NDBC BIDA BALITA (10.7.17)

NDBC BALITA  • Sat Oct 7, 2017 08:40 AM  •  164   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST OCTOBER 6, 2017 (SAT)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. MAYOR ng Maasim, Sarangani, sumuko matapos i-raid ng PDEA and bahay; P5 milyong halaga ng shabu, nasamsam  

2. Isang korporasyon, kakasuhan kung di magbayad ng real property tax

3. HALOS kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska sa serye ng anti-illegal drugs operations sa Cotabato city; anim katao, arestado  

4. Bilang ng mga nasawi sa Marawi City, nadagdagan pa





-0-




Abot sa isang kilo ng umanoy shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon piso ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa bahay ni Maasim, Sarangani Mayor Aniceto Lopez.

Ito ay ayon kay PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro. Ayon kay Castro nasamsam din ng kanilang raiding team sa bahay ni Lopez ang mga drug paraphernalia.

Kabilang sa mga ito ayon kay Castro ang mga drug paraphernalia na may bakas ng umanoy ecstacy, laboratory equipment, mga matataas na calibre ng baril, pampasabog at listahan ng mga umanoy kasama nito sa illegal drug transaction.

Sinabi ni Castro na wala sa kanyang bahay si Lopez nang magsagawa ng raid ang PDEA kahapon ng madaling araw. Nanguna mismo sa pag-raid sa bahay ni Lopez si PDEA Director General Aaron Aquino.

Si Lopez ay pinagdududahan umanong protektor ng Al-Khalifa Philippines o AKP.

Matatandaan na ang AKP ay pinamumunuan ni Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy Maguid na napatay matapos makaengkwentro ang mga otoridad sa Sarangani noong Enero.



-0-




Sa kaugnay na balita, sumuko rin kahapon kay Sen. Manny Pacquiao si Maasin, Sarangani Mayor Anecito “Jojo” Lopez, Jr. ilang oras matapos makadiskubre ng PDEA 12 agents ang nasa isang kilong iligal na droga sa loob ng tahanan nito.  

Matatandaang ni-raid ng PDEA 12 agents ang seaside resthouse ni Lopez sa Lumasal Village, Maasin kahapon ng umaga pero hindi nila nadatnan doon ang alkalde.   Nang malaman ni Pacquiao ang pangyayari, pinayuhan ng senador si Lopez na sumuko upang hindi bumigat ang kanyang kaso.  

Pero itinangi ni Pacquiao na siya ang nag-negotiate para sumuko si Lopez.   Giit ng senador, nagpadala ng surrender feeler si Lopez kaya’t agad din siyang nakipag-ugnayan sa PDEA 12.  

Bago magtanghali kahapon, nagpadala ng mensahe si Lopez na susuko lamang ito sa senador.   Ang Maasin ay isa sa mga bayan sa Sarangani na probinsiya ng senador.  

Ayon pa sa tanggapan ng senador, bagaman at hindi kapartido ni Pacquiao si Lopez, isa ito sa kanyang mga supporters.  

Itinurnover ni Pacquiao si Lopez kay PDEA director general Aaron Aquino sa General Santos City.   Ipinaalala rin ni Pacquiao sa lahat ng mga opisyal ng Sarangani na iwasan ang katiwalian at iligal na droga.  

Nilinaw naman ng senador na hindi niya hinuhusgahan si Lopez pero dapat mabigyan ito ng pagkakataon na masagot ang mga reklamo laban sa kanya.



-0-


TINATAYANG nasa kalahating milyong piso ang kabuuang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM, Cotabato City Intelligence Branch, Barangay Anti-Drug Abuse Council at City PNP.  

Sa kanilang mga inilunsad na joint operations nitong Huwebes, October 5, 2017, anim katao rin ang naaresto.  
Kinilala ni PDEA ARMM Dir. Juvenal Azurin ang mga nadakip na sina Marlon Campiad Embad, 41-anyos na naaresto sa M. Estrella Street, Barangay Poblacion 3, Cotabato City pasado alas-dos ng hapon noong Huwebes.  

Nakumpiska mula sa kanya ang apat na mga pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalangang P75,000, mga drug paraphernalia, cellphone, at dalawang honda motorcycles;  

Timbog din pasado sais ng gabi sa parehong araw ang apat katao sa Mother Barangay Rosary Heights, sa naturang lungsod.  

Ang mga suspek ay kinilalang sina Faisal Saguira Salik, 40-anyos isang magsasaka at kasamahan nitong si Gudtong Guinandingan Silongan, 40-anyos, at pawang mga residente ng Almonte Extension, barangay Poblacion-Dos ng syudad.  

Arestado rin sina Thong Lumna Zainal, 38-anyos at si Onso Lumna Zainal, 42-anyos, pawang mga driver at mga residente ng Mother Barangay Rosary Heights.  

Nakumpiska naman mula sa mga nansabing suspek ang tatlong mga pakete ng shabu, isang unit ng red Yamaha Crypton motorcycle, at isang black XRM motorcycle.  

Samantalang naaresto din ng PDEA si Tato Salaman Abdul alias “Tato”, 32-anyos sa isa pang buy-bust operation sa Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao pasado alas-nuebe ng gabi ng Huwebes.  

Nasamsam mula sa kay Tato ang limang pakete ng pinaniniwalang shabu, 1 lighter, at P500 na marked money.   Sa ngayon ay nasampahan na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at nasa kustodiya na ng PDEA ARMM.    




-0-  


Local …………………
 


ARESTADO ang tatlong mga lalaki sa isinagawang joint Anti-illegal Drug Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM, Sultan Kudarat PNP, Maguindanao PNP at Army’s 37th Infantry Battalion, pasado alas-kwatro ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Abdulrahim Buisan Buyok alyas banban, 31-anyos, may asawa at walang trabaho; huli rin si Bhasher Batua Buyok alyas botbot, 38-anyos, may asawa at isang barbero; at si Hasim Buisan Buyok alyas betbet, 37-anyos, may asawa at walang trabaho; ang mga suspek ay pawang mga taga Brgy. Katuli, Sultan Kudarat.  

Nasamsam ng mga otoridad ang pitong mga sachet ng pinaghihinalaang shabu mula kay Bashe Buyok; habang limang pakete ng shabu, tatlong improvised glass tooters, isang bamboo stick na ginawang clipper sa mga pakete ng shabu, at dalawang disposable lighters naman ang nakuha mula kay Abdulrahim Buyok; samantalang pitong mga pakete ng shabu naman ang nakumpiska mula kay Hasim Buyok.  

Ang mga suspek ay nahuli mismo sa loob ng kanilang bahay sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC Branch 13.  

Sa ngayon nakakulong na sa detention cell ng PDEA ARMM ang mga drug suspect.  



-0-


Sugatan ang isang payong-payong driver sa isang pamamaril pasado 8 ng gabi kagabi  sa Datu Udtong Matalam St., RH 10, Cotabato City.  

Kinilala ang biktimang si Mosalik Samama, 22 anyos, at residente ng nasabing lugar. Habang ang suspek naman ay kinilalang si Theng Decay  45-anyos at tiyuhin umano ng biktima.
 

Nagtamo ng tama ng bala si Samama sa kanang binti nito mula sa calibre 45 baril at kasalukuyang nagpapagamot sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC habang suspek naman ay patuloy paring pinaghahanap ng mga otoridad.  

Hindi pagkakaintindihan ang isa sa mga tinatanaw na anggulo ng mga pulis sa nasabing pamamaril.  


-0-



PERSONAL ang dahilan at kusang-loob ang desisyon ni dating Anak Mindanao partylist representative Sitti Djalia Turabin-Hataman na magbitiw sa tungkulin.   Ito ang muling iginiit ng mister ng dating kongresista na si ARMM Governor Mujiv Hataman.  

Iginiit ni Hataman na walang halong politika ang pagbibitiw sa tungkulin ng may-bahay at wala rin umano itong balak na tumakbo pa sa kahit anong posisyon sa gobyerno sa mga darating na eleksyon.  

Sa iba pang balita, nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng ARMM government sa mga bakwit na mula sa Marawi city.   Ito, ayon kay Governor Hataman, ay sa kabila ng kakapusan ng pondo.  

Inamin ng gubernador na ubos na ang kanilang pondo para ipagpatuloy ang pagbibigay ng relief assistance sa mga evacuee na nasa ilang mga bayan ng Lanao del Sur at Iligan city.  

Gayunman, aniya, nakipagtulungan ang ARMM Government sa World Food Program at International Committee of the Red Cross.  

Ayon kay Hataman, humiling na sila ng karagdagang budget na manggagaling sa realignment ng kanilang savings pero hanggang ngayon ay wala pa ring tugon dito ang mga kina-uukulan.

Sa datus ng ARMM HEART, huling namahagi ang ARMM government ng tig 25 kilong bigas sa mga bakwit nitong September 29.  

Nasa 1,118 IDPs ang tumanggap ng bigas mula sa Piagapo, Lanao del Sur; 1,079 IDPs sa Taraka, Lanao del Sur; at 1,244 IDPs sa Marantao, Lanao del Sur.  

Sinabi ni ARMM HEART spokesperson Myrna Jo Henry, nitong September 26, ay namigay din ang ARMM HEART ng tig-25 kilong bigas sa 582 mga bakwit sa Amai Manabilang o Bombaran.


-0-



Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawing sundalo sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City.  

Sinabi ni AFP Spokesperson Major General Resituto Padilla na isa pang sundalo ang nagbuwis ng buhay kahapon ng umaga, October 6.  

Dahil dito, nasa 156 na ang bilang ng mga nasawi mula sa hanay ng pamahalaan.  

Namatay aniya ang sundalo matapos matamaan ng sniper mula sa teroristang Maute group.  

Nanatili naman sa 753 ang bilang ng mga nasawi mula sa teroristang grupo.  

Ayon kay Padilla, sa ngayon nasa pito hanggang walong ektarya na lamang ang lugar na nagkakabakbakan ang dalawang grupo.  

Aabot pa sa 40 ang bihag ng mga terorista.   Aniya, nasa 40 hanggang 50 terorista na lamang ang nakakalaban ngayon ng militar.  


-0-

Ang pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ang isa sa mga anggulo na tintingnan ng pulisiya sa pagpaslang kay Polomolok PNP Deputy Chief of Police, Senior Inspector Hernan Gabat.

Ito ay ayon kay South Cotabato PNP, Police Community Relations Officer Chief Inspector Marvin Duadua. Ayon kay Duadua bago pinaslang si Gabat, sunod sunod ang anti illegal drug operation ng mga pulis sa Polomolok.

Tumanggi muna si Gabat na isapubliko ang mga pesonalidad na sinusundan ng PNP sa kaso ni Gabat para hindi makasira sa kanilang imbestigasyon. Matatandaan na si Gabat at dalawang mga kasama ay nasawi ng pagbabarilin ng riding tandem na mga suspek sa national highway Polomolok noong nakaraang lingo.

Ayon kay Duadua , paulit ulit na pinaalalahanan ngayon ni South Cotabato PNP Provincial Director, Police Superintendent Franklin Alvero ang mga pulis sa lalawigan na pagibayuhin pa ang pagiingat.

Ito ayon kay Duadua ay para hindi na maulit pa ang nangyari kay PSI Gabat.



-0-


Board Member sinagot ang pagtutol ng Regional Agricultural Fisheries Council-ARMM sa coal mine project sa South Cotabato Produkto ng maling impormasyon.

Ito ang binigyan diin ni South Cotabato Board Member Hilario de Pedro VI sa pagtutol ng Regional Agriculture Fisheries Council-Autonomous Region in Muslim Mindanao o RAFC-ARMM sa coal mine project sa T’boli at Lake Sebu.

Sa pamamagitan ng resolosyon, hiniling ng RAFC-ARMM sa pamahalaang panlalawigan na itigil ang coal mining operation sa Ned, Lake Sebu at T’boli.

Ayon sa RAFC-ARMM apektado ng material waste mula sa naturang mga lugar ang 15 bayan sa ARMM

Nilinaw naman ni De Pedro na ang T’boli ay mayroon lamang small scale mining operation at walang coal mine.

Sinabi din ni De Pedro na hindi pa nagsisimula ang coal mine project sa may 126 ektaryang lupain sa barangay Ned.

Ayon kay De Pedro bagama’t kinatigan na ng Committee on Environment ng SP ang Coal mine Project sa Ned, kailangan pang rebyuhin ang kanilang committee report.

Sa kabila nito tiniyak ni De Pedro na pagaaralan pa rin ng environment Committee ng SP na kanyang pinamumunuan ang resolosyon ng RAFC-ARMM.


-0-



Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Tupi, South Cotabato. Ayon kay Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay ito ay dahil sa perwisyo ng landslide at baha sa mga infrustruktura at kabuhayan ng mga mamamayan.

Pinakamatinding tinamaan ng kalamidad sa Tupi ang mga barangay ng Acmonan, Cebuano, Palian, at Lunen. Maliban sa Tupi nasa state of calamity na rin ang ilang barangay sa bayan ng Tampakan dahil sa mga pagbaha at landslide.

Ayon kay Tampakan MDRRM Officer Estela Pascua, idineklara ang state of calamity sa mga barangay ng Tablu, Liberty, Palo, Lampitak at Kipalbig. Idineklara na rin ang State of Calamity sa Baragay Poblacion sa Tantangan, matapos sirain ng mga pagbaha ang mahigit isang milyong pisong halaga ng mga infrustruktura, produkto at ari arian.

 Unang isinailalim sa State of Calamity ang barangay Saravia sa Koronadal City, kasunod ng malawakang pagbaha at landslide sa apat na mga Sitio nito. Layon nito na magamit ang bahagi ng kanilang calamity fund para matulungan ang mga apektadong mamamayan



-0-


Mag-innovate o maghanap ng mga istratehiya para lalo pang mapaganda ang kalidad ng kanilang mga produkto. Ito ang payo ni Department of Trade and Industry o DTI Bureau of SME Development Director Jerry Clavesillas sa mga maliliit na negosyante ng Koronadal.

Binigyan diin ni Clavesillas na sa pamamagitan ng inobasyon matutulungan ng mga small and micro enterprenuer hindi lamang ang kanilang mga sarili kungdi maging ang pamayanan.

Payo nito sa mga maliliit na negosyante magkaroon ng tamang mind set o dapat alamin kung ano ang magiging papel sa komunidad.

Sinabi ni Clavesillas na sa kabila ng tagumpay nito kailangan pa ring ng isang negosyante ang mentoring para sa tuloy tuloy na pagunlad. Mahalga din ayon kay Clavesillas ang social entrepreneurship o pakikihalbilo sa kapwa negosyante para malaman kung ano ang kasalukuyang demand sa merkado.

Si Clavesillas ay panauhing pandangal sa ginaganap ngayong 17th Charter Anniversary at 7th Negosyo Festival ng Koronadal City. Igniit ni Clavesillas na para magtagumpay kailangan ng isang negosyante na magkaroon ng “mind setting at social responsibility.” 



-0-




PINAG-IINGAT ng Department of Trade and Industry o DTI ang publikosaklase ng mga produkto’ngkanilangbinibili, lalo’tpapalapit na ang Pasko at Bagong Taon.   Layonnito ang maiwasan ang sunogbunga ng mga hindikalidad na klase ng mga produkto, lalo na yaong mga imported.  

NgayongOktubrebilang Consumer Welfare Month, mulinanamangikinakampanya ng DTI ang, “Presyo, Label, Timbang, at Kalidad” ng bawatprodukto o serbisyo.   Kung galingsaibangbansa ang bibilhingprodukto, tiyaking may Tatak ito na, “International Commodity Clearance” o ICC.  

Kung lokalnaman ang mga proudkto, siguraduhing may markaitona, “Product Standards” o PS mark, ayon pa sa DTI.  

Palatandaan raw itonapumasa ang naturang mga produkto sa quality standards na itinatakda ng gubyerno.

Katuwang ng DTI sakampanyangito ang Kidapawan City Government.  

-0-


SA HIGIT 500 mga gulayan sa buong probinsiya ng North Cotabato, pinakamahusay raw ang Barangay New Bohol sa Kidapawan City.   Ito ang lumabas sa evaluation na ginawa ng National Nutrition Council o NNC ng Department of Health Region 12.  

Sagulayan na pinatatakbo ng Barangay New Bohol, abot sa tatlumpu’ng klase ng mga gulay ang nakatahim.   Ayon kay Kapitan Pepito Eremedio ng barangay New Bohol, libre na makakuha ng mga gulay ang kanilang mga constituents, lalo na ang mahihirap.   Ginagamit rin nilasa feeding program ang mga gulay sa barangay.  

Kaugnaynito, hinikayat ni Kapitan Eremedio ang lahat ng mga taga-New Bohol na gamitin ang kanilang mga bakuran para pagtamnan ng gulay.  

Isang paraan din ito para ibaba ang level ng malnutrisyon sa barangay at mabigyan ng tugon ang kahirapan sa buhay.
 

SA IBA PANG BALITA   ITINANGHAL nakampeon ang ABC Educational Center sa Kidapawan City sa Consumer Quiz on-the-air na ginanap sa Gaisano Grand Kidapawan at isinahimpapawid sa radio station DXND ng Notre Dame Broadcasting Corporation, kahapon.  

Bahagi ito ng taunang selebrasyon ng Consumer Welfare Month na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry o DTI.  

Pinataob ng ABC-EDC ang higit tatlumpu’twalopa’ng mga secondary schools sa buong North Cotabato na kalahok sa quiz na nakasentro sa consumer protection and laws.  
Second placer sa Quiz-on-the-Air ang Matalam National High School at nasa pangatlong puwesto naman ang M’lang National High School.  




-0-



NAIS MABATID ni Kidapawan City councilor Mike Rualo kung paano ipinatutupad ng Call 911 ang “counter-parting” sa mga emergency medical services na kanilang ini-extend sa mga mag-a-avail nito.  

Punani Rualo, hindi maliwanang ang sistemang ipinatutupad ng Call 911, sa usaping ito.   Walang maayos umano na accounting ang “fuel counter-parting”.  
Ito, aniya, ay dahil walang implementing rules and regulations o IRR ang ordinansa na ipinatutupad patungkol sa operasyon ng Call 911.  

NAIS rin busisiin ni Rualo ang K9 units na nasa ilalim ng pamamahala ni Psalmer Bernalte, bilang City Disaster Risk and Reduction Management Officer ng Kidapawan.  

Ayon pa kay Rualo, ‘undocumented’ property ng city LGU ang mga K9 units na ang budget sa pagkain sa kada buwan ay abot sa P50 thousand.  

At ang lahat ng ito, ayon pa kay Rualo, ay walang bahid pulitika. Nais niyal ang lumutang ang katotohanan patungkol dito.  


-0-


ABOT sa ninety-five percent ang survival rate ng mga rubber seedlings na ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist o OPA ng Cotabato provincial government sa mga magsasaka sa bayan ng Banisilan.   One hundred percent naman ang survival rate sa mga oil palm seedling.  

Ito ang lumabassa validation ng OPA sa mga benepisyaryo ng kanilang Modified Plant Now Pay Later Program.  

Ang evaluation ay bahagi ng Industrial Crops Development Program ng provincial government.   Nangunasatatlongaraw na validation sina Lanie Babulon, ang focal person ng Governor’s Office sa OPA; at Dr. SustinesBalanag, ang hepe ng Socio-Economics Division ng OPA.  

Dito, sinisiyasatnila ang survival rate ng mga ipinamahaginilana seedling ng mga high-value crops at kung pumasaba ang mga ito sa kanilangpamantayan o standards.  

Ang sinuri ng OPA ay mga ipinamahagina oil palm at rubber seedling mulataong 2012 hanggang 2016.   Sinabi ng OPA na ang mataas na survival rate ay nangangahulugan na magiging grant na lamang ang naturang mga seedling at walanangbabayaranmula sa provincial LGU ang mga benepisyaryo.  

Ang itinakdakasina minimum survival rate ng OPA ay 75 percent o higit pa.  

Kung mas mababasa 75 percent ang survival rate, babayarannila sa gubyerno ang natanggapnilang seedling.


-0-



PAGKATAPOS ng National Food Authority (NFA) sa North Cotabato, hahabulin na naman ng Kidapawan City Government ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa ‘di nitopagbabayad ng real property taxes.  

Sapanayam ng NDBC Kidapawan, sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na hindi pa nagbabayad ng buwis ang NGCP sa mga ginamitnito’ngerya para pagtayuan ng kanilang mga transmission line sa lungsod.   Perokungmagkano, ito pa ang pag-aaralan ng city LGU, partikular ng City Treasury.  

SINABI pa ng alkaldena mas pinag-ibayonila ang paniningil ng real property taxes matapos ang tagumpay ng kanilanghakbang na masingil ang National Food Authority o NFA sa mga di nitonabayarangbuwis.  

Nito’ngMartes, tatlongarawbago ang redemption period ng kanilang mga nasubastangpasilidad at gamit, nagbayad ang NFA ng halagang P25.4 million sa city LGU.  

Bahagi ng nasingilna real property taxes, ayon pa kay Evangelista, ay mapupunta sa Special Education Fund na pakikinabangan ng sektor ng edukasyon sa lungsod.




-0-




  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy