NDBC BIDA BALITA (11.18.17)

NDBC BALITA  • Sat Nov 18, 2017 11:34 AM  •  109   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST November 18, 2017 (SAT)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1.
Indonesian national na hinihinalang miyembro ng Maute – ISIS Group, arestado sa Marawi City


2.
Mga BIFF, muling binomba ng kanyon ng militar sa Carmen, North Cotabato; mga nagsilikas nadagdagan pa

3.
Pito arestado sa anti-illegal drug operation ng PDEA  at militar sa Lambayong, Sultan Kudarat
4.

4. Pito arestado sa anti-drug ops sa Lambayong, Sultan Kudarat  



-0-



Arestado ng militar ang isang Indonesian national na hinihinalang miyembro ng Maute – ISIS Group sa Barangay Loksadatu, Marawi City.  

Kinilala ni Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Chief Superintendent Graciano Mijares na ni si Mohamadin Ilham Syaputra.   Nabatid na lumangoy umano ito sa Lake Lanao bago nakapasok sa mga bahay kung saan siya natagpuan.   Payat na payat at mahaba ang buhok ng nasabing hinihinalang dayuhang miyembro ng grupong Maute nang makuha ito.  

Balak naman ngayon ng mga otoridad bigyan ng parangal ang mga nasa likod ng pagkakaaresto sa indian national.  

Labis naman ngayon ang pasasalamat ni Mijares sa hepe ng Marawi City PNP na si Superintendent Ibra Moxsir na nanguna sa pag-aresto kay Syaputra kasama ang BPAT members ng nasabing lugar.  




-0-


Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga elemento ng Cotabato City Police station 1  kaugnay sa nangyaring pamamaril kahapon ng tanghali sa Almonte street, Cotabato City.  

Base sa report ng pulisya, sinabi ng mga bystander sa lugar na mayroon umanong isang kulay pula na pickup truck ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo.  

Agad naman minonitor ng mga otoridad ang lahat ng mga ospital sa lungsod kung mayroong mga sugatang isinugod ngunit walang kahit isang ospital ang nakapagtala nito.  

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng pamamaril ang anim na basyo ng bala ng kalibre 45 pistol.   Samantala, pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad ang isang payong-payong driver matapos mawala kahapon ng hapon sa lungsod.  

Ayon sa report, sinabi ng kanyang may bahay na si Handi na namamasada ang kanyang asawang si Saiden Omar, 23yo  ng kanilang nirerentahang payong-payong na may plakang MI 3581 nang tangayin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng kulay gray Toyota Innova.
 

Dagdag pa ni Hanadi na hinarang umano ng mga suspect ang biktima saka sapilitang sinakay sa sasakyan alas tres ng hapon kahapon sa Purok 5, RH-9 ng lungsod patungo sa hindi malamang direksyon.  

Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang pulisya ngunit bigo silang makita ang biktima.



-0-


Ipinaliwanag ng Municipal Administrator ng Pigcawayan ang dahilan kung bakit sila nagbawaas ng mga Job Order.  

Ayon sa panayam ng radyo bida kay Pigcawayan Municipal Administrator Jezler Garcesa, mula sa buwan ng Enero ay mayroon silang 149 job order na mga empleyado at ngayon ay nasa 93 na lang ang natitira.  

Ginawa ni Garcesa ang pahayag matapos makatanggap ng mga batikos ang munisipyo kaugnay sa nasabing usapin.  
Sinabi ni Garcesa na noong Hunyo ng magsimulang umupo bilang alkalde si former Vice Mayor Jun Garcesa matapos sumakabilang buhay si late Mayor Herminio Roquero ay nagbawas sila ng 56 na mga job order employees sa munisipyo dahil wala umanong kakayahan o budget ang minisipyo sa ganito karaming bilang ng mga job order employees.  

Nilinaw rin nitong hindi na hindi isang political accommodation ang pagtanggap ng mga job order employees.  



-0-



NANINIWALA ang Traffic Management Unit ng Cotabato City PNP na mareresolba ang problema sa trapiko sa lungsod.   Ito ay ayon kay TMU Chief PSI Rowell Zafra sa panayam ng radyo bida.  

Ayon kay Zafra, mareresolba ang problema sa trapiko sa lungsod kung mga motorista ay handa lamang sumunod at isa-isip ang mga batas trapiko.   Ito ay matapos magsagawa ng panghuhuli ang TMU kamakalawa sa lungsod partikular sa Governor Gutierrez Avenue.  

Kung saan labing tatlong mga payong2x ang naimpound makaraang lumabag ang mga ito sa ipinatutupad na City Ordinace 4428 na nagbabawal sa mga payong-payong na bumiyahe sa national highway sa lungsod.  

Sinabi ni Zafra na nakatuon ngayon ang kanyang atensyon sa mga payong-payong at habal-habal drivers sa lungsod.  

Bagaman na bawal sa batas na bumiyahe ang mga ito pero dahil sa humanitarian reasons ay pinapahalintulutan itong bumiyahe sa kani-kanilang mga barangay lamang.   Mayroon naman paalala si Zafra sa lahat ng mga motorista sa lungsod.




-0-



Nagpasok ng guilty plea sa Sandiganbayan ang dating vice governor ng Tawi-Tawi na si Ruby Sahali Tan kaugnay sa kasong six counts ng paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o ang Republic Act No. 6713.   Kaalinsunod ito sa isi­nagawang re-arraignment ng korte sa kaso laban sa dating bise gobernador.  

Dahil dito, malinaw na inamin ni Tan ang kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kanya.   Inutos ng korte ang pagbabayad ni Tan ng P5,000.00 sa bawat count ng kaso o kabuuang P30,000.00  

Si Tan ay kinasuhan ng Ombudsman matapos mapatunayang nabigo itong maghain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) under oath mula 2007 hanggang 2011, habang noong 2008 hanggang 2012 ay naghain ito ng kanyang SALNs sa hindi tamang oras.  

Sa Ilalim ng Section 8 of R.A. No. 6713, nakasaad na lahat ng public officials and employees ay obligadong magsumite, under oath ng kanilang assets, liabilities, net worth and financial and business interests kabilang ang kanilang asawa at mga anak na wala pang asawa na may edad na 18-anyos pababa at naka tira pa sa kanilang tahanan.  



-0-


White Christmas mararanasan ng publiko sa Kapitolyo ng South Cotabato sa pasko, ayon sa Provincial General Services Office.

White Christmas ang sasalubong sa mga bibisita sa South Cotabato Provincial Capitol sa Koronadal City simula Disyembre.

Ayon kay Provincial General Services Officer Marlyn Almaden, ito ay dahil sa Winter Wondeland Concept ng mga palamuting pamasko sa kapitolyo. Sinabi ni Almaden na naglaan ng mahigit P500,000 ang pamahalaang panlalawigan para sa pagpapaganda ng kapitolyo.

Ayon kay Almaden mahigit P365,000 mula sa naturang halaga ay inilaan para sa mga Christmas decorations at material. Ire-recycle din nila ayon kay Almaden ang mga dekorsyon na ginamit noong nakaraang taon.

Sinabi ni Almaden na sa halip na makukulay na ilaw at mga palamuting pamasko na iba’t ibang ang laki, mababalot ng puting kulay ang compound ng kapitolyo ngayong Pasko.

Ayon kay Almaden makikita kapitolyo ang snowmen, puting lantern, puting Christmas light at ang Belen na siyang magpapaala sa mga mamamayan sa tunay na diwa ng pasko. Mararanasan ng publiko ang White Christmas sa South Cotabato Provincial Capitol mula Disyembre uno hanggang sa Enero 10 sa susunod na taon.


-0-



Pito arestado sa anti illegal drug operation ng PDEA at militar sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ng paglabag sa Compehensive Dangerous Drugs Act ang pito katao na kanilang naaresto sa isang drug den sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Kabilang sa mga naaresto ang target sa serch operation ng PDEA na si Albije Biang, 27 anyos at lending collector.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro arestado din ang mga kasama umano ni Biang na sina Rongto Kambali,35 anyos, magsasaka; Saudin Sangkilamat 28 anyos,construction worker; Edmar Cantillo, 35 anyos,karpintero;Jerry Abellera, 30 anyos, construction worker;Alfred Bansawan, 19 anyos estudyante at Lady Biang 24 anyos, maybahay.

Ang mga ito ayon kay Castro ay pawang mga nakatira sa Purok Rang-ay, Barangay Poblacion, Lambayong, kung saan din sila naaresto.

Nakuha sa mga suspek ang may 30 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P150,000, mga matataas na calibre ng baril, rifle accessories at drug paraphernalia.

Kasama ng PDEA 12 sa anti illegal drug operation laban sa mga naarestong suspek ang PDEA ARMM na pinamumunuan ni Agent Fim Anthony Naïve, at First Mechanized Infantry Batallion ng militar na pinamumunuan naman ni Major Allan Gesulga na nagsagawa rin ng High-Impact Operation.

Ang mga inaresto ayon kay Castro ay nakakulong na ngayon sa lock up cell ng PDEA 12 sa General Santos City.



-0-


Pinansyal na tulong ibinigay ng LGU sa mga vendor na nasunugan sa Koronadal Public Market

Ayon kay Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano ang nasunugang 249 na mga stall holders sa merkado publiko ay nabigyan ng tig P5,000 financial assistance.

Tumanggap naman ng tig 1,000 ang mahigit 50 laray vendors at tig 3,000 ang mga masagana stall holders. Ipinahayag ni Urbano na naglaan ng P1.3 million pesos ang lokal na pamahalaan para sa pinansyal na tulong sa mga nasunugang vendor sa palengke.

Sinabi ni Urbano na ang mga hindi nabigyan ng financial assistance kahapon ay maaring dumulog sa tanggapan ng market supervisor. Bago ibinagay ang financial assistance isinailalim muna ng Bureau of Fire Protection o BFP ang mga nasunugang stall holders fire safety seminar.

Matatandaan na ang sunog sa Koronadal City public market noong nakaraang buwan ay tumupok sa mahigit P50 million na infrustruktura.

Para kahit papaano ay makapaghanapbuhay .ang mga nasunugang stall holders ay pinapayagan ngayong magbenta sa bahagi ng Alunan Avenue sa harap ng palengke. Maglalaan naman ng P29 million ang local na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng nasunog na bahagi ng Koronadal City public market.



-0-



Mahigit 200 OFW sa rehiyon at kanilang benepisyaryo sinanay ng OWWA na maging negosyante.

Dumalo sa EDLP Orientation and Enhanced Entrepreneurial Development Training o EEDT ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 ang 253 na mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya sa rehiyon.

Ang dalawang araw na pagsasanay ay isinagawa ng OWWA sa General Santos City katuwang ang Department of Trade and Industry o DTI. Ayon kay OWWA 12 OIC Marlyn Jamero, layon ng aktibidad na masiguro ang kapakanan at maproteksyonan ang interes ng mga OFW. Itinuro sa mga participant kung paano magsimula ng negosyo,at paggawa ng business proposal.

Ayon naman sa OFW na si Leilani Aranco na nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ng siyam na taon, mahalaga ang training para sa tulad niyang nais magtayo ng negosyo. Ang OFW-EDLP ng OWWA ay dating OFW-Reintegration Program.

Layon ng programa na maturuan na maging negosyante ang mga OFW at kanilang benepsiyaryo. Ipinatutupad ito ng OWWA katuwang ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na magpapautang naman ng puhunan sa mga OFW magtayo ng sariling negosyo.


-0-



Revised revenue code kailangan para sa mas mataas na revenue, ayon sa provincial treasurer ng South Cotabato

Inaasahan ng provincial treasurer’s office ng South Cotabato ang 10% na pagtaas sa local tax collection sa susunod na taon.

Ito ayon kay Provincial Treasurer Alvin Batol ay kapag tuluyan nang inaprubahan ang bagong revenue code na nasa pangatlo at huling pagbasa na ng Sangguniang Panlalawigan. Sinabi ni Batol na kailangan ang revision sa local revenue code na huli umanong ni-revised limang taon na ang nakararaan.

Binigyan diin ni Batol na para makaagapay sa kasalukuyang pangangailangan, kailangan nilang humanap ng paraan para tumaas ang kita ng lalawigan. Target ng South Cotabato provincial treasurer’s office ang P1.7 billion total collection ngayong taon.

Ayon kay Batol mahigit P1.5 billion nito ay nakolekta na sa unang sampung buwan ng 2017. Kampante si Batol na ang nalalabing P192 million sa kanilang target ay makokolekta bago magtapos ang taon.

Nilinaw din ni Batol na ang South Cotabato ay nakapdende pa rin sa Internal Revenue Allotment o IRA Fund. Ito ay sa kabila ng pagkakapili ng Bureau of Local Government Finance sa provincial treasurer’s office nito bilang Best Provincial Treasurer on Real Property Tax Collection.

Pangatlo rin sa Best in Business Tax Collection, fees and charges ng ahensya ang lalawigan.


-0-



Balik kulungan ang isang preso na pumuga sa North Cotabato District Jail matapos na madakip sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato. Kinilala ang naaresto na si Rolly Plang Anok, 31-anyos at residente ng Plang Village, Kabacan, Cotabato at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Talitay sa bayan ng Pikit.

Sa panayam kay PSI Arvin John Cambang, Deputy Chief of Police ng Pikit PNP, hahuli ang suspek alas 2:20 ng hapon nitong Huwebes ng mamataan sa nasabing lugar partikular sa harap ng NIA compound.

Nanguna sa paghuli sa suspek si PCI Romy Castañares, hepe ng Pikit PNP, katuwang ang PPSC-CPPO at RPSB. Hindi naman pumalag ang suspek ng arestuhin ng mga otoridad at maayos naman itong sumama. Si Anok ay isa sa mga pumuga sa NCDJ, Amas, Kidapawan city noong madaling araw ng Enero a-4.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 Article II ng RA 9165, known as the Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Nasamsam sa pag-iingat nito ang isang kalibre .45 na Caspian pistol, magazine at apat na mga bala.

Bago ipiniit sa Pikit PNP lock-up cell, ay isinailalim muna sa medical examination ang suspek sa Cruzado Medical Hospital and Clinic.   


-0-




Nasa 63 porsientong tapos na ang flood control system na ginagawa ngayon sa Mlang River sa bayan ng Mlang, North Cotabato. Ito ayon kay Cotabato 1st Engineering District Head Engr. Elpidio Birog kasabay ng pagtitiyak na dekalidad na proyekto ang kanilang ipinapagawa sa nasabing lugar.

Layon nito na hindi masisira ng tubig ang lupa sa gilid ng ilog at tiyakin din na hindi aapaw ang tubig pag mataas ang lebel ng tubig baha. Nabatid na ang nasabing flood control system ay pinonduhan ng P37 Milyun mahigit pero pumalo sa P39Milyun ang actual na nagasta sa nasabing proyekto.

Sinabi naman ni Engr. Jaime Mendoza Jr., ang project engineer na inaasahang sa unang quarter ng taong 2018 ay ma-i-turn over na ang nasbaing proyekto.  



-0-  




Nasa dalawang Libung mga aplikante pa ang kailangang punan ng Special Action Force o SAF na may battalion sa Amas, Kidapawan City. Ito ang sinabi ni P/Insp. Kenneth Lumbre ang SAF Admin Officer Region 12.

Kabilang sa mga kwalipikasiyon sa pag apply bilang SAF ay dapat, Filipino Citizen, A person of good moral character, Physically and Mentally Fit, may eligibility kagaya ng NAPOLCOM, Career Service Professional, Bar at Board Examination, Board of Criminologist at CS eligibility para sa college honor graduates, walang kasong kinakaharap mat tangkad na 5’4 sa lalaki at 5’2 sa babae.

Ilan sa mga initial requirements na kinakailangan ay NSO Birth Cetificate, Diploma, Brgy. Clearance, Mayor’s Clearance, Police Clearance, NBI Clearance at iba pa. Tatanggap naman ng mahigit sa P22 thousand na buwanang sahod ang pinakababang ranggo ng SAF.



-0-


Patuloy ang ginagawang clearing operation ngayon ng militar laban sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Torayfe ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group).

Ito ayon kay civil Military Operations Officer Captain Napoleon Alcarioto sa panayam ng DXND-Radyo BIDA. Aniya, muli silang nagpaputok ng 105 mm howitzers cannon target ang posisyon ng mga rebelde, kahapon ng umaga.

Aniya, nahihirapan umanong lusubin ng mga sundalo ang pinagkukutaang lugar ng mga BIFF sa hangganan ng Bentangan at Tonganon dahil sa mabundok na lugar. Iginiit pa ng opisyal na sa kweba umano nagtatago ang nasa 70 kasapi at taga-sunod ni Torayfe na karamihan ay residente din umano sa lugar.

Itinanggi din ng opisyal na may kasamang mga dayuhan ang mga terorista pero, aminado siyang may sampung high value target na kasama ang mga BIFF na target ng operations.

Kaugnay nito ay nadagdagan ngayon ang mga nagsilikas papunta sa Brgy. Lawili sa bayan ng Aleosan. Pansamantalang nunuluyan ang mga ito sa evacuation center at sa kanilang mga kapamilya.

Tuloy-tuloy naman ang pamimigay na tulong mga lokal na pamahalaan sa mga IDP’s.



-0-


INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga mamamahayag at mga pamilya ng mga biktima ng Ampatuan massacre sa erya kung saan nangyari ang pinakamadugong kaso n pagpatay sa hanay ng media. Mangunguna rito ang mga opisyal at miembro ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP at ang Justice Now Movement.

Ang site visitation nila ay gagawin bukas, Linggo. Ganap na alas-10 ng umaga, gagawin ang misa sa site.  Magbabahagi uli ng kanilang mga karanasan ang mga pamilya ng mga pinatay na mga journalist.

Gagawin ang site visitation isang araw makaraang idaos sa Davao City ang kauna-unahang Mindanao-wide summit ng NUJP. 

Sa summit, itatampok ang launching ng Journalism Book na magsisilbing gabay sa mga mamamahayag sa kanilang trabaho bilang mga 'watchdog'.
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy