet pera hub, Armscor gun store at tiles center na pag-mamay-ari ni Marinisa Gandola.

Kabilang sa mga nalimas ng mga magnanakaw ang mga panindang mga bala at ilang gamit ng baril na hindi bababa sa sampung libu ang halaga. Natangay din ang mga barya ng Western Union na umaabot P3,000.

Sa tiles Center, nalimas din ang Samsung Tablet na umaabot sa P10,000, isang kalibre .38 revolver, mga uniform at revolving money na umaabot sa P20 thousand pesos.  


-0-  



Nilinaw ng Presidente ng Magpet Kidapawan Drivers and Operators Association na walang katotohanan ang reklamo ng mga mananakay sa Brgy. Gubatan sa bayan ng Magpet, na hindi sila magpapasakay ng mga pasahero. Ayon kay Ruperto Alcontin, ang Pangulo ng asosasiyon na wala silang deriktiba na pagbawalang pasakayin ang mga pasahero sa Brgy. Gubatan.

Reaksiyon ito ng opisyal matapos na magpadala ng sulat reklamo sa programng ‘Mulo sa Katawhan’ ng DXND Radyo BIDA ang mga ilang mga mananakay sa lugar. Anila, kailangan pa umanong pumunta ang mga taga-Gubatan sa Poblacion,Magpet para lang sumakay ng tricycle papunta ng Kidapawan.

Kungsaan madadaanan lang ang nasabing barangay buhat sa Poblacion patungo ng Kidapawan. Gayunpaman, nilinaw ni Alcotin na ang pamasahe mula sa Poblacion Magpet at Brgy. Gubatan ay parehong P20 pa rin.



-0-  




Tinututukan ngayon ng pamunuan ng North Cotabato District Jail ang Kalusugan ng mga bilanggo sa Amas, Kidapawan City. Ito matapos na maiulat ang pagkasawi ng isang preso sa nabanggit na piitan dahil sa atake sa puso. Kinilala ang nasawing preso na si Rene Belgera, 49 residente ng Midsayap, North Cotabato.

Naisugod pa sa Cotabato Provincial Hospital ang detainee na si Belgera noong October 9, subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor. Maalaalang buwan ng Septyembre ay dalawang inmates din ang namatay dahil sa sakit na Tuberculosis.

Pahayag naman ni Jail Warden Supt. Simeon Dolojo Jr. minomonitor nila ang kalagayan ng mga inmates at meron silang isolation room para sa mga inmates na merong malalang sakit.        


-0-        




TODO-TANGGI si Acting City Administrator Lu Mayormita sa alegasyon na posibleng kinuha mula sa fuel allocation ng mga kapitan sa kanilang barangay ang perang ginasta nila patungong Bangkok, Thailand.

Ayon kay Mayormita, ang release ng gas slip at payment ay nakabatay sa fuel request ng mga kapitan.  

Halimbawa, kung totoong P24 thousand ang ginasta ng kada kapitan patungong Thailand, ang katumbas na gasolina nito ay abot sa 714 litro.


Wala raw sasakyan ang puwede’ng tumanggap ng ganito karaming litro ng gasolina.

At isa pa, ayon kay Mayormita, masisilip ng nasa accounting department kung may anomaly sa fuel allocation.

Muli, nilinaw niya na sa sariling bulsa ng mga kapitan galing ang ipinambayad sa ticket at hotel accommodation o tour package nila patungong Thailand. Ang pabaon lamang ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa kada kapitan ay P5 thousand – at hindi P20 thousand, na mula pa sa sarili niya’ng bulsa.

Reaksyon ito ni Mayormita sa ipinakakalat na report na ang bayad para sa tour package ay mula sa P200 thousand na barangay aid ng city LGU.

Abot sa animnapu katao, 32 rito mga kapitan mula sa Kidapawan Ciry, ang sabay-sabay na bumiyaheng Bangkok, Thailand para sa tatlong araw na private trip.   
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy