NDBC BIDA BALITA (3.20.17

NDBC BALITA  • Mon Mar 20, 2017 10:05 AM  •  144   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST MARCH 20, 2017 (MON)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. TATLO KATAO, patay, habang isa pa, sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril, naitala sa Cotabato city nitong weekend.  

2. PULIS na taga Kidapawan city na napatay sa ambush ng NPA sa Bansalan, Davao Del Sur, inilibing na  

3. Koronadal City, ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government

4.  Auto supply store sa Koronadal, nasunog; 5 milyong halaga ng paninda, natupok ng apoy



-0-


NAKAPAGTALA ng apat na magkakahiwalay na kaso ng pamamaril ang Cotabato City PNP nitong weekend  

DEAD on the spot ang unang dalawang mga biktima ng pamamaril pasado alas otso ng umaga nitogn Sabado sa Kakar, Barangay Poblacion Otso ng lungsod.  

Kinilala ng Police Station 2 ang mga biktima na sina Mohammad Palao Mangulamas, 33 years old, may asawa at Jencly Palao, 33, walang asawa.  

Ang dalawang mga biktima ay magkamag-anak pawang walang mga trabaho at residente ng Boliao 2, sa Supermarket area ng lungsod.  

Nagtamo ng tama ng bala mula sa 5.56 armalite rifle at M-14 rifle sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na sanhi ng kanilang agarang pagkasawi.  

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis sa lugar, nakasuot ng maskara ang mga hindi pa nakikilalang suspek na bumaril at pumatay sa dalawang mga biktima. 
 

Samantala, sumunod na nabiktima ng pamamaril si si Zacaria Masurong Rumumba, 26 anyos, may asawa at taga- Gonzalo Javier Street ng lungsod.   Naganap ang pamamaril pasado alas nuebe ng umaga kahapon sa harap ng JDP fortune marketing, sa Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.  

Natamo ng tama sa ulo ang biktima na patuloy ngayong ginagamot sa isang ospital dito sa lungsod.   Samantala, dead on arrival naman sa pagamutan ang isang fish vendor matapos walang awang pagbabarilin ng isang hindi pa nakilalang lalaki pasado alas sais kagabi sa anto ng Amado Papa & Don Andres Street, Cotabato City.  

Kinilala ang biktima na si Tonting Rubpok Akmad, 52 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.   Sa pagsisiyasat ng mga pulis, nilapitan ng isang nag iisang susek si Akmad at pinagbabaril habang nagbebenta ng isda sa kanyang pwesto sa nasabing lugar.  

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at ulo ang biktima.   Narekober ng mga rumespondeng pulis ng police station 2 sa crime scene ang 19 na basyo ng bala ng cal. 40 pistol.



-0-


NAPASLANG sa air strike na inilunsad ng militar sa Barangay Tee at Barangay Andavit, Datu Salibo, Maguindanao, ang abot sa 21 mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF habang nasa 26 na iba pa ang sugatan.  

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Capt. Arvin Encinas na sampu sa mga nasawing miembro ng BIFF ay pawang mga kabataan.
  Ayon pa kay Encinas, patuloy din nilang benibiripika ang ulat na kasama sa mga nasawi ang isang dayuhang miembro ng teroristang Jemaah Islamiyah na nagsasanay ng mga mandirigma ng BIFF.  

Ang air strike ay inilunsad nitong March 13 kaugnay ng nagpapatuloy na pinaigting na opensiba ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo.   Nabatid na isa sa mga sundalo ang nasugatan sa insidente.  

Nasamsam naman ang limang Improvised Explosive Devices at iba pang paraphernalia ng bomba sa naturang operasyon.   Samantala, nitong Sabado lang, March 18, sinabi ni Encinas na nagkaroon din sila ng follow up operation sa Barangay Pidtandawan, Rajah Buayan, Maguindanao  

Ayon kay Encinas, ilang mga high powered firearm ang kanilang narecover mula sa kampo ng BIFF sa lugar.  

Iginiit naman ng opisyal na matinding dagok sa BIFF ang sunod-sunod na opensiba ng militar laban sa kanilang grupo na naglalayong lipulin ang mga nalalabi pang nilang mga lider at mga miyembro nito maging ang mga dayuhang teroristang tumutulong sa kanila.


-0-


Nasakote ng mga pulis mula sa Police Station 3 ng Cotabato City ang pang siyam sa kanilang most wanted list na limang taon nang pinaghahanap ng batas.   Nadakip ang suspek na si Muslimin Maguing pasado alas dyes ng umaga kamakalawa sa Mintex, barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.  

Sinabi ni Police Station 3 commander Police Sr. Insp. Rustum Pastolero na si Maguing ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o anti violence against women and their children act of 2004.   Samnatala, sa Maguindanao naman, abot na sa 300 mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto ng mga otoridad.  

Ito ay bunsod na mas pinalakas na kampanya ng PNP kontra iligal na droga sa Maguindanao.   Sinabi ito ni Maguindanao PNP spokesperson Police Insp. Razul Pandulo sa Joint PNP-AFP Peace and Security Coordinating Center Meeting noong nakaraang linggo sa Guindulungan Municipal gymnasium.  

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang sitwasiyon ng peace and order ng bayan at sa buong Maguindanao.   Bukod pa ito sa mga paglalatag ng mga estratehiya upang palakasin pa ang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad.  

Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpupulong sina Maguindanao PNP director Police Sr. Insp. Agustin Tello, Army’s 19th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Roberto Sarmiento, PDEA ARMM Director Bryan Babang at mga hepe ng pulisya sa mga bayan ng Talayan, Datu Odin Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, Guindulungan at Talitay.
 

Kasama din dito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGU sa Maguindanao at mga punong barangay.


-0-


KINATAWAN ng bansa sa isang global health initiative na sponsored ng U.S. State Department’s International Visitor Leadership Program ang isang opisyal mula sa Department of Health - Autonomous Region in Muslim Mindanao o DOH ARMM.  

Si DOH ARMM Assistant Sec. Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide ang kinatawan ng Pilipinas sa multi-regional project na “Global Health: Building Country Capacity” na pangagasiwaan ng Meridian International Center.   Ang naturang aktibidad ay nagsimula nitong March 18 at magtatapos sa darating na April 8.  

Ang mga kahahok rito ay pawang mga medical professional na kasali sa healthcare treatment and disease prevention education programs na nagmumula sa 21 mga bansa.  

Kabilang dito ang mga nars, mga doktor, hospital administrators, Ministry of Health officials, educators, nongovernmental organization staff, social workers, at media.  

Magsisimula ang programa sa Washington DC at may kasama rin pagbisita sa Boston, Massachusetts; Minnesota; Pittsburgh, Pennsylvania; Salt Lake City, Utah; San Diego, California; at Atlanta, Georgia.  

Ang tatlong linggong programa ang magpapakilala sa tungkulin ng U.S. federal, state and municipal government agencies and nongovernmental organizations sa pagpapalawak at pag-iimplementa ng mga programa at polisiya kaugnay sa pampublikong kalusugan.




-0-


Tumaas ng pitumpung porsiento ang turismo sa Cotabato City, nitong 2016.  

Ito ang inilabas na report ng Department of Tourism o DOT - Region 12 dahil na rin na gumagandang kalagayan ng siyudad lalo na sa ekonomiya at ang sitwasiyon sa peace and order.  

Sinabi ni DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera na lumago ng 615, 736 o katumbas ng 16 na porsiento ang dayuhang bumibisita sa lungsod nitong 2016.  

Mas mataas ito sa naitalang mga tourist arrival sa siyudad noong 2015 na nasa three million, 148 thousand, 928.  

Batay sa datos ng DOT 12, General Santos City pa rin ang pinakapaboritong puntahan ng mga turista na may 1.3 milyung tourist arrivals, sinusundan ng Saranggani na may mahigit sa anim na raang libu, South Cotabato na may limang daang libng tourist arrivals, at Cotabato City na may mahigit sa tatlong daang libu.  

Napag-alaman na lumubo pa sa 3.76 million ang tourist arrival sa Rehiyon dahilan para tanghaling fastest growing travel destinations ang SOCCSKSARGEN.


-0-



Nais ng mga lokal na opisyal ipatupad ang barangay ID System sa buong South Cotabato. Ayon kay South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes, ito ang napagusapan sa pagpupulong nila ng mga alkalde ng lalawigan.

Kasunod naman ito ayon kay Fuentes sa pagpulong sa kanila kamailan lang ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Fuentes layon ng Barangay ID System na makilala ang bawat mamamayan sa barangay na isa sa mga paraan upang mapigilan ang krimen.

Sinabi ni Fuentes na kahit na ang mga pulis at militar ay nahihirapan ngayon na tukuyin ang mga myembro ng New Peoples Army. Makatutulong din ang Barangay ID system sa pagtukoy sa mga mamamayang nagtatago ng armas.

Ayon kay Fuentes, hindi na mahihirapan ang mga Local government unit sa pagpapatupad ng Barangay ID System. Paliwanag ng gobernador mayroon na kasing community-based monitoring system ang mga ito.

Sinabi ni Fuentes na aalamin ng provincial legal office ang legalidad ng pagbibigay ng barangay ng ID sa kanilang mga mamamayan.


-0-


Target ng Provincial Veterinary Office na mabigyan ng anti rabbies vaccine ang may 80 porsyento na mga aso sa Sarangani Province. Nabatid na noong 2014 tatlo ang nasawi dahil sa rabbies sa Sarangani, dalawa noong 2015 at apat noong 2016.

Ayon kay Sarangani Provincial Veterinarian Joselito Gleyo bagama’t kokonti lamang ang nasabing bilang, hindi pa rin maaring balewalain ang rabbies. Sinabi ni Gleyo na naiwasan sana ang pagkasawi ng mga biktima kung nadala kaagad sa ospital.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Gleyo pinaaigting din ng provincial veterinary office ang kanilang symposium kontra rabbies sa mga komunidad. Sinabi ni Gleyo na kadalasan nagtatagal ang incubation period ng rabbies ng mula 20 hanggang 90 araw kaya mahalaga ang maagang pagpapagamot.

Binigyan diin ni Gleyo na bagama’t nakamamatay ang rabbies, ito aniya ay maari ring pigilan.


-0-



Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang mekaniko na naaresto sa operasyon laban sa droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Koronadal City.

Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang suspek na si Senen Panelo Jr., nakatira sa Purok Centro 2, Barangay Morales sa lungsod.

Ayon kay Abad nakuha ng mga PDEA agents at kasapi ng Koronadal City PNP sa bahay ni Panelo ang may 50 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Nakumpiska din sa suspek ang digital na kilohan, at drug paraphernalia. Isinagawa ng PDEA at PNP ang paghaluglog sa bahay ni Panelo sa bisa ng search warrant ng korte.

Ipinahayag naman ni Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes na matagal na nilang minamanmanan ang suspek.

Ayon kay Condes aalamin din ng pulisiya kung nakaw o hindi ang motorsiklo na natagpuan sa auto-repair shop ng suspek na ginagawa rin umano nitong “shabu tiange” Si Panelo ay inaresto kasunod ng muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng PNP .


-0-



Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection o BFP ang dahilan ng apoy na tumupok sa isang auto supply shop sa Koronadal City Lumabas sa inisyal na pagsisiaysat ng BFP na abot sa mahigit P5 million na halaga ng mga paninda at ari arian ang naabo ng apoy.

Nabatid na nagsimula ang apoy dakong ala una kwarenta’y singko ng madaling araw kahapon. Idineklara ng mga bombero ang fireout pagkatapos ng halos dalawang oras.

Ayon sa saksi na si Donna May Collado, nagising na lamang sila sa ingay nang mapansin ng mga napadaang mamamayan ang nasusunog na Gear Up Auto Supply and Accessories sa Morrow Street Barangay Zone II, Koronadal City.

Umaasa naman ang BFP na makatutulong ang kuha ng CCTV Camera ng katabing establisemento para matukoy kung sinadya ba o hindi ang sunog. Ito na ang pangatlong insidente ng sunog sa Koronadal City ngayong Fire prevention month.

Matatandaan na unang nasunog ang principal’s office ng Senior High School ng Notre Dame of Marbel University. Isang kubo rin ang sinunog ng mga batang kalye sa lungsod noong nakaraang lingo.



-0-


Bumuhos ang emosyon ng pamilya at kaanak ni Po2 Joey Narvasa kasabay ng kanyang libing kahapon sa brgy. Amas Kidapawan City. Dinagsa rin ng kanyang mga dating kaklase at kaibigan ang kanyang burol na nag-alay pa ng isang gabing vigil.

Dumalo rin ang Chief Of Police ng Bansalan PNP na si Chief Ins. Adrian Antonio kung saan nakaasign si Narvasa pati ang Director ng Davao del Sur Police Provincial Office.

Nag-alay din ng 21 gun salute ang PNP bago ang libing. Matatandaang isa si Narvasa sa apat na mga pulis na napatay nang tambangan ng New People's Army ang kanilang sinasakyang patrol car sa brgy. Sibayan, Bansalan.

Una nang inilibing si PO2 Saro Mangutara pagkatapos ng insidente noong March 8 alinsunod na rin sa kulturang Islam. Nitong sabado inilibing na rin si PO3 Jeden Mei Rabor sa Mati City habang nakatakda ring ilibing ngayong araw si Po2 Rolly Benelayo sa bayan ng Bansalan.

Binigyan rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Medalya ng Kagalingan ang apat na mga pulis kasabay ng kanyang pagbisita noong March 9.

 Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang all-out hot pursuit operation ng militar kasama ang Philippine National Police (PNP) upang tugisin ang mga rebeldeng NPA, lalo na ang mga responsable sa naturang pananambang.


-0-



Aasahan ngayon ang mas marami pang mga operasyon na pangungunahan ng PDEA Region 12 katuwang ang PNP at militar sa North Cotabato.

 Kasunod ito sa nangyaring pagbuwag sa sinasabing drug den at pag-aresto ng mga otoridad noong biyernes kina Kumander Mangigel at Kabagel Guiamadel sa bayan ng Pikit na ikinokonsiderang malaking grupo na nagbebenta ng iligal na droga sa lalawigan.

 Ikinokonsidera ring High Value Target ang dalawa at responsable sa ilang patayan na naitatala sa probinsya. “Narco-terrorism” rin kung tawagin sila ni PDEA 12 Public Information Officer Kath Abad.

 Ayon kay Abad, ilang buwan din nilang minanmanan ang nabanggit na grupo bago ang operasyon. Matatandaang inaresto ang dalawa kasama ang siyam na iba noong Biyernes matapos makuhanan ng iligal na droga sa inilunsad na search operation ng mga raiding team sa mismong bahay ng dalawang target suspek sa brgy. Dalingaoen, Pikit.

Sa nasabing operasyon abot sa 1.5 million pesos na halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska na itinuturing na isa sa pinakamalaking operasyon ng PDEA ngayong 2017 simula noong Enero.

Samantala nakatakda namang isampa ngayon araw ang kaso sa 11 isang naarestong suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang illegal possesion of Firearms, Sec 11 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act habang posible ring mahaharap sina Kumander Mangigel at Guiamadel ng Sec 6 ng RA 9165 o Maintenance of a den.


-0-


Abot sa 1,346 na mga aso ang libreng nabigyan ng rabbies vaccination sa brgy. Poblacion Kidapawan City noong sabado na pingunahan mismo ng Kidapawan City Veterinary Office. Ito ang sinabi ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa radyo Bida.

Una nang ipinanawagan ng City Vet ang nabanggit na aktibidad para sa lahat ng pet owners ng barangay Poblacion. Dahil dito libu-libong pet owners naman ang tumugon mula sa 25 stations.

Ayon kay Dr. Gornez, abot rin sa 18 aso at 3 pusa ang kanilang libreng na castrate habang 12 aso ang sumailalim sa ligation. Nagpapasalamat naman si Gornez sa lahat ng mga tumugon sa aktibidad na bahagi rin ng Rabies Awareness month ngayong Marso.

Una nang inilunsad ang nabanggit na programa sa ibang mga barangay at magtuloy-tuloy na ito sa ibang mga barangay hanggang matapos ang buwan.

 Samantala, nakatakda namang maglunsad ng Information Education Campaign ang City Vet sa Brgy. Balabag, Kidapawan kaugnay pa rin sa Rabies at vaccination na gagawin sa March 23, 2017.

-0-


Dead on the spot ang isang driver habang patuloy namang nagpapagaling ang backrider nito matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Mitsubishi strada pick up truck sa barangay Patadon, Kidapawan city, hapon noong sabado.

Kinilala ang namatay na si Jeason Lorena, 21-anyos, habang kinilala naman ang angkas nito na si Joseph Roquero, 35-anyos, parehong taga Kimarayag, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon sa report binabaybay ng mga biktima ang highway patungong Matalam Area at nag-overtake sa isang Honda TMX 125 na minamaneho naman ng isang Shahid Guiabel Tambak, 22-anyos, estudyante, na taga Sunset, barangay Poblacion Kabacan.

Pero bigla na lamang umanong nagbreak ang sasakyan na nasa unahan ni Tambak dahilan rin para magbreak siya at ang mga biktima sa kanyang likuran at dahil nawalan ng control nag counterflow ito sa kabilang lane kung saan hindi rin napansin ang kasalubong na pick up truck dahilan ng salpukan.

Ang nabanggit na pick up truck minamaneho ni Father Ludwin Alerta, 39-anyos, taga barangay Bual, Tulunan at naka assign sa Our Lady of All Grace Cathedral, Kidapawan City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, dead on the spot ang driver na si Lorena habang sugatan naman si Roquero na agad namang nirespondehan ng mga personahe ng City Call 911

 Nasa kustodiya ngayon ng Kidapawan City PNP ang dalawang motorsiklo at ang nabanggit na pick up truck habang patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.


-0-


Nananawagan ngayon si Kabacan Municipal Risk Reduction and Management Officer David Saure sa mga magulang na nakatira sa Plang Village, Kabacan na bantayan ang kanilang mga anak.

Ito matapos na masawi ang tatlong taong gulang na batang lalaki nang malunod ito sa malaking irrigation canal malapit sa kanilang lugar. Ayon kay Saure, hapon noong biyernes nang maligo ang limang mga menor de edad sa nabanggit na irigasyon at doon na nangyari ang pagkalunod ng limang mga bata.

Mabuti na lamang ay napansin ito ng mga residente sa area na nagsasagawa ng Kanduli pero ang apat na mga bata lamang ang kanilang na rescue.

Ilang oras pa nang lumutang ang napatay na si Sakilan Andog. Base sa imbestigasyon, nakasanayan ng maligo ng mga bata sa lugar.

Ang irrigattion canal ay diversion lamang na ginawa ng NIA para sa mga magsasaka mula sa Kabacan River. Sa ngayon nasa maayos na kondisyon na ang apat ng mga bata matapos silang isinugod sa USM Hospital pagkatapos ng insidente. 

  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy