NDBC BIDA BALITA (4.20.17)

NDBC BALITA  • Thu Apr 20, 2017 09:40 AM  •  188   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST APRIL 20, 2017
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. Dalawang sundalo na binihag sa Columbio, Sultan Kudurat, pinalaya na ng NPA.
 

2. Professor na kapatid ng Doktor na pinaslang sa Cotabato City, ibinunyag sa Radyo Bida ang nakikitang anggulo sa pag-patay sa kanilang bunsong kapatid
 

3. Kaagapay ng Simbahan patay habang brgy. Kagawad sugatan naman sa magkahiwalay na pamamaril sa Kabacan, North Cotabato
 

4. 



-0-


Ibinunyag sa Radyo BIDA ni Dr. Harris Sinolinding ang naka-tatandang kapatid ni Doctor Shajid ‘Jaja’ Monera Sinolinding na napagkamalan umanong taga-suporta at financier ng isinagawang rally sa isang state ran college sa North Cotabato si Dr. Jaja.

Ayon sa una, wala umanong katotohanan na financier ang kanilang bunso sa isinasagawa nilang rally sa Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST sa Arakan, North Cotabato.

Pero malaki ang paniniwala ni Dr. Harris na may kinalaman sa pagkamatay ni Dr. Jaja ang pagprotekta nito sa kanyang buhay, matapos na masangkot sa sigalot sa kanilang paaralan.

Nabatid na pinasok si Dr. Shajid sa kanyang clinic sa Cotabato Doctor’s Hospital ng hired gunman habang nagsasagawa ng check-up sa kanyang mga pasyente, nitong Martes ng umaga.

Ang Clinic ay dating inu-ukupa ng kanyang kuya na ngayon ay DOH-ARMM Secretary na si Dr. Kadil ‘Jojo’ Sinolinding. Agad siyang binaril ng malapitan na tumama sa kanyang mukha at tumagos ang bala ng kalibre .45 na pistol sa likurang ulo nito dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Nang ito ay saklolohan ni Mohammed Ismael, ang kanyang body guard, agad naman itong pinaputukan ng suspek at namatay rin.
Samantala, ipinagtataka naman ni Dr. Harris kung bakit sa oras na nangyari ang insidente ay hindi gumana ang CCTV ng ospital.

Si Dr. Harris Sinolinding, professor ng CFCST



-0-


Samantala agad namang inatasan ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi ang City Director ng PNP na tutukan ang kaso sa pagkamatay ni Dr. Jaja.  

Nananawagan naman ang alkalde sa mga opisyal na may kinakaharap na problema na makipag-ugnayan sa City PNP director upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.  

Kaugnay nito,
Nagpatawag ng Emergency Conference ang punong ehekutibo ng siyudad hinggil sa mga natatanggap na mga impormasyon bunsod sa banta ng terorismo sa ibat ibang bahagi ng Mindanao.


Layun ng pagpupulong ay upang maisigurong maging ligtas ang mga taga syudad sa banta ng pagpapasabog.

Kaugnay nito nauna ng hiniling ng Alkalde sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga otoridad upang di magtagumpay ang mga may masasamang balak para syudad.


-0-


Inaasahang makikilahok sa First Sarangani Bay Safari sa April 20 hanggang May 1 ang daang daang mga divers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian-Solon na isa ring license diver, layon nito na kilalanin ang Sarangani Bay bilang diving haven ng Mindanao.

Sinabi ni Solon na sa pamamagitan ng under water exploration, madidiskubre ang iba pang diving sites sa Sarangani Bay.

Ito ay maliban pa sa kilala nang Lemlunay Resort sa bayan ng Maasim. Ipinahayag naman ni Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera na ilalakip na ang diving sa sports and adventure-tourism products ng SOCCKSARGEN.

Sa katunayan ayon kay Dillera nakibahagi ang mga dive operators ng region 12 sa Dive Resorts Travel Fair sa kalakhang Maynila noong nakaraang taon. Layon nito na ma-promote ang mga diving spots ng region 12 sa International Market.

Ang Sarangani Bay ay kalakip sa Protected Seascape ng Derpartment of Environment and Natural Resources. Saklaw nito ang mga babayin sa mga bayan ng Maitum, Kiamba, Alabel, Malapatan, Glan sa Sarangani Province at General Santos City.



-0-


Hinigpitan pang lalo ng PNP katuwang ang militar ang seguridad sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ayon kay Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Rodrigo Jamorabon, ito ay kasunod ng pagsabog ng dalawang improvised explosive device o IED.

Matatandaan na ang insidente ay ikinasugat ng 17 katao kabilang na ang ilang mga pulis at militar na rumesponde sa Dragon Gasoline Station.

Ayon kay Jamorabon mahalaga na ma-validate din ng intelligence coordinating agency ang kumakalat na impormasyon na pagpasabog sa iba pang lugar sa Region 12.

Sinabi ni Jamorabon na bilang kabahagi ng pinaigting na seguridad, pinulong na rin ng LGU ang mga security guards ng pinakamalking establisemento commercial sa Tacurong City.

Umapela din si Jamorabon sa publiko na tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod. Voice Clip…Si Tacurong City CDRRMC Action Officer Rodrigo Jamorabon.

Ipinahayag ni Jamorabon na nakatanggap na ng paunang medical assistance mula sa lokal na pamahalaan ang mga biktima.

Ayon kay Jamorabon tatlo sa mga biktima na bagama’t patuloy pang inoobserbahan sa ospital ay nasa ligtas ng kalagayan.



-0-



Tutulong sa kanilang National Clean-up Day sa April 22 ang mga kinatawan mula sa academe, private sector at local government unit.

Ito ay ayon kay Environment and Management Bureau o EMB 12 Regional Director Ma. Socorro Lanto. Tututukan sa clean up day ang paglilinis sa mga sidewalk, kanal, estero, parke, palengke at iba pang pampublikong lugar.

Layon din nito ayon kay Lanto na ipakita ang suporta ng iba’t ibang sector sa kampanya ng national government sa kalinisan.

Sinabi ni Lanto na abot sa 6,393 na paglabag sa Ecological Solid Waste Management ang naitala ng 250 Basura Patrolers ng EMB sa buong bansa. Ang mga grupo na makikilahok sa national clean-up day ang siya mismong pipili sa lilinisang lugar.

Tiniyak naman ni South Cotabato Provincial Environment and Management Office, Environment Management Division Head Elbie Balucanag na tutulong din sa paglilinis ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Ito ay sa pamamagitan ng paglilinis ng kani-kanilang mga opisina.


-0-



Inaasahang lalahok sa National Motorcycle Convention sa Abril 28 at 29 sa Koronadal City ang mahigit 2,500 na mga bikers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Koronadal City PNP OIC, Police Superintendent Joedy Lito Guinsinga, ito ang dahilan kung bakit ngayon pa lamang tinututukan na nila ang seguridad ng mga participant.

Ipinahayag ni Guinsinga na hindi kasi maikakaila ang mga pagbabanta sa katiwasayan ng Koronadal. Ayon sa police official maari ring banta sa aktibidad ang mas pinahigpit na kampanya ng PNP sa iligal na droga.

Aminado ang katatalaga pa lamang na si Guinsinga na malaking hamon sa kanyang pamunuan ang nalalapit na national motorcycle convention.

Matatandaan na target ng lokal na pamahalaan na buwagin ang tatlong Guinnes Book of World Records sa dalawang araw na aktibdad.

Kalakip dito ang the largest parade of motorcycles, most engines started simultaneously and most motorcycle horns sounded simultaneously.

Nakapiling na ng dalawang mga sundalo ang kanilang pamilya halos tatlong buwan matapos dukutin ng New Peoples Army o NPA sa Columbio Sultan Kudarat.

Sina Sergeant Solaiman Calocop at PFC Samuel Garay ng 39th infantry battalion ng militar ay pinalaya pasado alas onse ng umaga kahapon sa Barangay Datal Pitak, Matan-ao, Davao Del Sur.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Columbio Chief of Police, Senior Inspector Bernard Francia.

Ayon kay Francia, pinalaya ang dalawang sundalo kasunod ng tuloy tuloy na pakikipag usap ng crisis management committee sa NPA.

Ipinahayag ng Police official na tumulong sa pagpapalaya sa mga bihag ang religious sector, lokal na pamahalaan ng Columbio at Sultan Kudarat Provincial Government.

Naniniwala si Francia na nakatulong sa pagpapalaya sa mga sundalo ang hindi paglunsad ng operasyon laban sa mga NPA.

Tiniyak ni Francia na mabuti ang kalusugan ng mga bihag nang pakawalan ang mga ito. Voice Clip...Si Columbio, Sultan Kudarat Chief of Police, Senior Inspector Bernard Francia.



-0-


Patuloy ngayong tinutugis ng otoridad ang suspek na responsable sa pagpapasabog ng tower 68 ng NGCP sa  Purok 4, Brgy Pagangan 2 sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 10:11 Martes ng gabi.

Ayon kay PSI Edwin Abantes, hepe ng Aleosan PNP naputol ang apat na colom na kumukunekta sa pinakahaligi ng tore.

Hindi naman naibagsak ng pagsabog ng ied ang transmission facility kaya hindi naapektuhan ang daloy ng kuryente.

Gamit sa nasabing pagpapasabog sa tower 68 ng NGCP ang improvised explosive device o ied na ginamitan ng firing wire na battery operated bilang triggering device.

Posibleng kagagawan umano ng mga lawless group na palagi-ang namamataan sa paligid ng tower ang may kagagawan. Nabatid na ang nasabing tore ay dati na ring pinasabugan at bumagsak noong December 10, 2015.

Sa ngayon kinumpirma ni Abantes na tuluyan ng nakumpuni ng mga tauhan ng NGCP ang nasabing tore habang patuloy naman ang nagbabantay sa paligid ang militar at pulisya.  


-0-



Tinangay ng hindi nakilalang suspek ang isang manok pansabong pasado alas dose ng tanghali kahapon sa Sta. Barbara, MBRH, Cotabato City.  

Agad namang dumulog sa himpilan ng Police station 2 ang may-ari na kinilalang si Monito Declines Dabalus 68 anyos, may asawa at residente ng lugar.  

Ayon kay Dabalus, matapos tangayin ng suspek sa harap mismo ng kanilang bahay ang nasabing manok ay mabilis itong nagpaharurot ng takbo lulan ng kulay orange na toyota Vios na may plakang VE 0962.  

Sa ngayon, inaalam na ng mga elemento ng PS2 kung sino ang may-ari ng nasabing sasakyan.  

Samantala, dumulog rin sa himpilan ng Police station 1 ang isang service supervisor matapos madiskobreng wala na ang battery ng kanilang L300 na may plakang MDG 433 matapos tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek pasado ala singko ng umaga kahapon sa Quezon avenue, Cotabato City.  

Ayon sa visor na kinilalang si Rolen Barrios,  nakuha umano ng kanilang cctv ang pangyayari ngunit hindi naklaro ang mukha ng magnanakaw.
 

Nabatid na ito na ang pangalawang baterya ng kanilang sasakyan na ninakaw.


-0-



Tinalakay sa Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City ang panukalang Free wifi sa mga barangay ng siyudad.

Ayon kay Vice Mayor Graham Nasser Dumama, ang nasabing Resolution ay ipinanukala nitong Martes ni councilor Bruce Matabalo upang mabigyan ng internet access ang malalayong barangay ng lungsod.

Ito ay kukunin mula sa franchise tax ng mga telecommunications kagaya ng Smart at Globe.

Naniniwala ang opisyal na malaking tulong ito para madaling maipaabot ng City government ang kanilang adbokasiya at panawagan sa 37 barangay na sakop ng Cotabato City, lalo na sa social media kagaya ng facebook, twitter at iba pa.

Kung matutuloy posibleng malalagyan ng free wifi ang mga brangay park, barangay offices at ilang mga piling pampublikong lugar sa Cotabato City.


-0-


April 20, 2017 Headline: Dalawang sundalo na bihag ng New People's Army sa Sultan Kudarat, pinalaya na Pinalaya na ng New People's Army ang dalawang sundalo na kanilang bihag sa Barangay Bangkal, Matanao, Davao del Sur alas onse ng umaga kahapon.

Kinumpirma rin ang nasabing report ni Senior Insp. Bernard Francia, spokesperson ng Crisis Management Committee ng Colombio, Sultan Kudarat.

Ayon kay Francia nasa maayos na kondisyon pinakawalan ang dalawa base na rin sa resulta ng medical exam nina Sgt. Solaiman Calocop at Private First Class Samuel Garay ng 39th Infantry Battalion Philippine Army.

Iginiit ni Francia na malaking tulong ang binuong komite ng LGU parta sa pakikipag-ugnayan sa mga rebeldeng NPA na kinabibilangan ng mga sundalo, pulis, religious sector, mga local officials at community upang malapalaya ang dalawang sundalo.

Nakatulong rin ang halos dalawang buwan na pagpapatupad ng Suspension of Military Operations (SOMO) upang mapalaya ang mga itinuturing ng NPA na prisoners of war.

Ayon kay Francia naging maayos at mapayapa naman ang pagturn over ng NPA sa dalawang mga bihag at kasama sa mga sumundo sa mga sundalo ang pamilya ng mga ito, mga local officials ng Colombio, representante mula sa religious sector.

Agad na isinailalim sa medical attention at debriefing ang dalawang sundalo upang masiguro na nasa mabuting kondisyon ang mga ito.

Matatandaan na Pebrero 2, 2017 pa dinukot ng mga rebelde sina Calocop at Garay sa Barangay Telafas, Colombio, Sultan Kudarat habang papunta sa kanilang kampo.

Bago ang pagpapalaya sinabi ni 10th Infantry Division Philippine Army commander Major General Rafael Valencia, na wala silang dapat ipagpaliban na operasyon dahil wala umano silang ginagawa sa nasabing lugar.

Giit ng opisyal, nang dinukot ang dalawang sundalo, mayroon umanong ipinatupad noon na ceasefire.



-0-


Bumaba ngayon ang bilang ng mga umakyat sa Mt. Apo mula sa Kidapawan City trail bunsod na rin ng pagpapatupad ng bagong polisiya ng mga otoridad.

Nabatid na binuksan ng Protected Area Management Board ang Mt Apo noong April 12 matapos ang higit isang taon mula sa pagkakasunog ng malaking bahagi ng bundok.

Ayon kay City Tourism Officer Joey Recimilla, 31 climbers lamang ang umakyat noong Semana Santa kung saan mas mababa ito kung ikukumpara sa 200 climbers na umakyat noong nakaraang Lenten Season.

Habang nasa 21 climbers lang din ang umakyat mula sa Magpet Trail pero nagpapatuloy naman ang mga nais magparehistro rito.

Karamihan sa mga umakyat ay mga taga Mindanao at ilang mga taga Cebu at Maynila.

Matatandaang nilimitahan sa 50 trekkers lamang bawat trail ang maaring umakyat ng Mt. Apo kada araw.

Dati rati kasi ay hinahayaan lang din ang ilang mga climbers na manatili ng limang araw o hanggang isang linggo habang ngayon ay maari lamang silang manatili doon ng dalawa hanggang tatlong araw.

Konti lamang din ang nakapagpa rehistro simula ang panawagan ng PAMB sa pagbubukas nito. Posible din umanong nakadismaya sa mga trkkers ang mahal na trekking fee kaya bumaba ang mga bumisita rito.


-0-



Pinabulaanan ngayon ng Kidapawan City PNP na may mga gun for hire sa lungsod bunsod na rin ng mas mataas na kaso ng pamamaril ngayong pagpasok palang ng 2017.

Kinwestyon kasi ng isang konsehal sa isinagawang special session noong lunes ang PNP dahil halos sa suspek sa mga naitatalang pamamaril ay mga naka bonnet na posibleng miembro ng malaking grupo.

Sinabi naman ni SPO1 Richard Lagutang, chief Investigator ng City PNP na isolated ang mga kaso ng pamamaril sa Kidapawan.

Di rin raw ito maituturing na bahagi ng extra judicial killings o gun hiring business. Iginiit ni Lagutang na walang kaugnayan ang mga pamamaril base na rin sa resulta sa eksaminasyon sa mga sa bala na nakuha sa crime scene.

Sa ngayon nagpapatuloy na ang imbestigasyon at information gathering para matukoy ang mga nasa likod nito. Ipinahayag naman ni Councilor Ruby Padilla Sison na kailangan gumawa ng time Frame ang PNP sa bawat kaso sa agarang pagkakaresolba nito.

Dagdag rin ni ABC President Suelan na patuloy ang kanilang koordinasyon sa PNP lalo na ang kanilang barangay intellengce para makatulong din sa pagbibigay ng mga impormasyon sa pulisya.


-0-



Agaw-motrsiklo ang sinusundang anggulo ngayon ng PNP sa nangyaring pamamaril sa isang elder ng simbahan sa National Highway ng Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato. kahapon.

Kinilala ang biktima na si VENEVIC MONTOYA CASAYAS Sr., 41-anyos, isa ring driver ug kaabag, na taga Sitio Tawagon, Brgy Kibudtungan, Carmen.

Patay on the spot ang biktima na tinamaan ng pitong bala sa kanyang katawan gamit ang 45 caliber pistol. Agad ding tumakas ang sinasabing apat ng mga suspek patungong Carmen Area.

Lumalabas sa imbestogasyon na naghatid lang ng pasahero si CASAYAS nang lapitan ng mga suspek at agad na pinagbabaril.

Samantala, personal grudge naman ang sinusundang anggulo ng PNP sa motibo sa pamamaril kay Pisan brgy. Kagawad Elmer Calpito.

Tatlong beses binaril ang biktima sa Brgy. Aringay, Kabacan, ng riding tandem criminals gamit ang 45 caliber pistol pasado alas dyes ng umaga kahapon. Swerte namang sugat lamang ang tinamo ni Calpito na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.


-0-



Patuloy ngayong naghahanap ang City Agriculture Office ng mga potensiyal na magsasaka para maging benepisyaryo ng mga binhi ng Kape sa Kidapawan City.

Ayon kay Nesmarie Espejo, City Agriculture Head, kailangan lumagda sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang mga intersadong benipisyaryo.

May mga alintuntunin kasing nararapat sundin ang mga magsasakang mapipili. Kabilang na rito ang pag-aalalaga ng maayos sa mga binhi para mas dadami ito.

Kailangan rin na aabot sa 75% sa mga ibibigay na binhi ang mabubuhay para maging libre na ito sa mga magsasaka at kung sakali namang hindi ay doon na sila magbabayad.

Samantala, natanggap na rin ng mga rice farmers ang 310 bag sa Rice Certified Seeds na una nang ipinamahagi ng nabanggit na tanggapan. Natanggapa ito ng mga magsasaka mula sa ibat ibang barangay ng lungsod.


-0-


Nagpapatuloy at nasa maayos pa rin ngayon ang takbo ng turismo sa Magpet North Cotabato.

Ito ang nilinaw ng Magpet Tourism Office sa kabila ng reports na umano hindi na ligtas ang bayan para sa mga turista matapos ang sunod sunod na pang-aatake ng NPA sa lugar.

Ayon kay Tourism Operations Officer Carl Tanaid na walang dapat ipangamba ang mga turista dahil tinitiyak ng LGU ang seguridad ng bawat isa sa pamamagitan rin ng pagpapakalat ng mga security forces.

Base sa records ng Tourism office, abot na sa higit sampung libong turista ang bumisita sa bayan. Nangunguna naman rito ang pagbisita sa Sitio Maupot Family Resort sa barangay Pangaoan, at ikalawa ang Taosuvan Falls sa barangay Bongolanon at KIRONDOM FALLS sa barangay Kinarum, Magpet.

Isa rin aa nakatulong sa pagpromote sa nasabing mga tourist destination ay ang social media kung saan naka poat ang mga magagandang tanawin na ibinida ng bayan ng Magpet.

  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy