NDBC BIDA BALITA (4.17.17)

NDBC BALITA  • Mon Apr 17, 2017 07:43 AM  •  194   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST APRIL 17, 2017 (MON)
7:00 AM
 

HEADLINES:  

1. Holy Week celebration sa Region 12, tahimik at taimtim; Oplan Summer Vacation, tuloy ayon sa PNP.

2. Magkakapatid nakaligtas sa pananaga at pang ho-hostage ng ama sa Tupi, South Cotabato  

3. Dalawang NPA, isang sundalo, patay sa engkwentro sa Magpet, North Cotabato  

4. BJMP officer, patay sa highway crash sa Sultan Kudarat, Maguindanao



-0-


Sa detalye....

NAGING MAPAYAPA sa pangkalahatan ang paggunita sa Semana Santa sa Cotabato City.  

Sinabi ni city PNP director Police Sr. Supt. Victor Valencia na wala namang malalaking krimeng naganap nitong kwaresma base sa record mula sa apat na mga himpilan ng pulisya sa lungsod.  

Aminado naman ang hepe ng City PNP na may mga banta pa rin sa seguridad ng lungsod gaya ng harassment, pagpapasabog ng bomba, at iba pang banta ng pang-aatake ng mga armadong grupo kaya todo alerto aniya ang buong kapulisan katuwang ang militar.  

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Valencia na tuloy-tuloy ang gagawin nilang pagbabantay kaugnay ng ipinatutupad na ‘Oplan Sumvac 2017’.  

Mas paiigtingin pa rin aniya nila ang pagbabantay sa loob at labas ng Cotabato City, partikular na sa mga matataong lugar kagaya ng mga pamilihan, paliparan, mga terminal at maging sa mga paaralan at malls.   




-0-


Samantala, sa buong bansa, sinabi naman ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na generally peaceful din ang paggunita ng Mahal Na Araw sa kabila ng nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol.  

Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Pagkabuhay, tiniyak ni dela Rosa sa publiko na patuloy na ipinapatupad ang seguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na pabalik mula sa kanila-kanilang probinsiya.  

Pinuri rin ni dela Rosa ang militar at pulis sa matagumpay na pagpigil sa pagtatangka ng Abu Sayyaf, kasama na ang pagpatay sa subcommander na si Abu Rami.  

Sa kabilang dako naman, pina-alalahanan ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang lahat ng mga mananampalatayang katoliko sa tunay na kahulugan ng Pasko ng Muling pagkabuhay.  

Sa kanyang Easter Message, binati rin nito ang lahat sa matagumpay na pag-aayuno at sa taimtim na pagdarasal at pagnilay para mapalakas pa ang kanilang pananampalaya.  



-0-



DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki habang kritikal naman ang kondisyon ng driver ng kanyang sinakyang habal-habal matapos silang pagbabarilin pasado alas otso kagabi sa Lugay-Lugay area, Barangay Bagua 1, Cotabato City.  

Kinilala ni Police Station 4 Commander Chief Insp. Reynaldo Delantien ang nasawing biktima na si Esmael Tambilawan, 63 years old na nagtamo ng isang tama sa kanyang likod dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.  

Nakilala naman ang habal-habal driver na si Rustom Musa Odin, 29 anyos na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likuran.  

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya,  pauwi na ang dalawang mga biktima mula sa isang coffee shop sa lungsod ng di nakikilalang riding tandem at binagbabaril.
 

Narekober sa crime scene ang tatlong slugs at isang cartridge ng cal. 45 pistol.  

Bigo namang maabutan ng mga rumespondeng elemento ng ang mga suspek.   Inaalam pa sa ngayon ng City PNP kung ano ang motibo sa naturang panibagong kaso ng pamamaril at kung sino sino ang mga salarin.



-0-



NAGLABAS NA RIN ng babala ang United Kingdom at Canada para sa kanilang mamamayan na nagpaplanong bumiyahe sa Pilipinas dahil sa mataas na banta ng terorismo at pagdukot sa mga dayuhan sa Visayas at Mindanao.  

Sa travel advisory, pinag-iingat ng Foreign and Commonwealth Office ng UK ang mga British national sa lahat ng kanilang pagbiyahe sa Western Mindanao at Sulu archipelago dahil sa kasalukuyang “terrorist activity”.  

Sinabi pa sa naturang advisory na may mataas na banta ng terorismo sa buong Pilipinas dahil na rin sa patuloy na planong pag-atake ng teroristang grupo at may kapasidad silang umatake anumang oras at saan mang lugar sa bansa.  

Ang matinding banta umano ay na-extend sa buong Pilipinas, sa kapatagan man o karagatan partikular na malala sa southern Philippines tulad sa Mindanao, southern Palawan at central Visayas kabilang ang Siquijor at Dumaguete.  

Hinimok naman ng Global Affairs Canada at kanilang mamamayan na umiwas na magbiyahe sa Mindanao kabilang na ang Sulu archipelago at sa southern Sulu Sea, ang karagatan ng katimugang isla ng Palawan dahil sa seryosong banta ng terrorist attacks, piracy, at kidnapping sa lugar.  

May banta rin umano ng terorismo, pang-aatake at pambobomba sa Cotabato city, Kidapawan city, Davao city, General Santos city, Isabela city, Jolo, at Zamboanga city.  



-0-



PATAY NA NANG MAKARATING SA PAGAMUTAN ang isang retiradong opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP habang ginagamot pa rin ang isa pa kataong sugatan sa nangyaring banggan ng dalawang motorsiklo sa national highway ng barangay Dalumancob, Sultan Kudarat, Maguindanao.  

Kinilala ni Sultan Kudarat Police Chief, Sr. Insp. Esmael Tarusan ang nasawi na si Ret. Supt. Abdila M. Royod, 68 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.  

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pasado alas syete ng umaga noong Sabado, habang binabaybay ni Royod ang Cotabato-Davao National highway sa bahagi ng nasabing lugar gamit ang kulay pulang honda XRM 125 na may plakang 3186-MZ nang makabanggaan nito ang kasalubong na kulay itim na honda XRM125 na walang plaka at minamaneho naman ni Ransalan P. Kasim, 22 anyos, taga ng Barangay Gang ng nasabing bayan.  

Ayon sa isang nakasaksi sa aksidente, may isa umanong tumawid at iniwasan ni Kasim dahilan upang salpukin nito si Royod.


-0-



TULOY TULOY ang libreng serbisyong medikal at food assistance na ibinibigay ng Maguindanao People’s Medical Team sa mga liblib na barangay, sa iba’t ibang mga bayan sa Maguindanao.  

Sinabi ni People’s Medical Team leader Lynette Estandarte na bukas ay maglulunsad sila ng medical outreach mission sa barangay Darugao, North Upi na susundan naman ng kahalintulad na aktibidad sa barangay Kenebaka, Datu Odin Sinsuat kinabukas, April 20.
 

Sa April 25, may outreach mission ang grupo sa barangay Rempes, North Upi habang nasa General SK Pendatun naman ang team sa April. 27 Kabilang sa mga libreng serbisyo na ibinibigay ng People’s Medical team ay ang medical consultation, minor surgery, dental care at food feeding.

Samantala, katuwang din ang medical team ng ARMM HEART sa pagbibigay ng medical assistance sa mga atletang kalahok sa Palarong Pambansa 2017 sa Antique.



-0-



Sa iba pang balita…………

Namahagi ng tulong ang pamunuan ng Office of Civil Defense ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o OCD-ARMM sa mga naging biktima ng lindol sa Wao, Lanao del Sur, nitong Sabado kasabay ng paggunita ng Black Saturday.

Ayon kay OCD-ARMM Director Myrna Angot na katuwang nila ang ilang mga personnel ng 6th Infantry Division sa nasabing Gawain para mamigay ng mga plastic tarpaulin, water container at ilang mga non-food provisions sa mga residente na nawalan ng tirahan matapos na masira dulot ng Magnitude 6 na lindol, nitong Miyerkules.

Abot naman sa 300 aftershocks ang naitala ng Phivolcs. Nasa 100 istruktura ang napinsala kabilang ang 40 kabahayan at ilang tulay at mga kalsada.

Ayon kay Wao Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council head Francis Garcia, na sa inisyal na assessment nasa limang mga bahay, isang paaralan, dalawang mosque at isang pension house ang  hindi na maaring gamitin matapos mawasak ang mga pader.



-0-



Inihahanda na ng PNP pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa pitong tulak ng shabu na kanilang naaresto sa Barangay San Jose, Koronadal City.

Kinilala ni Koronadal PNP Deputy Chief of Police Chief Inspector Jomero Sentinta ang mga suspek na sina John Velarde Alias “Jun” 45 anyos, Wilfredo Profido 40 anyos, Mohammad Ulama 19 anyos, Ronnelo Verbal 27 anyos, Joel Labado 27 anyos, at Alma Agura 46 anyos, pawang mga nakatira sa Koronadal City.

Kasama din sa mga naaresto ang 18 anyos na si Angel Gomugda ng Barangay San Pablo, Tacurong City. Ayon kay Sentinta nakuha sa mga suspek ang isang big pack, limang large pack, walong medium pack, at 12 small packed ng suspected shabu.

Nakakumpiska din ang mga pulis sa mga suspek ng P500 marked money,digital na kilohan at drug paraphernalia. Kinumpirma ni Sentinta naaresto ang mga suspek matapos ang matagal na pagmamanman ng PNP sa illegal drug trasaction ng kasama umano nilang si Velarde. Ang mga suspek ay nakapiit na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell.


-0-


Makatatanggap ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ang walong atleta ng South Cotabato na naguwi ng karangalan mula sa 12th Sea Youth Games at 2017 Philippine National Open Invitational Athletic Championship.

Ang naturang mga palaro ay katatapos lang ganapin sa Ilagan, Isabela. Kinilala ni South Cotabato Provincial Sports and Youth Development Program Coordinator Jinky Avance Avance ang mga nagwaging atleta na sina Trisha Mae Aranador, Monic Grace Gulac, Mary Angelie Arano, Ellen Bogot, Rechel Paterno, Dian Shyr Taranza, at Nikki Hope Cabangal.

Ayon kay Avance si Maricel Buer ng barangay Ned, Lake Sebu ay kaisa isahang taga SOCCKSARGEN na nakakuha ng gold medal sa 12th Sea Youth Games Ang mga nagwaging atleta ay pawang mga myembro ng South Cotabato Athletics Team.

Ayon kay Avance ang mga atletang nakasungkit ng gold medal sa palaro ay makakatanggap ng P3,000l P2,000 ang silver at P1,000 naman ang bronze medal. Naging Coach ng South Cotabato athletic team sa palaro ang Olympian mula lalawigan na si Henry Dagmil.



-0-


Plano ng Department of Tourism o DOT na ibida sa sa international arena ang mga tourism products ng SOCCKSARGEN.

Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera, ito ay matapos ang matagumpay na ikalawang Treasures of SOX: Travel and Trade Expo sa Makati City.

Ayon kay Dillera , umabot sa mahigit P45 million pesos mula sa travel, trade sales at booked sales ang kinita ng mahigit 60 exhibitors sa travel and trade expo.

Ang Treasures of SOX, ayon kay Dillera ay nagbigay daan para maipakilala hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo ang mga produktong pang-agrikultura, mga kultura, at travel destinations ng rehiyon dose.

Pinasalamatan naman ni Dillera ang mga lokal na pamahalaan ng SOCCKSARGEN sa suporta ng mga ito sa Treasures of SOX. Katuwang din ng DOT sa pagtaguyod nito ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno. NDBC


-0-



Nagpapagaling pa sa ospital ang dalawaqng magkakapatid na pawang mga nakatira sa Barangay Polonoling Tupi, South Cotabato.

Ayon kay Tupi Chief of Police, Chief Inspector Rey Egos, ang magkakapatid ay sinasaksak at tinaga ng sariling ama na nang-hostage sa kanila sa loob ng kanilang bahay .

Kinilala ni Egos ang suspek na si John Fritz Escalada, 44 anyos , karpintero. Sinabi ni Egos na matapos tagain ng ama sa tuhod, kamay at braso,maswerteng nakatakbo ang nakatatandang anak nitong 9 anyos na babae..

Ngunit ang bunsong 6 anyos na lalaki ay nahila ng ama papasok sa loob ng kanilang bahay at sinasaksak ng anim na beses. Ayon kay Egos, sa kabila ng pakikipag usap ng mga pulis at ni Tupi Mayor Reynaldo Tamayo Jr, hindi pa rin sumuko ang suspek.

 Kaya pagkatapos ng halos apat na oras na pakikipag negosasyon, napilitan ang mga pulis na pasukin ito sa kanyang bahay. Sinabi ni Egos na ang biktimang 6 anyos y nasa ligtas nang kalagayan matapos sumailalim sa operasyon.

Ang magkakapatid na biktima ay parehong dinala sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City. Ayon kay Egos, posibleng nagawa ng suspek na ex-convict ang krimen dahil sa depression matapos umanong hiwalayan ng kanyang misis.

Sinabi ni Egos na hindi dinala ng misis ang kanyang mga anak dahil nakita nitong mahal naman ito ng kanyang mister. Ayo naman sa suspek nagawa nito ang krimen dahil hindi na nito alam kung papaano pa buhayin ang kanyang mga anak. Naniniwala si Condes na pinagplanuhan ng suspek ang krimen


-0-



Tataas ng 43% ang renta ng mga stalls sa merkado publiko ng Koronadal City simula ngayong Abril. Ito ay ayon ay Koronadal City Treasurer Marloun Gumbao.

Paliwanag ni Gumbao ipatutupad ang rental indrease matapos natuklasan ng kanilang tanggapan na hindi naipatupad ang 1997 ordinance ng lungsod. Ininaatas nito ang unti unting pagtaas sa renta ng mga stall sa city public market.

Ayon kay Gumbao ang pinakamababang buwanang stall rental sa merkado publiko na P336.000 ay magiging P480, mas mataas naman ng P144.000. Magiging 5,040 naman mula sa dating 3,528 ang pinakamataas na renta sa mga stalls sa palengke.

Sinabi ni Gumbao na ang pataas sa rental fee ay naipaalam na nila sa Koronadal Market Vendors Association o KOMAVA. Naniniwala din si Gumbao na matapos ang 20 taon na hindi pagpatupad nito, alam na ng mga stall owners ang pagtaas sa kanilang renta.

Ayon kay Gumbao, kapag naipatupad na ang pagtaas sa stall rental, abot sa P2 million pesos ang madadagdag sa koleksyon nf city treasury.

Payo naman ni Gumbao sa mga stall owners alamin ang kanilang babayaran sa sa City Treasurer’s Office, KOMAVA o Office of the Market Supervisor.


-0-



Patuloy ngayong minomonitor ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang Sitio Kimampang, Brgy. Balite at Brgy. Temporan, Magpet, North Cotabato.

Ito matapos dalawang NPA member ang nasawi habang isa naman sa hanay ng 39th Infantry Battalion sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng NPA at kasundaluhan noong nakaraang linggo.

Kinilala ang sundalo na si PFC Rey Beduari habang kinilala naman ang rebelde na si Albert Andas Iyong alyas Adong, 19-anyos na miembro ng Guerilla Front 53 at isa pang kasama nito.

Sinabi ni Lt Col. Harold Argamosa, Battalion Commander ng 39th IB malinaw na paglabag sa batas ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o (CARHRIHL) ang ginawa ng NPA dahil kabataan ang kanilang ginagawang combatant at miembro rin ng Lumad si Iyong na paglabag rin sa IPRA LAW.

Giit pa ni Argamosa na sa loob ng limampung taon walang magandang naidulot ang grupo ng NPA lalo na sa kabataan sa pangrerecruit ng mga ito kung saan puro lamang pasakit ang hatid nito sa mga mamamayan.

Nabatid na ang nasabing bakbakan ay tumagal ng halos dalawang oras na ikinamatay ng tatlo katao. Wala namang nadamay na mga sibilyan sa naturang engkwentro. Nagpapatuloy ngayon ang operasyon ng 39th Infantry Battalion laban sa rebeldeng grupo sa nabanggit na lugar.

 Sa ngayon kontrolado na ang sitwasyon ng mga otoridad sa area habang kinukumpirma rin ang report kaugnay sa limampung pamilya na lumikas sa hangganan ng Magpet at bayan ng Arakan dahil sa nabanggit na enkwentro.

-0-



Pinaghahanap na ngayon ng Kidapawan City PNP ang mga suspek na responsable sa pamamaril sa Kidapawna City noong nakaraang linggo.

 Una rito dead on the spot ang isang Wilfred Pimentel, 31-anyos, residente ng Panabo City, Davao del Norte habang sugatan naman sina Junel Rumagos, 18, Cyril Sade Tambuong, 15, na pawang mga residente ng Brgy. Binuligan, Kidapawan.

 Ayon sa report nasa loob ng isang ukay ukayan sa Dayao Street ng lungsod ang mga biktima nang pagbabarilin ng limang armadong kalalakihan. Ang insidente nangyari gabi noong April 9. Patuloy pa ngayong iniaalam ng PNP ang motibo sa Krimen.

Samantala, sa ospital naman binawian ng buhay ang isang empleyado ng RNF company matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek noong April 11 ng umaga. Kinilala ang biktima na si Bonifacio Jaro Jr. 32 anyos na taga brgy. Singao, Kidapawan.

Ayon sa report sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga naka bonnet na suspek. Tama sa mukha ang tinamo ng biktima na naisugod pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng PNP ang dalawang kaso ng pamamaril na naitala sa lungsod. Sa bayan naman ng Makilala, maswerteng nakaligtas sa pamamaril ang isang Jay Iking Munang, 25-anyos na taga Purok Masagana, Barangay Bulatokan, Makilala, North Cotabato.

Base sa report habang sakay ng kanyang kabayo ang biktima ay binaril siya ng suspek na si Rico Penzerga gamit ang isang improvised Shutgun. Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen habang patuloy na tinutugis ang suspek na si Penzerga sa nasabing pamamaril.


-0-



Aasahan ngayon ang mas mgandang mga programa para sa mga kabataan sa Kidapawan City. Ito matapos na makakuha ng positibong marka ang LGU sa mga Child Welfare and Developmet Programs sa taong 2016.

Ito ang siyang lumabas sa paunang evaluation sa functionality ng Local Council for the Protection of Children o LCPC ng City LGU.

Una nang sumailalim ang City LGU sa evaluation ng Cotabato Provincial DILG Office at attached agencies nito na nangangasiwa sa Health, Social Welfare, Education, Nutrition at iba pa na nakatutok sa programa ng mga bata noong nakalipas na April 7.

Ilan lamang sa mga programa na nakakuha ng matataas na marka sa isinagawang evaluation ay ang paglalaan ng mahigit sa P11 Million Budget para sa child welfare and development programs na higit na malaki sa isang porsyento mula sa Annual Performance Budget na inilalaan sa ilalim ng batas;

> pagbibigay ng insentibo sa mga Child Friendly Barangays;

>pag-ako ng City LGU sa P300 na Parents Teachers Association subsidies kada bata na naka enroll sa mga public elementary at high schools;

>pagsasagawa ng Oplan Sleepless Nights bilang pangunahing programa sa pagpapatupad ng curfew for minors;

>pagkakaroon ng isang Child Welfare Code;

>pagsasagawa ng Children’s Congress at pagkakaroon ng mga pasilidad para sa rehabilitation at counseling ng mga youth offenders o Children in Conflict with the Law at mga batang babae na nakararanas ng pang aabuso.

Base sa obserbasyon ng mga evaluators, ilan sa mga nabanggit na child welfare programs ay hindi pa naipapatupad ng ibang Local Government Units sa lalawigan ng North Cotabato.

Nakakuha din ng mataas na marka ang City LGU sa paghahanda naman ng mga detalyadong reports at documentation sa lahat ng child welfare programs na naisagawa noong 2016.

  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy