Monday Feb, 24 2020 04:45:54 AM

NDBC BIDA BALITA (10.19.19)

NDBC BALITA • 11:15 AM Sat Oct 19, 2019
455
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. SUNDALO, kritikal matapos tambangan sa Rajah Buayan, Maguindanao.

2. Bayan ng Makilala, sa North Cotabato, isinailalim na sa state of calamity dahil sa lindol.

3. Thailand posible umanong maglalagay din ng English Camp para sa kanilang mga estudyante sa South Cotabato.

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

 

Mga paaralan sa North Cotabato, magkakaroon ng make-up class ngayong weekend matapos maapektuhan ng nangyaring lindol Magkakaroon ngayong araw ng make-up class ang mga paaralang nagdeklara ng class suspension noong Huebes (October 17).

Habang ang nagdeklara naman ng class suspension nitong Huebes at Biyernes (Oct 17-18) ay magkakaroon ng make-up classes ngayong araw at hanggang Linggo. Ito ay ayon SDS Omar Obas ng DepEd Cotabato Division sa panayam ng Radyo Bida.

Nabatid na nitong Huebes, halos lahat ng bayan sa probinsya ang nagdeklara ng class suspension para bigyang daan ang mga pagsasagawa ng ocular inspection sa mga gusali ng paaralan. Matatandaang kahapon, ang mga bayan ng Tulunan, Mlang, Makilala at Kidapawan City ay muling nagdeklara na wala pa ring pasok kaya dalawang araw ang kanilang make-up class.

Samantala, sa Kidapawan City Division, ayon kay SDS Romelito Flores, nakatakdang gawin ang kanilang make-up activity sa Oct 25-26 kasabay ng 2nd periodical exam. Ay pagkakaroon ng make-up class ay para masigurong makakahabol pa rin ang mga mag-aaral sa kabilang ng epekto ng nangyaring lindol. Dagdag pa ng DepEd na nakahilera na ang mga gagawing activities kaya kinakailangang makahabol sa pamamagitan ng make-up class. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Libo-libung mga pamamahay sa North Cotabato, apektado kasunod ng nangyaring Magnitude 6.3 na lindol

Pumalo na sa 2,250 mga pamamahay at mahigit sampung libong mga residente ang apektado sa bayan ng Makilala, North Cotabato mula sa 25 mga barangay. Sa huling ulat ng Makilala LGU, 24 na mga indibidwal ang nasugatan habang tatlong mga barangay ang nagkaroon ng landslide.

Sa kabuuan, 23 nga imprastraktura ang naapektuhan kabilang na ang mga barangay hall, mga paaralan, health care centers, simbahan at mga daycare centers.

Isa naman ang naitalang nasawi dulot ng malakas na lindol. Habang sa Tulunan, North Cotabato, nasa mahigit 500 na mga tahanan ang nasa partial at totally damaged kung saan sentro ito ng pagyanig, ayon sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS.

Ayon kay Tulunan Vice Mayor Maureen Ann Villamor, sa pag-iikot ng Rapid Assessment Needs Analysis o RDANA team ng nasabing bayan, isa sa matinding tinamaan aniya sa nasabing lindol ay ang New Caridad High School na dinemolish na lamang dahil hindi na mapakinabangan ang nasabing gusali at inabisuhan na lamang na lumipat ng school site.

Habang malalaking lupa rin ang gumuho sa boundary ng Brgy Bituan at Bacong, kabilang pa ang mga tulay na nasira sa ilang mga barangay. Sa ngayon, apat ang naitalang casualty na nakatamo ng minor injury sa nasabing kalamidad.

Sa Kidapawan City, ayon kay CDRRMO Head Psalmer Bernalte, nakabalik na sa kani-kanilang pamamahay ang abot sa kalahating libong mga lumikas sa covered court ng Sitio Sayaban at ang nasa mahigit isang daang pamilya na sumilong sa Ilomavis covered court.

Sa sentro ng lungsod, nasa mahigit tatlong-daang mga paseyente mula sa iba’t-ibang mga ospital na namalagi sa mga covered court at city gym ang nakabalik na rin matapos ang abiso ng CDRRMO na maaari nang matuluyan ang mga gusali ng mga pagamutan sa lungsod.

Sinabi rin ni Bernalte na matibay ang mga gusali ng mga ospital sa Kidapawan City matapos makitaan ng mga minor damage sa kabila ng intensity 7 mula sa Magnitude 6.3 na lindol. Nabatid na walong mga eskwelahan naman ang nakitaan ng pagkasira habang 70 mga pamamahay rin sa Brgy Ilomavis ang nakitaan ng mga bitak, siyang pinakamaraming bilang ng bahay na nasira sa lungsod.

Pitong mga malalaking establisyemento naman ang naiulat na nakitaan ng pagkasira gaya ng Gaisano Mall, Unitop, Yongson, EMCOR, Evas Hotel at iba pa. Samantala, patuloy na nag-iikot ngayon ang Office of the Civil Defense 12 dito sa North Cotabato upang makuha ang inisyal na ulat sa mga natalang danyos at istruktura sa buong probinsya. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Tulong medikal sa mga biktima ng lindol sa Central Mindanao noong Myerkules, tiniyak ng Regional Director ng DSWD 12

Makatanggap ng tulong medical mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ang mga mamamayan na nasalanta 6.3 magnitude na lindol sa Central Mindanao. Ito ay ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo.

Ayon kay Espejo, magbibigay ng guarantee letter ang ahensya sa labinpitong mamamayan sa Makilala, North Cotabato na isinugod sa iba’t ibang mga ospital na sugatan kasunod ng mga pagyanig. Ayon kay Espejo base sa inisyal na assessment ng DSWD 12 ang lindol ay sumira din sa labinapat na bayan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ipinahayag ni Espejo na sa ngayon katuwang ng DSWD sa ground assessment ang mga kasapi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC.

 

-0

 

Kritikal ang kondisyon ngayon sa ospital ng isang sundalo matapos silang tambangan ng mga di pa nakikilalang armadong lalaki sa Rajah Buayan, Maguindanao.

Nakilala ang sundalo na si Master Sgt. ROWEL DISAKA, nasa tamang edad.

Base sa inisyal na ulat ng mga otoridad, bandang ala singko ng hapon kahapon habang nagroronda kasama ang iba pang mga sundalo sa isang liblib na lugar sa bayan nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng di pa natukoy na armadong grupo.

Wala namang napaulat na iba pang sugatan sa insidente bukod kay DISAKA na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at kanang hita.

 

-0-

 

WALANG MALAY NANG ISUGOD sa pagamutan ang isang magsasaka matapos itong ma-aksidente habang nagmomotorsiklo sa national highway na sakop ng Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si DOMINADOR BUTOCAN, 31 anyos, residente ng Sitio Kitol ng nasabing barangay.

Nabatid na pasado alas kwatro ng hapon kahapon, lasing umanong nagmaneho ng kanyang motorsiklo pauwi si BUTOCAN at pagsapit sa nabanggit na kalsada ay nawalan ito ng kontol sa manubela dahilan para siya matumba.

Putol ang daliri ni Butocan dahil sa aksidente.

SAMANTALA, malubha rin nang dalhin sa pagamutan ang isa pang lalaki matapos itong maaksidente habang nagmomotorsiklo sa national highway ng Balabagan, Lanao del Sur.

Nakilalang itong si HOMIDIE OGKA, 25 anyos, residente ng Barangay Pitil, Lanao Del Sur.

Pauwi na umano ang biktima nang mawalan sya ng balanse sa minamanehong motorsiklo dahilan para siya sumemplang.

Tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo sa kongkretong kalsada dahilan upang isugod ito sa ospital at ngayon ay nasa maselan pa ring kalagayan.

 

-0-

 

ARESTADO ang top 3 most wanted fugitive o pugante na si Gina Ciano ng Barangay Sangay, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Si Ciano ay nahaharap sa kasong murder at siyam na kaso ng frustrated murder na isinampa noon pang August 2017.

Nahuli ang suspek ng pinagsanib na tropa ng militar, PNP Sultan Kudarat at Kalamansig PNP.

Ang suspek ay miyembro umano ng Center for Lumad Advocacy Networking Services o CLANS, white area committee, Guerilla Front 73, Far South Mindanao regional committee ng NPA.

Kasalukuyan ng nakakulong si Ciano sa Sultan Kudarat PNP detention facility.

 

-0-

 

HINIHINTAY na lamang ng Cotabato City LGU ang resulta ng isinagawang random drug testing sa lahat ng mga kawani nito.

Sinabi ni city mayor Cynthia Guiani na isinailalim sa mandatory drug test ang mahigit dalawang libong mga kawani ng City LGU nitong linggo.

Mismong ang PDEA BARMM, sa pangunguna ni Director Juvenal Azurin ang nangasiwa sa drug testing sa Office of the City Mayor, City Health Office at sa Old City Hall.

Kabilang naman sa mga sumailalim sa drug test ang mga permanent, contractual at job order employee.

Tiniyak ni mayor Guiani na papatawan ng karampatang parusa ang sinumang magpopositibo sa isinawagang mandatory drug test.

Samantala, sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao naman pinangunahan mismo ng mga LGU official kasama ang DILG, PNP, AFP, mga drug surrenderee, IPHO Maguindanao at maging ng mga barangay official ang random drug testing sa municipal gym kahapon.

Ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ng drug test sa mga bayan para matiyak na mananatiling Drug Cleared ang lugar.

Kapag may nagpositibong mga kawani ng LGU sa isinagawang drug test ay maaaring masuspende o tuluyang matanggal sa trabaho ang mga ito.

 

-0-

 

ARESTADO ng mga otoridad ang suspek na nakilalang si Adrian Roi Dela Cruz Deputado, 26 anyos, walang asawa, at taga Barangay Rosary Heights Mother, Cotabato City.

Ito ay sa bisa naman ng Warrant of Arrest na inisyu ni RTC Branch 27 Judge KASAN ABDULRAKMAN noong September 30 kaugnay ng kasong paglabag sa RA 9262 o violence against women and children.

Nadakip si Deputado pasado alas dose ng tanghali kahapon sa Quezon Avenue ng pinagsanib pwersa ng Police Station 3 sa pangunguna ni Police Major Theng Bacal at 1404th company regional mobile force battalion 14 ng BARMM.

Maaari namang makalaya ang akusado kapag nakapagpiyansa ng 72 thousand pesos.

 

-0-

 

NAKILALA NA ng mga otoridad ang dalawa sa tatlong mga lalaking nasawi sa Shootout sa Yap Sy Street, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City noong Huwebes ng hapon.

Sa Follow up Investigation ng Police Station Number 2, nakilala ang dalawa na sina Boy Lumilis, 23 anyos, may asawa, habal-habal driver at taga Purok Lumayon, Mother Barangay Bagua; at Jordan Abdullah, 27 anyos na taga Tuka, Barangay Kalanganan Mother.

Ang labi ng dalawang ay kinuha na ng kanilang mga kamag-anak upang mabigyan ng maayos na libing.

Sinabi ni Police Station 2 Commander Police Major Rustom Pastolero na kabilang umano ang dalawa sa grupo na sangkot sa mga Robbery Hold Up incidents sa lungsod.

 

-0-

 

Bayan ng Makilala, North Cotabato, isinailalim na sa state of calamity dahil sa lindol

Sa pamamagitan ng resolution number 46-2019 ng Sangguniang bayan ay isinailalaim ng state of calamity ang buong bayan ng Makilala, North Cotabato dahil sa nangyaring pagyanig gabi noong miyerkules.

Sinabi ni Municipal Administrator Sheryl Orbita, isa ka tao na ang nasawi dahil sa naatake sa puso ilang araw matapos ang pagyanig na kinilalang si Juanito Cepada ng Barangay Poblacion, dalawang put walo ang sugatan habang umakyat na sa 1, 838 na mga pamilya o 9,190 na mga indibidwal ang apekatado nito.

Mula sa naturang bilang ay 112 ang nagbakwit patungo sa ligtas na mga lugar. Labin- walo naman na mga Barangay mula sa tatlumput-walo ang lubhang naapektuhan dulot ng pagyanig at ang tatlong mga Barangay ang una ng nagdeklara ng state of calamity.

Pinabibilis na rin ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng pondo upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya tulad ng mga gamit masisilungan, pagkain, gamot at iba pa. VC- ORBITA Si Municipal Administrator Sheryl Orbita. Samantala, inirekomenda na rin ng MDRRMC na ilagay sa danger zone na lugar ang Barangay Luayon at ilang bahagi ng Barangay Kisante.

Apela din ni Orbita sa mga opsiyales ng kada barangay na makipag-ugnayan sa LGU- Makilala upang agad na maibigay ang sapat na tulong para sa kanilang nasasakupan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Delinquent real property taxpayers sa Kidapawan City, tumugon sa panawagan ng City LGU

Marami ang tumugon sa panawagan ng City LGU sa mga delinquent Real Property Taxpayers na magbayad na ng kanilang buwis sa Kidapawan City. Sila yaong may mga pag-aaring lupa, gusali at makinarya na isusubasta na sana ng City Government dahil sa kabiguang mabayaran ang kanilang karampatang buwis o real property taxes.

Mula sa bilang na walump’t isang delinquent real properties na sinilbihan ng Notices for Public Auction ng City Government, animnapu at siyam sa mga ito ang nagbayad na ng kanilang bayarin sa City Treasurer’s Office.

Una ng naglibot sa mga barangay ang mga kawani ng City Treasure’s Office upang ipagbigay alam ang isasagawang Public Auction sa mga lupain, gusali at makinarya na may kaukulang buwis na hindi nabayaran mula taong 2018 pababa.

Kinapapalooban ng mga residential, agricultural, at commercial ang mga real properties na isusubasta na sana ng lokal na Pamahalaan. Basehan ng pagsasagawa ng Public Auction ang mga probisyon ng RA7160 o Local Government Code of 1991. Panawagan ng City Government sa lahat na ugaliing i-update ang kanilang mga babayarang buwis upang hindi maisasali sa subasta ang kanilang mga propedad.

Pero, tuloy pa rin ang isasagawang Public Auction ng iba pang delinquent real properties sa petsang iaanunsyo ng City Treasurer’s Office sa kalaunan. NDBC BIDA BALITA

 

-0--

 

Mga hinaing na serbisyo at programa sa isang Barangay sa Arakan North Cotabato sinagot ng Serbisyo Caravan kahapon

Welcome development para kay Arakan Mayor Rene Rubino sa usaping insurgency at peace and development ang isinagawang Serbisyo Caravan sa kanyang bayan kahapon.

Isa ang Barangay Kabalantian sa Arakan na mga pilot area sa Launching ng Serbisyo Caravan ng mga National Line Agencies at Provincial Government kahapon. Libo-libong mga residente ng nasabing barangay ang naka benepisyo ng serbisyo at programang handog ng naturang aktibidad. May mga nabigyan ng mga Food Packs, agricultural inputs, skills training, and medical services at iba pa.

Dagdag pa ng alkalde, ramdan na aniya ng mga mamamayan sa barangay na may gobyernong handang tumugon sa kanilang mga kinakailangan.

Nabatid na napipilitang sumampa o di kaya'y tumulong ang iilan sa kanila dahilo narin sa kawalan ng pag-asang may gobyernong handang tumulong o tumugon sa kanilang mga hinaing.

Marami pa aniyang mga daing an mga residente sa naturang barangay na una naring nasagot ng LGU at Provincial Government sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo pero kahapon ay hinimok ng alkalde ang mga mamayan sa bayan na ipaabot ito lalo pa't nasa lugar din kahapon ang mga line agencies na makakatulong sa kanilang mga hinaing. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Thailand posibleng maglagay din ng English Camp para sa kanilang mga estudyante sa lalawigan, ayon sa Presidente ng Provincial Tourism Council ng South Cotabato

Plano ng bansang Thailand na malakip sa expansion nila ng English Camps sa Pilipinas ang South Cotabato. Ito ang ipinahayag ni Provincial Tourism Council of South Cotabato Incorporated o PTSCI President Abegail Garcia. Ayon kay Garcia sa ngayon ang Thailand ay mayroong mga English Camps sa Cebu at Maynila at binabalak ding magtatag ng isa pa sa Mindanao.

Sinabi ni Garcia na darating ang sampung mga guro mula Thailand para magsagawa ng ocular inspection sa South Cotabato sa October 20 hanggang 24. Ito ay matapos sumali sa bidding para sa pagdadala sa lalawigan ng mga estudyanteng Thai ang isang local tour agency.

Sinabi ni Garcia na kung makapapasa ang South Cotabato sa mga panuntunan ng nasabing programa, magaaral sa lalawigan ang may tatlong daang mga estudyante mula Thailand. Ito ayon kay Garcia ay makatutulong ng malaki sa industriya ng turismo sa South Central Mindanao.

 

-0-

 

Nakamotorsiklong lalaki na nasangkot sa vehicular crash, kulungan ang bagsak matapos mabisto sa ospital ng mga traffic enforcer ang umano’y dalang iligal na droga sa Surallah, South Cotabato

Sa halip na pauuwiin matapos maospital bunsod ng pagkakasangkot sa vehicular crash kulungan ang bagsak ng isa katao sa Surallah, South Cotabato.

Ito ay matapos mabisto ang pagdadala umano nito ng iligal na droga. Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Police Major Efren Salazar ang suspek na si Mozed Alamada na unang isinugod sa Upper Valley Community Hospital sa nasabing bayan.

Si Alamada ay nasangkot sa vehicular self-accident sa Allah Valley Drive, Barangay Libertad Surallah habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Nakita ng mga traffic enforcer na naghatid sa kanya sa ospital ang isang pakete ng umanoy shabu sa loob ng kaha ng sigarilyo na kinuha nito sa kanyang bulsa. Nang magsagawa ng body search, nabisto rin ng mga ito ang dalawang aluminium foil at ligther na dala din ni umano ni Alamada.

Inihahanda na ng Surallah PNP ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa nasabing drug suspect.

 

-0-

 

Apat na contruction workers nakaligtas sa pagguho ng lupa sa Koronadal City

Maswerteng nakaligtas mula sa may dalawampung minutong pagkakabaon sa lupa ang isang contruction worker sa Koronadal City kahapon ng umaga. Kinilala ni Senior Fire Officer 2 Ariel Carmelo ng Bureau of Fire Protection o BFP Koronadal ang biktima na si Rodel Espanto, 27 anyos.

Ayon kay Carmelo ang biktima ay natabunan ng gumuhong lupa habang ginagawa ang walong talampakang riprap sa isang tulay na proyekto ng provincial government ng South Cotabato sa Purok Masipag, Barangay Santa Cruz, Koronadal..

Sinabi ni Carmelo na nabaon ang kalahati ng katawan ni Espanto na isinugod ng rescue team sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ayon kay Carmelo, nagtamo din ng minor injury dahil sa pagguho ang tatlong mga kasama Espanto. Ang mga ito ay sina Wendell Millian, 43 years old; Hilario Oro, 40; at Roy Jintula.

Sinabi ni Carmelo na dahil sa posibleng pang pagguho, hinarangan na nila ang bahagi ng gumuhong riprap. Umapela si Carmelo sa mga construction workers na para matiyak ang kanilang kaligtasan tuwing nasa trabaho sumuot ng personal protective equipment.

 

-0-

 

Pambato ng region 12 wagi sa National-on-the-spot poster making contest ng Department of Agriculture

Wagi sa katatapos lang na National-on –the spot poster making contest ng Department of Agriculture si Asley Gian Castaneda. Si Castenada na Grade Pupil 6 ng Lugan Elementary School sa T’boli, South Cotabato ang napili na pambato ng rehiyon matapos mmapagwagian ang regional level ng nasabing contest noong nakaraang buwan.

Kasama nito sa Top five na tumanggap ng tig P20,000 cash prize ang mga pambato ng region 3,5,9 at 10. Ang National-on-the spot poster making contest na ginanap sa Quezon City ay bilang kabahagi ng World Food Day Celebration noong October 16.

Kaugnay nito pinasalamatan naman DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis si Castaneda at coach nitong si Ralph Vicent Ferrer dahil sa karangalang ibinigay sa Soccsksargen. Hinikayat din ni Casis ang mga kabataan sa rehiyon na maging aktibo sa pagsulong ng mga aktibidad na may kaugnayan sa larangan ng Agrikultura.

 

 

-0-

 

 

NATIONAL NEWS………………….

 

TUTOL si Labor Secretary Silvestre Bello III sa panukala ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Bonito Singson, Jr. na gawing dalawang taon ang probationary period ng empleyado.

Ayon kay Bello, sapat na ang anim na buwan para makita ang kakayahan ng isang empleyado para tuluyan itong maregular sa isang trabaho.

Sinabi ni Bello na sa anim na buwan ay makikita na ang pag-uugali sa trabaho at ito ang pagbabasehan kung tuluyan itong tatanggapin sa kumpanya bilang regular employee.

Makikita rin dito ang working habits, integridad at kakayahan ng isang empleyado dahil sumasailalim na sa assessment.

Dito na ibabase kung dapat na i-hire at gagawing regular ang isang empleyado.

Sa iba pang balita, inirekomenda ng Senate Justice at Blue Ribbon committees na kasuhan ang naka “non-duty status” na si PNP chief General Oscar Albayalde dahil sa isyu ng “ninja cops.”

Ayon kay Senator Richard Gordon, ang drug raid sa Pampanga noong 2013 ay kaso ng “hulidap” at nagkaroon ng “cover-up” sa panig ni Albayalde.

Nahaharap ang PNP chief sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Anti-Corruption and Graft Practices Act.

Sa kabilang dako pa, pinalakas ng Pilipinas at India ang ugnayan para sa pagsusulong ng seguridad sa karagatan at kampanya kontra terorismo.

Sa joint statement matapos ang bilateral meeting sa Malakanyang kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang maritime security at paglaban sa extremism.

Binanggit ng pangulo na ang Pilipinas at India ay nasa strategic location sa Pacific at Indian Ocean kaya pareho ang nais ng dalawang bansa na protektahan ang maritime security at labanan ang terorismo.

Sa kanya namang panig, inihayag ni President Kovind ang kanyang commitment na mapuksa ang terorismo dahil katulad anya ng Pilipinas ay biktima rin ang India ng karahasan.

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...