NDBC BIDA BALITA (10.5.17)

NDBC BALITA  • Thu Oct 5, 2017 02:47 PM  •  223   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST OCTOBER 10, 2017 (THU)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. MAHIGIT 200 pamilyang lumikas mula sa isang barangay sa South Upi, Maguindanao, hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga bahay.  

2. Dose anyos na babae, patay matapos masagasaan ng Mindanao Star sa Cotabato-Davao highway.  

3. Polomolok police chief, na-relieve sa pwesto matapos ang pagpatay sa deputy police chief.

4. Pagkolekta ng irrigation fee sa mga magsasaka, bawal na, ayon kay Sec Pinol

--
-0-




NANANATILI pa rin sa temporary shelters ang mahigit 200 pamilyang lumikas mula sa Barangay Lamud, South Upi, Maguindanao.  

Sinabi ni South Upi mayor Reynalbert Insular na lumikas ang naturang mga residente sa lugar matapos na mabaril at mapatay ang kanilang punong barangay na si Mamayog Datuwata.  

Ang suspek sa pagpatay sa kapitan ay ang mismong 1st kagawad din ng barangay na si Tolondatu Omar batay na rin sa imbestigasyon ng PNP sa bayan.
 

Ayon kay mayor Insular, nag-ugat ng gulo sa pagitan ng mga barangay official matapos na mabaril ng barangay treasurer na si Yuyut Datuwata si kagawad Omar Setyembre noong nakaraang taon.  

Nabatid na hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Datuwata na nahaharap sa kasong frustrated murder.  

Samantala, sabi naman ng isa sa mga bakwit na si Minda Ayunan, taga-Sitio Kapugan, may asawa at sampung anak, gusto niya ng umuwi sa kanilang lugar.  

Ngunit aniya, natatakot sila na baka sumiklab muli ang gulo sa pagitan ng mga kamag-anak at supporter ng napatay na barangay chairman at ng 1st kagawad.  

Kaugnay nito, kahapon ay nagpadala na ng paunang tulong ang South Upi LGU para sa mga bakwit na ngayon ay nasa karatig na mga barangay ng Ganasi at Nangi sa Upi, Maguindanao.  

Sabi ni mayor Insular, tumanggap ng food packs, mga kulambo, kumot at mga midisina ang mga apektadong pamilya.  

Nabatid na marami sa mga bata, kababaihan at matatanda ay nagkakasakit na.  

Kabilang sa mga ini inda ng mga ito ay ubo, sipon, at lagnat. Marami rin sa kanila ang nagkaroon ng skin diseases at sore eyes.  

Samantala, sa ngayon sinabi ni Insular na problema rin kung sino ang mamumuno sa barangay Lamud dahil ang nakatakda sanang pumalit sa napatay na punong barangay ay pangunahing suspek sa krimen.  

Nabatid naman mula kay South Upi Interior and Local Government Officer Cecilia Pelobillo na sa ngayon ay nakabinbin ang trabaho at mga sahod ng barangay worker sa Lamud habang walang pang naitalagang bagong chairman.
 
-0-



Dead on the spot ang 26 na taong gulang na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman pasado ala sais kagabi sa Don Rufino Alonzo Street, partikular sa harap ng sun sky marketing, Barangay Poblacion Singko, sa Cotabato City  

Kinilala ni City police station 1 commander Chief Insp. Jude Marlon del Carmen ang biktima na si Hayder Abdula Ameril may asawa at residente ng Tokananes street, Barangay Poblacion Siyete ng syudad.  

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.  

Samantala, patuloy namang ginagamot sa ospital ang isang saleslady ng Sun Sky Marketing matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanyang tuhod.  

Ang biktima ay kinilalang si Samara Datu Ali, 33 anyos at taga crossing Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao.  

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad laban sa suspek ngunit bigo silang mahuli ito.  

Patuloy ngayong inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito sa pagbaril at pagpatay sa biktima.  


-0-


LABIMPITONG mga bihag ng ISIS-Inspired Maute Group ang nasagip ng mga sundalo mula sa battle zone sa Marawi City sa ika-135 araw ng bakbakan doon kahapon.  

Gayunman, tumanggi muna si Defense Secretary Delfin Lorenzana na pangalanan ang mga nasagip na bihag at magbigay ng karagdagan pang detalye habang nagpapatuloy pa ang rescue operations ng militar.  

Aniya, ang mga nasagip ay kinabibilangan ng siyam na mga lalaki at walong mga babae na nagkaka edad ng 18 hanggang 75 taong gulang.   Nabatid pa na ilan sa mga ito ay mga guro ng Dansalan College.  

Sa ngayon, tinatayang nasa 20 katao na lang ang hawak na bihag ng Maute Group.   Ayon kay Lorenzana, nasa 753 terorista na ang napapatay habang aabot naman sa 155 security forces na nagbuwis ng buhay at 47 naman sa panig ng sibilyan ang napatay.  

Samantala, nasa 795 armas ang narekober mula sa battle zone.  

Sinasabing may napatay na apat pang mga miembro ng Maute Group sa rescue operations ng militar kahapon, pero ito ay patuloy pang benibiripika ng mga otoridad.


-0-


NAKATAKDANG MAGTAPOS bukas ang mahigit 50 mga indibidwal na lumahok sa limang araw na explosive ordnance reconnaissance training sa Pigcawayan, North Cotabato.  

Sinabi ni Pigcawayan Mayor Eliseo Jun Garcesa Jr. na layon nitong mas maging handa ang komunidad sa mga insidente ng pagpapasabog at mga kahalintulad na pangyayari sa bayan.  

Naniniwala ang alkalde na mas mabuting may mga trained personnel mula sa iba’t ibang sektor para sa mas epektibong pagharap sa mga problemang may kaugnayan sa pambobomba.  

Samantala, ang naturang pagsasanay ay nilahukan ng mga indibidwal mula sa hanay ng PNP, Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT, vendors, drivers, traffic enforcers at ang ilan pang volunteers.  

Nabatid na magkakaroon din ng Identification Card at uniform ang mga lumahok upang mas madali silang matukoy at makilala sa oras na sila’y kakailanganin.

Nananawagan naman ang alkalde sa mamamayan ng Pigcawayan na maging mapagmatyag sa kanilang mga paligid at agad magsumbong sa mga otoridad kapag may mga napansing kahina-hinalang mga tao o mga bagay sa kanilang lugar.  



-0-


Dead on the spot ang isang lumberyard  machine operator matapos walang kaabog-abog na pagbabarilin ng dalawang hindi na nakikilalang mga suspek pasado alas dos ng hapon kahapon sa Brgy. Tubon, Pigcawayan, North Cotabato.  

Kinilala ni Pigcawayan Chief of Police, chief insp. Realan Mamon ang biktima na si Rico Chua Usman, 20 anyos, may asawa at taga barangay Guiawa, Northern Kabuntalan, Maguindanao.  

Sa imbestigasyon ng Pigcawayan PNP, sinabi ng asawa nitong si Norkeya Taluyan na nagpanggap umanong mga customer ang dalawang mga suspect at nang lapitan ng mga ito ang biktima ay agad na pinagbabaril.  

Nagtamo ng pitong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.  

Narekober ng pulisya sa crime scene ang pitong mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit ng mga suspek sa pamamaril.  

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorisklo matapos gawin ang krimen.

Patuloy ngayong inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito sa pagbaril at pagpatay sa biktima.  



-0-


Bumababa na lamang muna kung kailangan.

Ito ang paalala ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga kontraktor ng provincial government na nasa mga liblib na lugar ng lalawigan.

Ang pahayag na ito ni Fuentes ay kasunod ng pagsunog ng New Peoples Army o NPA sa packing plant ng Sumifru Philippines sa Sitio Lacag, T’boli, South Cotabato. Matatandaan na bago ang insidente sa Sumifru, dinis-armahan din ng mga rebelde ang lider ng Barangay Peacekeeping Action Team at Secretary ng Barangay Tudok sa naturang bayan.

Sinabi ni Fuentes na isang lingo bago naganap ang pang-haharass binalaan na nito ang mga kontraktor sa mga liblib na lugar ng lalawigan. Ayon kay Fuentes inaasahan na kasi ang paglunsad ng karahasan ng NPA sa buong bansa.

Ito ayon kay Fuentes ay matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang krisis sa Marawi, sunod namang tututukan ng gobyerno ang pagtugis sa mga rebelde.

Ayon kay Fuentes nais lamang kasing ipakita ng rebeldeng grupo na malakas pa rin umano ang kanilang pwersa.

Aminado din ang gobernador na hirap makahanap ng common ground ngayon ang gobyerno at mga rebelde para sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan. Nanawagan din si Fuentes sa mga mamamayan ng South Cotabato lalong lalo na sa mga liblib na lugar na agad na isumbong sa mga otoridad ang presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.



-0-


Maglagay ng early warning system sa mga barangay upang balaan ang mga mamamayan sa posibleng kalamidad. Ito ang hiniling ng Mines ang Geosciences Bureau o MGB 12 ng Department of Environment and Natural Resources sa lokal na pamahalaan ng Koronadal.

Ayon kay MGB 12 OIC Regional Director Efred Carido, kapag may early warning system agad na makahingi ng tulong ang mga mamamayan sa barangay sa mga kinauukulan.

Ito ay kung sakali mang may nagbabadya na mga pagbaha at landslide lalong lalo na ngayong madalas nakararanas ng mga pagulan ang lungsod.

Sinabi ni Carrido na dahil napapaligiran ng bundok, may mga lugar sa Koronadal City na namemeligro sa baha at landslide.

Binigyan diin ni Carrido na tagulan sa SOCCKSARGEN tuwing mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre kung kelan malaki ang posibilidad ng pananalasa ng kalamidad. Kaya payo ni Carrido sa City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC lalo pang paigtingin ang kanilang information education campaign sa mga landslide at flood prone areas sa Koronadal.



-0-



Tatanggap ng entry para sa Eco-Scilympics ang Department of Education o Deped 12 hanggang Oktobre 30. Ito ay ayon kay Deped 12 OIC Regional Director Arturo Bayocot. Ayon kay Bayocot ang kumpetisyon ay bukas sa lahat na mga pribado at pampublikong eskwelahan sa elementrya at sekondarya.

Layon nito ayon kay Bayocot na mapanatiling buhay at kapakipakinabang ang prinsipyo ng agham sa mga estudyante at guro paara sa makakalikasang kapaligiran. Pipiliin din sa Eco-Scylimpics ang Best Science Investigatory Researchers na magiging kinatawan ng region 12 sa National Science and Technology Fair.

Ayon kay Bayocot pwedeng makilahok sa kumpetisyon ang mga Division Science Education Program Supervisors, Science Coordinators o adviser,at YES-O Officers. Kwalipikado rin ayon kay Bayocot ang mga division winners at coach sa iba’t ibang patimpalak sa elementarya, sekondarya at senior high school.

Ayon kay Bayocot host ng Eco-Scilympics 2017-2018 ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ito ay gaganapin naman sa Kalawag Central Elementary School sa bayan ng Isulan sa Nobyembre 23 hanggang 25. Tema nito ang “Science & Technology on the Move for an Eco-friendly Environment and its Sustainability.”



-0-


Tinanggal na bilang hepe ng pulisiya ng Polomolok, South Cotabato si Police Chief Inspector Aldrin Gonzales.

Ito ay ayon kay South Cotabato PNP ,Police Community Relations Officer,Chief Inspector Marvin Duadua. Ayon kay Duadua ipinalit kay Gonzales si Police Chief Inspector Alex Joe Orcajada dating nakatalaga sa Police Regional Office 12 sa General Santos City.

Ayon kay Duadua ni-relieve si Gonzales, kasunod ng pagpaslang noong nakaraang lingo kay Polomolok Deputy Chief of Police, Chief Inspector Hernan Gabat.

Ito ay maliban pa sa serye ng pagpatay sa Polomolok nitong nakalipas na lingo. Umaasa naman sila ayon kay Duadua na sa pamumuno ng bagong Chief of Police ay mareresolba ang serye ng pamamaril at pagpatay sa Polomolok.

Pinakahuling biktima ng pamamaril sa bayan ang tricyle driver na si Roger Domabildo na nasawi sa pamamaril ng riding tandem sa barangay Cannery sa naturang bayan. Ayon kay Polomolok PNP Chief Investigator Romeo Albano, isinasantabi na nila ang iligal na droga sa pagpaslang sa biktima.

Paliwanag ni Albano wala kasing criminal record at sa talaan ng drug watchlist ang biktimang tricyle driver na namamasahero lamang ng paslangin.

Ayon sa police official maaring personal grudge ang motibo ng mga tumakas na suspek sa krimen.


-0-



Walang deklarasyon ng holiday sa araw mismo ng Charter Anniversary ng Koronadal sa October 8. Ito ang nilinaw ni Koronadal City, Mayor Peter Miguel.

Ayon sa alkalde nakasanayan na kasi ng lokal na pamahalaan na gawin pa ring regular na araw ang selebrasyon ng pagkakatag sa Koronadal bilang lungsod.

Bukod dito,nataon din ang October 8 sa araw ng lingo kung kelan walang trabaho ang maraming mamamayan. Kaya ayon kay Miguel inaasahan na kahit hindi holiday dadagsain pa rin ng mga mamamayan ang selebrasyon dahil sa mga aktibidad na inihanda ng lokal na pamahalaan. Sentro naman ng selebrasyon kasabay ng 7th Negosyo Festival ang Rizal Park kung saan gaganapin ang closing program.

Tampok din sa pagdiriwang ang “Binayle sa Parke”, Celebrity Night at pamimigay ng pangkabuhayan showcased sa mga maswerteng mamamayan.

Sa ngayon ay ginaganap na ang motorcade sa mga pangunahing kalye ng Koronadal bilang pormal na pagsisimula sa apat na araw na selebrasyon.


-0-


NAGHIHINGALO na ang dose anyos na babae nang dalhin sa isang opsital sa Bansalan, Davao del Sur matapos mabundol ng Mindanao Star Bus, alas-tres ng hapon, nito’ng October 4.  

Makalipas ang ilang minuto, nalagutan rin ng hininga ang batang si Riza Banawan ng Purok-Dos, Barangay New Ocon, Magsaysay, Davao del Sur.  

Ayon sa report ni Senior Inspector Edilberto Cabillo, hepe ng Magsaysay PNP, biglang tumawid sa kabilang kalsada ang batang si Banawan dahilan para mahagip siya ng paparating na Mindanao Star Bus.  

Nagawa pang isugod sa Centino Medical Clinic sa kalapit-bayan sa Bansalan ang biktima pero di pa rin magawang maisalba buhay niya.   Ang bus na may plakang ACX 7287 ay minamaneho noon ng isang Elmer Lungga, 44 anyos, at taga-Alabel, Sarangani.  

Inilagayna sa kustodiya ng Magsaysay PNP ang bus at ang driver para papanagutin sa krimeng ginawa.   Posibleng kakaharapin ng driver ang kasong, reckless imprudence resulting to homicide.  



-0-



KUNG SI AIDA LABINA, ang psychologist naempleyada ng Kidapawan City Government, ang tatanungin, walangmali sa paggamitniya ng social media sa panahon ng trabaho.  

May basbas raw itosakanyang head na si Magda Bernabe ng Human Resource Management Office o HRMO.   Ang mga posts niya raw noong September 4 aypatungkolsa mga activities ng city LGU na covered ng memorandum ng chief executive.  

Kasama sa team si Labina bilang in-charge ng passporting project ng Office of the City Mayor’s Office sa pag-iikot sa mga bayan sa ikalawangdistrito ng North Cotabato, noongaraw na ‘yun.  

Buweltani Labina, hindilamangsiya sa mga empleyado ng city hall ang gumagamit ng social media kapagpanahon ng trabaho, kundimarami pa.  

KASABAY nito, sinabini Labina na walangbatas na nagbabawal sa mga kawani ng pamahalaan na gumamit ng social media kahitpanahon ng trabaho.  
 

Bahagi raw ito ng, ‘freedom of expression’ naginarantiya ng Konstitusyon ng bansa.   PERO UMANI pa rin ng puna ang pahayagnaito ni Labina.  
Ayon sailang mga Bida Texter, mas maige raw na sa official page ng Kidapawan LGU nag-post si Labina ng mga larawan at info patungkol sa mga opisyalniya’nglakad at hindi sa kanyang personal FB account.  


-0-

HINDI pa batid, hanggang sa ngayon ng Cotabato Provincial Police Office o CPPO, kung aling grupo ang nasalikod ng pagpapabagsak ng tore ng National Grid Corporation of the Philippines sa bayan ng Carmen, North Cotabato, nito’ngMartes ng gabi.  

Ayon kay Superintendent Bernard Tayong, spokesperson ng CPPO, wala pang maiturong grupo ang Carmen municipal police station sa mga responsable sa pangyayari.   I

naalam
rin ng PNP kung ang naganapnito’ngMartes sa Carmen ay konektado sa mga nagdaang IED blast sa mga tore ng NGCP sa bayan ng Aleosan, North Cotabato, at sa Maguindanao.  

Nabatid
na may kinalaman sa ‘di pagbabayad ng sahod ng NGCP sa ilannila’ng mga trabahante ang motibo sa pagpapasabog noon ng mga steel tower.  

Ayon pa kay Tayong, ilang mga IED rin ang itinanimsapaa ng tore na no’ngsabay-sabay na sumabog ay nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.  

SA KABILA ng matindingpagsabog, di raw itonagdulot ng blackout sa mga service areas ng NGCP.

Nagkaroonlamang ng power interruption nangdumating ang linemen at crew ng NGCP para ayusin ang bumagsakna tore, ayon pa kay Tayong.  


-0-


MAHIGPIT naipinagbabawal ni Agriculture Secretary Manny Pinol ang pagsingil ng irrigators’ fee sa mga magsasaka na nakikinabang sa irigasyon na itinayo ng gubyerno.  

Nilinawitoni Pinol sa kanyang, ‘Biyaheng Bukid’, sa bayan ng Kabacan, nito’ngMartes.   Ang isyusapaniningil ng irrigators’ fee ay natalakay sa panahon ng open forum sa sektor ng mga magsasaka.  

Kaya nga ba’tmuli’ngnanawagansi Pinol sa mga irrigators association na iwasan o itigil na ang paniningil ng bayad sa mga benepisyaryo ng irigasyon.  

May karampatangparusa ang naghihintaysa mga Irrigators Association kapagpatuloynila’nglalabagin ang memorandum order na ito ni Pinol.  



-0-



ISANG botikasa Kidapawan City ang sinampahan ng kasomataposbigo'ngmagbigay ng diskwento sa mga senior citizens.  

Tatlongiba pang mga establisiemento ang nasampulanrinperonadalasa amicable settlement, ayon sa report ng Office od the Senior Citizens Affairs (OSCA).  
Dalawarito mga botikarin at ang isabigasannanasa Mega Market, ayonkayMilagrita Valdevieso, pinuno ng OSCA Kidapawan.  

Sinabi pa ni Valdeviezo na makailangbeses na nakatanggap ng reklamo ang OSCA mula sa ilang mga myembronitokaugnay sa hindipagsunod ng ilang mga establisyemento sa Republic Act  9994 kongsaanmakaka-discount ng mula lima hanggangdalawampungporsiento ang mga senior citizen.
 

Mataposnamatanggap ang report ay agad na ipinatawag ang mga nagmamay-ari ng naturang mga establisyementoupangkausapindahildesidido ang mga nagrerklamongsampahansila ng kaso.  

Saapat na mga tindahan, tanging iisalang ang matigas at hindinadala sa amicable settlement.   Di namanbinanggitniValdeviezo ang pangalan ng naturangbotika.  
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy