Friday Nov, 22 2019 02:28:32 AM

NDBC BIDA BALITA (10.7.19)

NDBC BALITA • 21:45 PM Mon Oct 7, 2019
270
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PULIS, patay sa pamamaril sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

2. SUNDALONG taga Mlang, North Cotabato, patay sa pamamaril sa Marawi City

3. DALAWANG mga NPA member, sumuko sa militar sa South Cotabato

4. Model OFW family, pinarangalan ng OWWA-12

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

 

-0-

 

DEAD ON THE SPOT ang isang pulis matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado ala una ng hapon kahapon sa national highway na sakop ng Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang biktima na si Patrolman Asraph Pasandalan Mato, 31 anyos, nakatalaga sa 1401st Regional Mobile Force Company ng PNP-BARMM, may asawa, at taga Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ngunit pagsapit nito sa Barangay Gang, Sultan Kudarat ay dinikitan siya motorcycle-riding suspects at agad na pinagbabaril gamit ang cal.45 pistol.

Natumba ang biktima sa kanyang sinakyan na motorsiklo sa gilid ng national highway at naliligo sa kanyang sariling dugo.

Tinamaan ng bala sa ulo at likod si Mato dahilan para siya matumba at agad na binawian ng buhay.

Samantala, alitan umano sa trabaho ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa Chief Mechanic ng Motorpool ng Lamsam Company Inc. sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Jun Balboa, may asawa, at taga barangay Baguer, Pigcawayan, North Cotabato.

Kwento pa ng pamilya ni Balboa, ilang araw bago namatay ang biktima ay nakatatanggap na umano ito ng mga death threat na sinasabing may kinalaman sa trabaho.

Maalalang sakay ng kanyang motorsiklo si Balboa at patungo sana sa trabaho ngunit pagsapit sa boundary ng Brgy. Alamada at Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat ay pinagbabaril siya ng riding tandem suspects gamit ang cal.45 pistol.

Dead on the spot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang likod at ulo.

Sa ngayon ay may mga suspek ng ini-imbestigahan ang mga pulis kaugnay sa pamamaslang kay Balboa.

 

-0-

 

 

 

 

 

-0-

 

PATAY ang pitong mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos makasagupa umano ang ilang mga miyembro ng ISIS-inspired terror group na Dawlah Islamiya sa Maguindanao.

Kinilala ni Army’s 57th Infantry Battalion Commander Lt/Col. Ernesto Gener ang mga nasawi na sina Laguiali Ali, Poangan Ganda, Kho Mamaluba, Jeomar Salansamen, Mads Maitem, Tongan Tot at Datumaniot Musbil.

Ayon kay Gener, tumagal ng halos kalahating araw ang engkwentro ng MILF sa grupo ni Dawlah Islamiya Leader Salahuddin Hassan sa Sitio Tinulusan, Dasawao 4 sa Shariff Saydona na sumiklab noon pang Biyernes ng umaga.

Una nang itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na may kinalaman sila sa nangyaring engkuwentro kahit pa minsan na silang nagpakita ng alyansa sa ISIS.

Samantala, patay naman ang isang pinaniniwalaang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF nang umiwas ito sa isang checkpoint sa Barangay Malangit, sa Pandag, Maguindanao pasado alas sais ng umaga kahapon.

Sa report ng mga otoridad, sa halip umano na huminto ang suspek na si Kaliga Usman Kamsa ay umiwas ito sa checkpoint ng CAFGU Active Auxiliary kaya napilitan ang mga ito na paputukan si Kamsa.

Nakuha naman mula sa nasawing suspek ang dalawang fragmentary hand grenades na ngayon ay nasa Pandang PNP Station.

 

-0-

 

Local………………..

 

UMAPELA naman si Maguindanao 2nd District Congressman Toto Mangudadatu sa mga naglalabang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Moro Islamic Liberation Front o MILF na kung maaari ay daanin sa payapang paraan ang anumang hindi nila napagkakasunduan para maiwasan ang pagbubuwis ng buhay ng magkabilang-panig at madamay ang mga sibilyan.

Pakiusap ng kongresista sa mga armadong grupo, na ibaba ang kanilang mga armas at mag-usap ng mahinahon.

Giit ni Mangudadatu, wala umanong nalulutas na problema ang ilang dekada nang armadong pakikibaka kaya dapat ay matuto na ang mga armed group at makipagtulungan sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Mangudadatu, panahon na para sa BIFF members na maging produktibong mamamayan tulad ng mga miyembro ng MILF.

Hinikayat din ng opisyal ang BIFF na samantalahin ang mga socio-economic economic program ng pamahalaan na maaari nilang mapakinabangan sakaling magpasya ang mga ito na sumuko at magbalik-loob sa gobyerno.

Gaya ng mga MILF combatant, maaari rin silang makatanggap ng aid packages at cash grants mula sa Department of Social Welfare and Development.

Kaugnay nito ay pinuri naman ni Cong. Mangudadatu ang mga pagsisikap ng mga sundalo at pulis na protektahan ang mga sibilyan sa lalawigan katuwang ang mga miembro ng MILF.

-0-

 

DALAWA KATAO ang nasawi nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sultan Kudarat, Maguindanao kagabi.

DEAD ON THE SPOT ang driver na si Tamboy Nakan Lidasan, 27 anyos habang nasawi naman habang ginagamot sa ospital ang biyanan nitong si Esmael Salud, 55 anyos, may asawa, isang karpentero.

Pauwi na sana ang dalawa pasado alas syete kagabi sakay ng kanilang payong-payong ngunit pagsapit ng mga ito sa barangay Bulalo ay pinaulanan sila ng bala ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di natukoy na direksyon matapos gawin ang krimen.

 

-0-

christmas tree na gawa sa mga plastic bottles na pinakamataas sa South Cotabato, paiilawan na sa bayan ng Tampakan Paiiwalan na bukas, October 8 ng lokal na pamahalaang ang higanteng Christmas Tree sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ayon kay Tampakan Mayor Leonardo Escobillo sa taas nito na isang daang talampakan, ito na ang pinakamataas na Christmas Tree na gawa sa mga recyclable na basura sa lalawigan.

Ang nasabing Christmas Tree na binuo sa loob ng 60 araw ay gawa sa mga plastic bottles na bigay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga eskwelahan sa Tampakan. Maging ang mga bakal na ginamit dito ayon kay Escobillo ay sobrang mga material sa mga proyekto noon ng lokal na pamahalaan. Ayon kay Escobillo layon ng proyekto na maisulong ang waste segregation para maibsan ang mga basura at mapangalagaan ang kapaligran.

Naipatayo ang giant Christmas tree sa pagtutulungan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Tampakan. Ayon Escobillo pinagaaralan na ngayon ng LGU kung papaano mahalo sa semento para sa mga construction projects ang mga plastic bottes na ginamit sa Christmas Tree pagkatapos ng Pasko.

 

-0-

Dalawang NPA member sumuko sa militar sa South Cotabato

Ipapa-enroll ng militar sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip ng gobyerno ang dalawang mga sumukong myembro ng New Peoples Army o NPA sa South Cotabato. Layon nito na mabigyan sila ng tulong pangkabuhayan at social intervention.

Ito ay ayon kay 27th IB Commander, Lt. Col. Jones Otida. Ayon kay Otida, sumuko ang dalawang mga dating rebelde matapos ang serye ng pakikpag-negosasyon sa militar. Dala ng mga ito sa pagsuko ang kanilang mga carbine at springfield rifles. Ipinahayag ni Otida na ang mga sumuko na hindi nito pinangalanan ay pawang mga kasapi ng “Yunit Militia” ng Sub-Regional Committee-Alip Far South Mindanao Region ng NPA.

Ang mga ito ay nagtatago sa mga bundok ng bayan ng Tampakan at karatig lugar. Ayon kay Otida, sumuko ang dalawang NPA member sa tulong ng mga barangay officials ng Tampakan. Matatandaan na idineklara ng Tampakan local government bilang persona non grata ang NPA,Communist Party of the Philippines, at National Democratic Front o CPP-NPA-NDF noong nakaraang buwan.

Umapela din si Otida sa mga myembro ng CPP-NPA-NDF at kanilang mga supporter na sumuko na at pakinabangan ang E-Clip program ng pamahalaan.

 

-0-

 

Pagbabawal ng pagsakay sa likod ng pick-up at iba pang kahalintulad na sasakyan ipinaliwanag ng Regional Director ng LTO 12

Kaligtasan ng mga mamamayan ang dahilan kung bakit mariin nang ipinagbabawal ng Land Land Transportation Office o LTO ang pagsakay sa likod ng mga pick-up, bongo, elf truck at iba pang kahalintulad na mga sasakyan.

Ipinahayag ito ni Land Transportation o LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga. Ayon kay Gonazaga, ang pagbabawal ng pagsakay sa likod ng nasabing mga truck ay ipinagutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasunod ito ng serye ng mga vehicular crash sa bansa. Kabilang dito ang pagkahulog sa bangain ng isang truck sa Barangay Lamsalome,T’boli, South Cotabato noong Setyembre na ikinasawi ng dalawamput dalawa na katao.

Ayon kay Gonzaga dahil sa konsiderasyon sa mga nakatira sa mga lalawigan, hindi gaanong naipatupad noon ang batas na nagbabawal ng pagsakay ng pasahero sa likod ng mga pick up at mga kahalintulad na sasakyan. Iginiit ni Gonzaga na multang 5,000 pesos ang ipapataw sa sinumang mahuhuli ng LTO na lumalabag sa memorandum na ipinalabas ng kanilang central office.

 

-0-

Model OFW Family sa rehiyon kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration 12

Pinarangalan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 bilang OFW Model Family sa sea-based category ang pamilya ni Jesus Lapido ng Norala, South Cotabato.

Habang ang nasabing parangal sa land-based category ay iginawad naman ng ahensya sa pamilya ni Arnel Corpuz ng General Santos City.

Naging batayan sa pagbibigay ng parangal sa 2019 Regional Model OFW Family of the Year Awardees o MOFYA ang edukasyon ng pamilya, financial stability at tulong sa komunidad. Ito ay ayon kay OWWA 12 OIC Regional Supervisor Kristine Marie Sison.

Ayon kay Sison ang mga regional winners na nakatanggap ng token at plake, ang magiging pambato ng Soccsksargen sa Search for 2019 National Model OFW of Year.

Gaganapin naman ang awarding ceremony sa kalakhang Maynila sa December 4,2019. Umaasa si Sison na magiging ehemplo sa kapwa OFW ng mga ito ang mga awardee. Matatandaan na ang pamilya ng taga Mlang, North Cotabato na si Raul Reales ang pinarangalan sa Land Base Category ng MOFYA national award noong nakaraang taon.

 

-0-

 

Misis na dalaw arestado sa tangkang pagpuslit ng iligal na droga sa mister na nakakulong sa provincial jail ng South Cotabato

Nasa kustoya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12 General Santos City ang isang babae. Ito ay matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center SCRDC na mas kilalang provincial jail magaalas nuwebe nang umaga kahapon. Kinilala naman ni South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Felicito Gumapac ang suspek na si Joy Gallego Marcera, 42 anyos, nakatira sa Barangay Avancena, Koronadal City.

Ayon kay Gumapac, dadalawin sana ni Marcera ang kanyang asawa na nakakulong sa SCRDC nang mahulihan ito ng tatlong malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu Ang mga ito ayon kay Gumapac ay nagkakahalaga ng mahigit 100 thousand pesos at posibleng ibebenta rin sa loob ng nasabing pasilidad. Sinabi ni Gumapac na natunugan ng mga jail guard ang mga umanoy iligal na droga na isinisik ni Marcera sa swelas ng kanyang sandal.

Naniniwala si Gumapac na ibibigay sana ni Marcera ang nasabing kontrabando sa kanyang asawa na nakakulong dahil din sa pagtutulak ng iligal na droga. Sinabi ni Gumapac na resulta ng mas pinaigting na seguridad sa provincial jail ang pagkakahuli sa suspek na si Marcera na matagal na nilang minamanmanan. Si Marcera ay kakasuhan naman ng paglabag sa Comprehenive Dangerous Drugs Act. Matatandaan na nakareber ng 15 pakete ng suspected shabu sa isang selda ang mga otoridad sa kanilang operation greyhound sa provincial jail noong nakaraang buwan.

 

-0-

 

DA 12 Regional Executive Director may payo sa mga magsasaka para madaling makakuha ng tulong sa pamahalaan.

Bumuo ng grupo o kooperatiba para mas madaling makinabang sa mga programa ng pamahalaan. Ito ang panawagan ng Department of Agriculture sa mga magsasaka sa region 12.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, mas makakahingi rin ng mas mataas na presyo sa kanilang mga produkto ang mga myembro ng kooperatiba. Mas makahahanap din ang mga ito ng mga partner na bibili sa kanilang mga produkto sa mas magandang presyo.

Payo lamang ng DA sa mga magsasaka, pamahalaan ng maayos ang kanilang kooperatiba. Tiniyak din ni Casis na handang tumulong ang DA sa mga magsasaka na makabuo ng kooperatiba at magpatala sa kanila sa Cooperative Development Authority.

Tanging gagawin lamang ng mga ito ay ang dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng DA.

 

-0-

 

Mahigit 60 na mga out of school youth sa Kidapawan City, nakapagtapos sa skiils training ng TESDA 12 Bagong simula at Pag-asa.

Ito ang nararamdaman ng anim na put anim na mga out of school youth sa Kidapawan City matapos ang ilang araw nilang pagsasanay. Ang nasabing nga benipisyaryo ay piniling pumasok sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA upang magkaroon ng panibagong kasanayan upang makahanap ng trabaho.

Nagtapos ang tatlumput limang mga out of school youth sa Computer Software Servicing NC II, labin-anim sa Food and Beverages NC II at labin-lima naman sa Housekeeping NC II. Ang programa ay sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Private Education Student Financial Assistant (PESFA) na ginanap sa isang pribadong paaralan sa lungsod.

Nagpasalamat naman ang mag estudyante sa programa ng TESDA dahil maaari na nilang magamit ang kanilang mga sertipiko upang makahanap ng trabaho lokal man o abroad. Ang mga out of school youth ng Kidapawan City ang isa lang sa nagpapatunay na walang pinipili ang programa ng TESDA ganun din ang estado nito sa lipunan.

Sa ngayong taon ay libo libong mga benepisyaryo na ang nakakuha sa kanilang programa na mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Backpacks, mahigpit na ipinagbabawal sa mga activity area sa pagdiriwang ng founding anniversary sa Makilala, North Cotabato

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng backpacks sa mga activity area kaugnay sa ika-65th founding anniversary na SINABBADAN festival sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Nagpa-alala naman ngayon ang mga otoridad sa publiko na iwasan na lamang ang pagdadala ng backpacks upang masiguro ang seguridad ng mga gustong makisaya at makibahagi sa mga inihandang aktibidad sa nasabing selebrasyon. Ayon sa PNP, madalas kasi na pinaglalagyan ng mga kaduda-dugang bagay o mga kontrabado ang mga backpack kaya’t mahigpit itong ipinagbabawal.

Kabilang sa ipinagbabawal ng PNP ang pagdala ng bladed weapons tulad ng icepick at iba pang mga matutulis na bagay. Samantala, pormal na nagbukas kahapon ang ika-65th Araw ng Makilala na Sinabbdan Festival ang Sayaw indak sa Kadalanan showdown, motor show at iba pa.

Ngayong araw naman ang Community Zumba, PWD and women program, Zumba contest, cooking contest, flower vase arrangement at landscaping contest. Hinihimok naman ng mga otoridad ang lahat ng mamamayan sa bayan na maging mapagmatyag at huwag mag-aatubiling ipagbigay-alam ang anumang mapansing kahina-hinalang tao o bagay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang mga drug suspek, huli sa operasyon ng mga pulis sa Kabacan, North Cotabato

Arestado ang dalawang mga drug suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PNP sa Purok Pagkakaisa, Upper Paatan, Kabacan, Cotabato alas 9:20 kagabi.

Sa ulat, nakilala ang mga suspek na sina Erwin Cabasog Fajardo alyas Newree Pajardo, 27 years old, single, duck raiser and Kenneth Mendoza aka Bonel Mendoza, isang magsasaka at nakatira sa naturang lugar.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Kabacan PNP at ng PDEA 12. Nakuha sa dalawang mga suspek ang apat na mga sachets ng iligal na droga at 500 peso bill na siyang ginamit bilang marked money.

Nasa kustudiya na ngayon ng Kabacan Police ang mga suspek at nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NPA-SPARU, sumuko sa militar sa Magpet, North Cotabato

Welcome development para sa militar ang pagsuko ng isang lider ng Special Partisan Unit o NPA SPARU sa Philippine Army na nakabase sa Magpet, North Cotabato.

Ayon kay 72nd Battalion Commander LTC Rey Alvarado, nakilala ang sumuko na si Harold Adjiaton, 30-anyos na residente ng Barangay Balite, Magpet, North Cotabato. Ayon sa opisyal, sumuko anya si Adjiaton matapos maaresto si Rachel Daguman-Cortez na siyang mataas na lider ng Guerilla Front 53 sa loob ng public market sa San Francisco, Agusan del Sur, kamakailan.

Kabilang sa kanyang isinurender ang mga armas na caliber 45 pistol at mga bala. Sinasabing si Adjiaton ang nagturo sa militar sa hideout ng mga NPA sa North Cotabato kung saan tinatago ang mga kanilang armas. Kabilang dito ang hideout sa Matalam at President Roxas kung saan nakuha din dito ang mga armas at Granada.

Sinabi ni Alvarado, na hindi lamang sa nasabing mga lugar na may hideout ang grupo dahil marami pa rin anya sa probinsya na may presensya ng Armadong grupo. Ang kanyang mahirap na karanasan habang nasa kilusan at ang kanyang kagustohan na makapiling ang kanyang pamilya ang dahilan upang nagbalik loob siya sa pamahalan. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

Nagpatupad muli ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong weekend ang mga oil company.

Unang nagpatupad ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel ng rollback nitong Sabado at kahapon ng hapon.

Piso ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang 80 centavos naman sa kada litro ng gasolina.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis epektibo bukas.

Sa iba pang balita, inaasahang hanggang sa October 20 ay maisusumite na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kay Pangulong Duterte ang listahan ng mga pangalang pagpipilian bilang susunod na hepe ng PNP.

Ipinaliwanag ni Año na alinsunod sa batas, ang National Police Commission ang magsusumite ng naturang pangalan sa Pangulo at bilang chairman ng Napolcom, siya aniya ang gagawa nito.

Nilinaw naman ng kalihim na ang Presidente pa rin ang magdedesisyon at pipili kung sino ang susunod na PNP chief kaya maaaring wala sa kanilang listahan ang pipiliin ng Pangulo.

Nakatakdang magretiro si outgoing PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde sa November 8.

 

-0-

 

Sa kabilang dako naman, nangangailangan ang Philippine Army ng dagdag pang 5,300 na mga sundalo upang higit na mapaigting ang kampanya laban sa terorismo.

Sa kasalukuyan ay nasa 148 thousand ang kabuuang puwersa ng AFP kung saan 90 thousand dito ay mula sa Philippine Army.

Sinabi ni Army Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na nais ng Commander in Chief na magkaroon ng karagdagang 25 libong tropa ang militar kung saan karamihan dito ay para sa Army.

Bangsamoro gov't supports global CRC treaty

COTABATO CITY --- Sectors in the Bangsamoro region promised Wednesday to promote the global children’s right treaty while restoring...

Son kills own father using machete in South Cotabato town

KORONADAL CITY - Police investigators in Norala Police station are on standby to arrest a hacking incident suspect who is now confined at...

Man hacks to death wife in South Cotabato

TANTANGAN, South Cotabato - Selos ang motibo na sinusundan ng imbestigasyon ng mga pulis sa pagpatay ng isang mister sa sariling misis sa...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 21, 2019)

NDBC BIDA BALITA 7 A.M.

HEADLINES:

1. 50 sachets ng shabu, nasamsam ng mga otoridad...

Gov. Nancy Catamco back in harness 

NORTH COTABATO --- Spiritual leaders of highland tribes in North Cotabato performed at sunrise Wednesday a blessing rite for Gov. Nancy...