NDBC BIDA BALITA (8.7.17

NDBC BALITA  • Mon Aug 7, 2017 09:32 AM  •  265   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST AUGUST 7, 2017 (MON)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. Fr. Eling Isip, OMI sumaksbilang buhay na; mga labi dadalhin sa Tamontaka.

2. Limang MILF patay nang masabugan ng IED ng BIFF sa Maguindanao

3. BANGKAY ng rubber tapper na tadtad ng mga tama ng bala, natagpuan sa Mlang, North Cotabato  

4. Kulto na nangre-recruit ng mga katutubo, ikinabahala ng alkalde ng T’boli, South Cotabato  


-0-


Sumakabilang buhay na sa edad na 85 si Fr. Elino Isip, OMI matapos atakihin sa puso kahapon ng madaling araw sa Buldoc home, Quezon City.   

Si Fr. Isip ay naging parish priest ng siyam na taon sa Tacurong City at dalawang taon naman sa Midsayap at Parang.   

Matapos manilbihan bilang parish priest sa iba’t ibang mga simbahan ng labing siyam na taon, lumipad sa Amerika si Fr. Isip para sa kanyang renewal.   

Nang bumalik siya sa Pilipinas, naitalaga naman ito sa Kidapawan City, Upi, at Dulawan.   

Ngunit ng magkasakit ito ay inilipat siya sa Tamontaka.   

Si Fr. Isip ay nag-aral sa San Jose Seminary ng philosophical at theological studies.    

Siya ay inordinahan bilang isang ganap na pari noong June 29,1961 ni Bishop Mongeau OMI sa Immaculate Conception Cathedral, Cotabato City.


-0-



MARIING ITINANGGI ngayon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang nagtanim ng bombang sumabog sa Barangay Andavit, Datu Salibo, Maguindanao kahapon na ikinasawi ng limang mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Iginiit ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na mga miembro ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS umano ang mga nakasagupa ng MILF sa lugar.  

Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana ng Army’s 6th Civil Military Operations Battalion na ang limang mga MILF member ay mga tauhan ni Commander Asrap.  

Si Asrap ay isa sa mga MILF commander na kabilang sa Task Force Ittihad na tumutulong sa mga pulis at sundalo sa pagtugis at pagsugpo sa BIFF sa lalawigan.  

Una ng nakipagbagkbakan ang naturang MILF troupe sa tropa ni BIFF commander Esmael Abdulmalik sa Mamasapano, Maguindanao.  

Si Abdulmalik ay sinasabing sinanay sa paggawa ng bomba ng nasawing Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.  

Matagal ng tinutugis ng mga otoridad ang grupo ni Abdulmalik na nanagbibitbit ng ISIS flag, nangre-recruit ng mga kabataan at pinagnanakawan ang maraming mga residente ng Datu Saudi, Shariff Saidona, Salibo, Mamasapano at Datu Piang.  

Nasawi ang naturang mga miembro ng MILF Task Force Ittihad matapos maapakan ng isa sa mga ito ang isang landmine na itinanim sa lugar at sumabog.   Nabatid na anim na iba pa ang agad isinugod sa pagamutan matapos masugatan.



-0-


PATULOY PANG INAALAM ngayon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa Maguindanao kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog ng granada malapit sa bahay ni Maguindanao Vice Governor Lester Sinsuat.  

Sa inisyal na ulat ng DOS PNP, nangyari ang pagsabog pasasdo alas otso ng gabi, kamakalawa sa Dalican.   Sinabi ni DOS PNP chief, Police Chief Insp. Achmad Alibonga na ang sumabog ay bala ng 40mm grenade launcher.  

Ito ay sumabog 15 metro lamang ang layo mula sa bakod ng bahay ng bise gobernador.   Hindi pa malinaw sa report kung pinasabog mula sa malayo ang naturang granada at bumagsak lamang sa naturang lugar o itinanim ito doon.  

Gayunman, maswerte at wala namang nasaktan sa nasabing insidente ngunit nagdulot ito ng matinding takot sa mga residente ng lugar.


-0-



NASABAT sa inilatag na checkpoint ng mga otoridad sa Sultan Kudarat, Maguindanao ang 30 sachets ng pinaniniwalaang shabu na bitbit ng isa umanong notorious drug pusher.  

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief, Police Chief Insp. Esmael Madin ang nadakip na suspek na si Datu Enok Ingkong, 59 years old, may asawa, dating residente sa nasabing bayan at kasalukuyang nakatira na sa Brgy. Malinawon, Pagadian City.  

Ayon kay Madin, sakay si Ingkong ng kanyang KAWASAKI 135, Rouser na may plakang JU-9152 nang kanilang maharang sa checkpoint sa bahagi ng Brgy. Dalumangcob pasado dakong alas onse ng umaga kamakalawa.  

Sinabi ni Madin na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang lalaking sakay ng motorsiklo ang dadaan sa lugar patungong Pagadian City para magdala at magbenta ng shabu sa nasabing syudad.  
Nabatid na ang suspek ay nauna ng sumuko sa mga otoridad ngunit nagpatuloy pa rin sa kanyang iligal na gawain.  

Narekober mula sa kanya ang 30 pakete ng pinaniniwalaang shabu, na may bigat na 0.6grams at street value na 12 thousand pesos.  

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Sultan Kudarat PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ngayong araw.  


-0-


DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek habang sugatan naman ang isang kinse anyos na bystander sa Teksing site, barangay Poblacion sais, Cotabato City pasado ala singko ng hapon kahapon.  

Kinilala ni Police Station 1 OIC Police Insp. Rommel Canto ang biktimang si Haries Yu Dimaugtang, 33 years old, married, jobless at taga Barangay Bagua Uno ng lungsod.   Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.  

Habang isinugod naman sa CRMC ang bystander na nahagip ng ligaw na bala na kinilalang si Esam Salik Uyag, 15 anyon na tinamaan sa kanyang kaliwang paa.  

Sa ngayon inaalam na ng pulisya kung sino-sino ang mga nasa likod ng naturang pamamaril at kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.  


-0-


Magdadala ng kaunlaran sa isla ng Mindanao ang Build Build Build Project ng national government. Ito ang ipinahayag ni Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar.

Ayon kay Andanar ang dagdag na mga proyektong pang infrustruktura ay makapagbibigay ng trabaho sa maraming mamamayan. Makatutulong din ang mga ito ayon kay Andanar para mapabilis ang transportasyon ng mga produkto at pagbibigay ng serbisyo.

Ayon kay Andanar kapag ito ay nagtuloy tuloy tiyak na gaganda ang ekonomiya ng Mindanao. Sinabi ni Andanar na maliban sa mga tulay at daan, prayoridad na sisimulan na ng gobyerno ang Mindanao Railway Project sa susunod na taon.

Ang Build Build Build ay “three-year year rolling infrastructure program” o TRIP ng Duterte Administration. Ang proyekto na ipatutupad mula 2018 hanggang 2020 ay popondohan ng gobyerno ng mahigit P3.6 million pesos.

Saklaw din nito ang pagpapatayo ng mga water resources, sewerage and sanitation, flood management, solid waste management, maritime, social, energy, information communications technology at maraming iba pa.


-0-



Aminado si Koronadal Chief of Police, Superintendent Ronald Allan Penaverde na hindi pa isang daang prosyento na nasawata ang problema ng iligal na sugal sa lungsod.

Gayunpaman ayon kay Penaverde ito ay mariing tinututukan ngayon ng mga pulis sa Koronadal. Ito ayon sa Police Official ay matapos bigyan lamang ng 15 araw ni PNP Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis sa buong bansa na resolbahin ang problema sa iligal na sugal .

Ayon sa police official bago pa ipinagutos ni Dela Rosa ang patutok sa illegal gambling, iniutos na ito sa kanila ni Police Regional Office 12 Director Chief Superintendent Cedric Train. Iginiit ni Penaverde na malaki man o maliit ang taya maituturing pa ring sugal kaya aarestuhin ng mga pulis ang sinumang sangkot dito.

Ayon kay Penaverde, naging kabuhayan na ng mga financier ang paglalagay ng mga outlet ng iligal na sugal lalong lalo na ang last two na mariin ngayong binabantayan ng Koronadal City PNP.

Umapela din si Penaverde sa mga mamamayan na isumbong sa mga pulis kung meron mang alam na opisyal ng barangay na pumoprotekta sa mga last two outlet.



-0-



Binatikos ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Gil Cesario Castro si Ambalgan,Sto. Nino South Cotabato Chairman Taba Ambalgan. Ito ay dahil sa hindi pa rin maresolba na problema sa iligal na droga .

Ayon kay Castro sa kabila ng paalala nito noon, talamak pa rin ang iligal na droga ngayon sa barangay. Tiniyak ni Castro na matutuldukan ang illegal drug problem sa Ambalgan bago magtapos ang taon.

Binigyan diin ni Castro na ang kabiguan ni Ambalgan na resolbahin ang illegal drugs sa kanilang lugar ay nagpapakita lamang ng kawalan nito ng sapat na kakayahan. Ang Barangay Ambalgan ay kilalang bagsakan ng iligal na droga sa South Cotabato.

Ipinahayag din ni Castro na hindi maideklarang drug free ang ilang lugar sa Region 12 dahil problema mismo ang Chairman ng kanilang Municipal Anti Drug Abuse Council.

Sinisikap pa ng Radyo Bida Koronadal na makuha ang reaksyon ni Ambalgan Chairman Taba Ambalgan sa usapin NDBC News AM Aug 7 Headline: Kulto na nangre-recruit ng mga katutubo, ikinabahala ng alkalde ng T’boli, South Cotabato Pera at marangyang buhay.

Ito ang pangako ng isang kulto na nangrerecruit umano sa mga mamamayan ng T’boli, South Cotabato. Ayon kay T’boli Mayor Diby Tuan, kinilala ang lider ng grupo na si “King Koloban”.

Sinabi ni Tuan na target ng pangre-recuit nito ang mga lumad na nasa mga liblib na barangay ng T’boli. Sinabi ni Tuan na pinangangambahan ng lokal na pamahalaan ang pagsanib na sa grupo ng maraming katutubo sa kanilang lugar.

Ayon kay Tuan bilang bahagi ng kanilang paniniwala, may mga myembro umano ang kulto na ilang araw na walang pagkain. Sinabi ni Tuan na dalawa umano sa mga myembro ng grupo ang naaresto ng PNP. Umapela naman si Tuan sa mga mamamayan ng T’boli na huwag magpaguyo sa magagandang pangako ng grupo.

Ayon kay Tuan para maresolba ang problema magkakaroon ng Peace Summit ang lokal na pamahalaan ng T’boli ngayong Agosto. Ito ay inaasahan namang dadaluhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Sinabi din ng alkalde na pupulungin din nito ang mga lumad leader sa T’boli.



-0-



Abot sa 92 indibidwal ang napatawan ng penalidad sa unang limang araw na pagpapatupad ng Anti-Smoking Ordinance ng Koronadal City.

Karamihan sa mga ito ay nagbayad ng P500 na multa bilang mga unang offender. Ang iba naman ay nagbigay ng kanilang ID sa mga enforcer at nangako na magbabayad ng multa sa loob ng limang araw.

Mula Hulyo 31 hanggang Agosto 4 nakakolekta naman ng P23,500 na multa sa mga lumabag sa ordinansa ang lokal na pamahalaan. Bahagi nito ay mapupunta sa mga tipster at mga enforcer nakahuli sa mga violator.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Koronadal City Environment and Natural Resources Officer Agustus Bretania na isang malaking hamon sa kanila bilang naatasang enforcer ang ordinansa.

Sinabi ni Bretania na ito ay dahil sa dami ng ipinagbabawal sa Anti-Smoking Ordinance. Ngayong lingo sisimulan tutukan naman ng lokal na pamahalaan ang mga sari sari store sa Koronadal na magbebenta ng sigarilyo.

Ipinahayag naman ni Koronadal City Councilor at SP Committee on health Chair Annabelle Pinggoy na maliban sa mga store owners pagmumultahin din ang mga magulang na mahuhuling inutusang bumili ng sigarilyo ang kanilang mga menor de edad na anak.



-0-



Bagaman at pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng libreng tuition sa mga state universities and Colleges.

Nilinaw naman ni University of Southern Mindanao o USM Vice President for Academic affairs Dr. Palasig Ampang na matrikula lamang ang libre at hindi kasali ang miscellaneous at iba pang babayarin.

Pero ayon sa VPAA, malaking tulong na rin ito sa mga magulang at estudyante ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Wala na ring dahilan pa ang mga magulang o guardian na hindi mapag-aral ang kanilang anak sa kolehiyo. Sinabi ni Ampang na School year 2017-2018 pa epektibo ang nasabing batas.

Ang USM ay may nakalaang budget na P171 Milyun pesos at sapat na pondo ito para tumanggap ng libu-libung mag-aaral sa kolehiyo, ayon kay Ampang.

Dahil dito, tiniyak ng opisyal na hindi nila papahirapan ang mga mag-aaral sa pag-avail ng ‘free tuition’ dahil isa sa mga Implementing rules kasi ay dapat maka-kuha ang mga ito ng Certificate of Indigency.



-0-


SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, ginawa sa Kidapawan City ang Sports Summit na dinaluhan ng mga sports enthusiasts mula sa iba’t ibang grupo, pribadong indibidwal, at mga ahensiya ng pamahalaan.  

Ginawa nitong Huwebes ang naturang summit na dinaluhan ng mismong representante mula sa Philippine Sports Commission o PSC na si Marlon Malbog.  

Layon ng aktibidad na mabigyan ng focus o atensyon ang sports development, lalo na sa hanay ng kabataan.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, napapanahon na para tutukan ng city government ang kinabukasan ng Kabataan, lalo na sa pagpapahusay ng kanilang kasanayan, talento, at skills sa iba’t ibang larangan ng isports.  

NOONG August 3, inilunsad ng city LGU ang programang, “One Team, One Goal, One City”, na highlight sa isinagawang, “First Sports Summit.

Nilinaw ng alkalde na sa sports, ‘add-on’ na lamang ang medalya sa bawat panalo ng taga-Kidapawan.   Ang mahalaga, aniya, ay ang pagiging ‘unifying factor’ ng sports sa mga taga-Kidapawan.  



-0-  

Bangkay ng Rubber Tapper, na tadtad ng tama ng bala natagpuan sa Mlang, North Cotabato Anim na tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang rubber tapper matapos itong barilin at itapon ang kanyang bangkay sa Purok 7, barangay Nueva Vida sa bayan ng Mlang, North Cotabato alas 7 ng gabi noong Sabado.

Mismong ang kapatid nitong si Louie Ebano Awayan ang kumilala sa bangkay na kanyang kuyang si Antonio Awayan, 36-anyos na residente ng Purok 4, barangay Sinkatulan, Makilala, North Cotabato.

Sa salaysay ng mga residente sa lugar ay naka rinig sila ng apat na mga sunod-sunod na putok ng baril bago nakita ang bangkay ng biktima sa ibabang bahagi ng National Highway sa nasabing Lugar.

Ayon kay Supt. John Meridel Calinga, siyang hepe ng Mlang PNP na karamihan aniya sa tama ng biktima ay sa ulo. Posible rin umanong patay na ng itapon ang bangkay ng biktima sa lugar.

Sa paglalarawan naman ni Louie sa kanyang kapatid na kadalasang napapaway ang kanyang kapatid sa kanilang lugar dala ng kalasingan.

Kadalasan rin daw itong napapa-away lalong lalo na sa ginagawang bahagi ng kalsada sa lugar dahil binabato nito ang mga sasakyang dumadaan na nagreresulta naman sa pagkasira ng mga salamin at iba pang bahagi ng sasakyan.

Sa ngayon patuloy na nangangalap ng mga testigo ang PNP para makakuha ng detalye lalong lalo na sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.  

Ito na ang ikalawang beses na tinapunan ng bangkay ang nasabing bayan kong saan nito lang nakalipas na Huwebes ay isang bangkay rin ang natagpuan sa barangay Calunasan.  


 -0-  

Mahigit 90 libung piso, natangay sa isang 61-anyos na lola habang namimili sa isang mall sa Kidapawan City Nasa 94 na libung piso ang natangay sa isang 61-anyos na lola habang namimili sa isang kilalang mall sa Kidapawan City, pasado alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Erlita Lopez, may asawa at residente ng Barangay Timpuran, Magpet, North Cotabato.

Ayon sa biktima habang kasama nito ang kanyang dalawang anak na mga babae sa Gaisano Grand Mall para mamili ng sapatos at bag sa luggage section nang akmang babayad na sa counter ay kanyang napansin na nawawala na ang limpak-limpak na halaga ng pera.

Ang halaga ng pera na nadukot ay umaabot sa P94,500 na nakalagay sa bag ng biktima. Posible umanong nasalisihan ang biktima habang abala sila sa pamimili sa loob ng mall.

Sa Ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasiyon ng Kidapawan City PNP sa tulong ng CCTV ng mall upang malaman kung sino ang suspek na responsable sa pagdukot.

Sa ibang balita, swerteng nakaligtas sa pamamril ang isang 29-anyos na biktimang si Dindo Baroinas habang nagbibisikleta sa Purok 1, Brgy. Katipunan ng lungsod, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Susinon Lapura nasa hustong gulang na Ngayon ay patuloy na pinaghahanap.

Sa paunang pagsisiyasat, nagbibisikleta ang biktima ng bigla na lamang pinagbabaril ng suspek pero agad nakailag si Baroinas kaya swerteng hindi natamaan. Gamit ng suspek ang isang .38 revolver sa nasabing pamamaril.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasiyon sa motibo sa krimen.



 -0-    


KAtunayan nito lang first quarter ng taon umabot na sa mahigit 15 thousand ang tourist arrival ng Bayan. Isa sa may pinakamaraming tourist arrival ay ang sitio Maupot Family resort sa barangay Pangaoan.  

Sumunod ditto ang Tausovan Falls sa may Barangay Bongolanon.  

Isa rin sa nagpapasigla ng turismo ng bayan ay ang muling pagbubukas ng Magpet trail paakyat ng Mt Apo.

Ngayong lingo, ipagdiriwang ng bayan ang kanyang ika 54 taong pagkakatatag na may temang Malaumon og matinud-anong paglihok alang sa bag-ong Magpet.  

Tampok sa mga aktibidad ngayong araw ay ang thanks giving mass at basketball, volleyball tournament.
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy