NDBC BIDA BALITA (4.19.17)

NDBC BALITA  • Wed Apr 19, 2017 10:04 AM  •  196   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST APRIL 19, 2017
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. Suspek na bumaril sa doktor at sekyu nito sa Cotabato City, posibleng makikilala sa CCTV Camera
 

2. Dalawang suspek sa pagsabog sa Tacurong City arestado
 

3. Bayan ng Magpet, isinailalim sa state of calamity kasunod ng pang-aatake ng New People's Army
 

4. National Motorcycle convention, gagawin sa Koronadal City

 

-0-



Nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM ang CCTV footage upang mapagkukunan ng dagdag na impormasiyon hinggil sa pagkaka-ki-lanlan ng suspek na responsable sa pagbaril patay kina Dr. Shajid ‘Jaja’ Monera Sinolinding at kasama nitong Body guard.  

Ito ayon kay PSI Alexander de Pedro ang station Commander ng Police Station 2.  

Batay sa ulat, inakyat ng gunman ang clinic ni Dr. Jaja sa ikalawang palapag na gusali ng Cotabato Doctor’s Clinic na nasa Sinsuat Avenue, Cotabato City at walang kaabu-abung pinagbabaril at walang kaabu-abung pinagbabaril ang mga biktima alas 11:10 kahapon ng umaga.  

Patay on the spot ang nakababatang Sinolinding kasama ang kanyang body guard na si Mohammed Ismael, 33-anyos.   Bago ang pamamaril, may isang pasyente umanong nag-pupumilit na pumasok sa loob ng clinic, na siyang itinuturong gunman.  

Apat na putok ng baril ang narinig ng mga kawani ng ospital at nagsitakbuhan palabas ang ilang ospital staff.   Kalibre .45 na pistol ang ginamit ng suspek sa nasabing pamamaril.  

Ang 37-anyos na Doctor ay isang Ophthalmologist at residente ng Poblacion, Kabacan, North Cotabato at bunsong kapatid ni ARMM DOH Secretary Dr. Kadil ‘Jojo’ Sinolinding.  

Nanawagan naman ang kalihim sa mga pasyente at mga natulungan ni Dr. Jaja na makipagtulungan sa kanila para sa pagkakakilanlan ng suspek.  

Sinabi nitong mabatid na kapatid ang kanilang bunso at wala naman umano itong nakalaban.   Maraming anggulo ngayon na tinitingnan ang otoridad sa pagkakapaslang sa biktima.  

Hustisya at katarungan ngayon ang sigaw ng kaanak ni Dr. Jaja, kung saan agad namang siyang inilibing kahapon batay sa tradisyong Islam sa kanilang compound sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.   


-0-


Pasado na sa Sangguniang panlungsod ng Cotabato ang Local anti-Criminality Action Plan (LACAP) matapos na ma-aprubahan sa regular na Session ng SP.

Ito ang kinumpirma ni Vice Mayor Graham Nasser Dumama kungsaan ito ay magsisilbing gabay hindi lamang ng city Government kundi maging mga mga ahensiya ng pamahalaan na naka-tutok sa panseguridad ng siyudad. Nakasaad sa LACAP ang mga planu at pagbalangkas, kung papaanu tutugunan ang kriminalidad na nangyayari sa lungsod at kung papaanu din ito maiiwasan.

Si Cotabato City Vice Mayor Graham Nasser Dumama
Sa kabilang dako naman, iginiit ni Cotabato city Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi na kanyang tinu-tu-u-nan  ng pansin ngayon ang seguridad sa lungsod.

Ito dahil patuloy na pagbuhos at paglagak ng malaking puhunan ng mga negosyante sa lungsod ng Cotabato. Kaya naniniwala ang punong ehekutibo ng siyudad na kapag stable ang peace and order ng lungsod ay tiyak na uusbong pa ang ekonomiya ng Cotabato City.

Dagdag pa nito na ang Cotabato City ang pinaka-una na nagpasa ng LACAP sa buong Rehiyon.



-0-



Matapos ang ilang taong pagpaplano at pakikipagpulong sa iba't ibang tanggapan ng gobyerno, tiniyak ng pamunuan ng ccspc o cotabato city state polytechnic college na magiging unibersidad na ito ngayong taon.  

Bagamat ito'y naisabatas na noong 2013 pa, ayon kay ccspc president dr. dammang bantala may dalawang national standard requirement pa kasi silang kulang upang maging ganap na unibersidad at aasahang kapag ito'y kanilang makumpleto makikipag pulong muli sila sa mga tanggapan ng ched o commission on higher education region 12 at ng  ched-central office.
 

Ang tinig ni cotabato city state polytechnic college o ccspc president dr. dammang bantala sa programang madam public service.


Matatandaang taong 2013 ay naisabatas na ito sa pamamagitan ng house bill 5914 hinggil sa conversion mula sa pagiging state college patungong state university kung saan ang author nito'y si house deputy speaker for mindanao at maguindanao first district with cotabato city congresswoman bai sandra sema.


-0-


Nasa proseso na ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Western Mindanao ang pagberipika kung saan nanggaling ang pitong mga matataas na kalibre ng baril ng mga sumukong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Matatandaan na nasa 11 mga Abu Sayyaf kasama ang mag-amang sub-leader ang boluntaryo umanong sumuko sa tropa ng militar sa Tawi-Tawi dala ang pitong baril.

Kabilang sa mga baril ay ang isang unit ng M16 rifle na may M203, isang M14 rifle, isang M79 rifle at apat na unit ng M1 Garand rifle.

Ayon kay Lt. Gen. Carltio Galvez Jr, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), mahalaga na matukoy ang pinaggalingan ng nasabing mga baril.


-0-



Sundin ang “follow period”. Ito ang payo ni Koronadal Agriculture Officer Emelita Miguel sa mga magsasaka ng lungsod ngayong taginit. Ibig sabihin nito ayon kay Miguel dapat ay huwag magtanim ang mga magsasaka para mabigyan ng pagkakataon na makabawi ang kanilang mga lupain ngayong summer.

Ayon kay Miguel kung gusto talaga ng mga magsasaka na maging produktibo sa tag-init, mas makabubuting magtanim na lamang ng mongo o anumang uri ng summer crops na maaring gawing pataba sa kanilang mga palayan.

Ayon kay Miguel makapagani na ng kanilang palay ang lahat ng mga magasasaka ng Koronadal bago pa man tumindi ang taginit. Naniniwala si Miguel na may sapat na kalaaman hinggil sa tamang panahon ng pagtatanim ang mga magsasaka ng Koronadal City. Ayon kay Miguel ito ay dahil sa pagsunod sa water program ng national irrigation administration o NIA.

Dinahgdag din ng city agriculture officer na sinanay din ng kanilang tanggapan sa tradisyunan na pagsasaka ang mga magsasaka sa Koronadal City.


-0-



Handa nang sumabak sa 2017 Palarong Pambansa sa Antique ang mga atleta ng SOCCKSARGEN Regional Athletic Assocation o SRAA. Ito ay matapos sumailalim sa 30 araw na pagsasanay ni Olympian at South East Asian Gold Medallist Henry Dagmil.

Matatandaan na malaki ang naitulong ng tubong South Cotabato na si Dagmil sa magkasunod na dalawang taong kampeonato ng lalawigan sa SRAA meet.

Ayon kay Dagmil sa halip na buong araw na nakasanayan sa nakalipas na taon, tumagal na lamang sa apat na oras kada araw ang training ng mga atleta ng rehiyon ngayon taon.

Paliwanag ni Dagmil ang nalalabing oras kasi ng mga atleta ay inilaan sa team building. Bahagi din ng pagsasanay ng mga Palaro athletes ng region 12 ang film showing at video presentation ng performace ng mga nananalong atleta.

Sa pamamagitan nito ayon kay Dagmil ay maibubuhos ng mga atleta ang kanilang buong galing at lakas sa competition proper. Ayon kay Dagmil dahil sa scientific-based training program na ito, aasahan ang mas magandang performance ng mga atleta ng region 12 sa Palarong Pambansa ngayong taon.

Ayon naman kay Deped 12 Regional Sports Coordinator Magdaleno Duhilag, ang scientic training program ay ginagamit ng mga rehiyon na madalas manguna sa Palarong Pambansa, tulad ng NCR, Regions 4-A at 6.

Sinabi ni Duhilag na ipinatupad ng Deped 12 ang scientific base training matapos maobserbahan na nawawalan ng lakas ang mga atleta ng rehiyon sa mga huling araw ng Palaro.

Target naman ng Deped 12 na makuha ang ikalimang pwesto sa Palarong Pambansa 2017. Ito ay mas mataas naman sa 7th Place na nakuha nito noong nakaraang taon.


-0-



Pormal nang binukasan ang isang buwang 2017 Summer Camp sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Nanguna sa pagbubukas nito sina Tacurong City OIC Mayor Lalaine Montilla at mga myembro ng konseho sa TAcurong Sports Complex.

Ayon kay Tacurong City Sports Coodrinator Clarencio Cordero, 12 mga sports discipline ang libreng ituturo sa summer camp. Kalakip dito ang arnis, chess, baseball/softball, dance sports, judo, table tennis, taekwondo, karate-do, volleyball, wushu, sepak takraw at badminton.

Nagpapatuloy pa ang registration ng Tacurong LGU sa kanilang summer camp na magtatapos sa Mayo 17. Layon ng program na gawing kapaki pakinabang ang panahon ng bakasyon sa pamamagitan ng paghasa sa kasanayan ng mga kabataan sa iba’t ibang larangan.

-0-



Uminom ng maraming tubig,iwasan ang magpuyat at kumain ng masustansyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas. Ayon kay Koronadal City OIC Health Officer Dr.Jean Genevieve Aturdido, ito ay upang maiwasan ang mga summer diseases.

Sinabi ni Aturdido na kapag panahon ng taginit dapat magingat ang mga mamamayan sa ubo,sipon, sinusitis, allergic rhinitis, tonsillitis, trangkaso, sore throat at bronchitis.

Binigyan diin ni Aturdido na dapat maging maingat ang publiko laban sa mga sakit may kaugnayan sa upper respiratory disorders. Ayon kay Aturdido masalas na sintomas ng mga upper respiratory diseases ang runny nose, pananakit ng ulo, lalamunan at ubo.

Sinabi ni Aturdido kapag nakaranas ng mga ito mas makabubuting magpahinga para bumalik agad ang resistensya at magpakonsulta sa doctor kung kinakailangan.



-0-



Hawak na ng mga otoridad ang dalawang mga suspek sa pagpbasabog ng dalawang improvised explosive device o IED sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Senior Police Superintendent Raul Supiter. Ayon kay Supiter hinuli mismo ng mga otoridad sa crime scene ang dalawang mga suspek na pawang mga taga Maguindanao.

Sinabi ni Supiter na ang kaduda dudang kilos ng magkakapatid suspek ay isinumbong mismo sa mga otoridad ng isang concerned citizen. Kinumpirma din ng police official na cellphone ang ginamit na triggering device sa IED.

Matatandaan na unang sumabog ang isang IED sa comfort room mismo ng Dragon Gasoline Station sa corner national highway at New Isabela sa TAcurong City. Ang ikalawang bomba na sumabog malapit sa gasolinahan ay ikinasugat ng 15 katao kabilang ang mga pulis at militar na nagimbistiga sa lugar.

Ang mga sugatan ayon kay Supiter ay ay pawang ligtas at nakalabas na ng ospital.

Kaugnay nito umapela naman si Supiter sa mga mamamayan na maging vigilante para manatiling ligtas. Hiniling din ng police official sa publiko na agad ireport sa mga pulis ang mga kaduda dudang bagay o personalidad na makikita sa kanilang lugar. 


-0-



ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Magpet, North Cotabato kasunod ng serye ng pag-atake ng rebeldeng New People’s Army o NPA sa ilang mga barangay ng bayan.

Ang Resolution number 01 series of 2017 ay base sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction Management Council (LDRRMC) sa Sangguniang Bayan. Layunin ng deklarasyon na magamit ang 30 porsyento na pondo ng LDRRMC bilang pantulong sa mga naapektuhang residente.

Basehan sa naturang desisyon ay ang ginawang pang-aagaw ng rebeldeng grupo sa armas ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga lokal na opisyal sa Brgy. Mahongkog, pati na mga personal na gamit at cash ng ilang residente at negosyante sa lugar noong nakaraang Abril 9.

Sinundan pa ito ng engkwentro sa pagitan ng NPA at mga miyembro ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Kimampang, Brgy. Balite na ikinasawi ng dalawang NPA members at isang sundalo.

Matatandaang ilang mga residente rin ang lumikas sanhi ng nangyaring kaguluhan at tuluyang nakabalik sa kanilang mga kabayahan matapos ang isang linggo.



-0-



Patuloy ngayong nag-iikot ang Public Safety Office at City PNP sa buong Kidapawan City para magpaalala kontra banta ng terorismo. Ipinag utos ng City Government ang paglilibot sa iba’t-ibang lugar sa lungsod upang ipanawagan sa mamamayan ang ibayong pag-iingat upang hindi mabiktima ng mga gawaing terorismo.

Simula pa noong Semana Santa ang walang tigil na Bomb Awareness Campaign ng mga otoridad. Panawagan ngayon ng mga otoridad na seryosohin ang lahat ng mga paalala lalo pa at lumalabas sa mga intelligence reports na nagpapatuloy ang banta ng mga pagpapasabog ng IED sa ilang mga lugar sa Mindanao at kabilang na rito ang Kidapawan City.

Mas mainam din na agad tumawag at ipaalam sa mga otoridad kung sakali mang may kahinahinalang indibidwal sa mga komunidad at matataaong lugar. Maging alerto rin sa mga bagay na iniwan sa mga lugar na posibleng maglalaman ng Improvised Explosive Device o IED.

Matatandaang abot sa 16 na indibidwal ang nasugatan matapos sumabog ang dalawang IED sa Tacurong City linggo ng gabi.


-0-


Mas pinaigting pa ngayon ng Provincial Anti- Drug Abuse Council o PADAC ang implementasyon ng mga programa kontra iliga na droga sa North Cotabato.

Ayon kay Third disrtict board member Jonathan Tabara, suportado ng PADAC ang iba't ibang programa ng gobyerno kabilang na ang Barkada kontra droga o (BAKADA) sa ilalim ng National Drug Education Program o (NDEP).

Ang konseho ay sumusuporta rin sa mga programa ng Department of Health partikularkagaya ng AFTER CARE PROGRAM para tulungan ang mga drug personalities.

Binigyang diin ni Tabara na ang PADAC ay nakatuon din sa pagpapalawak sa nasabing programa lalo na mga Civil society orgnizations at ang pagbuhay sa lahat ng Municipal Anti-Drug Abuse Councils ng probinsya.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Integrated Provincial Health Office o IPHO head Dr. Eva Rabaya na handa ang IPHO na tumanggap sa lahat ng drug personalities upang makapagbagong buhay sa lalawigan.

Sinabi din ni Vergelita Guillaran, provincial social welfare and development officer na makakatulong ng malaki after care program ng DOH para sa mga drug dependents upang muling manumbalik ang kanilang magandang relayon sa kanilang mga pamilya na una nang sinira ng iligal na droga.


-0-



Napasakamay na rin ng mga otoridad ang mag-asawang itinuturing na High Value Target sa ikinasang buy bust operation ng PDEA ARMM at PDEA Region 12 kasama ang Kidapawan City PNP sa Saniel Subdivision, Brgy Poblacion Kidapawan.

Naaresto ang mga suspek na sina JUVY PACETE VILLANUEVA, 28, at live-in partner nitong si RENATO DUGA-DUGA PADERNAL, 48-anyos, temporaryong naka tira sa nirerentahang bahay sa lugar.

Tinatayang aabot sa 450 thousand pesos na halaga ng shabu ang nakuha sa kanila mula sa siyam na sachet nito. Kabilang rin sa nakumpiska ang 45 caliber pistol pati na ang walong bala nito.

Sinabi ni PDEA ARMM Agent Niel Liance, matagal din nilang isinailalim sa surveillance ang mga suspek bago ito tuluyang naaresto.

Isa sila sa pinakamalaking source ng shabu sa lungsod kung saan abot hanggang Region 11, ARMM at Region 12 ang operasyon ng kanilang iligal na gawain. Inamin naman ng babaeng suspek na sa kanila ang mga iligal na droga.

Matagal na umano niyang gustong ihinto ang nasabing gawain pero kontrolado raw sila sa kanyang sinasabing Bossing na hindi naman nito pinangalanan. Nagbabala si Agent Liance sa mga patuloy pang nasasangkot sa iligal na droga na magtuloy tuloy pa ang kanilang operasyon at pag-aresto.


-0-



Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang abot sa limampung pamilya mula sa dalawang Sitio ng brgy. Balite, sa Magpet, North Cotabato.

Ito makaraang lumikas sila nang sumiklab ang enkwentro sa area sa pagitan ng New People's Army at militar noong nakaraang linggo.

Ayon kay Brgy. Balite Chairman Jessie Mabuti, balik normal na ang buhay ng kanyang mga mamamayan makalipas ang isang linggo, Nakabalik na rin sa kanilang mga hanapbuhay ang ilang magsasaka.

Sa ngayon, wala namang nakikitang banta sa buhay ng mga residente si Chairman Mabuti matapos rin ang ilang araw na clearing operation ng 39th IB sa nabanggit na barangay kabilang na ang barangay Mahongkog ng bayan kung saan unang nangharas ang NPA.

Ayon kay Mabuti, posibleng galing sa Bukidnon Area ang grupo ng NPA. Ang brgy. Balite ng Magpet, ay nasa hangganang ng Brgy Badiangon, Arakan at Tempuran, Magpet, North Cotabato.



-0-




Sundin ang “follow period”. Ito ang payo ni Koronadal Agriculture Officer Emelita Miguel sa mga magsasaka ng lungsod ngayong taginit.

Ibig sabihin nito ayon kay Miguel dapat ay huwag magtanim ang mga magsasaka para mabigyan ng pagkakataon na makabawi ang kanilang mga lupain ngayong summer.

Ayon kay Miguel kung gusto talaga ng mga magsasaka na maging produktibo sa tag-init, mas makabubuting magtanim na lamang ng mongo o anumang uri ng summer crops na maaring gawing pataba sa kanilang mga palayan.

Ayon kay Miguel makapagani na ng kanilang palay ang lahat ng mga magasasaka ng Koronadal bago pa man tumindi ang taginit. Naniniwala si Miguel na may sapat na kalaaman hinggil sa tamang panahon ng pagtatanim ang mga magsasaka ng Koronadal City.

Ayon kay Miguel ito ay dahil sa pagsunod sa water program ng national irrigation administration o NIA . Dinahgdag din ng city agriculture officer na sinanay din ng kanilang tanggapan sa tradisyunan na pagsasaka ang mga magsasaka sa Koronadal City.



Handa nang sumabak sa 2017 Palarong Pambansa sa Antique ang mga atleta ng SOCCKSARGEN Regional Athletic Assocation o SRAA.

Ito ay matapos sumailalim sa 30 araw na pagsasanay ni Olympian at South East Asian Gold Medallist Henry Dagmil.

Matatandaan na malaki ang naitulong ng tubong South Cotabato na si Dagmil sa magkasunod na dalawang taong kampeonato ng lalawigan sa SRAA meet.

Ayon kay Dagmil sa halip na buong araw na nakasanayan sa nakalipas na taon, tumagal na lamang sa apat na oras kada araw ang training ng mga atleta ng rehiyon ngayon taon.

Paliwanag ni Dagmil ang nalalabing oras kasi ng mga atleta ay inilaan sa team building. Bahagi din ng pagsasanay ng mga Palaro athletes ng region 12 ang film showing at video presentation ng performace ng mga nananalong atleta.

Sa pamamagitan nito ayon kay Dagmil ay maibubuhos ng mga atleta ang kanilang buong galing at lakas sa competition proper. Ayon kay Dagmil dahil sa scientific-based training program na ito, aasahan ang mas magandang performance ng mga atleta ng region 12 sa Palarong Pambansa ngayong taon.

Ayon naman kay Deped 12 Regional Sports Coordinator Magdaleno Duhilag, ang scientfic training program ay ginagamit ng mga rehiyon na madalas manguna sa Palarong Pambansa, tulad ng NCR, Regions 4-A at 6.

Sinabi ni Duhilag na ipinatupad ng Deped 12 ang scientific base training matapos maobserbahan na nawawalan ng lakas ang mga atleta ng rehiyon sa mga huling araw ng Palaro.

Target naman ng Deped 12 na makuha ang ikalimang pwesto sa Palarong Pambansa 2017. Ito ay mas mataas naman sa 7th Place na nakuha nito noong nakaraang taon.


-0-


Pormal nang binukasan ang isang buwang 2017 Summer Camp sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Nanguna sa pagbubukas nito sina Tacurong City OIC Mayor Lalaine Montilla at mga myembro ng konseho sa TAcurong Sports Complex.

Ayon kay Tacurong City Sports Coodrinator Clarencio Cordero, 12 mga sports discipline ang libreng ituturo sa summer camp. Kalakip dito ang arnis, chess, baseball/softball, dance sports, judo, table tennis, taekwondo, karate-do, volleyball, wushu, sepak takraw at badminton.

Nagpapatuloy pa ang registration ng Tacurong LGU sa kanilang summer camp na magtatapos sa Mayo 17. Layon ng program na gawing kapaki pakinabang ang panahon ng bakasyon sa pamamagitan ng paghasa sa kasanayan ng mga kabataan sa iba’t ibang larangan.


-0-


Uminom ng maraming tubig,iwasan ang magpuyat at kumain ng masustansyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas. Ayon kay Koronadal City OIC Health Officer Dr.Jean Genevieve Aturdido, ito ay upang maiwasan ang mga summer diseases.

Sinabi ni Aturdido na kapag panahon ng taginit dapat magingat ang mga mamamayan sa ubo,sipon, sinusitis, allergic rhinitis, tonsillitis, trangkaso, sore throat at bronchitis. Binigyan diin ni Aturdido na dapat maging maingat ang publiko laban sa mga sakit may kaugnayan sa upper respiratory disorders.

Ayon kay Aturdido masalas na sintomas ng mga upper respiratory diseases ang runny nose, pananakit ng ulo, lalamunan at ubo .

Sinabi ni Aturdido kapag nakaranas ng mga ito mas makabubuting magpahinga para bumalik agad ang resistensya at magpakonsulta sa doctor kung kinakailangan.


-0-



Hawak na ng mga otoridad ang dalawang mga suspek sa pagpbasabog ng dalawang improvised explosive device o IED sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Senior Police Superintendent Raul Supiter.

Ayon kay Supiter hinuli mismo ng mga otoridad sa crime scene ang dalawang mga suspek na pawang mga taga Maguindanao. Sinabi ni Supiter na ang kaduda dudang kilos ng magkakapatid suspek ay isinumbong mismo sa mga otoridad ng isang concerned citizen.

Kinumpirma din ng police official na cellphone ang ginamit na triggering device sa IED. Matatandaan na unang sumabog ang isang IED sa comfort room mismo ng Dragon Gasoline Station sa corner national highway at New Isabela sa TAcurong City.

Ang ikalawang bomba na sumabog malapit sa gasolinahan ay ikinasugat ng 15 katao kabilang ang mga pulis at militar na nagimbistiga sa lugar. Ang mga sugatan ayon kay Supiter ay ay pawang ligtas at nakalabas na ng ospital.

Kaugnay nito umapela naman si Supiter sa mga mamamayan na maging vigilante para manatiling ligtas. Hiniling din ng police official sa publiko na agad ireport sa mga pulis ang mga kaduda dudang bagay o personalidad na makikita sa kanilang lugar. 



  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy