Monday Feb, 24 2020 03:22:41 AM

NDBC BIDA BALITA (10.16.19)

NDBC BALITA • 10:00 AM Wed Oct 16, 2019
375
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. AFP, inirekumendang isailalim pa rin sa Martial Law ang COTABATO CITY at iba pang mga lugar sa BARMM. 

2. Ilang mga residente sa Datu Montawal, Maguindanao lumikas dahil sa girian ng dalawang MILF commanders sa lugar.

3. NPA member, sumuko sa militar sa South Cotabato

4. BArangay kagawad candidate ng Kidapawan na di naiproklama, pinaboran ng Comelec 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

SUPORTADO ng Cotabato City Government ang panukalang pagpapalawig ng batas militar sa Cotabato city.

Base sa Resolution No. 6579 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod, pinagtibay ng mga lokal na mambabatas ang desisyon nitong sang-ayunan ang martial law extension hanggang sa tuluyang ideklara ng AFP at PNP na ligtas na sa banta ng terorismo ang lungsod.

Una rito, sinabi ni Army’s 6th Infantry Division Commander, Maj. Gen. Diosdado Carreon na inirerekumenda niyang palawigin pa ang martial law sa Bangsamoro region kabilang na ang Cotabato City.

Ayon kay Carreon, mataas pa rin kasi ang banta ng terorismo sa Maguindanao, Sulu, Tawi Tawi, Basilan at Lanao del sur at maging sa lungsod ng Cotabato.

Naniniwala ang opisyal na malaking tulong ang martial law upang mapigilan ang anumang banta sa seguridad, pagbaba ng crime rate at kampanya ng pamahalaan laban sa loose firearms.

Nabatid na sa katapusan ng Disyembre nakatakdang mapaso ang Martial Law extension sa Mindanao at isinusulong ngayon ng ilang mga mambabatas na sa mga piling lugar na lamang ipatupad ang muling pagpapalawig ng batas militar.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang lalaki sa buy bust operation sa Datu Udtog Matalam Street, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City pasado alas onse ng umaga kahapon.

Nakilala ang drug suspect na si Orlie Hima Abubakar alyas "Orlie", 38 years old, may asawa, habal-habal driver at taga-Dump site, Malagapas, Barangay Rosary Heights 10.

Pinangunahan ng Police Station 3 ang naturang operasyon kasama ang 1404th Regional Mobile Force Company, BARMM Regional Mobile Force Battalion 14, Police Station 2, PDEA BARMM at ng mga opisyal ng Brgy. RH 11.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong piraso ng sachets na ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahahalaga ng P1,500 at nabawi rin sa kanya ang 500 pesos na marked money.

Samantala, una rito, arestado rin ang isang senior citizen matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa isang checkpoint sa Cotabato City pasado alas tres nang hapon kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Sukarno Laguilam Dimalanes, 61 anyos, may asawa at taga barangay Poblacion 7.

Sa report ng Police Station 1, sakay ng motorsiklo ang suspek na minamaneho ng isang Datu Yasser Utto at nagkataong nagsasagawa ng random checkpoint ang mga sundalo sa Jose Lim Street, Barangay Pob. 5 kaya’t nasita ang suspek.

Nang inspeksyunin si Dimalanes ay nakuha mula rito ang isang caliber 45 pistol na may pitong mga bala.

Kaagad na inaresto ang dalawa pero pinakawalan din si Utto dahil wala naman itong kaugnayan sa pasaherong si Dimalanes.

 

-0-

 

Sa Rajah Buayan naman, mayroon umanong namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang grupo dahil sa pinag aagawang lupa at personal na alitan sa apat na mga barangay sa bayan na kinabibilangan ng Barangay Pidsandawan, Malibpolok, Panadtaban at Sampao.

Pero mahigpit na bilin ni Rajah Buayan mayor Zamzamin Ampatuan sa kanyang mga Residente na huwag lumikas sa kani-kanilang mga lugar kahit pa sumiklab ang bakbakan ng dalawang grupo.

Ayon sa alkalde, panahon na para harapin ang kanilang mga problema, maging matapang at isangtabi ang takot.

Sabi ni Ampatuan, yumuko, dumapa at yakapin ang mga bata kung mayroong naririnig na putukan sa paligid pero huwag lumikas upang hindi mamihasa ang mga nanggugulo sa kanilang lugar.

 

-0-

 

TINUPOK ng apoy ang nasa 30 mga maliliit na mga stall sa dating public market ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao bago maghahating gabi kahapon.

Sinabi ni DOS Fire Marshall Ysrael Kamid na pasado alas onse kagabi nang mapansin nilang ang sunog di kalayuan sa fire station sa bayan.

Pasado alas dose na ng madaling araw nang maapula ng mga bombero ang apoy.

Ayon kay Kamid, tinatayang nasa 150 thousand pesos ang danyos sa naturang sunog pero maari pa itong tumaas kapag natapos na ang kanilang ginagawang assessment.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng DOS-BFP para matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

 

-0-

 

Duguan nang isugod sa ospital ang dalawang magkapatid matapos nilang mabangga ang isang kambing sa Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina RONALD ALFONSO, 20 anyos at REGINE ALFONSO, 18, parehong residente rin sa lugar.

Bandang alas kwatro ng hapon kahapon habang pauwi na ang magkatid sakay ng motorsiklo nang mabangga nila ang isang kambing na bigla na lamang tumawid sa kalsada.

Sumemplang ang motorsiklo ng mga biktima dahilan upang tumilapon sila at tumama sa sementadong kalsada.

SAMANTALA, makalipas ang ilang minuto ay sunod namang isinugod sa pagamutan ang isang lalaking nagtamo ng malubhang sugat matapos na matumba habang nagmomotorsiklo nang iwasan umano nito ang isa pa ring kambing na biglang tumawid sa daang sakop ng Barangay Mumbong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si JAYSON CORNELLO, 26 anyos, fast food service crew, at taga Sitio Paraman, Tapian, Maguindanao.

Pasado alas kwatro ng hapon kahapon habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pauwi mula sa trabaho si CORNELLO nang sumemplang ito matapos iwasan ang tumatawid na kambing.

 

-0-

 

Apat na pasahero, sugatan nang tumilapon ang pampasaherong van sa Matalam, North Cotabato

Patuloy na nagpapagamot ngayon sa pagamutan ang apat na mga sakay ng pampasaherong van matapos na tumilapon ang sasakyan at bumangga pa sa puno sa National Highway Purok 2, Barangay Kilada, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Christine Joy Aguilar Ropero, 43 anyos, na taga Midsayap, Elmer Estelloso, 46 anyos ng Barangay Osias Kabacan, Glen Prado, 37 anyos na taga Kidapawan, Roger Hilrazo ng bayan ng Arakan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng nasabing pampasaherong van ang Kabacan-Matalam Highway pasado alas 5:00 ng hapon kamakalawa nang pagsapit sa lugar ay biglang nagpreno dahilan para mawalan ng brake at bumangga pa sa puno ng kahoy.

Dahil sa impact, nagtamo ng sugat ang apat na mga pasahero ng van habang hindi naman nasaktan ang drayber na kinilalang si Johari Adress Sapalon, 24 anyos na reisidente ng Mabini Street, Cotabato City. Nabatid na madulas din ang daan sa lugar dahil umuulan nang mangyari ang aksidente. Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Mlang PNP traffic section sa naturang vehicular crash NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga residente sa bayan ng Datu Montawal, lumikas dahil sa engkwentro ng dalawang armadong grupo sa lugar

Lumikas patungo sa ligtas na lugar ang mga residente ng Barangay Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao dahil sa takot na maipit sa gulo sa dalawang mga naglalabang armadong grupo sa lugar.

Umabot sa 614 na pamilya ang lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang grupo na umano’y nagsimula pa noong araw ng sabado.

Dagdag pa sa ulat na may ilan ng miyembro ng magkabilang panig ang nasawi at nasugatan bunsod ng engkwentro pero ayon sa PNP wala namang nakitang mga bangkay sa mismong encounter site.

Habang isang sibiliyan naman ang nadamay at nasugatan na patuloy namang nagpapagamot sa ngayon. Ayon naman kay Dunguan Barangay Chairman Safrullah Buday Alhaj, humupa na sa kasalukuyan ang tensyon ng grupo matapos mamagitan ang lokal na pamahalaan upang matigil na ang gulo at walang madamay na sibilyan.

Nananawagan naman ang mga pulis at Barangay officials na itigil na at ayusin na lamang ang gulo upang makabalik ng maayos at payapa ang mga residente sa lugar. Sa ngayon ay pansamantalang namalagi ang mga apektadong pamilya sa Evacuation center ng bayan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Mga empleyadong nasangkot sa mga aksidenteng may kinalaman sa trabaho, sasagutin sa Employee’s Compensation Program ng DOLE

Kung isa ka sa mga empleyadong napilayan, nasangkot sa aksidente o ang mas malala pa rito ay namatay, ay maaari kang dumulog sa himpilan ng Employee’s Compensation Program sa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Atty. Jonathan Villasoto, siyang Deputy Executive Director ng Employees Compensation Commission o ECC ng DOLE, ang kanilang ahensya ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng mga karagdagang benepisyo sa mga private at government employees kung sakaling masangkot sa aksidente o nagkasakit na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Pasok sa nasabing programa ang mga empleyadong may kontribusyon sa kanilang SSS at GSIS kabilang rin ang mga uniformed personnel ng AFP, PNP, BJMP, BFP at Philippine Coast Guard. Ang Employers Compensation ay maaaring mai-file sa tanggapan ng SSS kung ikaw ay isang private employee at GSIS naman sa mga nasa gobyerno.

Nilinaw rin ng nasabing komisyon na maaari lamang maka-claim ng benefits ang mga ito batay sa nakapaloob na listahan ng Occupational Diseases ng ECC at kung maituturing nga itong work-related. Kasama sa mga benepisyong maaaring matanggap ang mga sumusunod: Medical benefits, Carer's allowance, Rehabilitation services (Remedial treatment, entrepreneurial training, at vocational training), Death Benefits at iba pa,.

Ipinaalala rin ng ECC na bago makakuha ng mga nasabing benepisyo, kailangan rehistrado at nakapagbayad ng kontribusyon sa SSS o GSIS.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring bumisita sa tanggapan ng ECC sa kanilang Regional Extension Unit sa DOLE Koronadal City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

COMELEC, nagpalabas na ng resolusiyon upang maitama ang nanalong konsehal sa isang Barangay sa Kidapawan City

Nagpalabas na ng resolusiyon ang Commission on Election o COMELEC first division upang maitama ang nangyaring pagkakamali sa nakaraang eleksiyon sa Barangay Junction, Kidapawan City.

Batay sa pitong pahinang resolusiyon, na pirmado ni Presiding Commissioner Al Parreño at ng dalawa pang mga commissioners inatasan ang mga kasapi ng Barangay Board of Canvassers ng nasabing barangay na mag-convene, limang araw matapos na matanggap ang resolusiyon.

Ito upang ideklara bilang pampitong konsehal ng barangay Junction si Kagawad Jocelyn Era Ompoc matapos na hindi ito naiproklamang kagawad ng nabanggit na barangay, noong nagdaang eleksiyon.

Naantala ang pagkaka-upo ni Ompoc matapos ang pagkakamali ng barangay board of canvassers ng madagdagan ng isangdaan boto ang pangalan ni Jaime Recosana at umabot sa 282 votes mula sa 182 na boto, dahilan para maideklara bilang pang-anim sa pwesto si Resonasa.

Sa ginawang pagtatama ng mga BBOC, dapat ay pang-labing dalawa si Recosana dahil sa nakuhang orihinal na boto at pampitong pwesto si Ompoc.

Ang reklamo ay inihain ni dating City legal counsel Atty. Chris Cabelin at kinatigan naman ng 1st division ng Comelec, bagay na sa lalong madaling panahon ay maiproklama si Ompoc bilang pampitong barangay kagawad. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magsasaka, sugatan matapos na pagbabarilin sa bayan ng Arakan, North Cotabato

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang salarain sa Barangay Kinawayan, Arakan, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Julius Milleza, 33 anyos, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na pinagbabaril ang nasabing biktima habang nasa loob ng bahay ng kanyang kaibigan pero ilang minuto lamang ay pinaputukan na ito ng di pa nakikilang suspek na tumama sa kanyang balikat.

Mabilis na isinugod sa Municipal Hospital sa bayan ang biktima at kalauna'y inilipat sa Arakan Valley, District Hospital sa Antipas, North Cotabato para sa agarang medikasyon.

Habang tumakas naman agad ang suspek matapos gawin ang krimen hanggang sa ngayon ay blangko pa ang Arakan PNP sa motibo maging ang pagkakakinlanlan ng mga responsable sa naturang pamamaril.

 

 

-0-

 

Handa ang Dr. Jorge Royeca hospital o DJPRH ng city government na tumanggap ng mas maraming mga pasyente kasunod ng suspension ng Philhealth sa accreditation ng isang ospital sa General Santos City at pagbawi ng accreditation ng dalawang iba pa sa kalapit na Koronadal City.

Tiniyak ito ni DJPRH Chief of Hospital Dr. Ryan Aplicador. Paliwanag ni Palicador hindi nila ikinabahala ang naging hakbang na ito ng Philhealth dahil matagal nang nag-ooperate ang DJPRH ng sobra sa kapasidad nito. Ang nasabing ospital na isa sa pinakamalaki sa Gensan ay may 100 bed capacity, ngunit kaya nitong tumanggap ng may apatnaraang pasyente kada araw. Sinabi ni Aplicador na handa na sila bago pa man lumabas ang advisory ng Philhealth.

Matatandaan na dahil umano sa mga anomalya, binawi ng Philhealth ang accreditation ng Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center at Allah Valley Medical Specialist Center Incorporated sa Koronadal City. Ito ay inapela na ng dalawang ma ospital sa Philhealth. Habang pinatawan naman ng two counts of suspension ang General Santos Doctors Hospital Incorporated.

Sa ngayon ang Koronadal ay mayroon lamang dalawang Philhealht accredited hospitals. Ang mga ito ay ang South Cotabato Provincial Hospital at Socomedics Hospital.

Kaugnay nito umapela naman si South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations and Warning Division Head Rolly Doanne Aquino sa Philhealth na resolbahin agad ang problema. Ayon kay Aquino ang pagbawi kasi ng Philhealth sa accreditation ng dalawang mga malalaking ospital sa Koronadal ay may malaking epekto sa kanilang mga myembro.

 

-0-

 

Government employee arestado, kasama nakatakas sa anti-illegal drug operation ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong paglabag sa Compehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang drug suspek na kanilang naaktuhang gumagamit umano ng iligal na droga sa Tampakan, South Cotabato dakong alas otso kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Tampakan PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police Captain Joseph Villanueva ang arestadong drug suspek na si Walter John Domingo, 24 years old, nakatira sa Barangay New Pangasinan, Koronadal City at kawani ng Department of Environment and natural resources. Nakatas naman ang kasama nitong si Clyde Muninio alyas “Egong.”

Nakuha ng mga pulis sa mga drug suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu, gunting, disposable lighter at dalawang improvised totter. Isinagawa ng mga kasapi ng Tampakan PNP at 1205th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion o RMFB 12 ang kanilang anti-illegal drug operation sa lugar ni Muninio sa Puork Marcos, Barangay Santa Cruz, Tampakan.

Ito ay matapos isumbong ng isang informant sa mga pulis ang ginagawa nilang pagpa-pot session sa nasabing lugar.

 

-0-

 

Programa kontra vehicular crash at trapiko mariing ipatutupad ng mga traffic enforcer sa General Santos City

Paiigtingin ng mga traffic enforcers ang pagbabawal ng mga tricycle at motorsiklo sa inner lanes ng mga pangunahing daan sa General Santos City. Layon nito na maibsan ang problema sa trapiko at tumataas na kaso ng vehicular crash.

Ayon kay Gensan PNP Operations Chief Major Jovenson Bayona, ito ay bilang pagpapatupad na rin ng “Oplan Ligtas at Linis Kalsada” program. Ayon kay Bayona sa pamamagitan nito ay maisusulong ang pagkakaroon ng disiplina at kaligtasan sa daan ng mga motorista. Ito ay susuporta din sa road clearing program ng Duterte Administration.

Ayon kay Bayona, ipatutupad nila ang Land Transportation code sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Gensan. Sinabi nito na tumaas ang bilang ng mga nakamotorsiklong nasangkot sa vehicular sa Gensan buhat pa noong 2017.

Ayon kay Bayona halos kalahati sa mahigit 2,200 na vehicular crash na kanilang naitala sa Gensan noong 2017 ay naganap sa mga national roads. Tumaas pa ito sa may 2,400 noong 2018 at mahigit 1,500 mula January hanggang August nitong 2019.

 

-0-

 

NPA member sumuko sa militar sa South Cotabato Dala ng isang myembro ng New Peoples Army o NPA sa pagsuko sa militar ang dalawang M16 armalite rifles.

Ipinahayag ito ni Philippine Army 27th IB Civil Military Operations Officer Ist Lt. Efren James Halawig. Ang sumuko na kinilala ni Halawig na si alias Darwin ay dating kabilang sa Guerilla Front 73-Far South Mindanao Regional Committee o FSMR ng NPA.

Matinding gutom sa bundok at pangamba sa kanyang buhay ang tinukoy na dahilan ni Halawig sa pagsuko ni alias “Darwin” na mula sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato. Sinabi ni Halawig na bumaba ang moral ngayon ng mga kasapi ng Front 73 ng NPA.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa lider nilang si Nicanor Pason alias “Kumander Costan” sa Maitum,, Sarangani noong Huwebes. Ayon naman kay 27th IB Commander Lt. Col Jones Otida tutulungan nilang makinabang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip ng gobyerno ang mga sumukong NPA member. Abot na sa mahigit labindalawang mga NPA member ang sumuko sa militar at PNP sa South Cotabato buhat noong Hulyo.

 

-0-

 

Mobile Agri-Trade Fair pinangunahan ng DA 12 sa Pigcawayan, North Cotabato

Nanguna ang Department of Agriculture XII sa Mobile Agri-Trade Fair bilang bahagi ng ika-66th founding anniversary ng bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato noong Lunes Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, patuloy ang DA sa pamamahagi ng mga proyekto tulad ng mga makinaryang pansakahan sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

Sinabi nito na libreng ipinamimigay ng ahensiya ang mga makinarya sa mga magsasaka para lalo pang maisulong ang farm mechanization program ng DA sa region 12.

Ayon kay Casis abot na sa mahigit 19.4 million pesos na halga ng mga farm equipment ang naipamigay ng ahensya sa Soccksargen buhat noong 2016. Maliban sa mga makinarya, nabigyan din ng DA ang mga mamamayan ng Pigcawayan ng mga livelihood projects.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang Special Area for Agricultural Development o SAAD Program na nakapagbigay na ng mahigit 21 million pesos na proyekto sa Pigcawayan simula noong 2017. Umapela din si Casis sa mga magsasaka ng suportahan ang mga programa at proyekto ng DA na pinamumunuan ni Secretary William Dar.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

Naglabas na ng listahan ang Judicial and Bar Council o JBC ng pagpipilian ni Pangulong Duterte bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema kapalit ni Chief Justice Lucas Bersamin

Kabilang sa top three nominees ng JBC ay sina Diosdado Madarang PERALTA; Estela PERLAS-BERNABE at Andres Bernal REYES Jr.

Batay sa 1987 Constitution, tanging ang presidente ng Pilipinas ang may kapangyarihang magtalaga ng mga miyembro ng Korte Suprema, gaya ng punong mahistrado, na kanyang pipiliin sa listahan ng hindi bababa sa tatlong pangalan.

Nilagdaan nina Bersamin, Justice Secretary Menardo Guevarra at Sen. Richard Gordon ang nominasyon bilang mga ex officio members ng JBC.

Sa iba pang balita, nagbabala sa publiko ang Department of Labor and Employment o DOLE kaugnay ng mga pekeng trabaho na inaalok sa social media.

Ayon sa DOLE, nakatanggap ng reklamo ang DOLE Information and Publication Service ukol sa local job opportunity na inaalok ng ‘DOLE Job Assistance-Local and Abroad’ Facebook page.

Nai-report na ng DOLE ang nasabing pekeng page at nakipag-ugnayan na sa Facebook para tanggalin ito.

Hinikayat naman ng DOLE ang mga aplikante na bisitahin ang official website ng DOLE na www.dole.gov.ph.

 

-0-

 

Sa kabilang dako naman, nananatiling pinakayamang senador si Sen. Cynthia Villar batay sa ipinasa nitong statements of assets, liabilities and net worth o SALN kagabi.

Mayroong net worth si Villar na higit 3.5 billion pesos

Ang pamilya Villar ay may negosyo sa real estate at shopping malls.

Pangalawa namang pinakamayamang senador si Manny Pacquiao na may net worth na 3 billion pesos at

pangatlo si Sen. Ralph Recto na may 555.3 million pesos na net worth

Samantala, lumalabas naman na pangalawa sa pinakamahirap na senador si Bong Go na may net worth lang na 15.5 million pesos net worth habang nananatili pinakamahirap na senador si Sen. Leila de Lima na may net worth na 7.7 million pesos.

 

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...