NDBC BIDA BALITA (12.5.17)

NDBC BALITA  • Tue Dec 5, 2017 10:54 AM  •  90   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST DECEMBER 5, 2017 (TUE)
7:00 AM
 


HEADLINES:  

1. DALAWANG SIBILYAN ang napatay habang pitong iba pa ang nasugatan sa bakbakan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Shariff Aguak, Maguindanao.  

2. Anim katao, patay sa sagupaan ng militar at NPA sa Lake Sebu, South Cotabato  

3. Pulis na dinukot ng NPA sa Kidapawan city, pinalaya na.  




-0-


DALAWANG mga sibilyan ang napatay habang pito naman ang nasugatan makaraang maipit sa bakbakan ng mga sundalo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Shariff Aguak, Maguindanao.  

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division public information officer Capt. John Encinas na nangyari ang halos 30 minutong engkwentro kamakalawa ng gabi.
  Kinilala naman ni Encinas ang dalawang napaslang na sina Unti Kamama, 60 years old; at Mohammad Kamama, 13 taong gulang.  

Naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Tukay Kamama, 26; Aila Amor, 25; Bai Ela Tayog, 6; Bai Tukay, 4; Buto Tukay, 3; Ana Tukay, 2; at ang sundalong si Private Clinton Vigor.   Ayon kay Encinas, sa ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan ang mga sugatan.  

Bandang alas-otso ng gabi nang umatake ang BIFF sa detachment ng Philippine Army sa Barangay Bacong.   Sumiklab ang bakbakan ng magkabilang panig hanggang sa magsiatras ang ekstremistang grupo bitbit ang mga sugatan nilang kasamahan.  

Samantala, sinabi ni Ensinas na nasa 400 indibidwal ng nagsilikas sa naturang barangay kasunod ng bakbakan sa lugar.   Sa ngayon ayon kay Encinas, nagpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa BIFF na sinasabing ISIS-inspired na namumugad sa SPMS Box sa Maguindanao.


-0-



MASWERTENG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 18 taong gulang na estudyante ng Notre Dame University o NDU matapos pagbabarilin ng dalawang gunmen habang sakay ng pampasaherong motorsiklo o habal-habal kahapon ng umaga sa Cotabato City.  

Kinilala ni City Police Station 1 commander, Chief Inspector Reynaldo Delatien ang biktima na si Sohayl Abdulmaguid Ramadan Salic.  

Sa inisyal na report ng pulisya, papunta ng paaralan ang biktima, alas syete ng umaga kahapon nang pagbabarilin ng mga suspect na kinilalang sina Saidamin Sarip Faisal, 25 years old, at Zamzamin  Malambut, 18 na pawang mga residente ng barangay Poblacion Uno, Parang, maguindanao.
 

Maswerte’t daplis lang sa kanang kilay ang tinamo ng biktima mula sa bala ng cal. 45 pistol.   Gayunman, hindi pa nakontento ang mga suspect at muling binaril ang biktima pero bigo pa rin silang tamaan ito.   Agad namang naalerto ang mga elemento ng Police station 1 at ang tropa ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army  na agad nagsagawa ng hot pursuit operations.  

Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang mga suspek na sina Faisal at Malambut. Nakuha mula sa kanila ang dalawang cal. 45 pistol  na ginamit nila sa pamamaril.


Sa ngayon naka kulong na sa detention cell ng Police station 1 ang mga suspect.  

Ayon kay Delantien, away pamilya o rido ang motibo sa pamamaril.


-0-



TUWANG-TUWA ang mga mamamayan sa dalawang Agrarian Reform Communities sa Pagalungan, Maguindanao matapos ang turnover ceremony sa Farm to Market Road at Rehabilitasyon ng isang Box Culvert projects na nagkakahalaga ng 11.9 million pesos.  

Ang proyekto ay pinondohan ng Italian Agency for Development Cooperation at Department of Agrarian Reform o DAR ARMM.  

Sinabi ni DAR ARMM Secretary Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide na matagal nang hiling ng mga taga Barangays Inug-ug at Kudal na masemento ang kanilang kalsada na madalas dalawin ng baha.  

Sa mabilis na implementasyon ng proyekto, agad itong napakinabangan ng mga residente, dagdag ni Sec. Jumaide.   May 36 million pesos pang proyekto na nakatakdang dumating sa Pagalungan Maguindanao.  

Agad ding nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod.   Ayon kay Mamasabulod, marami nang gubernador ang namuno sa Autonomous Region in Muslim Mindanao subalit ngayon lamang sila nakatikim ng tutoong  proyekto.   




 -0-


IBINIDA ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang mga bagong proyekto na nakatakdang umusbong sa Cotabato City.   Nangunguna rito ang Airport, City Wharf at modernong Traffic Light System na may plate recognition at face recognition.  

Ayon kay Sayadi, ang konstruksyon ng mga naturang proyekto ay sisimulan bago gawin ang State of the City Address ng alkalde sa susunod na taon.   Sabi pa ng alkalde, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanya ng isang kumpanya mula sa China.  

Sinabi ni Sayadi na dahil sa pinaigting na seguridad sa lungsod, bumuhos ang tiwala ng maraming mamumuhunan mula sa iba't ibang bansa na maglagak ng negosyo sa siyudad.   Narito naman ang bahagi ng liham ng pamunuan ng naturang Chinese company na binasa ni Mayor Guiani sa Media.  


-0-


MALAKING pressure daw para administrasyon ni Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman ang pagpapanatili ng performance ng mga lokal na pamahalaan matapos na tumanggap ang 22 mga bayan ng Seal of Good Local Governance o SGLG mula sa Department of the Interior and Local Government ngayong taon.  

Mula kasi sa anim na mga bayan, ngayon ay umaabot na sa 22 ang awardees ng SGLG.  

Kaya ayon kay Hataman, pursigido silang pagbutihin pa ang pagbibigay ng epektibong serbisyo sa publiko para madagdagan pa ang bilang ng mga awardee ng SGLG sa susunod na taon.  

Sinabi ni Hataman na natutuwa siya at ipinagmamalaki niya ang epektibong pamamahala ng local government officials na kinilala ng DILG.   Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ay binubuo ng 114 municipalities at 2 mga lungsod.  

Sa iba pang balita, isinagawa kahapon ang launching ng ARMM week of peace sa isang simpleng seremonya na ginanap sa loob ng ARMM compound na pinangunahan ng mga locally funded offices ng Regional Government.  

Ayon kay BPI-ARMM executive director Amir Mawallil, nakasentro ang ARMM week of peace sa pakikiisa sa suportang pagbangon ng mamamayan ng Marawi City.  



-0-



Damang dama na rin ng mga mamamayan ang Pasko sa Koronadal City. Ito ay dahil sa pagsisimula ng Light A Tree Contest. Ang patimpalak ay nilahukan ng mga commercial establishments, eskwelahan, government agency at iba pang grupo.

Ang mga ito ay nagpatalbugan sa paglalagay ng Christmas decorations sa mga puno kahabaan ng General Santos Drive. Agaw pansin sa mga dumaraan sa lugar ang patapong mga plastic bottles na ginawang Christmas decoration. Hindi rin nagpahuli ang Pinoy version ng Holy Family na gawa sa dayami na tila nakasakay sa bangka na gawa ng isang government agency. Meron namang isang puno na pinalibutan sa ilalim ng mga malalaking regalo, habang ang iba naman ay pinuno ng makukulay na ilaw.

Magiging batayan naman sa mga mananalo ang creativity, craftsmanship, radiance,color, , combination effect at kahalagahan sa tema.

Naghihintay naman ang P20,000 na premyo sa tatanhaling first prize; P15,000 ang second price at P10,000 ang third price. Ang light a tree contest ay magtatagal naman hanggang sa Enero 15.

Ang PasKoronadal ay pormal na magsisimula sa December 16 at magtatapos naman sa Disyembre 31. Ilan sa mga aktibidad na inaabangan ng puliko sa selebrasyon ang Trade Fiar, Pagpapailaw sa Higanteng Christmas Tree, Christmas Dance Festival, Christmas Dancing Queen Competition, Variety Show at maraming iba pa. Gaganapin naman ang 16 na araw na PasKoronadal sa Rizal Park.

Ayon kay Koronadal city Mayor Peter Miguel Tema ng Light A Tree Contest ang “Sama-sama sa Paskong Pamilyang Koronadaleno.”




-0-


Awayan sa lupa ang tinukoy ni Mayor Antonio Fungan na dahilan ng sagupaan sa pagitan ng militar at New Peoples Army o NPA sa Lake Sebu, South Cotabato.

Sinabi ni Fungan na may ipinadala itong mga emisaryo para sana makipagusap sa lider ng mga katutubo sa Sitio Celtex sa barangay Ned sa nasabing bayan.

Ayon kay Fungan nagkaroon ng problema sa Sitio na nasa boundary ng Ned sa Bagumbayan, Sultan Kudarat nang hingin ng tribu na ibalik na sa kanila ang lupang tinamnan ng kape at nirerentahan umano ng isang kompanya.

Pero ayon kay hindi ito kaagad maaring gawin dahil karere-new pa lamang umano ng kompanya ng kanilang kontrata. Sinabi ni Fungan na bago ang sagupaan nakipagulong pa sa kanya sina 33rd IB Commanding Officer Lt. Col Harold Cabunoc at 27th IB Commanding Officer Benjamin Leander para pagusapan ang problema.

Narekober din ng militar sa lugar ang tatlong matataas na calibre ng armas 

Kinumpirma naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na dalawang sundalo at apat na mga umanoy NPA ang nasawi sa bakbakan.




-0-


Ipatatayo ang Bahay ni Nanay sa mga bayan at maging sa mga liblib na barangay ng South Cotabato. Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga sanggol at kanilang ina.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa kanyang State of the Child Children Address kahapon sa barangay Libertad, Surallah. Sinabi ni Fuentes na ang Bahay ni Nanay ang magsisilbing temporaryong tirahan ng mga buntis na naghihintay manganak.

Ayon kay Fuentes, kapag nagkaroon ng kumplikasyonn sa panganganak may mga ina at sanggol kasi ang namamatay dahil sa layo ng kanilang lugar sa mga health facilities.

Tiniyak ni Fuentes ang paglalaan ng pondo ng pamahalaang panlalawigan para sa pasilidad. Binigyan diin ni Fuentes na ang survival at mamuhay ng maayos sa isang mapayapang komunidad ay karapatan ng bawat bata.

Ito ang dahilan kung bakit tinututukan ngayon ng lalawigan na maiahon sa kahirapan ang bawat pamilya sa South Cotabato.




-0-




Pansamantalang pinatigil ng Department of Education Deped South Cotabato ang klase sa Tuburan Elementary School at Pulong Subong Integrated Schol sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Deped South Cotabato Assistant Schools Division Superintendent Mario Madrero layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro. Kasunod ito ayon kay Maderero ng bakbakan ng militar at New Peoples Army o NPA malapit mismo sa nasabing mga eskwelahan.

Ipinahayag ni Madrero na nakipag ugnayan na rin ang Deped sa Ned Barangay Chairman at mga Sitio Leader para mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante.

Nagpasalamat naman si Madrero na dahil naganap lingo ng madaling araw, walang guro o estudyante ang naipit sa engkwentro.

Ayon sa Deped Official nakadepende pa sa report ng 27th IB kung kelan muling manumbalik ang klase sa dalawang mga esklwelahan.




-0-




Nadatnan na lamang ni Ronilo Teker na nasusunog na ang kanilang bahay alas syete y medya kagabi sa Aquino Street, Barangay Zone 3, Koronadal City.

Dahil sa may kalumaan na at gawa sa light materials ang ikalawang palapag, agad na kumakalat ang apoy sa buong bahay. Wala namang naisalba ang pamilya Teker sa nasunog na bahay.

Ang bahay ay pagaari ng negosyanteng si Tomasa Teker at tanging anak lamang nitong si Ronilo ang nakatira dito. Kumalat din sa katabing bodega ang apoy na pilit namang inapula ng mga bombero.

Nagdeklara ng fire out ang mga bombero makalipas ang halos isang oras. Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sanhi ng sunog at halaga ng mag ari arian na tinupok ng apoy.

Ayon kay Barangay Zone 3 Chairman Bert Hinay ito na ang pangalawang sunog na naganap sa kanyang barangay ngayong taon.



-0-



Tuluyan ng pinalaya kahapon ng tanghali si PO1 Bristol Catalan, ang pulis na sinasabing prisoner’s of war ng New People’s Army o NPA. Si Catalan ay hawak ng mga NPA ng 110 araw o halos apat na buwan matapos na inabduct sa Purok 4, Brgy. Katipunan, Kidapawan City noong August 16.

Matapos noon ay wala ng balita kungsaan dinala si Catalan. Dahil dito ay nagbuo ng joint crisis management ang Kidapawan City LGU at Makilala kungsaan katuwang ang Diocese of Kidapawan na pinamunuan ni Bishop Jose Colin Bagaforo, DD.

Alas 10:00 ng umaga kahapon ay tinungo ng team na pinamunuan ni Fr. Pol Paracha ang lugar, kasama sina vice Mayor Jun Piñol, councilor Frances Palmones, councilor Ruby Padilla-Sison mga media at iba pa.

Bago ang pag-release ay may simpleng programa na iprenisinta ang NPA at exhibition ng mga bagong hukbo ng bayan. Pirmado ng Southern Mindanao Regional Committee ang release order ni Catalan.

Ang bahagi ng pagbasa sa release order ni Catalan. Hindi mapigilan ng misis na mapaluha ng makita ang mister kasama na ang dalawang mga anak. Ayon kay Catalan maayos namang siyang trinato ng mga NPA sa kabila ng siyam na beses na palipat-lipat sila ng lugar sa kabundukan.



-0-



Pinawi ngayon ng DepEd North Cotabato ang pangamba ng mga magulang sa probinsiya hinggil sa pagbakuna ng anti-dengue vaccine na ‘dengvaxia’ sa mga Kabataan.

Ito ang iniulat ni Board Member Socrates Piñol, Chairman ng Committee on Education sa Sangguniang Panlalawigan matapos na makumpirma na walang mga mag-aaral sa Deped North Cotabato na nabakunahan.

Ayon kay Assistant Schools Division Supt. Mike Fillalan na ang nasabing bakuna ay ipinatupad lamang sa Luzon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Piñol ang kongreso na maglaan ng pondo para sa 700,000 na mga school children na una ng nabakunahan ng anti-dengue vaccine para matutukan.

Giit din niya na sila ang magiging susunod na lider ng bansa at .05% ng populasiyon ang mga ito.

Dahil dito, gustong panagutin ni Senador Joel Villa­nueva ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) at ang French multinational pharmaceutical company na Sanofi Pasteur dahil sa kontro­bersiyal na anti-dengue vaccine na delikado pala sa kalusugan.

Ipinatigil na rin ng DOH ang immunization program nitong Biyernes matapos aminin ng Sanofi Pasteur ang panganib na maaaring kaharapin ng mga naturukan ng dengue vaccine Dengvaxia.

Sinabi ng Sanofi na isa sa 10 nabakunahan ng Dengvaxia, na hindi pa nagkakaroong ng dengue, ang maaaring tamaan ng sakit.



-0-


Patuloy pa ngayong inaalam kung ano ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa Sitio Napunangan, Brgy. Tumanding, Arakan, North Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Tony Bidtao Baguio, 32-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Mismong ang Tatay ng biktima na si Agrinido Baguio, 57-anyos kasama ang isa pang saksi na si Bartolome Arnais, 36-anyos ang nag-report sa PNP.

Anila, binaril umano ni Enrique Carado Jr., ang biktima alas-7:00 ng umaga nitong linggo. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdid nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sinasabing personal grudge ang motibo sa nasabing pamamaslang na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Arakan PNP.                



-0-



Nagpapatuloy ang ginagawang ‘operation baklas’ ng pamahalaang lokal sa bayan ng Kabacan, North Cotabato hinggil sa mga illegal structures na nagiging dahilan ng pagsikip ng kalsada sa bayan.

Ayon kay Municipal Administrator Ben Guzman mahigit 20 mga illegal structures na ang kanilang natanggal simula ng ipatupad nila ang nasabing batas.

Layon nito na baklasin ang mga illegal structures na nakakaharang sa maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan at maging sa loob ng Kabacan Public Market.

Sinimulan ang operation baklas sa purok Saranay at ilan pang mga pangunahing lansangan ng bayan.

Hindi naman umalma ang mga natamaan ng nasbaing pagpapatupad ng batas dahil nabigyan naman ng abiso ang mga may-ari bago pa man isinagawa ito.

Ang mga nasabat na illegal structures sa operation baklas ay dadalhin naman sa munisipyo.


-0-



  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy