Monday Feb, 24 2020 04:42:29 AM

NDBC BIDA BALITA (10.25.19)

NDBC BALITA • 08:30 AM Fri Oct 25, 2019
386
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. KAMPO ng BIFF sa boundary ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao at North Cotabato, nakubkob na ng MILF.

2. Dalawang high-value drug suspects, arestado sa operasyon ng PNP sa Tulunan, North Cotabato

3. Marijuana plantation sa Tampakan, South Cotabato, protektado umano ng NPA at iba pang armadong grupo, ayon sa PDEA 12

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

NAKUBKOD NA ng Task Force Itihad ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nasa hangganan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao at North Cotabato.

Gayunman, sa report ng Army’s 601st Brigade, patuloy pa umanong tinutugis ng mga miembro ng Task Force Itihad ang mga ilang mga miembro ng BIFF na nagtatago sa mga liblib na lugar ng Shariff Saydona Mustapha.

Nabatid na katuwang ng militar at pulisya ang MILF sa mga inilulunsad na operasyon laman sa BIFF at iba pang lawless elements sa Maguindanao at North Cotabato.

Sa ngayon ay mas pina-iigting pa ng Task Force Itihad at Joint Task Force Central ang pagtugis sa ISIS Inspired Group na pinamumunuan ni Abu Toraife na umano ay nagtatago sa Liguasan Marsh at SPMS Box.

 

-0-

 

NANINDIGAN naman ang AFP na mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang pitong napaslang sa inilunsad na joint operation ng Midsayap PNP at Army’s 34th Infantry Battalion kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Tumbras, Midsayap.

Sinabi ni Westmincom Spokesperson Major Arvin Encinas na si Mama Macalimbol ay miembro umano ng BIFF na sangkot sa mga insidente ng pambobomba sa Midsayap.

Aminado rin si Ensinas na ilan sa mga nasawi ay mga kabataan na bagong recruit ni Macalimbol.

Kaya naman nanawagan si Ensinas sa mga magulang na bantayan at i-monitor ng mabuti ang mga aktibidad ng kanilang mga anak lalo na ang mga organisasyon o grupong sinasalihan ng mga ito.

Samantala, mariin namang itinanggi ni BIFF Spokesperson Abu Misri Mama na miembro nila si Macalimbol.

Ayon kay Mama, hindi nila naging kasapi si Macalimbol at ang ilan pang mga tauhan nito na nasawi sa operasyon ng militar.

Giit ni Mama, miembro ng isang Moro Front si Macalimbol nag-o-operate sa Midsayap.

 

-0-

 

NATANGAYAN ng siyam na libong pisong cash ang isang pulis ng mga hinihinalang kawatan sa Cotabato city

Sa report ng Police Station 2, kinilala ang biktima na si Police Chief Master Sergeant ESMAIL UNTONG KALIS na taga Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon pa kay Kalis, pasado alas dose ng tanghali kamakalawa nang madiskubre niyang nawawala na ang kanyang pera sa loob ng kanyang sasakyan habang nasa carwash sa Ramon Rabago Sr. Street, barangay Rosary Heights 13.

Sa ngayon ay ini-ibestigahan na umano ang ilang trabahante ng naturang carwash na pangunahing suspek sa naturang pagnanakaw.

SAMANTALA, nagtungo rin ang isang babae sa himpilan ng pulisya upang matapos umanong tangayin ang kanyang pitaka ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhan sa Barangay Rosary Heights 10.

Nakilala ang biktima na si KAREN ELLA INSULAR, 23 years old, Fashion Consultant, at taga Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Ayon sa biktima, nagulat na lamang siya nang mapansing wala na sa locker ng kanilang shop ang wallet nito na naglalaman ng malaking halaga ng pera at mahahalagang dokumento.

Gayunman, makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan din ang kanyang pitaka sa loob ng kahon ng kanilang mga paninda ngunit wala na ang mga laman nito.

 

-0-

 

PAREHONG isinugod sa ospital ang dalawang mga lalaking sangkot sa aksidente sa kalsada na bahagi ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nabundol umano ng motorsiklo si MUHAMAD BUTUAN habang tumatawid sa kalsada dahilan para magtamo ito ng mga sugat at galos.

Sugatan din ang lasing na driver ng motorsiklo na si JOBERT CABANG matapos itong sumemplang at tumama sa konkretong kalsada.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital ang dalawa pero hindi naman malinaw sa report kung magsasampa ng kaukulang kaso si Butuan laban kay Cabang na kapit-bahay din nito.

 

-0-

 

NAGTUNGO sa island provinces ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA-BARMM para sa Rebate Program ng ahensya.

Ang OWWA Rebate Program ay bilang pagtalima sa probisyon ng OWWA Act na nagbibigay ng rebate sa mga long-time OWWA member.

Mismong sina OWWA-BARMM Director Uga Sulaiman at Rebate Program Focal Person Muchtar Ulama ang nagtungo sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi para sa pagpapatupad ng programa.

Sinabi ni Ulama na ang mga makakatanggap ng REBATE ay yung mga OFW na higit sampung taon ng miembro ng OWWA.

Samantala, pinayuhan naman ni Ulama ang iba pang mga OFW sa BARMM na magtungo sa kanilang tanggapan sa Quezon Avenue, Cotabato city para sa karagdagang detalye hinggil sa programang Rebate ng OWWA

 

-0-

 

State of calamity declaration matapos masunog ang isang mall sa lungsod, inirekomenda sa konseho ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng General Santos City

Hiniling ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC sa Sangguniang Panglungsod ang pagdeklara ng State of Calamity sa General Santos City.

Layon nito na magamit ang calamity fund ng lungsod sa pagtulong sa mahigit 1,300 na mga mamamayan na nawalan ng trabaho sa nasunog na Gaisano Mall. Ang mga ito ay mga mangagawa, locator at tenant ng nasabing mall.

Ayon kay Gensan City Administrator Arnel Zapatos, inindorso ni Mayor Ronnel Rivera bilang CDRRMC Chairman ang rekomondasyon para agad na maaksyunan ng konseho.

Pinulong ni Rivera ang mga kasapi ng CDRRMC para ma-assess ang pinsala ng 6.3 magnitude na lindol na sumira sa mga gusali at naging sanhi rin ng sunog noong October 16.

Hiniling naman ng City Social Weflare and Development Office o CSWDO ang paggamit ng emergency fund ng Gensan para sa 234 pesos na arawang cash vouchers para sa mahigit 1,500 na mga mangagawa ng mall na nawalang ng kabuhayan. Ito ay ayon kay Gensan CSWD Officer Rebecca Magante.

Aprupado na ng CDRRMC ang pag-release sa 21 million pesos na pondo para dito. Sinabi ni Magante na para matulungan ang mga apektadong mga mangagawa nakikipag ugnayan sila sa iba pang mga kompanya at tanggapan ng gobyerno sa Gensan.

Sa katunayan, ayon kay Magante, handa ang KCC mall na bigyan ng trabaho ang dalawang daang mga cashier na kanilang na-profile.

Dinagdag din nito na nagpahayag ng kanilang kagustuhan ang General Santos City Chamber of Commerce and Industry na bigyan ng trabaho ang mga Gaisano employees.

Ayon kay Magante, hinihiling din nila sa Department of Labor and Employment o DOLE na mabigyan ng emergency employment at tulong pangkabuhayan ang mga apektadong mga mangagawa at kanilang pamilya.

Ayon sa tala ng Bureau of Fire Protection o BFP Gensan, ang apoy na tumupok sa may 90 percent na bahagi ng 2.3 hectares na Gaisano mall ay nagiwan ng mahigit dalawang bilyong pisong halaga ng pinsala.

 

-0-

 

Marijuana plantion, sa mga boundary ng Tampakan, South Cotabato protekdao umano ng NPA at iba pang bandidong grupo, ayon sa Regional Director ng PDEA 12

Protektado umano ng New Peoples Army at iba pang bandidong grupo ang marijuana plantation na natuklasan ng mga otoridad kamakailan lang sa quad-boudary ng Tamapkan, South Cotabato, Columbio, Sultan Kudarat; Davao Del Sur, Sarangani at General Santos City.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan.

Ayon kay Duquiatan, ginagawa ng mga otoridad ang lahat para mahuli ang cultivator ng mahigit 38,000 na puno ng Marijuana plants na kanilang nabunot sa lugar noong Sabado. Ipinahayag ni Duquiatan naging bagsakan ng Marijuana mula sa mga boundary ng Tampakan ang General Santos City, Digos, at buong region 12.

Kaugnay nito, naniniwala naman si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na solosyon sa proplema ang pagkakaroon ng mga infrustruktura. Ayon kay Tamayo kapag may maayos na daan wala nang magtatanim ng Marijuana dahil mas matutulungan na ng gobyerno ang mga mamamayan sa mga liblib na Sitio ng Tampakan.

Ipinahayag naman ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo na nagpatayo sila ng integrated school sa Sitio Datalbiao para maturuan ang mga mamamayan. Gayunpaman, aminado si Escobillo na malaking hamon pa rin sa lokal na pamahalaan at mga otoridad ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa boundary ng Tampakan sa Kiblawan, Davao Del Sur.

 

-0-

 

Pagpapaigting ng Earthquake drill bunsod ng mga aftershock hiniling sa publiko ng CDRRMC Action Officer ng Koronadal

Paigtingin ang pagpapatupad ng earthquake drill at seryosohin ang “duck, cover and cold”.

Ito ang panawagan sa publiko ni Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano.

Kasunod ito ng mga aftershock na nararanasan ngayon sa lungsod. Binigyan diin ni Urbano na hindi dapat ikahiya ng sinuman ang pagtatago sa ilalim ng mesa o anumang bagay para sa kaligtasan sa tuwing may mga pagyanig.

Kaugnay nito nanawagan naman si South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido sa mga mamamayan na maging alerto sa mga aftershock. Ipinahayag ito ni Aturdido matapos mabatid ang pagdala sa South Cotbato Provincial Hospital sa ilang mga mangagawa sa mga mall sa Koronadal City. Ito ay matapos makaranas ng hyperventilation kasunod ng mga pagyanig.

Ayon kay Aturdido, mahalaga din ang paglalagay ng flashlight at pito sa bag na malaki ang maitutulong sa panahon ng emerhensya.

 

-0-

 

Mga biktima ng pananalasa ng buhawi sa Tupi, nabigyan na ng tulong ng Provincial government ng South Cotabato

Tumanggap ng pinansyal na tulong at food assistance mula sa pamahalaang panlalawigan ang may 30 pamilya na sinalanta ng buhawi sa Tupi, South Cotabato noong October 20. Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Operations and Warning Division Chief Rolly Doanne Aquino.

Ayon kay Aquino abot sa mahigit 150 thousand pesoas ang kanilang naipamigay sa mga apektadong pamilya sa mga barangay ng Bunao at Poblacion.

Ipinahayag ni Aquino na inaayos na rin ng lokal na pamahalaan ang mga street light na sinira ng buhawi. Sinabi ni Aquino na siniguro nilang maibibigay sa mga sinalantang mamamayan ang tulong sa loob ng tatlong araw.

Nasira din ang ilang mga bahay sa nasabing barangay matapos mabagsakan ng mga nabuwal na puno. Payo ni Aquino sa mga mamamayan para malayo sa peligro tuwing may kalamidad,putulin at ipunin ang patay na sanga ng mga puno.

Ayon sa datus ng Provincial Social Weflare and Development Office madalas dinadaan ng buhawi ang mga bayan ng Tupi, Banga, Lake Sebu at Tampakan sa nakalipas na sampung taon.

 

-0-

 

Philrice Midsayap Branch Director, may payo sa mga magsasaka ng region 12 para makinabang sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture

Magpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agricuture ng Department of Agriculture para makinabang sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF ng nasabing ahensya. Ito ang hiling ni Philrice Midsayap, North Cotabato Branch Director Salila Abdula sa mahigit pitong raan mga magsasaka sa region 12.

Sa pamamagitan kasi nito ayon kay Salila,ay maaring makinabang sa mga programa ng RCEF ang mga magsasaka para makaagapay sa pagtaas ng supply ng imported rice. Kasunod ito ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law o RTL.

Ayon kay Salila kabilang sa maaring mapapakinabangan ng mga magsasaka sa RCEF ang pautang para sa binhi, mechanization at training. Ang mga ito ay makatutulong upang tumaas ang produksyon at kita ng mga magsasaka at makapagpababa ng kanilang mga gastusin sa tatlumpung porsyento. Pinangunahan ng Philrice ang briefing hinggil sa RCEF sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

 

-0-

 

Dalawang araw na AFPSAT examination, isinasagawa sa University of Southern Mindanao Kidapawan City Campus simula kahapon

Inaanyayahan ngayon ng pamunuan ng militar ang lahat ng mga nais na maging bahagi ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ng Philippine Army na kumuha ng pagsusulit ng AFPSAT simula ngayong araw na isasagawa sa University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus. Magsuot lamang ng puting damit, maong pants at rubber shoes.

Kailangan din ay edad 18 hanggang sa 26 anyos Dalhin lamang ang original copies ng sumusunod: • PSA/NSO/Birth certificate • Diploma • Transcript of record (for college/college level) • Form 137-A National (for high school graduate) • Valid ID • 2pcs 2x2 picture • Lapis na mongol number 2. Inaasahang matatapos naman ngayon ang dalawang araw na nasabing pagsusulit. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Halos 300 na mga katutubong mag-aaral sa Kidapawan City, nakapagtapos dahil sa tulong ng Mount Apo Foundation, Inc.

Nagpasalamat ang halos sa 300 na mga katutubong mag-aaral sa Mount Apo Foundation, Inc. o MAFI na siyang tumulong sa pagkamit ng kanilang mithiin kasabay ng paglulunsad ng MAFI’s brand and stories of good harvest kahapon na ginanap sa Lady M Cuisine and Restaurant Kidapawan City.

Sa ngayon, dalawam put limang walo na mga IP students ang nakapagtapos na at tatlumpu’t dalawa ang kasalukuyang ipina-aaral pa ng foundation. Kanila ring iprinisinta ang kanilang bagong logo at brand sa iba pang mga stakeholders kahapon maging kanilang libro na hango din sa kwento ng mga katutubo na karamihan ay nakatira malapit sa Mount Apo.

Ang MAFI na isang foundation ay dalawang put lima ng tuutulong sa mga katutubong nais na mag-aral pero hindi sapat ang pagtustus na bahagi rin ng corporate social responsibility ng Energy Development Corporation o EDC. Present din kahapon si Datu Camilo Icdang na siyang tribal leader at iba pang matataas na opisyal na bisita sa aktibidad.

Ayon sa isang scholar na si Roselyn Agod, malaki ang kanyang pasasalamat sa MAFI dahil sila ang naging tulay upang unti-unti nitong makamit ang kanyang hangad at pangarap na isa na dito ang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa magulang. 

 

-0-

 

Dalawang mga high-value target na drug suspect kabilang ang isang babae, arestado sa operasyon ng PNP sa Tulunan, North Cotabato

Huli ang dalawang drug suspects sa inilunsad na operasyon ng pulisya sa Barangay New Bunawan, Tulunan, North Cotabato. Ang operasyon ay isinagawa ng Tulunan PNP at Philippine Drug Enforcement Agency alas 2:55 ng hapon kahapon.

Kinilala ang target na si Oscar Drapiza, 45 anyos may asawa , residente ng Barangay Tapaya Bagumbayan, Sultan Kudarat, at si Myrene Ferolino , 45 years old, single na taga Glan Saranggani. Nakumpiska sa suspek ang isang gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkahahalaga ng shabu na nagkakahalaga ng 6,800 pesos, nabawi din ang marked money, baril at mga bala.

Sa ngayon nasakustudiya ng Tulunan Municipal Police Station habang inihahanda ang kaosng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal possession of firearms. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Libo-libong mga residente sa isang barangay sa Kidapawan City, isang linggo nang nasa relocation site matapos ang Magnitude 6.3 na lindol

Isang linggo matapos ang pagtama ng Magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato ay hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang libo-libong mga residente ng Brgy.Ilomavis, Kidapawan City.

Sa Sitio Sayaban, abot sa kalahating libong mga indibidwal ang nagtayo ng kani-kanilang mga tent sa loob at labas ng covered court. Halos parehong bilang rin ang kasalukuyang nakikisilong at nakikipagsiksikan sa multi-purpose hall ng Sitio Agko dahil pa rin takot sa mga nararamdamang aftershocks.

Ayon kay Aling Nelda na isa sa mga nakisilong na covered court, mas kinakailangan nila ngayon ang dagdag pang tulong mula sa gobyerno dahil mahirap aniya ang kanilang kalayagan sa nasabing lugar, na maliban sa siksikan ay hindi na sila makakahanap ng kanilang pangkabuhayan.

Si Nanay Bebeng naman, naaawa na rin sa sitwasyon ng mga bata sa lugar at maging sa kanilang tinutuluyang maliit na tolda, na tumutulo pa tuwing umuulan.

Trapal naman ang hinihingi ni Mang Florencio dahil hindi aniya sila kasya sa maiksing metros nito na ginagawang bubong sa kanilang tolda. Samantala, trapal at mosquito net naman ang hinaing ng ilang mga residenteng nakisilong sa relocation site ng Sitio Agko.

May ilang mga bata rin ang nagkakasakit ng ubo’t sipon maging ang ilang matatanda. Dagdag pa Aling Ami Imba, mas iba ang pakiramdam kapag nasa sariling pamamahay at tinitiis na lamang ang pananatili sa lugar hangga’t may abiso na mula sa mga brgy officials na maaari ng makabalik sa kanilang lugar. Samantala kung sa tubig at pagkain ay sapat naman aniya ang binibigay na relief goods sa mga apektado ng lindol.

Nabatid karamihan sa mga residente sa lugar ay nangangamba pang bumalik sa kanilang tirahan dahil baka mahulugan ng mga tipag ng lupa at bato mula sa bundok.

 

-0-

 

Lalaki patay nang pagbabarilin sa Mlang North Cotabato

Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin 9:10 kagabi sa Sitio Paglaum, Poblacion B, Mlang, Cotabato. Kinilala ang biktima na si alias Dave Fuentes, 23 years old, single, na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Mlang PNP, pinagbabaril ang biktima ng dalawang hindi pa nakilalang mga suspek habang nakatayo ito sa labas malapit sa kanilang bahay.

Natamo ng biktima ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan habang nakuha naman sa crime scene ang anim na fired cartridges ng caliber 45 baril.

Patuloy pa ngayong inaalam ng PNP ang motibo sa nangyaring pamamaril at nagsasagawa na rin ng pursuit operation laban sa dalawang mga hindi pa nakilalang mga suspek.

 

 

-0-

 

 

NATIONAL NEWS………………….

NABAWASAN ng bahagya ang bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng gutom sa ikatlong quarter ng 2019, batay sa updated survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS kahapon.

Isinagawa ang pag-aaral nitong September 27-30.

Sabi ng SWS, 9.1% o nasa 2.3 million Filipino families ang nakaranas ng "involuntary hunger" sa nakalipas na tatlong buwan.

Ang involuntary hunger ay tumutukoy sa gutom na nararanasan dahil sa kawalan ng makakain.

Mas kaunti naman umano ang bilang na ito kumpara sa naitalang 10% o 2.5 million noong June 2019.

Ayon sa SWS, naabot din ng bansa ang napakababang total hunger rate dahil sa 15-year low na moderate hunger.

Sa iba pang balita, lumagda ang Pilipinas at China sa anim na bilateral accords para sa mga proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng aministrasyong Duterte at iba pang trade cooperation.

Ayon sa Department of Finance, ang paglagda at palitan ng bilateral documents ay pinangunahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Chinese Vice Premier Hu Chunhua.

Kabilang sa mga nilagdaan ay ang cooperation agreements para sa feasibility studies para sa Davao City expressway at Panay-Guimaras-Negros Bridge na popondohan ng China.

Isang loan agreement din para sa Marawi City ang nalagdaan para sa implementasyon ng mga proyekto para sa Marawi Sports Complex at Central Market.

Nagkasundo rin ang China at Pilipinas para sa ‘protocol on phyto-sanitary requirements’ para sa pagluluwas ng avocado ng Pilipinas sa China.

Samantala, naselyuhan din ang Philippine Radio Equipment Project na layong magbigay ng donasyong broadcast equipment sa Philippine Broadcasting Service.

Magbibigay din ang China ng sets ng Mobile Container/ Vehicle Inspection System at dalawang set ng CT Scan Inspection System sa Bureau of Customs.

Sa kabilang dako pa, itinanggi ng Department of Foreign Affairs o DFA ang report na “unceremoniously ignored” o inisnab umano si Pangulong Duterte sa gitna ng enthronement ceremony ni Emperor Naruhito sa Japan.

Sinabi ni DFA Assistant Sec. Eduardo Meñes na pinutol ng pangulo ang kanyang dalawang araw na pagbisita sa Japan dahil sa pananakit ng kanyang spinal column.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy sa Tokyo ang pahayag ng DFA.

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...