Friday Dec, 13 2019 04:09:28 PM

NDBC BIDA BALITA (5.27.19)

NDBC BALITA • 17:30 PM Mon May 27, 2019
356
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST May 27, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. babaeng police official, uupo bilang bagong hepe ng Cotabato City PNP.

2. SAMPU KATAO, sugatan sa vehicular crash sa Antipas, North Cotabato.

3. Mahigit 500 police trainees, ipinadala ng PNP 12 para magsanay sa iba’t ibang mga police unit sa rehiyon

4. Kidapawan diocese may bagong dalawang mga pari

0-0-

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, isang babaeng pulis ang nakatakdang umupo ngayong araw bilang bagong Cotabato City PNP Director.

Papalitan ni City PNP Director, Police Col. Portia Bañaga Manalad ang dating hepe ng kapulisan sa syudad na si Police Col. Michael Lebanan na una ng idiniklarang Persona Non Grata ng City Council.

Si Col. Manalad din ang maituturing na kauna-unahang babaeng City PNP Director sa region 12 at maging sa buong Mindanao.

Si Col. Manalad din ang nag-iisang babaeng nagtapos sa PNP Academy noong 1995. Bukod sa PNPA graduate, may Masters Degree in Public Management Major in Development and Security rin ito mula sa Development Academy of the Philippines noong 2016.

Dating nadestino si Manalad sa UN Mission sa United Nations Police na tumutulong sa pagpapatupad ng kapayapaan sa Kosovo at East Timor.

Gagawin ang turnover of command mamayang alas dis ng hapon sa City PNP Headquarters na inaasahang dadaluhan ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani.

0-0-

PATAY ang apat katao sa magkakahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Maguindanao. Sa Sultan Kudarat, dead-on-the-spot ang dalawang mga lalaking nakasakay sa motorsiklo matapos na pagbabarilin ng riding tandem suspects sa Barangay Rebuken pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP chief, Police Major Julhamin Asdani ang mga biktima na sina Celso Kusain, 25-anyos, at Anthony Jumadiao, 23-anyos, pawang mga aplikante sa pagkasundalo.

Aniya, pauwi na sana ang dalawa sa bayan ng Parang nang mangyari ang pananambang. Sa Mamasapano naman, binaril din ang dalawang mga lalaki sa Barangay Tukanalipao pasado alas kwatro ng hapon nitong Sabado.
Pagnanakaw naman umano ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa mga biktima.

-0-

DUGUAN at walang malay nang isugod sa ospital ng isang concerned citizen ang isang lalaking naaksidente habang nagmomotorsiklo sa Cotabato city.

Kritikal pa rin ngayon ang kondisyon ng biktimang si SAMSUDIN LIDASAN MINTA, 20 years old at taga Brgy. Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Natagpuan ng ayaw magpakilalang lalaki si Minta na nakahandusay sa Bubong Road ng syudad kamakalawa ng hapon.

Hindi naman nag-atubili ang naturang lalaki at nagmagandang-loob na isakay sa kanyang pickup vehicle ang biktima para dalhin sa pagamutan.

Nabagok ang ulo ni Minta dahil sa naturang aksidente bukod pa sa mga tinamong sugat at bali sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

-0-

PATAY ANG DALAWANG MGA BATA habang pitong iba pa ang nasugatan nang salakayin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf group ang mga sundalo sa Sulu.

Nakilala ang mga nasawing bata na sina Saiful Abdun, isang taong gulang at Jahida Usab, dose anyos. Limang mga sundalo at dalawang mga sibilyan naman ang sugatan sa insidente.

Sa report ng Joint Task Force Sulu, isang platoon ng Army’s 6th Special Forces Battalion ang nagtungo sa lugar upang kausapin ang mga residente hinggil sa ilang proyekto nang bigla na lamang sumalakay ang nasa 30 mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Nagkaroon naman ng halos 30 minutong palitan ng putok ang ASG at mga sundalo sa lugar.

Sinabi ni JTF Sulu Commander Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr. na ang pagkakapaslang sa dalawang mga bata at pagkadamay ng iba pang mga sibilyan ay patunay daw lamang na walang pinipiling lugar at tao ang ekstremistang grupo.

-0-

Ipinaliwanag ni Kidapawan City Agriculturist Marissa Aton ang dahilan sa pagkabalam ng pagbibigay ng mga planting materials sa mga magsasaka na naapektuhan ng matinding tag-init sa Kidapawan City.

Sinabi ni Aton, kasalukuyang nasa procurement process pa ang nasabing proyekto at priority din anya ang pamimigay ng relief assistance.

Ito ay pinondohan ng City Government ng abot sa 4.8Million na mula sa calamity fund matapos na isailalim ang lungsod sa state of calamity. Nasa 700 hanggang 800farmers ang target na mabigyan ng rice, corn and vegetable seeds ng City Agriculture.

Dagdag pa ni Aton, aasahan anya na mabibigay na sa mga magsasaka ang benepisyo sa unang linggo sa buwan ng hunyo. NDBC BIDA BALITA

-0-
Barangay Health Emergency Response Training, isasagawa ng Department of Health sa Kabacan, North Cotabato

Lima sa dalawamput apat na mga barangay sa bayan ng Kabacan, Cotabato ang nakatakdang sumailalim sa Barangay Health Emergency Response Training ng Department of Health.

Ito ay ang mga barangay ng Tamped, Pisan, Simone, Lower Paatan, Bangilan na nagsimula na sa pagsasanay na pinangunahan ng DOH. Layon nitong maturuan ang mga residente ng nasabing mga barangay na maging aktibo at alerto sa pagbibigay ng paunang lunas.

Ang limang mga barangay ang naging prayoridad ng programa dahil may kalayuan ang mga ito sa tanggapan ng Rural Health Unit ng bayan. Bukod sa mga barangay officials, sumailalim din sa pagsasanay ang mga purok leaders, BHW’s at midwife sa kada barangay.

Dahil sa naturang programa ay mapapakinabangan ng bawat mga barangay ang mga Rural health Stations o mga barangay Health Centers ng mga mamamayan. NDBC BIDA BALITA
Cherry May Exim

-0-
Sampu katao sugatan matapos masangkot sa vehicular crash sa Antipas, North Cotabato

Maswerteng nakaligtas ang siyam na mga pasahero at driver ng isang green multicab ng serbisyong totoo matapos masangkot sa vehicular crash pasado alas nuebe ng umaga nitong Sabado sa brgy Pontevedra, Antipas, North Cotabato.

Kinilala ni Antipas Chief of Police PCapt Bernard Abarquez ang mga nasugatan na sina Virgilio Amandoron Sr, Heber Caahao, 59, Mary Luiz Digal, 35, Glenda Dejesica, 39, Flordeliza Pacultan, Aser Guanzon, 48, Catherine Cañete,46 , Flordeliza Pacultad at Jolly Beth Dayot, na lahat ay residente ng Brgy Gambodes, Arakan.

Habang kinilala naman ang driver ng nasabing sasakyan na si Ronad Dayot ng nabanggit ring barangay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pababa na sana ng Kidapawan City ang nasabing sasakyan na galing ng Brgy Gambodes, Arakan nang mangyari ang insidente sa national highway ng brgy Pontevedra, Antipas.

Nagka-problema umano ang makina ng sasakyan dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at nahulog sa malalim na bahagi sa gilid ng daan. Ang nasabing multicab naman ay inisyu ng provincial government sa brgy Gambudes, Arakan na may temporary plate number 123007.

Nagpapagaling na ngayon ang mga pasahero at driver ng nasabing sasakyan matapos ang nasabing insidente. NDBC BIDA BALITA
Cherry May Exim

-0-

Pinagpipilian na ngayon ng Department of Transportation ang dalawang mga bus company na planong makapagbiyahe ng Arakan patungong Davao City.

Una ng nakapagsumite ng endorsement letter kay Arakan Mayor Rene Rubino ang kumpanyang Mindanao Star at Metro Shuttle dala ang kanilang mga proposals para makapagbiyahe ang naturang ruta.

Kung ano man ang mapipili ng Department of Transportation sa dalawa ito ay malaking tulong sa mga taga Arakan maging sa mga negosyante sa usaping transportasyon.

Sinabi ni Arakan Mayor Rene Rubino, ito din ay isang welcome development para kanyang mga nasasakupan. Isasagawa naman ang bidding ng DOTr sa Metro Manila. Samantala, hindi pa naaprubahan ng naturang ahensya ang rutang Katipunan- Calinan- Davao City.

0-0-
Dalawang mga deacon ang nakatakdang oordinahan bilang pari ngayong araw sa St. John Vianney Parish sa Sandawa, Kidapawan City.

Ito ay sina Rev. Brian Roy Azumbrado na tubong Kidapawan City at Reverend Dave Bao na taga Tulunan, North Cotabato.

Sa naging panayam ngayong umaga Rev. Brian Roy Azumbrado, laking palengke lang anya siya noon at hindi inaasahang makakapasok ito sa semenaryo.

Ibat-ibang karanasan sa loob ng semenaryo at ang determinasyong maging pari ang naging inspirasyon nito para mapagtagumpayan ang kanyang bokasyon.

Ang ordinasyon ngayong araw ay pangungunahan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD. NDBC BIDA BALITA

-0-

Itinalaga ng police regional office 12 para magsanay sa iba’t ibang police units sa rehiyon ang mahigit limang daang mga bagong police-personnel.

Ayon kay PRO 12 Deputy Regional Director for Operations Police Col. Oliver Enmodias, kailangan ang field training sa bagong mga pulis bago ipadala sa kanilang mga areas of assignment.

Ipinahayag ni Enmodias na saklaw ng pagsasanay ng field training program ang operational phases, patrol investigation at traffic.

Gagamitin din ng mga trainee ang lahat na natutunan sa basic training sa pagsabak sa actual police operations.

Nabatid na 143 sa mga police trainees ay itinalaga sa General Santos City, at pareho namang may tig 117 ang mga lalawigan ng Sultan Kudarat, South Cotabato at North Cotabato at 90 naman sa Sarangani.

Pinayuhan ni Enmodias ang kanilang mga trainee na patuloy na magsumikap, at maging vigilante sa lahat ng oras lalong lalo na sa pagpapatrolya.

Babala naman ni Enmodias ang sinumang police trainee na may pagkakamali ay maaring makasuhan ng administratibo.

0-

Senior Citizen na dumalo sa reunion patay sa vehicular crash sa Lake Sebu , South Cotabato

Kinilala ni Lake Sebu PNP OIC Police Major Nathaniel Panaguiton, ang nasawing biktima na si Teopisto Langub 78 anyos, magsasaka at nakatira sa Trento, Agusan Del Sur.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Langub na dumalo lamang sa family reunion ay nasagasaan ng dumpt truck. Ito ay habang naglalakad sa pathway sa Sitio Traankini, barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato.

Nabatid na ang dump truck na nakasagasa sa biktima ay maghahatid sana ng grava para sa gagawing pathway papunta sa Traankini Cold Spring.

Ang biktima ay agad na binawian ng buhay sanhi ng matinding mga sugat na natamo nito. Habang ang driver ng dump truck na nakasagasa sa kanyang si Alibert Pangan ng Lamfugon, Lake Sebu ay tumakas at inabandona ang dump truck sa national highay barangay Bacdulong sa nasabing bayan.

Samantala sa bayan ng Surallah, patay din ang isang binata matapos masankgot sa vehicular crash sa national highway sa Barangay Dajay .

Kinilala ng PNP ang biktima na si Alvin Vegafria, 32 years old,at taga barangay Colongulo sa nasabing bayan. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Surallah PNP na si Vegafria ay natumba matapos masagi ng minamanehong motorsiklo ang barbwire sa kaliwang bahagi ng highway.

Siya ay idineklarang dead on arrival sa Upper Valley Community Hospital sanhi ng matinding sugat sa ulo. Ang motorsiklong minaneho nito ay ikinustodya ng Surallah PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

0-0-

Koronadal LGU gagawa ng abono mula sa mga nabubulok na na basura

Gagawing organic fertilizer ng lokal na pamahalaan ang mga biodegradable o nabubulok na basura na makokolekta sa mga bahay at mga establisemento sa Koronadal City.

Ito ang ipinahayag ni Koronadal Mayor Peter Miguel kasunod ng inaasahang pagbubukas ng large-scale composting facility ng syudad.

Ayon kay Miguel sa ngayon ay ilang mga detalye na lamang ang nirerepaso ng lokal na pamahalaan para sa operation ng P20 million pesos na pasilidad. Ito ay matatagpuan sa anim na ektaryang lupain sa Barangay Paraiso.

Ayon sa alkalde mamamahala sa operasyon ng large scale composting facility ang city environment and natural resources office o CENRO.

Kinuha ng lokal na pamahalaan para mag-provide ng equipment sa nasabing pasilidad ang machine distributor na Trans Orient Group.

Matatandaan na binisita ng mga kawani ng Koronadal LGU ang composting facility sa Bayawan City, Negros Oriental na kinontrata rin ng Trans Orient. Nauna nang ipinahayag ni Miguel na ipamimigay ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka ang organic fertilizer mula sa large-scale composting facility.

0-0-

Balik Oplan Eskwela bilang paghahanda sa pasukan ipinatutupad ng PNP Koronadal at Deped South Cotabato

Nagsasagawa na ngayon ng Balik Oplan Balik Eskwela ang pulisiya sa Koronadal City.

Ito ang ipinahayag ni Koronadal PNP OIC, Police Lt.Col Rey Egos. Ayon kay Egos kabahagi nito ang Adop-A-school program na napili namang benepisyaryo ng mga pulis ang Si-ok Elementary School sa barangay Mabini.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Egos na handa na para sa pagsisimula ng klase sa June 3 ang Koronadal PNP. Sinabi ni Egos na para matiyak ang katiwasayan at kaligtasan ng mga estudyante may mga ulis na ilalagay sa labas ng mga eskwelahan.

Kaugnay nito handa na rin ang Deped South Cotabato para sa pagpapatupad nito ng Oplan Balik Eskwela para sa school year 2019-2020.

Ayon kay Schools Division Superintendent Isagani Dela Cruz, layon nito na matugunan ang mga problema at iba pang mga posibleng aberya sa pagsisimula ng klase. Nananawagan din si Dela Cruz sa mga magulang at mga estudyante na huwag nang hintayin pa ang pasukan bago mag-enroll.

-0-

Nakatanggap ng mahigit P35 million pesos na pondo mula sa World Bank ang United Maligang Farmers’ Multipurpose Cooperative o UMFMPC sa Kiamba, Sarangani Province.

Ang nasabing pondo ay gagamitin ng kooperatiba sa pagpapalago ng Abaca Production, Processing at Marketing ng High Quality Fiber.

Gagawin ito sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Rural Development Program o PRDP ng Department of Agriculture. Ayon kay Workd Bank Representative Martin Van Niewkoop naniniwala siyang maraming pang magagawa ang mga myembro ng UMFMPC na karamihan ay mga Indigenous Peoples na T’boli.

Sinabi ito ni Niewkoop nang makita na malaki ang naitulong ng nasabing proyekto sa mga magsasaka ng Abaca sa Kiamba.

Ang pondo na natanggap ay gagamitin ng UMFMPC sa pagtatag ng processing center at warehouse,pagbili ng 6-wheeler truck, delivery truck, portable stripping machines o dying shed, pressing machine at iba pang mga equipment.

Sa tulong ng DA-PRDP tumaas sa 1,000 kilograms ng dekalidad na fiber per hectare ang produksyon UMFMPC mula sa 500 kilograms.

Ang kooperatiba ay mayroon ngayong mahigit 300 myembro na nagtatanim ng sa mahigit 3,000 ektaryang lupain.

NPA fighter yields to NoCot gov

COTABATO CITY  -  North Cotabato Governor Nancy Catamco on Thursday afternoon accepted the surrender of a 54-year-old communist rebel who...

RCSU monitoring security agencies, gun stores in Bangsamoro areas

COTABATO CITY --- Members of the police’s Regional Civil Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region have been inspecting randomly since last week...

Friday the 13th highway crash claims 6 lives in Tacurong

TACURONG CITY – Six persons were killed on the spot, including a baby and three children, after a highway mishap involving at least five...

NDBC BIDA BALITA (12.12.19)

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO, patay sa...

Mindanao checkpoints to continue even without martial law

MANILA -- Checkpoint operations in Mindanao will continue despite the lifting of martial law by year-end.

"Well definitely...