Saturday Apr, 20 2024 02:04:46 PM

NDBC BIDA BALITA (11.13.19)

Breaking News • 14:15 PM Wed Nov 13, 2019
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Cargo truck na may lulang mga basyu ng bala, naharang ng mga otoridad sa Cotabato City.

2. Mahigit 500 million pesos na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa “One-Time-Big Time” operation ng mga pulis sa region 12

3. 100 million pesos na planong utangin ng Kidapawan City LGU para sa relocation site ng mga IDP, inaprubahan ng SP

4. LIMANG mga kadete na sangkot sa hazing ng kapwa-kadete, posibleng matanggal sa PNPA.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

UMAABOT na sa one thousand, 326 families ang apektado ng nagpapatuloy na bakbakan ng militar at militanteng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Nagsimula ang engkwentro nito pang Sabado, November 9 na dahilan ng paglikas ng higit anim na libong indibidwal mula sa nabanggit na barangay.

Sinabi ni BARMM Spokesperson, Atty. Naguib Sinarimbo na takot pang umuwi sa kanilang tahanan ang naturang mga residente dahil sa nagpapatuloy na clearing operations ng militar.

Ayon kay Sinarimbo, kahapon ay nagpaabot sila ng tulong sa pamamagitan ng READI BARMM sa mga apektadong pamilya.

Samantala, umakyat na sa walo katao ang nasawi sa bakbakan ng mga sundalo at BIFF sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano.

Isang sundalo ang nasawi at dalawang iba pang sundalo ang nasugatan habang hindi naman bababa sa pitong miyembro umano ng BIFF ang nasawi sa engkwentro.

Una rito, nasawi noong Sabado si Sgt. Randy Alivar at sugatan naman sina PFC Ruel Sumilhig at PFC Allan James Cabildo.

Sa pinaka huling report mula sa 6th Infantry Kampilan Division, nasa pitong mga BIFF member naman umano ang nasawi sa bakbakan.

Nabatid na gumamit na ng Kanyon, Attack helicopter at Armored vehicle ang militar para tuluyang maitaboy ang armadong grupo sa lugar.

 

 

-0-

 

NAHARANG ng mga otoridad sa Cotabato city ang isang cargo truck na may dalang mga used clothing o ukay-ukay matapos tumambad sa mga ito ang isang sakong naglalaman ng mga basyu ng bala ng iba’t ibang uri ng mga baril.

Natagpuan sa naturang sasakyan ang empty shells ng cal. 50, cal. 5.56 at slugs ng cal. 7.62 na tinatayang nasa mahigit 50 kilo ang bigat.

Kinilala naman ang driver ng naturang truck na si Nandy Taloni Santiago Jr., 29 anyos may asawa kasama ang dalawang helpers nito na sina Jonas Marohom Cabatingan, 23 at Renante Marcilo Tanding 20, anyos, na pawang mga taga Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

Sinabi ni Santiago na dinala nila sa isang junkshop sa Davao City ang naturang mga basyo ng bala pero hindi ito tinanggap dahil marumi umano ang mga ito.

Naharang sa isang checkpoint sa Delta Bridge ang naturang mga junk item pasado alas sais ng umaga kahapon habang ihahatid sana ito sa isa pang junk shop sa Cotabato city.

Kinumpiska ng mga otoridad ang naturang mga kargamento matapos na masuri ng Explosives and Ordnance Disposal team.

 

-0-

 

NAGPAPATULOY ang mandatory drug testing na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Cotabato city sa mga kawani nito katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM.

Nitong Lunes, November 1 umaabot sa 133 LGU employees ang sumailalim sa Drug Test bilang pagtalima sa Executive Order No. 66 kaugnay ng pagsusulong ng Drug-Free Workplace sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Nabatid na mayroon pang natitirang 241 LGU employees ng lungsod na sasailalim sa drug test dahil on leave, absent at on travel umano ang mga ito.

Una ng sinabi ni city mayor Cynthia Guiani na ang sinumang empleyado ng lokal na pamahalaan na mapapatunayang gumagamit ng iligal na droga ay matatanggal sa trabaho.

 

-0-

 

NAGHAHANDA NA ang Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao o BARMM government para sa nakatakdang turnover ng 63 mga barangay na dating sakop ng North Cotabato at ngayon ay mapapabilang na sa bangsamoro region.

Sinabi ni BARMM Spokesperson Atty. Naguib Sinarimbo na nagpulong na ang Technical staff ng North Cotabato Provincial government at mga Opisyal ng BARMM para sa formal turnover ng naturang mga barangay sa darating na November 20.

Maalalang mayorya ng mga residente ng naturang mga barangay ang bumotong pabor sa pagsasailalim ng kanilang lugar sa BARMM sa isinagawang plebisito noong February 6.

Samantala, binalasa naman ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang mga miembro ng kanyang gabinite.

Itinalaga bilang bagong Executive Secretary ng Office of the Chief Minister si Abdulraof Macacua na siya ring may “Oversight” functions sa Ministry of Environment, Natural Resources and Energy o MENRE BARMM.

Si Eduard Guerra na dating Minister of Finance, Budget and Management ay itinalaga naman bilang bagong Minister of Public Works and Highways.

Habang ang Ministry of Finance, Budget and Management ay inilagay sa Direct supervision ng Office of the Chief Minister.

Nabatid na napipisil umanong kapalit ni Guerra si Ubaida Pacasem.

Sinabi ni BARMM Spokesperson Atty. Naguib Sinarimbo na nakatakdang mag-aral sa Malaysia si dating BARMM Executive Secretary Esmael Pasigan

 

-0-

 

Mahigit 500 mga residente ng Pigcawayan, North Cotabato ang makaka-benipisyo sa libreng X-ray examination ng Department of Health sa ilalim ng National Tuberculosis Program o NTP kaugnay naman ng inisyatiba ng Philippine Business for Social Progress.

Sinimulan kahapon November 12, ang nasabing programa at 223 mga residente na ang nakatanggap ng libreng serbisyo.

Ayon naman Kay Rural Health Unit- National Tuberculosis Program Coordinator Ms. Merlyn Castillion kabilang sa mga pweding maka avail ng naturang programa ay ang mga senior citizen, dayabetiko at re-treatment tuberculosis patients.

 

-0-

Bangkay ng babae natagpuan sa Banga, South Cotabato

Patay na nang matagpuan ng mga trabahante ng isang kompanya ang isang babae sa Purok Maligaya, Barangay Lambingi, Banga, South Cotabato alas sais y medya ng umaga kanina.

Kinilala ni Lambingi Barangay Chairman Evelyn Acojedo at mister mismo nitong si Jerry Sakam ang biktima na si Lorena Saman Sakam , 35 years old at nakatira sa kalapit na Sitio ng Lamtabong sa nasabing barangay.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Sakam ay pinalo sa ulo at dibdib ng kawayan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Ang bangkay ni Sakam ay natuklasan ng mga mangagawa ng isang kompanya ng saging na sina Remo Manilla at Feleciano Emboltorio sa tabing sapa. Hinala ng PNP ang biktimang si Sakam ay napaslang malapit sa bunkhouse ng mga trabahante.

Maaring itinapon lamang ito sa tabing sapa base naman sa bakas ng mga dugo na nakita ng mga pulis sa crime scene. Hindi pa batid ng Banga PNP kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

 

-0-

Barangay Chairman ng Balabag sa Kidapawan City, nagbigay ng sampung ektarya na lupa para sa mga pamilyang bakwit na pasok sa “No build zones’ ang kanilang lugar

Nagbigay ng sampung ektarya ng lupa si Barangay Balabag Chairman Eduardo Umpan ng Kidapawan City na pagtatayuan ng magiging tirahan ng pamilya na nasira ang bahay dulot ng lindol na mula sa kanyang barangay.

Ito ang magandang balita ng kapitan sa isinagawang pagpupulong-pulong kasama ang iba pang mga barangay Chairman, kamakalawa. Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ang magiging hakbang kung paano matutulungan ang lahat na mga nabiktima ng lindol lalo na ang mga nawalan ng tahanan sa bawat Barangay ng lungsod.

Ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ang boluntrayong pamimigay ng lupa ng nasabing kapitan para sa kanyang mga nasasakupan. Una ng tinukoy ng Philvocs ang mga lugar sa lungsod na ideneklarang No build zones na ibig sabihin bawal ng pagtirikan ng bahay ang mga lugar na pasok sa No build zones.

Sa ngayon, inaantay na lamang ng LGU na ma certify ng Philvocs na ligtas pagtayuan ng permamenteng bahay ang lupa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pagsusuri sa mga gusali na nakitaan ng pagkasira sa Kidapawan City, patuloy na isinasagawa ng Office of building Officials ng lungsod

Mahigit sa animn apung mga gusali na ang sumailalim sa inspeksyon ng Office of building officials sa Kidapawan City na nakitaan ng mga bitak dulot ng tatlong magkasunod na pagyanig. Kabilang na dito ang mga government and private offices, commercial building, mga paaralan at maraming iba pa.

Ayon kay Office of Building official o OBO Engineer Julito Hernandez, sinabi nitong dapat ay wala silang makaligtaan at kailangan nilang masuri ng maayos ang bawat gusali.

Dagdag pa niya, nakapg-isyu na sila ng clearances sa mga gusaling maari ng gamitin upang agad na makakabalik sa operasyon. Samantala, ipinaliwanag din nito ang mga makikitang sira sa isang building na pwede at hindi na pwedeng gamitin. 

Nabatid na hanggang sa pitong araw lamang simula noong huling pagyanig ay dapat e-demolish ang isa sa pinakamalaking condominium sa lungsod na Eva’s Hotel. Pero sinabi ni Hernandez, ang alkalde na anya ang magdedesisyon kung kailang ipapagiba ang gusali. Dahil ito ay peligroso lalo na mga mamamayan malapit sa nasirang gusali. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

100Million pesos na planong uutangin ng Kidapawan City LGU para sa relocation site ng mga IDp’s, inaprubahan ng SP

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang 100,000 Million pesos planong bank loan ng City Government para sa rehabilitasyon ng mga mamamayan na lubhang naapektuhan ng lindol sa Kidapawan City.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, gagamitin ang pera na uutangin ng lokal na pamahalaan upang pambili ng mga construction materials ng abot sa 1,700 na pamilyang naapketuhan at nawalan ng bahay. Dagdag pa ng alkalde, ito upang mapanatili din ang mga isinasagawang mga relief operation o pambili ng mga basic goods tulad ng pagkain at tubig ng mga bakwit.

Kabilang na din dito ang pagbili ng lupa para sa mga pamilya na hindi na maaring makabalik sa kani-kanilang lugar. Nakikipag-ugnayan na rin ang tanggapan sa Mine and Geosciences Bureau o MGB na matukoy ang mga lugar na pwedeng pagtayuan ng bahay na hindi malayo sa kanilang lupang sinasakahan.

Bukod sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan ay dapat ding ikonsidera ang mga government buildings tulad ng mga paaralan, senior citizen offices, health center at iba pa upang hindi na rin mahirapan ang mga mamamayan na pumunta sa nasabing tanggapan may kailangan. VC- JAE Si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

 

DEPED Kidapawan Division nangangailangan pa ng dagdag na mga temporary learning schools

Nangangaylangan pa ng 208 temporary learning Schools ang Kidapawan City Division para gawing temporary Classroom ng mga mag-aaral sa lungsod.

Ito ang sinabi ni Kidapawan City Schools Division Supt. Rommelito Flores sa isinagawang press conference kahapon ng KidapawanCity LGU. Ayon kay Flores, 356 na mga Temporary learning School ang kailangan ipatayo pero ang iba sa kanila ay naipatayo na sa tulong ng ibat-ibang grupo at maging Deped Personnel mula sa ibang Division.

Sa Datu Saliman Elementary School sa Barangay Indangan ay nangangaylangan ng pitong Temporary learning School at pinagtulungan itong gawin ng Deped Tacurong City Division. Hindi rin aniya pahihintulutan na magsimula ng klase ang paaralan kung walang rekomendasyon mula sa City Building Officials.

Kung sakaling irekomendang off limit ang paaralan ay kailangan ding magtayu ito ng temporary learning school bago magsagawa ng klase para narin sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Sa ngayon ay 19 palang na mga paaralan sa lungsod ang napahintulutang magsagawa ng kanilang klase.

Samantala, wala paring pasok hanggang ngayong linggo ang ilang mga paaralan sa lungsod. Sa kidapawan city National High School ay naka planu na ang gagawing klase ng mga mag-aaral. Simula lunes ay unang papasok ang mga Grade 7 students kung saan ibibigay nalang ng guro ang kanilang dapat pag-aralan sa loob ng isang linggo. Sa susunod na araw naman ang mga grade 8 to 12 students na bibigyan ng mga aralin na dapat nilang pag-aralan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga barangay sa Tantangan, South Cotabato ideneklarang drug free ng PDEA 12

Nanguna sa pagdekalara sa lahat na labintatlong mga barangay sa Tantangan, South Cotabato bilang drug free si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan.

Ayon kay Duquiatan na siya ring Chairperson ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program labindawa sa nasabing mga barangay ay isinailalim sa revalidation. Habang ang isa naman ayon kay Duquiatan ay bago lamang idineklarang drug free. Ito ay matapos tumalima sa mga panuntunan ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Pinaalalahanan din ni Duquiatan ang mga kasapi ng Barangay Drug Abuse Council o BADAC ng Tantangan sa kanilang responsibilidad sa pagpapanatili na drug-free ang kanilang mga lugar. Umapela din si Duquiatan sa mga mamamayan ng Tantangan na agad na ireport sa mga otoridad ang mga nagpapasok ng iligal na droga sa nasabing bayan.

 

-0-

 

Pangamba ng mga mamamayan sa bakuna kontra Polio pinawi ng Provincial Health Officer ng South Cotabato Ligtas at walang dapat ipangamba ang mga magulang sa bakuna kontra polio.

Ito ang binigyan diin ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. Paliwanag ni Aturdido, matagal nang napatunayan na ligtas ang oral Polio vaccine.

Kaugnay ito sa malawakang oral polio vaccination na pangungunahan ng provincial health office sa November 25 hanggang December 7. Nananawagan si Aturdido sa mga magulang sa South Cotabato na isailalim sa oral polio vaccination ang kanilang mga anak.

Ayon kay Aturido kapag hindi kasi naagapan ang sakit na Polio maaring maging sanhi ito ng pagkalumpo, hirap sa paghinga at maging kamatayan. Ang Polio ay nakukuna mula sa mga maruruming pagkain o inumin na kontaminado ng Polio virus.

Sinabi ni Aturdido na target nila na mabigyan ng bakuna kontra polio ang mahigit 114 thousand o 95 percent na mga nasa zero hanggang 59 months old na mga bata sa South Cotabato.

 

-0-

 

Task Force African Swine Fever isasailalim sa inspection ang mga establisemento sa South Cotabato

Iikutin ng mga kasapi ng Task Force African Swine Fever o ASF ng pamahalaang panlalawigan ang mga establisemento sa buong South Cotabato.

Layun nito na matiyak na ligtas sa ASF ang mga ibinibentang processed foods. Dahil sa kakulangan ng manpower hindi kayang inpeksyunin ng Food and Drugs Administration o FDA ang lahat na business establishments sa lalawigan.

Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot. Sinabi ni Bigot na para sa maigiting na monitoring inirekomenda din nila ang pagtatag ng ASF Task Force sa lahat na mga bayan sa lalawigan.

Ayon kay Bigot mahigpit na ipinatutupad ng mga local government unit sa Mindanao ang pagbabawal ng mga processed meat mula Luzon kung saan may kumpirmadong kaso ng ASF virus.

Ipinahayag ito Bigot matapos kumpirmahin ang plano ng Provincial Veterinary Office na magtatag ng tatlo pang mga quarantine checkpoints sa mga pangunahing entry points ng lalawigan.

 

-0-

 

Mahigit 500 million pesos na halaga ng iligal na droga nakumpiska sa “One-Time-Big Time” operation ng mga pulis sa region 12

Simula pa lamang ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, armas at krimen ang pagkakakumpiska ng iba’t ibang mga police units sa region 12 nang mahigit limang daang libong pisong halaga ng iligal na droga.

Kaugnay ito sa isinagawang “One-Time-Big-Time” o OTBT operation ng pulis sa SOCCSKSAGEN noong Lunes.

Ayon kay PNP 12 Regional Director Brig. General Alfred Corpuz ito ay nagresulta naman sa pagkakakumpiska ng apatnaput isang armas, pagkakaaresto ng 35 katao at pagkasawi ng isa pa Kinilala ni Corpuz ang nasawing wanted na si Billy Abubakar Druz na nasawi sa police operation.

Si Druz ay suspek sa pagbaril at pagpatay kay Maitum Municipal Councilor Edwin Ramos noong 2007 at Number 3 sa mga wanted person sa lalawigan ng Sarangani. Kaugnay nito pinuri naman ni Corpuz ang mga police units at counterpart nila sa militar sa matagumpay na OTBT operation.

Ang mga pulis sa region 12 kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno ay nakapagsagawa ng 374 anti-illegal drug operation sa nakalipas na dalawang buwan. Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto nila sa 226 na mga drug suspek. Walo naman ang nasawi sa police operation habang dalamput anim ang sumuko sa Oplan Tokhang ng mga otoridad.

 

-0-

 

World Bank maglalaan ng pondo sa apat na mga priority projects ng Philippine Rural Development Program, ayon sa DA Secretary

Handa ang World Bank na pondohan ang apat na mga prayoridad na programa ng Department of Agriculture. Kabilang sa mga ito ang two hundred million US Dollar provincial agricultural and fishery extension delivery system na bagong proposal ng DA.

Popondohan din ng World Bank ang two hundred million US dollar na coastal resilience and fishery development projects at 100 million US Dollar na Mindanao inclusive agriculture development Project. Ito ay ayon kay DA Secretary William Dar.

Ayon kay DAR ang nasabing mga proyekto na nagkakahalaga ng mahigit 400 million US Dollar ay kabilang sa Philippine Rural Development Program o PRDP ng World Bank. Ang PRDP ay ipinatutupad naman ng DA. Kaugnay nito ipinahayag ni Dar na kasalukuyang nagsasagawa ng updating sa kanilang registry system for basic sectors in agriculture o RSBSA ang DA.

Layun nito na mapaigting pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng PRDP lalong lalo na sa mga maliliit na mga magsasaka at mangingisda.

 

-0-

 

 

NATIONAL NEWS………………….

 

ISA UMANONG kabiguan ang “Build, Build, Build Project” ng gobyernong Duterte dahil siyam lamang sa 75 mga programa nito ang nasimulang gawin.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala ng tatlong taon ang termino ni Pangulong Duterte pero kaunti lamang ang aktuwal na konstruksyon.

Naniniwala rin ang senador na walang mangyayari sa programa dahil malabnaw anya ang Build, Build, Build Projects.

Pero sinabi naman ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, base sa economic managers ng pamahalaan, 12 mga proyekto pa ang matatapos sa susunod na taon.

May dagdag pa anyang 17 projects sa 2021, 26 sa 2022 at 43 ang matatapos sa 2022.

 

-0-

 

Sa iba pang balita, nakatakdang talakayin ni Vice President Leni Robredo sa ilang opisyal ng United States Embassy sa Pilipinas ang usapin ukol sa kampanya kontra sa iligal na droga.

Kinumpirma ni Robredo, co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, na makakapulong niya ang ilang otoridad mula sa Estados Unidos ngayong umaga, November 13.

Nais aniya niyang malaman kung anong tulong ang maaaring ibigay ng Amerika sa mga lokal na ahensya ng gobyerno para sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

Matatandaang sinabi ng bise presidente na nag-alok ng tulong si U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim pagdating sa intelligence gathering para sa war on drugs campaign.

Sa kabilang dako naman, inihayag ng Philippine National Police Academy o PNPA na posibleng sibakin sa academy ang limang mga kadete na sangkot sa umanoy hazing kay Cadet 4th Class John Desiderio.

Ayon kay PNPA spokesperson Police Lt. Col. Byron Allatog, dapat sagutin ng limang kadeta ang reklamong grave delinquency laban sa kanila na may parusang dismissal.

Matapos anya ang 20 araw ay maglalabas na ng resolusyon at posibleng dismissal ang ipataw sa limang kadete.

Inihahanda na rin anya ang kasong kriminal laban sa limang kadete na ngayon ay nasa isolation.

 

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...