NDBC BIDA BALITA (3.14.17)

NDBC BALITA  • Tue Mar 14, 2017 09:36 AM  •  337   0
By NDBC
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST MARCH 14, 2017
7:00 AM
 

HEADLINES:  

1. Barangay Kagawad at kasama nito, patay sa pamamaril sa Cotabato city

2. Babaeng CHED official, patay sa pamamaril sa SOCCSKSARGEN regional center Koronadal City 

3. Bus ng Yellow Bus Line Inc., sinunog ng nagpakilalang NPA sa Makilala, North Cotabato
 

4. South Cotabato Governor hindi na ikinagulat ang engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa lalawigan
 





-0-


Patay ang isang babaeng opisyal ng Commission on Higher Education (CHED-12) matapos na ito ay pagbabarilin habang papasok sa SOCCSKSARGEN regional center sa Koronadal City kaninang umaga.

Kinilala ni Koronadal City police director Supt. Barney Condes ang biktima na si Jennifer Onas, 43, records officer of CHED-12, residente ng Gen. Santos City.

Si Onas ay kararating lang mula Gen. Santos City sakay ng bus. Habang naglalakad ito papasok sa regional center, siya ay binaril ng di pa nakilalang mga suspect.  

Siya ay nagtamo ng isang tama ng bala sa likod at ginagamot ngayon sa Allah Valley Medical Specialist Center.

Sa pagamutan na binawian ng buhay si Onas.



-0-



Patay ang isang barangay kagawad at ang kasama nito makaraang tambangan ang kotseng sinasakyan ng mga ito sa bahagi ng 1st road, Pansacala St., RH-10, Cotabato City alas-4:40, kahapon ng hapon.


Kinilala ang mga nasawi na sina Johire Tan, nasa 30-anyos, Barangay Kagawad ng Bagua 2 ng nasabing lungsod at Rahib Rura, 28-anyos at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Police Station 2, galing sa Usman Apartment ang mga biktima lulan ng gray na Corolla na kotse na may plakang (UTC-984) malapit lamang sa crime scene ng tambangan ng di pa nakilalang mga suspek na lulan ng di matukoy na sasakyan.

Tinadtad ng tama ng bala ang sasakyan ng mga biktima mula sa kalibre .45 na baril batay sa narekober na empty shell.

May mga lumalabas na ulat na dala diumano ng dalawa ang Internal Revenue Allotment o IRA ng barangay ng mangyari ang insidente, pero patuloy pa itong kinukumpirma ngayon ng pulisya.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasiyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari upang alamin ang motibo sa krimen.
 



-0-


Apat na mga improvised explosive device o ied ang narekober ng mga sundalo sa bahagi ng Brgy. Gawang sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao alas-8:00 kahapon ng umaga.

Sa panayam kay Captain Arvin Encinas, ang hepe ng division Public Affairs Office ng 6th ID, Philippine Army na nagsagawa sila ng military operation sa lugar matapos na mamataan ang tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa lugar.

Bago ang nasabing operation ay naglunsad ng airstrike ang mga sundalo kahapon ng madaling araw gamit ang air assets ng militar, sinundan pa ito ng pagpapakalawa ng 105 howitzer.

Sa ginawang pag-galugad ng mga sundalo sa Barangay Gawang, narekober ng mga ito ang apat na ied, tatlo dito ang pressurized habang ang isa naman ay detonated na pampasabog.

Marami naman sa mga residente ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa kaguluhan. Naniniwaa naman si Encinas na marami ang nalagas sa panig naman ng mga kalaban.

Ang hot pursuit operation na isinagawa kahapon ng madaling araw, alinsunod ito sa deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang mga BIFF at mga bandidong Abu Sayyaf sa loob ng anim na buwan.

Naglikha naman ng pangamba ang mga naglipanang mga air assets ng militar sa bahagi ng North Cotabato at Maguindanao. Pero nilinaw ni Encinas na walang UFO sa lugar kundi ito ang kanilang mga air assets sa lugar.



-0-


Isang stall na nasa bahagi ng Sinsuat Avenue, SK Pendatun sa Cotabato City, ang nasunog kaninang madaling araw.  

Ayon kay FO2 Hexter John Cadavero ng Cotabato City BFP na maswerte na lamang at naka-box ang mga stall at may mga fire wall dahilan para di na kumalat ang apoy sa mga kalapit na establisiemento.
 

Tinatayang nasa P20,000 ang posibleng danyos sa nasabing sunog at patuloy pang inaalam kung an gang dahilan nito.  

Samantala, Sampung mga kabahayan naman ang tinupok ng apoy sa Mangga St., Poblacion 2, Parang, Maguindanao pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.  

Ayon sa report, nagsimula ang apoy sa bahay ni Salem Tomawis 55 anyos na residente ng nasabing lugar.  

Nadamay rin ang mga bahay na pagmamay-ari nina Noraida Musa, Odin Maliwanag , Titang Bre, Jasmin Bulyoc, Basmala Amintao, Rocma Tago, Sittie Alimpang, Aslea Luma, at Tata Abdullah.  

Tinatayang nasa mahigit kumulang nasa 250,000 pesos ang halaga ng danyos na naitala sa nasabing sunog.

Sa ngayon patuloy paring inaalam ng Parang BFP ang naging sanhi ng apoy sa bahay ni Tomawis na tumupok sa 10 kabahayan.  


-0-



Mahalagang alalahanin ang Jabida Masaker. Dahil sa mga nakaraang pakikibaka ang mga bangsamoro at tagumpay na nakamit nito.

Ito ang naging mensahe ni Autonomous Region and Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman sa pagbubukas ng Bangsamoro Week of Peace na ginanap sa ORG Building, Cotabato City kahapon ng umaga.

Aniya, limang dekada ng nakalipas ng mangyari ang nasabing masaker noong 1968. Pero mahalaga pa ring ipagdiriwang ito dahil hindi pa tapos ang pakikibaka, dahil pa tapos ang laban, hindi pa tuluyang Malaya, hindi pa umano mapayapa at wala pang makatarungang lipunan at rehiyon sa loob ng ARMM.

Dagdag pa ng punong ehekutibo na ito rin ang dahilan kung bakit kada taon ipinagridiwang at inaalala ang Jabida Masaker. Bagaman at masakit para sa lahat ang nangyaring masaker.

Ito rin ang nag-udyok para ipaglaban ang karapatan at ipakilala ang identidad.

Giit pa ni Hataman na ang pagkakaiba ng pagdiriwang ngayon ay limitado na sa giyera, ito ang giyera labans a kahirapan at terorismo.


-0-



Isasagawa ang 1st Barangay Awang Mountain Bike Challenge kasabay ng 60th Founding Anniversary ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sa linggo March 19.

Magsisismula ang on-site registration alas-6:00 ng umaga at magsisimula ang karera ng alas-9:00 na gaganapin sa Barangay Awang D.O.S Maguindanao.

Ang registration ay P100 na may kasama ng tanghalian. Samantala, Mayroong iba't-ibang kategorya ng mga manlalahok.

Competitive-A na may edad dalawampu't siyam pababa, Competitive-B tatlompo hanggang tatlumpo't siyam, Competitive-C apatnapong taong gulang at makakakuha ng pabuyang tatlong libo na may kasamang medal para sa kampyon, dalawang libo na may kasamang medal 2nd place, isang libo na may kasamang medal 3rd place at medals para sa 4th hanggang 10tg place.

Isa sa mga kategoya din ay bukas para sa lahat ng mga kababaihan na makakakuha ng pabuyang dalawang libo na may kasamang medal sa kampyon, isang libo at limang daan na may kasamang medal 2nd place, limang daan na may kasamang medal 3rd place at medals para sa 4th hanggang 10th place.

Ang nasabing aktibidadad ay naisakatuparan sa tulong ng Cotabato All-Terrain Mountain Bikers Association (CATBA).


-0-



Inaasahan na nito ang pagkakaroon ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar at New Peoples Army o NPA.

Ito ang sinabi ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes matapos magpang-abot ang mga elemento ng 27th IB ng militar at NPA sa dalawang lugar sa lalawigan.

Sinabi ng gobernador na dahil sa patuloy na pangrerecruit at pangingikil ng mga rebelde, hindi tumigil sa papapatrolya laban sa kanila ang militar.

Ayon kay Fuentes , unang nagka-engkwentro ng militar ang siyam na mga rebelde sa liblib na Sitio ng Lahak,sa Danlag, Tampakan noong Sabado ng Umaga. Narekober ng militar sa lugar ang isang cellphone, mga tent at personal na gamit.

Nakasagupa naman ng militar kinagabihan ang limang mga NPA sa Sitio Colombong, Barangay Lamfugon, Lake Sebu. Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng militar at rebelde sa naganap na engkwentro.

Ayon kay Fuentes malimit pinagkukutaan ng mga rebelde ang Tampakan at Lake sEbu, dahil mas madaling nakalalabas ang mga ito sa boundary ng South Cotabato sa Sarangani Province at Davao del Sur.

Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng 27th IB sa mga nakasagupa nilang NPA.


-0-



Balik kulungan ang isang sumukong drug personality matapos maaresto sa operasyon laban sa iligal na droga ng mga pulis sa Koronadal City.

Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintenent Barney Condes ang suspek na si Jonathan Espija, 37 anyos, at isang tricle driver. Si Espija ay naaresto sa mismong tahanan nito sa Balmores Street, Barangay General Paulino Santos.

Nakuha ng mga pulis kay Espija ang isang malaking sachet at apat na maliliit na sachet ng suspected shabu, digital na kilohan, P500 marked money , dried marijuana leaves at drug paraphernalia.

Madadagdagan pa ang kaso ng suspek matapos makuha sa kanya ang paltik na 38 revolver at mga bala. Sinabi ni Condes na ginagamit umano ni Espija sa pagdeliver ng iligal na droga ang umanoy ninakaw nito na motorsiklo.

Maliban sa paglabag sa comprehsive dangerous drugs act mahaharap din sa illegal possession of fire arms ang drug suspek na si Espija.

Iniligay din sa custody ng mga pulis ang isang 16 anyos na dalagita na nadatnan din ng mga pulis sa bahay ng suspek.


-0-



Inaasahang dadalo sa national motorcycle convention sa Koroandal City ang mahigit 2,500 indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ito ang dahilan kung bakit pinaghahanda na nito ang mga tourism frontliners sa lungsod. Kalakip sa mga ito ayon sa alkalde ang mga tricyle drivers, receptionist ng mga hotel, restaurants at iba pang tourism establishments.

Ayon kay Miguel mahalaga na ipakiat ang magandang pakikitungo para may baon na magandang kwento pagbalik sa kanilang lugar ang mga participant sa national motorcycle convention.

Ipinahayag ng alkalde na malaki ang maitutulong ng aktibidad para makilala hindi lamang ang Koronadal kungdi maging ang buong SOCCKSARGEN Region.

Kinumpirma ni Miguel na kalakip na rin sa paguusapan sa convention ang paglaban sa terrorismo maliban pa sa ligtas na pagmamaneho.

Gaganapin ang national motorcycle convention sa Rizal Park at Jaycee Avenue sa Koronadal sa April 22 hanggang 30. Imbitado sa siyam na araw na aktibidad si Pangulong Rodrigo Duterte.



-0-


Umaasa ang Department of Education o Deped 12 ng mas mataas na pwesto ng rehiyon sa Palarong Pambansa 2017. Ito ang ipinahayag ni Deped 12 Information Officer Antonio Maganto, kaugnay sa pagsisimula ng pagsasanay ng mga atleta.

Sinabi ni Maganto na para mapaghandaan ang patimpalak, isang buwan munang magsanay ang mga atleta ng region 12. Ang taining ay gaganapin sa South Cotabato Sports Complex sa Koronaddal City mula Marso 15 hanggang Abril 15.

Magiging billeting quarter naman ng may 400 atleta ang Koronadal National Comprehensive High School. Naglaan naman ng mahigit 10 million pesos ang Deped at mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para sa Palarong Pambansa.

Ang patimpalak ay gaganapin sa lalawigan ng Antique. Matatandaan na ang SOCCKSARGEN region ay pampito sa 2016 Palarong Pambansa sa Albay.



-0-



Maari pang itapon sa Sanitary Landfill ng Suralalh South Cotabato ang mga basura ng Koronadal hanggang Nobyembre.

Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita ang palugit ay napagkasunduan ng Sanitary Waste and Management Council ng Surallah.

Ang extension ng pagtatapon ng basura sa clustered Sanitary Landfill ay hiniling mismo ng Koronadal City LGU bunsod ng napipintong pag-expire nito sa Setyembre.

Ang pag-renew ng kasunduan ay sa kabila naman ng pahayag noon ng Surallah LGU na sa halip na 15 taon, tatagal na lamang ng 13 taon ang lifes span ng pasilidad dahil sa dami ng basura mula Koronadal na itinatapon ditto.

Pero paliwanag ni Bendita aprubado ng lahat ng myembro ng board ang hiling ng Koronadal City government.

Matatandaan na humiling ng permiso ang Koronadal LGU na magtapon ng basura sa Sanitary Landfill ng Surallah matapos ipasara ng office of the ombudsman ang dumpsite nito sa barangay Paraiso.

Ito ay habang pinoproseso pa ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang pagtatayo nito ng sariling sanitary landfill.



-0-



Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang rebeldeng New People's Army na responsable sa panununog sa limang milyong pisong halaga na bus ng Yellow Bus Line Inc. sa Sitio Bagong Silang, brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato.

Ang insidente nangyari pasado alas otso ng umaga kahapon. Ayon sa report ang bus na may temporary license plate no. 1301-833357 ay patungong Davao City mula Tacurong City at isang linggo palang na bumabyahe.

Agad namang rumesponde ang BFP Makilala at Makilala PNP matapos na matanggap ang report kaugnay sa nasabing panununog. Kwento pa ng Driver na si Victor Serondo sa Radyo Bida na taga brgy. San Vicente, Makilala din, may sumakay raw na anim na mga kalalakihan sa bahagi pa rin ng nabanggit na barangay at tinutukan sila ng mga baril.

Agad raw silang nagpakilalang miembro ng NPA. Anila, di raw nila sasaktan ang mga pasahero at ang bus lamang ang kanilang kailangan.

Agad naman silang lumiko sa may Sitio Bagong Silang at doon na pinababa ang driver, konduktor at mga pasahero at sinunog ang bus. Matapos naman ang panunog ay tumakas ang mga suspek na halos nasa edad 18-20 taong gulang sakay ng tatlong motorsiklo.

Extortion naman ang sinusundang anggulo ngayon ng PNP na motibo sa insidente.



0-


Inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong murder kontra sa dalawang suspek na responsable sa pamamaril sa isang OFW na si Abdullah Guiabas, 26-anyos na taga brgy. Layug, Pagalungan, Maguindanao.

Ang insidente nangyari umaga noong linggo sa Public Market, old Terminal Poblacion, Kabacan. Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na nagkarera ang biktima at ang suspek sa highway pa lamang patungong barangay Poblacion, Kabacan.

Sakay ng multicab ang biktima kasama ang kanyang pamilya habang sakay naman ng motorsiklo ang suspek na si Omar Macalipat.

Pagdating naman sa pinagyarihan ng krimen ay doon na nagkaroon ng komprontasyon ang suspek at biktima na humantong sa panghahampas ng biktima sa suspek gamit ang tubo.

Dahil nakita ng pinsan ng suspek ang panghahampas kay Omar ay dito na lumapit si Arnold Macalipat at binaril sa noo ang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima at inilipat sa Davao City pero binawian din ito ng buhay.

Iginiit naman ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero na hindi trapiko sa loob ng public Market ang dahilan sa insidente.

Ayon kay Cordero sa Highway pa lamang ay nagkainitan na ang dalawan na humantong naman sa pamamaril at pagkakahuli sa mga suspek.


-0-


Kinwestyon ng 39th Infantry Batallion ng Philippine Army ang sensiridad ngayon ng Komunistang Grupo kaugnay sa isinusulong nilang usapang Pangkapayapaan.

Sinabi ni 39th IB spokesperson 1st Lt. Silver Belvis, mas mabuti raw na kausapin muna ng mga high ranking official ng CPP NPA NDF ang kanilang mga lokal leaders kung pareha ba sila ng minimithing kapayapaan.

Ito matapos ang bagong insidente ng panununog ng bus ng mga nagpakilalang New People's Army ng Front 72 sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon.

Nitong nakaraang linggo rin ang pananambang sa Bansalan Davao del Sur na ikinamatay ng apat na mga pulis. Sa nakikita ng militar, tila ay walang pagkakaunawaan at iisang layunin ang liderato ng CPP NPA NDF sa kanilang mga nasa ibaba.

Bukod rito, naging basehan rin ng militar ang walang kasiguruhan na pahayag ng NPA na palalayain na nila ang dalawang miembro ng 39th IB na una nang dinukot ng NPA sa Colombio, Sultan Kudarat.

Huling linggo pa ng Pebrero nang magpalabas ng pahayag ang mataas na opisyal ng CPP NPA NDF kaugnay sa pagpapalaya sa dalawang sundalo pero hanggang ngayon ay walang pagpapalayang ginawa ang mga local leaders ng NPA.

Iginiit ni Belvis na kung magpapatuloy pa ang mga karahasang ginagawa at ipinapakita ng NPA ay handa silang aksyunan ito.


-0-


Patuloy pa ngayong iniimbestihan ng Kidapawan City PNP ang motibo sa nangyaring pamamaril sa isang 21-anyos na waiter sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Kairos Jim Agustin, pansamantalang nanunuluyan sa Licatan Boarding house, Labastida street ng lungsod.

Ayon sa report naglalakad lamang ang biktima sa bahagi ng Labastida at Corner Padilla St.nang parahan ng dalawang lalaki na sakay ng motrsiklo at pinagbabaril.

Nagawa pang tumakbo ng biktima hanggang sa harapan ng Yongson Shopping Plaza pero sinundan ito ng mga suspek at doon na siya tinadtad ng bala.

Narekober sa crime scene ang 13 basyo ng bala mula sa 45 caliber pistol. Patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente.


-0-



Malakas na pagsabog, naganap sa Mlang, North Cotabato Lumalabas sa imbestigasyon ng Mlang PNP na isang uri ng malakas na paputok ang dahilan sa naganap na pagsabog sa Mlang North Cotabato pasado alas otso kagabi.

Sinabi ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Mlang PNP, nangyari ang pagsabog sa bakanteng lote ng Corner Notre Dame Avenue at Dagohoy St. Poblacion B ng bayan. Base sa narekober na mga ebidensya sa lugar malakas na uri ng paputok ang dahilan sa insidente na maihahalintulad sa Goodbye Philippines.

Sinabi ni Calinga na posibleng mga naiwang paputok noong nakaraang pasko ang ginamit ng hindi pa kilalang suspek. Wala namang may naitalang nasaktan o nadamay sa pangyayari.

Samantala, normal naman ang takbo ng kalakaran sa bayan ng Mlang, ayon kay Mlang Vice Mayor Joselito Pinol.

Aniya, Wala din naman silang natatanggap na report kaugnay sa banta ng seguridad sa bayan.

Sa ngayon nakatutok ang PNP sa paghahanap sa mga responsable sa pagsabog na pinaniniwalaang grupo ng mga kabataan sa lugar. NDBC BIDA BALITA

  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy