NDBC BIDA BALITA (12.6.17)

NDBC BALITA  • Wed Dec 6, 2017 09:08 AM  •  118   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST DECEMBER 6, 2017 (WEDNESDAY)
7:00 AM
 

HEADLINES:


1.
ARMM hindi napabilang sa nabigyan ng ‘Dengvaxia’ sa bansa; South Cotabato di rin nabigyan ng vaccines


2.
 Vice-Mayor ng Matalam, North Cotabato suspendido ng isang buwan dahil sa maling SAL-N


3.
Bakbakan sa pagitan ng militar at NPA sa Lake Sebu, South Cotabato, humupa na ayon sa military official


4. Dec. 22 bakasyon na sa lahat ng pampublikong paaralan sa North Cotabato; balik ang klase sa Jan. 3




-0-



Iginiit ng Kagawaran ng Kalusugan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na walang dapat ipangamba ang mga residente ng limang lalawigan ng rehiyon kaugnay ng mainit na usapin ng dengue vaccine na unang ipinamahagi ng Department of Health noong nakaraang administrasyon.  

Napag-alaman mula kay DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding, na hindi kasali ang DOH ARMM sa mga nabigyan ng nasabing bakuna na pangontra sa dengue.   Ayon kay Sinolinding, ang rehiyon anya ang huling humiling sa kagawaran na mabigyan ng nasabing bakuna dahil nakita ng kalihim na may mga lugar pa sa bansa na mas mataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.   Tanging ang mga lalawigan lamang kasi sa bansa na may mataas na kaso ng dengue ang unang nabigyan ng Dengvaxia vaccine.  

Una rito naging tampulan sa social media at sa iba pang mga pahayagan sa bansa ang masamang dulot ng nasabing bakuna na sinasabing mabisang pangontra sa sakit na dengue matapos magpalabas ng abiso ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur na posibleng magkaroon ng masamang epekto ang bakuna sa mga hindi pa nagkaka-dengue.



-0-



DINAGSA ng daan-daang katao ang unang araw ng regular license to own and possess firearms o regular LTOPF kahapon sa Cotabato City.  

Ayon kay PRO ARMM Civil Security Unit Chief, P/Supt. Renante Cabico umabot sa 120 ang bilang ng mga nag-avil kahapon ng hapon.   Sinabi ng opisyal na inaasahan nilang dodoble ngayong araw ang bilang ng mga mag-aavail ng regular LTOPF.  

Samantala, pinapaalam ni Cabico sa lahat ng mga Cotabateño na ngayong araw ay ililipat na ang venue ng nasabing caravan sa Cotabato City Police Office o CCPO na matatagpuan sa  PC Hill ng syudad.
 

Ang regular LTOPF ay para sa mga intresado at gustong bumili ng baril.   Kinakailangan munang kumuha ng License to own and possess firearms certificate para otoritadong  makabili ng baril.  

Sa darating na Decemeber 12, araw ng martes ay magkakaroon naman ng provisional LTOPF caravan sa Wao, Lanao del Sur.   Ang provisional LTOPF ay para naman sa mga gun owners na mayroong expired license para marenew nila ang lisensya ng kanilang mga baril.  


-0-

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong mga suspect sa pagnanakaw ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. P0b.2, Parang, Maguindanao.  

Inaresto ang mga suspect matapos inireklamo ng mga biktimang sina Hadja Noraida Mangdag,61-anyos, Guiner Pendiwata Kadil,49-anyos at Abdulah Sadat Oma,47-anyos na pawang mga residente ng nasabing lugar sa Parang PNP.  

Agad namang nagsagaw ng hot pursuit operations ang Parang PNP sa pangunguna ni Chief of Police, Chief Inspector Erwin Tabora na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong mga suspect na kinilalang si Johaiber Benasing, 17y/o, Cairudin T Monte,23y/o, Alil Daro at 18y/o na mga taga matan0g, maguindanao.  

Katuwang ng Parang PNP ang Matanog PNP sa operasyon.   Narekober ng pulisya ang isang unit ng payong2x Honda XRM motorcycle  w/plate # PQ-1628, isang flat screen t.v sef na 14 inches at iban pang mga kagamitan.  

Sa ngayon nakakulong na sa detention cell ng Parang PNP ang mga suspect habang nakatakdang sampahan ng kasong carnapping at robbery ngayon araw.



-0-



SUSUYURIN ng hindi bababa sa 11 batalyon ang mga lugar sa Sulu na pinamumugaran ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at sagipin ang mga hawak nilang bihag.  

Sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Brigadier General Cirilito Sobejana sa disaster and command briefing sa Camp Aguinaldo na desperado na ang Abu Sayyaf at kasalukuyan nilang tinatarget ang mga mahihirap sa Sulu para sa kanilang kidnapping activities.  

Nawawalan na rin aniya ng suporta mula sa mga lokal na komunidad ang mga bandido, kagaya na lamang ng engkwentrong naganap sa pagitan ng Moro National Liberation Front o MNLF at Abu Sayyaf kamakalawa.  

Aniya, 17 sa mga ASG member ang sumali sa ISIS-inspired Maute group ang napatay sa bakbakan sa Marawi City; habang mayroong pang nasa 400 na mga miyembro ng Abu Sayyaf ang nasa Sulu sa pamumuno ni Radullan Sahiron.  

Ayon pa kay Sobejana, magpapatuloy ang kanilang opensiba laban sa mga ekstremista ngayong kapaskuhan dahil kailangan pa nilang mailigtas ang pitong banyaga at apat na mga Pilipinong bihag ng mga ito.


-0-



Nagpapatuloy pa rin ang operation “yaw yaw” ng Koronadal City PNP. Layon nito maipaalala sa publiko ang mga dapat gawin para makaiwas sa krimen sa Holiday Season.

Ito ay ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Roland Allan Penaverde. Pinayuhan din ni Penaverde ang publiko na tiyaking naka lock ang bahay bago iwan at itago ng mabuti ang mga mahahalagang gamit o gadget.

Sa pamamagitan nito ayon kay Penaverde ay maiwasan na maging biktima ng mga masasamang loob na maaring samantalahin ang pagiging abala ng publiko sa Pasko at Bagong taon.

Dinagdag din ni Penaverde na maliban sa mobile patrol operation, pinaigting na rin ang police visibility sa mga matataong lugar sa Koronadal City. Payo ng police official sa publiko para sa matiwasay na holiday season dapat isumbong sa mga otoridad ang mga kahina hinalang bagay o personalidad sa kanilang lugar.


-0-


Walang nabigyan ng controversial dengue vaccines sa South Cotabato.

Ito ang tiniyak ni South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Ala Baby Vingno. Sinabi ni Vingno na maging ang mga pribadong health facilities ay hindi rin gumamit ng nasabing anti dengue vaccine.

Ito ayon kay Vingno ay batay naman sa monitoring ng provincial health office. Binigyan diin ni Vingno na dahil wala sa priority areas ng Department of Health, walang bakuna kontra dengue sa South Cotabato

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng dengue sa lalawigan. Sa katunayan ayon kay Vingno kumpara noong nakaraang taon, bumaba ngayon sa 47 percent ang kaso ng dengue sa South Cotabato.

Ito ayon kay Vingno ay resulta ng dengue vector surveillance ng provincial health office. Matatandaan na dahil umano sa peligro sa mga mamamayan na hindi pa nagkaroon ng dengue, pinatigil ng DOH ang pagbibigay ng Dengvaxia anti dengue vaccine sa mga eskwelahan.




-0-


Tumigil na ang bakbakan sa pagitan ng militar at New Peoples Army sa Sitio Celtex Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato. Gayunpaman ayon kay 27th IB Spokesperson 2nd Lt. Col Radjan Palacio, nagiwan ito ng pitong patay.

Kinilala ni Palacio ang dalawang sundalo na nasawi sa bakbakan na sina private First Class Max Jay Lord Fernando ng Davao del Sur at Jovanie Tagactac ng Davao del Norte.

Ayon kay Palacio ang mga ito ay naiuwi na sa kanilang pamilya. Kinumpirma din ni Palacio na lima sa may 50 NPA na nakaengkwentro ng militar ang killed in action. Aminado naman si Palacio na bagama’t malayo sa mga bahay ang sagupaan ilang mga mamamayan sa lugar ang lumikas.

Ito ayon kay Palacio ay hiningan na nila ng tulong sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng South Cotabato. Nilinaw naman ni Palacio na humupa man ang sagupaan, patuloy pa rin ang monitoring ng militar sa lugar. Ayon kay Palacio dahil malapit lamang sa boundary ng Bagumbayan, Sultan Kudarat ang bakbakan, nakipag ugnayan ang 27th IB sa 33rd IB para sa kanilang joint military operation.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Palacio kung makapagaral na muli ang mga estudyante sa dalawang eskwelahan sa lugar. Ito ay matapos suspindehin ng Deped ang klase para maiwasan na maipit sa kaguluhan ang mga guro at estudyante.



-0-




Dumaan sa tamang proseso at may kaukulang dokomento ang pagbibigay ng claims sa mga apektado ng road right of way at road widening projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa region 12. Ito ang binigyan diin ni DPWH 12 Legal officer Atty. Jahara Ali-Macadato.

Ayon kay Ali-Macadato, bukas ang kanilang tanggapan sa imbestigasyon ng Department of Justice o DOJ. Ito ang depensa ni Ali-Macadato sa P8.7 billion road scam na kinasangkutan umano ng milang opisyal ng ahensya. Paliwanag din nito, mayroong memorandum ang central office ng DPWH para sa revalidation ng mga dokomento.

Ito ay upang matiyak na authentic ang mga titulo at may patunay sa Land Registration Authority o LRA. Ayon kay Ali-Macadato ang pagbibigay ng final claims sa mga nalakip sa road scam allegation ay bilang pagsunod ng ahensya sa utos ng korte.

Sinabi din nito na walang katotohanan ang mga isinumbong ng whistleblower sa DOJ. Ang pagkawala ng mahigit P8.7 billion pesos sa DPWH ay dahil umano sa mga pekeng claims sa road right of way sa General Santos City



-0-



Empleyado ng pribadong kompanya patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Surallah, South Cotabato Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Police Chief Inspector Jardi Mont Sibal ang biktima na si Bernie Solano, 28 anyos, private employee at nakatira sa Barangay Sinolon, Tboli, South Cotabato.

Si Solano ay nagtamo ng matinding mga sugat matapos aksidenteng maka-head on collision ang kasalubong at kumabig sa kabilang lane ng highway na motorsiklo. Naganap ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Purok Tagumpay, barangay Veterans sa bayan ng Surallah. Ang biktima ay dead on arrival sa Upper Valley Community Hospital sa nasabing bayan.

Habang ang 49 anyos na driver ng nakabanggaan nitong motorsiklo na si Ronie Lastrella, laborer ng barangay Veterans, ay inilagay sa custody ng Surallah PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.



0-0



SINUSPINDE
ng Office of the Ombudsman si Vice-Mayor Oscar Valdevieso ng Matalam, North Cotabato matapos magsumite umano ng maling impormasyon patungkol sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SAL-N.
 

Nagsimula na nito pang December 4, 2017 ang isang buwan at isang araw na suspensiyon kay Valdevieso, ayon kay DILG Cotabato provincial director Ali Abdullah.   Simple negligence ang kasong kinakaharap ni Valdevieso sa Ombudsman.  

Nag-ugat umano ito nang ‘di naideklara nang tama ng bise-alkalde ang halaga ng kanyang mga ari-arian sa kanyang SAL-N.   Noon pang Abril 27, 2017 nagbaba ng desisyon ang Ombudsman sa kaso ng bise-alkalde at nitong October 30, 2017 inaprubahan ito ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.  

Nito lamang November 29, 2017 nakarating sa Cotabato provincial government ang suspension order ni Valdevieso. Dito, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na suspendihin sa loob ng isang buwan si Valdevieso.  

Nito’ng Lunes nagsimula na ang pag-serve ng bise-alkalde sa kanyang suspension.
  Pansamantalang itinalaga si Municipal councilor Saturnino Amatac, Jr., ang first councilor ng bayan, sa puwesto ni Vice-Mayor Valdevieso.  



-0-


Mahigpit na ipinapatupad pa rin sa bayan ng Matalam, North Cotabato ang ‘curfew hour’.   Ito ang sinabi ni PCI Sunny Loencito, hepe ng Matalam PNP matapos na mahuli ang tatlo katao, isa dito menor de edad.   Agad na dinala sa presinto ang mga lumabag sa curfew at ipapatawag ang kanilang mga magulang.  

Kaugnay nito, pinulong na rin ng opisyal ang lahat ng mga presidente ng purok na magsagawa ng security measures sa lugar na nasasakupan nila upang maiwasan ang krimen kapag dis oras ng gabi.  

Hinikayat din nito ang mga residente na maging mapagmatyag upang di malusutan ng mga masasamang tao.   Aniya, huwag lang umanong iasa sa mga pulisya ang usapin sa peace and order, bagkus ito ay tungkulin ng bawat isa.  

Naususo na kasi ang mga nakawan ng motorsiklo at panloloob sa mga tahanan kungsaan kadalasan nangyayari ang krimen sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw.  

Dahilan para mas lalo pa nila ngayong hinigpitan ang seguridad sa bayan lalo pa’t papalapit ang kapiestahan ng bayan ng Matalam.  



-0-


Inanunsiyo na ng Department of Education North Cotabato Division na hanggang December 21 na lamang ang pasok ng mga mag-aaral ngayong Disyembre.   Ito ayon kay Schools Division Supt. Omar Obas upang bigyang daan ang Christmas break.  

Sabay-sabay namang gagawin ang Christmas party sa lahat ng antas sa December 22, 2017 at sa January 3, 2018 ang balik eskwela.  

Sinabi naman ni Obas na ang selebrasiyon ng Christmas party ay nakabatay sa nakagisnang paniniwala at kultura.   Panawagan din nito sa mga guro at magulang na gawing simple at hindi magastos ang pagsasagawa ng Christmas Party.  

Samantala, muling nilinaw ni Obas na walang mga mag-aaral sa North Cotabato na nabakunahan ng Anti-dengue Vaccine na ‘Dengvaxia’.  

Aniya, ito lamang ay para doon sa mga lugar na mataas ang kaso ng dengue at hindi kasali ang lalawigan ng North Cotabato.   Giit nito na walang dapat na ikabahala ang mga magulang sa North Cotabato.  




-0-



Iginiit ng kampo ng New People’s Army o NPA na hindi sila mga terorista.   Ito ang naging mensahe ng mga NPA sa isinagawang simpleng programa sa pag-release kay PO1 Bristol Catalan nitong Lunes sa Brgy. Bagumbayan, Magpet, North Cotabato.  

Anila, ang pag-release kay Catalan ay bilang pagpapakita na hindi totoo ang sinasabi ng pamahalaan na terorista ang kanilang pangkat.  

Giit pa nila na ang nasabing pakikipag-laban ay hindi laban ng mga NPA at mga state forces kundi ito ay laban ng mga mamamayan na pinagkaitan ng kanilang karapatan.   Kaugnay nito, gustong ding ipakita ng NPA na ang hawak nilang bihag ay maayos nilang inaalagaan taliwas sa mga inaakala ng marami.  

Inamin din mismo ni Catalan na hindi siya pinabayaan ng mga NPA habang hawak nila ito bilang prisoner’s of war sa loob ng 110 na araw bago siya pinalaya.  

Nabatid na kahapon ay pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang organisasyon.  

Batay ito sa proklamasyong binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Duterte.   Nakapaloob sa nasabing proklamasyon na nakabase sa Republic Act 10168 o Human Security Act ang desisyon ni Pangulong Duterte.  

-0-



  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy