Monday Feb, 24 2020 03:13:46 AM

NDBC BIDA BALITA (10.22.19)

NDBC BALITA • 09:45 AM Tue Oct 22, 2019
430
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. MGA MIEMBRO ng MILF at MNLF, nagkasagupa sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

2. Mines ang Geosciences Bureau 12, may hamon sa mga tutol sa open pit mining sa Tampakan, South Cotabato

3. Sampung Oblate priests, nagdiwang ng kanilang ordination anniversary sa Kidapawan City

4. Pagsali sa South Cotabato sa Muslim holidays, pinaboran ng Sangguniang Panglalawigan

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

 

DAAN-DAANG mga sibilyan ang nagsilikas sa takot na maipit sa engkwentro ng dalawang armadong grupo sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nag-ugat ang kaguluhan nang paputukan umano ng mga miembro ng Moro National Liberation Front o MNLF ang grupo ni Moro Islamic Liberation Front o MILF 104th Base Command 1st Platoon leader Pretty Belon sa Sitio Sultan, Barangay Bagoinged, DOS.

Sinundan lamang umano ng mga tauhan ni Belon ang nawawala nilang alagang baka sa lugar nang bigla umano silang paputukan ng MNLF members.

Gumanti naman umano ang grupo ni Belon na nagsanhi ng palitan ng putok ng magkabilang panig.

Ayon pa kay Belon, nanunog pa umano ng ilang mga bahay ang MNLF.

Mariin naman itong itinanggi ni MNLF Vice Chair Romeo Sema.

Giit ni Sema, walang sinunog na mga bahay ang MNLF members.

Ayon kay Sema, mayroon ng ginagawang hakbang ang pamunuan ng dalawang Moro Fronts para maayos ang gulo ng dalawang nagkairingang grupo.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang engkwentro.

 

-0-

 

NAGKASUNOD NA isinugod sa ospital ang dalawang mga lalaking sugatan matapos na masangkot sa away sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Unang itinakbo sa ospital ang biktima ng pananaga na si RONALDO CHO, na sinundan naman ng suspek na si ROMY ERWETA, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.

Pasado alas syete ng gabi kamakalawa nang bigla umanong magwala sa kanilang lugar ang lasing na si ERWETA.

Nilapitan umano siya ni CHO para awatin ngunit ito ang napagbuntungan ng suspek at pinagtataga.

Nakita naman ng kanilang mga kapitbahay ang ginawa ng suspek sa biktima kaya kinuyog ito at pinagtulungang umano bugbugin.

 

-0-

 

PUSPUSAN NA ang paghahanda ng Land Transportation Office o LTO 12 sa nalalapit na Undas o All Souls at All Saints Day sa November 1 and 2.

Sinabi ni LTO 12 Operations Division Chief Papacan Pacalundo na nakalatag na ang kanilang Oplan Undas para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mga bibiyaheng mga pasahero.

Ayon kay Pacalundo, magsasagawa sila ng inspection sa iba’t ibang mga terminal sa region 12 dahil posible ring samantalahin ng mga masasamang-loob ang okasyon para makapaghasik ng karahasan.

Aniya, magkakaroon din ng random checkpoints katuwang ang PNP at AFP kung saan titiyakin ng mga otoridad na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng mga bumibyaheng sasakyan lalo na ang mga public utility vehicle.

Giit ni Pagalundo, mas mabuting makaiwas sa aksidente sa lansangan lalo pa’t tumataas ang mga kaso ng vehicular crashes sa rehiyon.

Nabatid na maglalagay din ng Help desk LTO 12 sa mga terminal na maaaring lapitan ng mga biyahero.

 

-0-

 

ITINANGGI naman ng AFP ang napaulat na mayroon umanong nangyaring pananambang sa mga sundalo sa Radjah Buayan, Maguindanao.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas na fake news ang naturang ulat.

Ayon kay Encinas, nitong Sabado ng hapon ay mayroong nangyaring accidental firing na kinasangkutan ng dalawang mga sundalo.

Sinabi ni Encinas na hindi napansin ng dalawa ang isang road hump kaya bigla silang natumba at pumutok ang caliber 38 pistol na dala ng isa sa mga ito.

Tinamaan ng bala si PFC Rodel Lisaka na ngayon ay nasa isang pagamutan.

 

-0-

 

NAGSIMULA NA ang pagsasanay ng mahigit 300 mga miembro ng Joint Peace and Security Team o JPST sa PNP BARMM Headquarters, sa Parang, Maguindanao kahapon.

Kabilang sa mga nagsasanay ang 96 na mga pulis, 77 mga sundalo at 152 mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armes Forces o MILF-BIAF.

Nabatid na magtatagal ng isang buwan ang naturang pagsasanay bilang bahagi ng normalization plan.

Ang mga JPST member ay itatalaga naman sa mga conflict-affected area na base sa rekumendasyon ng GPH at MILF.

Ang mga MILF combatant na sumailalim sa nasabing pagsasanay ay tatanggap din ng socio-economic package kahit hindi pa decommissioned ang mga ito.

 

-0-

 

Sampung Oblate priests, nagdiwang ng kanilang ordination anniversary sa Kidapawan City

Ipinagdiwang ng sampung mga Oblate priests ang kanilang ordinasyon bilang relihiyoso na isinagawa sa Our Lady of Guadalope Seminary Chapel sa Barangay Balindog, Kidapawan City.

Ito ay pinangunahan ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon, OMI bilang presider at Father Romy Saniel naman bilang homilist.

Ang mga jubilarian ay sina Archbishop Lampon at Fr. Federico Labaglay, na kapwa mula sa bayan ng Mlang na nagdiwang ng kanilang 50 year- anniversary, Fr. Romy Saniel at Fr. Eduardo Tanudtanud na nagdiwang ng ika-apatnapung taong anibersaryo at si Fr. Howard Tatel, na nagdiwang naman ng kanyang ika 25 years ng religious life.

40 years na rin bilang pari si Fr. Ignacio Rellin, OMI habang 25 years na sina Fr. Roger Caalim Fr. Rito Daquipil, Fr. Dennis Gui at Fr. Eduardo Santoyo.

Present din si Fr. Charlie Inzon, OMI na kanilang oblate provincial superior at binati ang lahat na mga pari. Kahapon naman ang annual retreat ng first batch ng oblate missionaries sa Binoligan Shrine kasama si Fr. Daniel Renaud, OMI bilang kanilang retreat master. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Metro Kidapawan Water District, nagpaliwanag hinggil sa taas singil sa tubig

Ilalarga na ng Metro Kidapawan Water District o MKWD ang taas singil sa presyo ng tubig sa susunod na taon.

Ito ayon kay General Manager Estella Gonzales kung saan epektibo na ito sa Enero 2020.

Mula sa P156.60 ay sisipa sa P204.50 ang taas singil sa minimum rate ng MKWD. Iginiit naman ni Asst. Manager Engr. Wilesper Alqueza na matagal na ring panahon na hindi nakapagpatupad ng rate adjustment ang korporasiyon, mula noong taong 2002.

Ito ay sa kabila ng nagtaasan na ang lahat ng mga pangunahing bilihin. Samantala, muli namang ipinaliwanag ni Gonzales ang nakatakdang pag-utang ng MKWD sa halagang P510 milyung piso para masolusiyunan ang nirereklamong kawalan ng supply ng tubig.

Sinabi ng opisyal na may nakalatag na silang 15 year development plan na tutugon sa problema sa supply ng tubig. Sa ngayon kasi ay marami pang mga konsumante ng tubig nang MKWD ang hindi naseserbisyuhan ng 24 na oras dahil sa kulang na source ng tubig.

Nabatid na sa Kidapawan ay ang barangay San Roque at Balabag pa ang hindi naaabot ng kanilang serbisyo. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tatlong mga bayan sa North Cotabato, nagdeklara na ng ‘state of Calamity’ kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol

Tatlong mga bayan na sa North Cotabato ang nagdeklara ng ‘state of calamity’ dahil sa pinsalang dulot ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa bayan ng Tulunan, noong Miyerkules ng gabi.

Pinakahuling nagdeklara kahapon ng umaga ay ang bayan ng Tulunan sa pamamagitan ng Resolution No. 244-2019 matapos ang special session ng Sangguniang Bayan at batay na rin sa rekomendasiyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council.

Sa ngayon nasa 1,031 na mga pamilya at kabahayan ang mga nasira habang ang iba naman ang totally damage kung saan halos 400 na mga pamamahay ay hindi na mapakinabangan.

Ito rin ang dahilan ng pagbisita ni Senador Bong Go ang bayan ng Tulunan upang alamin ang epekto ng lindol at ang posibleng tulong na maibibigay sa mga naapektuhang residente. Maliban sa Tulunan ay una na ring nagdeklara ang bayan ng Mlang at Makilala.

Ayon kay Makilala Municipal Administrator Sheryl Orbita, nasa 3,131 na mga pamilya at kabahayan din ang kabuuang naapektuhan sa nasabing lindol mula sa 38 mga barangay ng bayan. 118 ang mga nagsilikas kungsaan 56 dito ay nakabalik nasa kanilang tahanan.

Samantala sa buong Rehiyon 12, sinabi ni Office of the Civil Defense Information Officer Jorie Mae Balmediano na umakyat na sa 77 katao ang sugatan at nananatili sa tatlo katao ang patay sa Rehiyon 12 at apat mula naman sa ibang Rehiyon.

Sa Kidapawan city ay nananatiling sarado ang isang mall dahil sa hindi pa nakapagsumite ang Engineering Office nila sa kanilang assessment sa integridad ng nasabing gusali, ang gusali naman ng Agri Center sa Provincial Capitol ay hindi naman magagamit matapos na makitaan ng mga pagbitak. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mamamahayag at dalawang tauhan ni suspended Governor Nancy Catamco, nahaharap sa kasong cyberlibel

Nahaharap ngayon sa kasong Cyber Libel ang tatlong mga tauhan ni suspended Governor Nancy Catamco. Kinilala ang mga kinasuhan na sina Basilio ‘Jun’ Obello, ang chief of staff ni Catamco; Randy Patches at Anne Fuentes.

Nag-ugat ang kaso matapos ang malisyosong akusasiyon ng kampo ni Obello laban sa mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan na na ere noong Hulyo kung saan host noon sina Obello at Patches habang si Fuentes naman ang kumuha ng video at naipost sa Facebook. Ang katagang binitawan noon ni Obello ay ‘Ang inyong ka-bright, kabugo lang nako’, na siya namang sinupurtahan umano ni Patches.

Kung matatandaan, ito rin ang dahilan ng pagkakadeklarang ‘Persona Non-Grata’ kay Obello noon ng SP kaya hindi rin ito kinumpirma ng bilang provincial administrator.

Dahil dito, binigyan ngayon ng hanggang sampung araw ang tatlo para maghain ng kanilang judicial counter-affidavit dahil sa kasong cyber libel. Ang kaso ay inihain mismo ni Acting Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño hinggil sa Cyber libel sa ilalim ng RA 10175 o kasong libel sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code.

Samantala sinabi naman ni Patches na haharapin nito ang kaso at hayaan na lamang ang korte ang mag desisyon dahil malaki ang paniniwala nito na sa bansang Pilipinas, malawak ang pintuan pagdating sa Freedom of Expression. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Patay ang isang taong gulang na bata matapos itong mahulog at nalunod sa ilog sa Sitio Canada Barangay Bulakanon, Makilala North Cotabato. Sa ulat, nakilala ang nasawi na si Niethan Berang Tayawan, isang taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Sinasabing naglalaro lamang ang bata malapit sa naturang ilog alas 5:00 kamakalawa at hindi napansin na nahulog ito hanggang sa nalunod ang bata. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari

Samantala, sugatan namana ng isang magsasaka matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa Purok 2, Barangay Ugalingan, Carmen, Cotabato alas 4:00 ng hapon kahapon.

Nakilala ang biktima na si Abdula Bansilan Amulan, 41 years old, isang magsasaka at nakatira sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, bumibili lamang ng isda sa nasabing lugar ang biktima kasama ang kanyang asawa nang bilang pinagbabaril si Abdula ng hindi pa nakilalang mga suspek na agad tumakas gamit ang motorsiklong nakaparada lamang sa gilid ng daan.

Narekober naman sa crime scene ang isang basyo ng calibre 45 pistolahabang nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad upangalamin ang motibo ng nasabing pamamaril.

 

-0-

 

Allah Valley Convergence area para mapangalagaan ang mga likas yaman kasabay ng pagunlad inilunsad ng DENR 12 sa Surallah, South Cotabateo

Layon ng paglunsad ng Convergence Area Development Plan o CADP na mapalawak ang agro-forestry area kasabay ng pangangalaga sa mga likas yaman sa mga lugar na nasasakupan nito sa South Cotabato.

Nangunguna sa pagpapatupad ng CADP ang Department of Environment and Natural Resources o DENR region 12. Katuwang ng nasabing ahensya sa pagpapatupad nito ang mga peoples organization, public schools, barangay at local government units.

Ito ay ayon kay DENR 12 Regional Executive Director Abdullah Abubacar. Sakop ng CADP ang mga watershed areas sa mga bayan ng Surallah, Lake Sebu, at T’boli. Prayoridad ng CADP na malagyan ang mga ito ng farm to market roads, magkaroon pa ng access sa malinis na tubig, mapabuti ang postharvest facilities at iba pang infrustruktura.

Sa pamamagitan ng CADP ay madadagdagan din ng mahigit 950 hectares ang mga plantasyon sa nasabing mga lugar. Magiging prayoridad kasi ang mga ito sa National Greening Program o NGP ng pamahalaan.

Ayon kay Abubacar layon nito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain, maibsan ang kahirapan at epekto ng climate change. Ipinahayag ito ni Abubacar matapos ilunsad ng ahensya ang CADP sa Surallah.

 

-0-

 

Regional Director ng Mines ang Geosciences Bureau 12 may hamon sa mga tutol sa open pit mining sa Tampakan, South Cotabato

Magbigay ng sapat, balido at scientific na dahilan ng kanilang mariing patutol sa mining. Ito ang hamon sa mga anti-mining advocate sa South Cotabato ni Mines and Geosciences Bureau o MGB 12 Regional Director Felizardo Gacad Jr.

Ayon kay Gacad bukas ang kanilang tanggapan para dinggin ang hinaing ng mga tutol sa mina. Ipinahayag ito ni Gacad kasunod ng mga panawagan na huwag ituloy ang kontrobersyal na Copper-gold mining project ng Saguittrius Mines Incorporated o SMI sa bayan ng Tampakan.

Binigyan diin ni Gacad na walang mining company na papayagang magmina kung hindi dumaan sa proseso at nakapag-comply ng lahat na requirement na hiniling ng pamahalaan.

Kalakip sa mga ito ayon kay Gacad ang pagprotekta sa mga indigenous peoples’ communities, social development programs, kaligtasan ng mga mamamayan sa mining area at health programs.

Sinabi ni Gacad na bagamat nanatili pa rin ang suspension ng financial technical assistance agreement o FTAA at compliance certificate o ECC ng SMI, mayroon ng timeline ang gobyerno kung kelan ipatutupad ang open pit mining operation sa Tampakan.

Nauna nang binigyan diin ni Diocese of Marbel Bishop Cerilo Casicas ang mariing pagtutol ng Simbahang katoliko sa mining project sa Tampakan. Ito ay dahil sa kasiraan umanong maidudulot nito sa mga likas yaman ng lugar. Sasakupin ng 5.9 bilion us dollar copper-gold project ang mahigit sampung libong ektaryang lupain sa mga bundok ng Tampakan at bahagi ng mga lalawigan ng Davao del Sur, Sarangani at Sultan Kudarat.

 

-0-

 

 

Kailangang paigtingin pa ang earthquake at fire drill sa mga mall sa Koronadal City.

Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Operations and Warning Chief Rolly Doanne Aquino. Ipinahayag ito ni Aquino matapos isugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga trabahante ng KCC mall sa Koronadal City kamakalawa. Ito ay matapos makaranas ng hyper ventilation kasunod ng mga pagyanig.

Ayon kay Aquino dahil sa nauunahan ng takot, madalas ay hindi na nagagamit ng mga trabahante sa mall ang mga natutunan nila noong mga nakaraaang earthquake drill. Kaya mahalaga ang pagsailalim pa sa mga ito sa dagdag na earthquake drill para malaman kung ano ang kanilang mga dapat gawin sa tuwing may mga pagyanig.

Nanawagan din si Aquino sa publiko na huwag maniwala sa maling impormasyon na ipinakakalat sa social media na maari lamang magdulot ng pangamba sa mas maraming mamamayan. Binigyan diin ni Aquino na walang katotohanan ang ipinapakalat sa social media na babala ng mas malakas na lindol sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. 

 

-0-

 

Kampanya kontra illegal drugs pinaigting sa pamamagitan ng Search for Outstanding Anti-Drug Abuse Council sa South Cotabato

Sinimulan na ng mga kasapi ng Provincial Anti-drug Abuse Council o PADAC ang evaluation sa kanilang counterpart sa local level sa South Cotabato. Ito ay kaugnay sa Search for Outstanding Anti-Drug Abuse Council sa lalawigan ngayong 2019. Layon nito na mapaigting pa ang kampanya kontra iligal na droga sa South Cotabato.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr.,bilang chairperson din ng PADAC tinututukan nito ang pagpapatupd ng mga istratihiya para masawata ang problema sa illegal drugs. Naniniwala si Tamayo na kung may sapat na kaalaman ang publiko walang susubok na gumamit ng iligal na droga.

Ayon kay Tamayo hindi na papasok sa South Cotabato ang mga dealer ng illegal drugs kapag mababa ang demand nito. Ang awarding ceremony para sa Search for Best Anti-Drug Abuse Council sa South Cotabato ay highlight sa Drug Abuse Prevention and Control Week Celebration sa November 18 hanggang 22. NDBC

 

-0-

 

Pagpapatupad ng Muslim Legal Holidays sa lalawigan hinihiling kay pangulong Duterte ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato

Ilakip ang South Cotabato sa mga lalawigan sa bansa na nagapapatupad ng Legal Muslim Holidays. Ito ang nakasaad sa kaapruba pa lamang na resolosyon ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Kalakip sa mga official Muslim Legal Holidays na ito ang Islamic New Year, Pagsilang ni Prophet Mohammad at Nocturnal Journey and Ascencion ng nasabing propeta.

Ang pagpapatupad ng Muslim Legal Holiday sa South Cotabato ay resulta ng pakikipagpulong ng mga kasapi ng SP sa Muslim Federation sa lalawigan.

Ito ay ayon kay Board Member Eamon Gabriel Matti, na siya ring Chairman ng Committee on Legal Matters ng Sangguniang Panlalawigan. Ayon kay Matti ikinatiwaran ng mga myembro ng Muslim Federation sa South Cotabato ang palakip sa Muslim Holiday ng mga lugar sa region 12 na dating sakop ng region 11.

Ipinahayag ni Matti na ang pagpasa ng SP sa nasabing resolosyon ay tugon din nila sa hiling ni National Commission on Muslim Filipinos 12 Regional Director Datu Mama Sinsuat Jr.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

Pilipinas na ang tinaguriang may “fastest growing HIV epidemic” sa buong mundo, ayon sa UN AIDS Philippines.

Sinabi ni UN AIDS Philippines country director Dr. Louie Ocampo na mabilis na dumarami ang HIV sa Pilipinas mula pa noong 2018.

Ayon kay Ocampo, nakapagtala ng panibagong 13 thousand, 384 HIV cases noong katapusan ng 2018 na 203 percent na mas mataas sa naitalang 4 thousand, 419 cases noong 2010.

Gayuman, kahit may fastest growing HIV cases ang Pilipinas ay nananatili naman umanong mababa sa absolute number kumpara sa African countries.

Sa pagtaya ng UN AIDS, nasa 77 libo na ang people living with HIV o PLHIV sa bansa kung saan higit 62 lamang sa bilang na ito ang diagnosed at naiulat.

Ayon kay Ocampo, nahuhuli ang bansa sa pag-diagnose sa PLHIV.

Sa iba pang balita, nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na nabayaran na nila ang 69 billion pesos na sinisingil ng mga pribadong ospital ngayong taon.

Nanindigan ang PhilHealth na “fully paid” na ang reimbursement claims ng ilang pribadong ospital sa gitna ng banta ng mga ito na huwag mag-renew ng accreditation sa ahensya.

Pahayag ito ni PhilHealth President Ricardo Morales kasunod ng banta ng Private Hospital Association of the Philippines na hindi na sila magpapa-accredit sa PhilHealth simula sa Enero ng susunod na taon.

Inireklamo ng grupo ang utang umano ng PhilHealth sa mga private hospitals na nasa 2.5 billion pesos pa.

Pero sinabi ng PhilHealth na may mga ospital na may problema sa pagproseso ng forms kaya’t hindi pa nababayaran.

Sa kabilang dako naman, iminumungkahi ngayon ng isang senador na magtalaga ng mga de-motorsiklong kawani ang mga pampubliko at pribadong ospital upang mapabilis ang pagtugon sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal.

Ayon kay Sen. Bong Revilla, madalas kasi na mabagal ang emergency response sa mga pasyente dahil naiipit ang mga ambulansya sa mabigat na daloy ng trapiko.

Tatawaging "rescue-in-tandem" ang mga ito kung tuluyang maisasabatas ang Senate Bill 1120 na ihahain ni Revilla ngayong Lunes.

Aniya, maraming dumaranas ng mga seryosong sakit at injuries sa malalayong lugar na hindi kayang abutin ng mga ambulansya pero kayang pasukin ng motorsiklo.

Hindi naman idinetalye sa pahayag kung sa motorsiklo mismo isasakay ang mga pasyenteng pupuntahan.

 

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...