Monday Feb, 24 2020 03:44:43 AM

NDBC BIDA BALITA (10.26.19)

NDBC BALITA • 18:00 PM Sat Oct 26, 2019
489
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PITONG mga miembro ng MILF, sugatan sa pagsabog ng bomba sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanaol; lima pang mga bomba, nadiskubre.

2. Limang drug suspects, arestado sa inilunsad na law enforcement operation sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

3. 95 na NPA members sa region 12, sumuko sa gobyerno sa nakalipas na limang taon, ayon sa PNP 12

4. TATLONG flagship infrastructure projects ng Duterte administration sa ilalim ng Build, Build, Build program, hindi na itutuloy.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

LIMA PANG mga Improvised Explosive Device o IED ang nadiskubre ng Moro Islamic Liberation Front o MILF Task Force Itihad sa iba’t ibang mga lugar sa Maguindanao.

Sinabi ni MILF-Bangsamor Islamic Armed Forces National Guard Front Commander George Kasim na matagumpay namang na-diffuse ang naturang mga bomba.

Aniya pa, nakubkob na rin nila katuwang ng Army’s 57th Infantry Battalion ang isang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilalim ng grupo ni Abu Toraife.

Samantala, pitong mga miembro rin ng MILF-BIAF ang nasugatan matapos sumabog ang isang bomba sa Sitio Mapagkaya, Barangay Dasawao, Sharif Saydona Mustapha pasado alas nuwebe ng umaga kamakalawa.

Ayon kay Kasim, nakilala ang mga malubhang nasugatan na sina Ahmad Guialudin, Norhamin Saliguidan at Islamin Ibrahim habang nagtamo naman ng minor wounds sina Asladin Ismael, Harold Adam, Dagul Balanu at ang magpinsang sina Fahad at Abdulhamid Matabalao.

Nagbabantay lamang umano sa kanilang kampo ang mga biktima nang masabugan ng bomba.

Matatandaang nitong October 4 lamang ay pitong mga miyembro rin ng MILF ang napaslang sa bakbakan laban sa BIFF

 

-0-

 

NAA-AGNAS NA nang matagpuan ng isang magsasaka ang bangkay ng isang lalaki na nasa gitna ng kanyang palayan sa Sitio, Sinamulang, Barangay Baguer, Libungan, North Cotabato pasado alas onse ng umaga kahapon

Nakilala naman ang natagpuang bangkay na si Joel Emanel Arevalo, 34 anyos, single, isa ring magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa report ng Libungan PNP, nagmamaneho umano ng kanyang harvester ang di pinangalanang magsasaka nang matagpuan ang bangkay ni Arevalo sa gitna na palayan.

Tadtad umano ng taga ang katawan nito na tinatayang nasa dalawang araw nang nasa palayan dahil halos hindi na makilala ang itsura nito.

Samantala, ayon naman sa mga kaanak ng biktima, nitong Miyerkules pa umano nang huli nilang nakita si Arevalo na bumibili pa ng alak.

Hindi naman umano siya hinanap ng kanayang mga kamag-anak dahil madalas umano itong hindi umuuwi ng bahay ngunit nagulat na lamang sila nang mabalitaang natagpuan itong bangkay na.

Panawagan naman ng mga kaanak ni Arevalo na lumantad ang live-in partner nito at dalawang mga anak na anila ay maaari umanong may kinalaman sa pagpaslang sa biktima.

 

-0-

 

PINULONG ni BARMM Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim ang mga Local Chief Executive ng ilang mga bayan sa BARMM na walang Internal Revenue Allotment o IRA.

Kabilang sa mga ipinatawag ni Ebrahim kahapon sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City ang mga alkalde ng mga bayan ng Datu Salibo, Datu Hoffer, Mangudadatu, Pandag, Northern Kabuntalan, Datu Blah Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, Akbar, Al-Barka, Hadji Muhtamad, at Muhammad Ajul.

Ayon kay Ebrahim, tutulungan ng Bangsamoro Government ang naturang mga non-IRA municipalities upang patuloy na makapagbigay ng nararapat na serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Dagdag pa ng BARMM chief minister, tutulong din ang Bangsamoro Government na tapusin ang ilang mahahalagang proyekto sa nabanggit na mga bayan para agad nang mapakinabangan.

 

-0-

 

ABOT sa 458 assorted high-powered firearms ang pinasagasaan sa pison ng Army’s 6th Infantry Division kahapon kasabay ng 32nd Foundation Anniversary celebration nito.

Sinaksihan mismo ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Macairog Alberto ang naturang Demilitarization Rites para sa mga nakumpiskang mga armas mula sa iba’t ibang mga operasyon ng militar sa AOR ng 6th ID at mula rin sa mga isinukong baril ng mga sibilyan.

Sinira ang naturang mga armas para matiyak na hindi na ito mapapakinabangan pa at magagamit sa masasamang gawain.

Samantala, kasunod nito ay binigyan din ng pagkilala ng pamunuan ng Army’s 6th ID ang mga sundalo at kanilang mga civilian employee na nagpakita ng maayos at tapat na serbisyo sa dibisyon.

 

-0-

 

Limang na mga drug suspect, arestado sa magkahiwalay na law enforcement operation sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

Nahuli ng mga pulis ang limang mga drug suspek sa isinagawang search warrant operation sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato.

Unang naresto ng Makilala PNP sa pangunguna ni Makilala PNP Chief Police Major Arniel Melocotones ang dalawang drug suspek sa magkahiwalay din na lugar sa Makilala, kahapon ng madaling araw. Unang nahuli ang isang 50 anyos na lalaki na kinilalang si Fermin Bajenting Almarez Jr., alyas Iming, may asawa at nakatira sa Purok 7, Barangay Luna Sur, Makilala, Cotabato alas 2:20 ng madaling araw.

Pagsapit ng alas 3:10 ng madaling araw naaresto rin ag isang 22 anyos na lalaki na kinilalang si Roger Reyes Abatayo Jr alyas Jay na nakatira naman sa Purok 1, Barangay Luna Sur.

Nakuha naman ang limang mga pakete ng suspected shabu at mga drug paraphernalia sa bahay ng nasabing drug suspek. Samantala sa Carmen, North Cotabato dalawang mga tulak-droga rin ang naaresto sa operasyon ng pulisya Sitio Galay, Barangay Kibayao, Carmen alas 2: 45 ng madaling araw kahapon.

Nakilala ang naaresto na sina Jomar Usop Sampulna 47, negosyante at Noraisa Gumbay Sampulna alyas Bai, 40 years old na residente ng Ulandang Midsayap. Nakuha sa dalawa ang tatlong large sachets ng droga na nagkakahalaga ng abot sa 27,700 pesos.

Sa Kidapawan City kahapon ng hapon, dalawang search warrant naman ang isinilbi na may kinalaman sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA10951 laban sa suspek na si Frank Esquita Espino, 26 anyos at nakatira sa Alim Street, Barangay Poblacion. Nakuha sa bahay nito tatlong mga sachets ng suspected shabu at 38 caliber at ay mga bala. Temporaryong nakapiit ang mga drug suspek sa custodial facility ng PNP at kakaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

National Nutrition Council School on the air participants sa North Cotabato, nakapagtapos na kahapon

Nakapagtapos na ang mahigit sa apat-napung mga enrollees ng National Nutrition School on the air na ginanap sa DXND- Mini Auditorium kahapon ng umaga.

Ang School on the air ay isang Programa ng Radyo-BIDA at ng NNC region 12 na tumatalakay at nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa usaping pangkalusugan sa mga tagapakinig ng himpilan.

Pagkatapos ng talakayan ay nagbabato ng mga katanungan ang mga anchor na siya namang sasagutin ng mga partisipante at ang unang tatlo ka na makakasagot at makakatanggap ng 50 pesos worth of load.

Sa ginanap na graduation ceremony kahapon, nagbigay ng mensahe ang NNC 12 President Myra Agnes Pinol na siya ring NDBC Regional Sales and Marketing director, pinasalamatan nito ang NNC dahil sa naturang programa at pinayuhan ang mga naging estudyante na gamitin ang lahat ng kanilang natutunan sa mga session. 

Samantala, hiling naman ni Dannah Pearl Aurel ng NNC 12 na sanay maibahagi din ng mga graduate sa kanilang kapit-bahay, kaibigan o maging sa kanilang kamag-anak ang kanilang mga natutunan sa programa.

Nagbahagi rin kahapon ng kani-kanilang karanasan ang mga partisipante dahil ang NNC School on the air ay walang pinipiling edad mapabata, matanda, lalaki man o babae ay maaring makasali ang naturang programa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 800 na aftershocks, naitala ng Phivolcs Kidapawan kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato

Abot na 804 na mga aftershock ang naiktala sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan matapos ang naranasng Magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato noong Oktubre a-16.

Kaugnay rin nito ipinaliwanag ni Engr. Milo Tabigue, Field Officer ng PHIVOLCS Kidapawan ang kaibahan ng foreshock, aftershock at main shock.

Ang aftershock ay ang maliliit na pagyanig matapos ang Magnitude 6.3 na lindol. Habang ang main shock naman ay nangyayari kung mas mataas pa ito sa Magnitude 6.3 na pagyanig. Bagama’t malayong mangyari, kung halimbawa ay tataas pa sa Magnitude 6.3 ang isang aftershock, tatawagin na itong main shock, at magiging foreshock na ang tawag sa naunang Magnitude 6.3. 

Muli ring ipinaliwanag ni Tabigue na tectonic ang pinagmulan ng naranasang lindol kamakailan o may paggalaw ng fault line at hindi ito makakaapekto sa Mt. Apo na isang potentially active volcano. Dagdag din nito na mataas na aniya ang sampung segundong pagyanig at imposible rin ang isang minutong lindol.

 

-0-

 

Menor de edad, arestado matapos naaktuhang ninanakaw ang nakaparadang motorsiklo sa Kabacan, North Cotabato

Naaktuhang ninanakaw ng isang labindalawang taong gulang na batang lalaki ang isang motorsiklo na nakaparada lamang sa Rizal Avenue, Poblacion Kabacan, North Cotabato ala 1:25 ng hapon kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, tinangkang nakawin ng suspek na sadyang hindi kinilala sa report ang motorsiklo na pagmamay-ari ni Joseph Samson Balansag, 40 anyos na residente ng bayan.

Agad namang tumungo sa lugar ang Kabacan Police upang mag-imbestisga at lumalabas na ipinarada lamang saglit ng may-ari ang kanyang motorsiklo. Nang kapkapan din ang menor de edad y nakuha naman ang isang pakete ng pinaghihinlaang shabu.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng Women's and Children Protection Desk (WCPDO) Kabacan ang batang suspek habang ang hinihinalang shabu na nakuha mula sa kanya ay isusumite sa Police Provincial Crime Laboratory. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Price Freeze sa mga bilihin mula sa tatlong mga bayan at isang lungsod sa North Cotabato, ipinatutupad ng DTI matapos ang lindol

Minomonitor na ngayon ng Department of Trade and Industry North Cotabato ang presyo ng mga bilihin sa mga bayan na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa lindol.

Ayon kay DTI Consumer Protection Division Ken Wong, automatic aniyang magpapatupad ng price freeze sa mga Basic Commodity goods. Nagsimula na umano silang mag monitor ng mga presyo sa bayan ng Tulunan. Isusunod naman dito ang Mlang at Makilala at kasali rin ang Kidapawan City matapos itong magdeklara rin ng State of Calamity.

Minomonitor narin ngayon ng DTI ang mga tindang Steel Bars sa mga Hardware. Dapat aniyang sumunod sa standard ang ganitong mga ginagamit sa paggawa ng bahay. Kasabay narin aniya ito sa pagtama ng 6.3 na lindol kung saan nasira ang ilang mga building at bahay at ang ilan sa mga ito kwenestyon ang mga materyales na ginamit. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Cash incentive ng gobyerno napakinabangan ng 50 mga centenarian sa rehiyon, ayon sa regional Director ng DSWD 12

Abot sa limampung mga centenarian o umabot ng isang daang taong mga mamamayan sa region 12 ang nabigyan ng tig isang daang libong piso ng pamahalaan.

Ito ang ipinahayag ni Department of Social Weflare and Development o DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo. Ayon kay Espejo ang insentibo at phostomous award ng pito sa mga sumakabilang buhay na centenarian ay ibinigay sa kanilang mga kaanak.

Kaugnay nito, nananawagan si Espejo sa publiko na ireport sa kanilang tanggapan o sa kanilang mga lokal na opisyal ang mga kaanak o kakilala na umabot ng 100 years old.

Ito ay para makinabang din sa Centenarian Act of 2016. Pinaalalahanan naman ni DSWD 12 Regional Executive Assistant Dennis Domingo ang mga kaanak ng mga centenarian na magsumite ng birth certificate o Pasaporte at iba pang mga dokomento na makapagpapatunay ng kanilang edad.

Pinakahuling nabigyan ng tig 100 thousand pesos cash incentives sa region 12 ang mga centenarian sa Koronadal City na sina Asuncion Blaze Diaz at Corazon Estorque na parehong isinilang noong 1919.

 

-0-

 

“No Contact Policy” sa mga lalabag sa batas trapiko ipatutupad ng city government sa General Santos City

Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang “no touch” o “no contact policy” sa mga mahuhuling traffic violators sa General Santos City. Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera, layon nito na mapaigting ang pagpapatupad ng “Oplan Linis at Ligtas na Kalsada ng city government.

Tinututukan ng programa ang mahigipit na pagpapatupad ng mga batas trapiko sa nasabing lungsod. Sinabi ni Rivera na nakikipag ugnayan na sila ngayon sa Land Transportation Office o LTO 12 bilang paghahanda sa paglulunsad ng “No touch” policy bago magtapos ang 2019.

Ayon kay Rivera lalagda ng kasunduan ang Gensan City Government sa LTO na magbibigay ng permiso sa mga pulis at traffic enforcers na kumuha ng litrato ng mga violators sa halip na pagbigay sa mga ito ng citation tickets.

Ipinahayag ni Rivera na ang multa at penalty ay maaring kokolektahin sa renewal ng driver’s license o sasakyan. Ayon kay Rivera para maisguro ang maayos na pagpapatupad ng nasabing sistema, sasailalim muna sa training at simulation activities ang mga pulis at traffic enforcers sa Gensan.

Bilang suporta sa road clearing program ng pamahalaang nasyonal inilunsand ng Gensan LGU sa pakikipag ugnayan din sa LTO 12 ang “Oplan Linis at Ligtas na Kalsada” Program.

 

-0-

 

Abot na sa 95 mga myembro ng New Peoples Army o NPA ang nagbalik loob sa pamahalaan simula 2013 hanggang ngayong 2019.

Ipinahahayag ito ni Police Regional Office 12 Director, Brig. Gen. Alfred Corpuz. Ito rin ang dahilan kung bakit ayon kay Corpuz ay unti unti ring nababawasan ang impluwensya ng nasabing rebeldeng grupo. Sinabi ni Corpuz na maraming mga NPA member ang nahikayat na sumuko dahil na ramdaman din ng datin nilang mga kasama ang tulong ng pamahalaan.

Ayon kay Corpuz patunay ito na seryoso ang gobyerno na mabigyan ng ikalawang pagkakataong magbagong buhay ang mga myembro ng rebeldeng grupo. Ang mga sumukong NPA member ay bibigyan ng livelihood at financial assistance sa pamamagitan ng Enhance Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

 

-0-

 

DA Secretary may pakiusap sa publiko para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever Virus

Bumili lamang ng karneng baboy sa mga market vendors at at meat shops na may sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Services o NMIS.

Ito ang panawagan sa publiko ni Department of Agriculture Secretary William Dar. Umapela din si Dar sa mga maliliit na backyard raisers na huwag ibenta sa mga traders ang mga alagang baboy na apektado ng African Swine Fever o ASF virus.

Ayon kay DAR dapat ding ipagpapatuloy ng mga lokal na opisyal na ipagpapatuloy pa rin ang kanilang mga ginagawa lalong lalo na ang biosecurity at quarantine measures.

Ito a upang mapigilan ang pagkalat ng ASF virus na bagama’t hindi nakakahawa sa tao ay g banta naman sa swine industry sa bansa. Ipinahayag ito ng kalihim matapos matuklasan ng mga otoridad sa isang traveler sa Mindoro port ang mga dala nitong processed na karneng baboy na nagpositibo sa ASF Virus.

 

 

-0-

NATIONAL NEWS………………….

 

IBABASURA NA ng administrasyong Duterte ang tatlong flagship infrastructure projects nito sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na masyado kasing magastos ang naturang mga proyekto at hindi pa kaya ng bansa ang teknolohiya para isakatuparan ang mga ito.

Ang mga tinutukoy na ay ang:

18.2-kilometer Luzon-Samar bridge na nagkakahalaga ng 57 billion pesos; 23-kilometer Leyte-Surigao bridge na nagkakahalaga ng 47 billion pesos at ang 24.5-kilometer Cebu-Bohol bridge na nagkakahalaga ng 56 billion pesos.

 

-0-

Sa iba pang balita, walang umanong nakikitang masama si National Security Council Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa napipintong joint exploration ng likas-yaman sa West Philippinas sa pagitan ng bansa at China kung saan 60% ng kita ay mapupunta sa Pilipinas habang 40% naman sa China.

Nobyembre noong 2018 nang lagdaan ng dalawang bansa ang memorandum of understanding para sa joint gas and oil development sa pinag-aagawang teritoryong malapit sa isla ng Palawan.

Giit ni Esperon, hindi lugi ang Pilipinas bagkus ay lamang na lamang pa nga.

Sa kabilang dako naman, masaya ang Malacañang sa pagpili ng turista sa Pilipinas bilang isa sa pinaka-paborito nilang bansang puntahan sa buong mundo.

Batay sa 32nd annual survey na isinagawa ng New York-based luxury and travel magazine na Condé Nast Traveler, pangwalo ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinakagusto ng travelers.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagsalita na ang buong mundo na tunay aniyang ‘It’s more fun in the Philippines’.

Sa survey ng Condé Nast, lumabas na mas sikat pa ang Pilipinas sa kilalang tourism destinations na Italy, Vietnam, Japan, at Israel.

 

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...