Saturday Sep, 19 2020 12:27:05 AM

NDBC BIDA BALITA (8.26.19)

NDBC BALITA • 16:00 PM Mon Aug 26, 2019
586
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. TATLO KATAO, patay habang dalawang iba pa, patuloy na pinaghahanap matapos magsalpukan ang dalawang pump boats sa ilog na bahagi ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

2. APAT mga bayan sa North Cotabato, mayroon umanong mga taniman ng Marijuana

3. Coal mine project na ibinasura noon ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato, isinusulong muli ng isang mining firm sa Ned, Lake Sebu

4.Mga dating tulak at adik sa ARakan, North Cotabato, tumanggap ng livelihood assistance mula sa pamahalaan.

 

-0-

 

Local………………..

NATAGPUAN na ang bangkay ng tatlo kataong nasawi sa banggaan ng dalawang motorized bangka sa Rio Grande de Mindanao na bahagi ng Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang mga ito na sina Jomar Akir, Johaina Salem at Elmie Norodin.

Sa report ng Sultan Kudarat PNP, patuloy namang pinaghahanap ang dalawang iba pang mga kasamahan ng mga nasawi na sina Sidik Esmail at Pude Guiarel.

Nabatid na tumilapon ang limang mga biktima dahil sa lakas ng salpukan at mabilis na tinangay ng agos ng tubig ang mga ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang insidente kamakalawa ng gabi.

Nanggaling umano ang isang bangka sa Cotabato city na may sakay na sampu katao at pagsapit ng mga ito sa Brgy. Bulibod, Sultan Kudarat ay aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na bangka na sakay naman ang tatlo kataong sina Tato Sultan, Pasita Akir at Kura Akir na maswerteng nakaligtas sa aksidente.

Samantala, sinabi ni Sultan Kudarat municipal administrator Banjo Mampon na agad na nagbigay ng tulong at pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng bayan sa pamilya ng mga nasawing biktima.

 

-0-

 

HUMAKOT ng walong regional awards ang Cotabato City Health Office sa 2019 Regional Awards Ceremony ng Department of Health o DOH 12.

Kabilang sa mga tinanggap na parangal ng City Health Office ay;

* Red Orchid Award for 2018 (100% TOBACCO FREE) na pangalawang beses na nakamit ng lungsod.

* Human Rabies-Free Award (Zero Human Rabies Case for 5 Consecutive years)

* Pulang Laso Award (MSM and LGBTQi-Friendly, STI and HIV, AIDS Facility)

* Best Quality Date Reporting in Field Health Services Information System

* Most Outstanding Epidemiology and Surveillance unit

* National Voluntary Blood Services Program Sandugo Awards as Top Performing City

* Association of Community Volunteer Health Workers of Cotabato City Incorporated bilang 4th Placer

at kinilala rin bilang Best in Family Planning Program ang Barangay Poblacion 5 ng lungsod

Bukod sa plake, tumanggap din ng 310 thousand pesos na cash assistance ang City Health Office na ilalaan para sa pagpapatupad ng health programs ng lungsod.

Sinabi ni City Health Officer, Dr. Meyasser Patadon na isang malaking karangalan para sa kanya at sa lahat ng public health workers ng lungsod ang mga natanggap na pagkilala at parangal.

Aniya, indikasyon ito na matagumpay ang mga programang pangkalusugatan na ipinatutupad nila sa syudad.

Giit ni Dr. Patadon, naging epektibo at matagumpay ang kanilang health programs dahil sa dedikasyon at pagtutulungan ng mga public health worker.

 

-0-

 

TULUYAN ng binawian ng buhay ang barangay Secretary ng Dunguan Dato Montawal, Maguindanao matapos ng ilang araw na pakikipaglaban sa ospital.

Hindi na nasalba pa ng mga manggagamot si Barangay Dunguan Secretary Norudin Omar na kabilang sa mga biktima ng pananambang kamakalawa kasama si Barangay Chairman Zafrullah Buday Alhaj na hanggang ngayon ay ginagamot pa rin sa isang pagamutan sa Davao City kasama ang dalawa pang mga biktima.

Nasawi si Omar habang ginagamot sa isang ospital sa Davao city dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Agad namang inuwi ng kanyang mga kaanak ang bangkay ng biktima upang mabigyan ng maayos na libing alinsunod sa relihiyong Islam.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ng hustisya ang pamilya at kaanak ni Omar at umaasang mahuhuli at mapaparusahan ang mga kriminal na nanambang sa mga ito.

 

-0-

 

Napagkamalan lang umano ng local government officials ng Tawi-Tawi na Chinese warship ang barkong namataang dumaan sa kanilang sakop na karagatan.

Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command chief Lt. General Cirilito Sobejana na lumapit sa kanya si Taganak, Tawi-Tawi Mayor Hadji Moh Faisal Jamalul para i-report ang namataang barko malapit sa Turtle Group of Islands sa timog na bahagi ng lalawigan noong August 2.

Pero ayon kay Sobejana, nagkamali lang si Jamalul dahil Malaysian Navy ang natagpuan sa teritoryo at hindi Chinese Navy.

Paliwanag ng AFP official, nagkaroon ng bilateral exercise sa pagitan ng bansa at ng Malaysian Navy nitong unang bahagi ng Agosto dahil sa panghihimasok ng foreign vessels partikular ng Chinese warships noon pang Pebrero sa lugar.

Iginiit pa ni Sobejana na simula noong August 2 ay wala nang pumasok pang barko ng ibang bansa sa naturang lugar.

Maaari umanong naglabas ng kautusan ang China sa Navy nito na huwag pumasok sa teritoryo ng Pilipinas nang walang paalam.

Samantala, sinabi ni Sobejana na hindi kailangan ng mga foreign vessels na magpaalam kung dadaan sa “sealanes of communication” na kinikilala ng buong mundo.

Ang Sibutu Strait anya ay isang sealane of communication at sa katunayan ay kailangan pang tiyakin ang safe passage ng mga barkong dadaan dito batay sa mga probisyon ng United National Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

 

-0-

 

Anti-drug operatives ng Gensan PNP isinailalim sa drug testing

Ipapaalam nila ang resulta ng surpise drug test sa 70 mga pulis sa General Santos City kapag ito ay naibigay na sa kanila ng regional police crime laboratory ng PNP 12.

Ito ang ipinahayag ni General Santos City Police Director for Administration Lt.Col. Ronald Allan Penaverde. Kasunod ito ng pagsailalim sa drug test ng mga kasapi ng city drug enforcement unit ng walong mga police Stations sa Gensan.

Tiniyak ni Penaverde na ang mga pulis na magpositibo sa illegal drugs ay agad na isasalang sa dissmissal proceedings. Gayunpaman umaasa ang nasabing police official na mag-negatibo sa iligal na droga ang ipinag-drug test na mga pulis.

Layun ng drug testing na matiyak na ligtas sa iligal na droga ang anti-drug operatives ng Gensan PNP. Ito ay ayon naman kay Gensan City Police Director Col. Aden Lagradante. Dinagdag ni Lagradante na ang mandatory drug test ay bilang kabahagi rin ng internal cleansing process sa PNP.

 

-0-

 

Outstanding Family at Model IP Family pararangalan ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Sisimulan ng mga kawani ng Provicial Population Office ng South Cotabato ang paghahanap sa mga Most Outstanding Family at Model IP Family sa lalawigan sa susunod na linggo. Ipinahayag ito ni Provincial Population Division Head Romulo Palomo.

Ayon kay Palomo isasailalim nila sa evaluation ang mga Most Outstanding Family at Model IP Family ng bawat local government unit sa lalawigan.

Dinagdag ni Palomo na ibabatay nila ang pagbibigay ng pararangal sa mga sumusunod: Samahan ng bawat myembro ng pamilya, pamamahala sa kanilang kabuhayan, pakikihalubilo at tulong sa komunidad, at maraming iba pa. Layun nito ayon kay Palomo na kilalanin ang mga pamilya sa South Cotabato na naging ehemplo sa kanilang komunidad.

Ang mga tatanghaling top three winners ay makatatanggap ng P20,000; P15,000 at 10,000. Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Palomo na ang South Cotabato mayroon nang 250 model family , 25 taon matapos ilunsad ang Search For Outstanding Family sa lalawigan.

 

-0-

 

Tuberculosis at Pneumonia na tumataas ang kaso sa lalawigan, prayoridad na masawata ng health office ng South Cotabato

Tinututukan nng provincial health office ang pagsawata ng mga sakit na Tuberculosis o TB at Pneumonia sa South Cotabato.

Ipinahayag ito ni Provincial Health officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. Ayon kay Aturdido sa kabila kasi ng interbensyon ng Department of Health, patuloy pa rin sa pagdaming mga nagkakasakit ng TB at Pneumonia sa lalawigan. Iginiit in Aturdido na libre ang gamutan ng tuberculosis sa Directly Observed Treatment Short course oTB- DOTS.

Pero may mga pasyente na itinigil ang gamutan dahil hindi umano kinaya ang epekto ng gamot.

Ayon kay Aturdido inaalam din nilakung ano ang edad ng pinakamaraming nagksakit ng Pneumonia sa South Cotabato. Layun nito mahingan ng pondo sa DOH. Paliwanag ni Aturdido para lamang kasi sa mga senior citzens ang libre ngayong vaccine sa pneumonia.

 

-0-

 

Coal mine project na ibinasura noon ng Sangguniang panlalawigan, isinusulong muli ng isang mining company sa Ned, Lake Sebu, South Cotabato

Ipapaliwanag ng mga kinatawan ng Daguma Agro Minerals Incorporated o DAMI kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, ang balak nilang coal mining project sa barangay Ned sa Lake Sebu.

Ipinahayag ito ni Tamayo matapos ang pag-courtesy call ng mga ito sa kanya noong nakaraang linggo. Ayon kay Tamayo sa pamamagitan nito ay malalaman kung ano ang magiging basehan ng pamahalaang panlalawigan sa paghukay ng coal sa Ned at pagprotekta sa kapaligiran.

Matatandaan na ang coal mine project sa Barangay Ned ay ibinasura ng Sangguniang Panlalawigan noong nakaraang administrasyon.

Ito ay dahil sa paglabag sa Environment Code ng South Cotabato na nagbabawal ng open pit mining operation sa lalawigan. Tiniyak naman ni Tamayo na ipiprisinta nito sa SP lalong lalo na sa mga bagog myembro ang magiging resulta ng presentation ng mga taga DAMI sa coal mine project.

Ipinahayag din ni Tamayao na ang pag-review ng environment code ay kabilang sa tinalakay sa kanilang Executive Legislative Agenda o ELA.

 

-0-

 

Farm-to-market road ng Philippine Rural Development Project ng DA mapapakinabangan ng mga magsasaka sa dalawang barangay sa Sarangani Province

Target ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani na matatapos ang konstruksyon ng mahigit P57 million na farm-to-market road patungo sa mga Barangay ng Kanalo at Nomoh sa bayan ng Maasim.

Ang mahigit limang kilometrong daan ay pinondohan ng Philippine Rural Development Project o PRDP ng Department of Agriculture. Ayon kay Sarangani Assistant Provincial Administrator Gerald Faciol, ang proyekto ay isa sa mga prayoridad na programa ng PRDP.

Ito ay mapapakinabangan ng mahigit 900 pamilya na karamihan ay pawang mga indigenous peoples. Ikinabubuhay ng mga ito ang pagtatanim ng Abaca, niyog, saging at kape.

Naniniwala si Faciol na makatutulong ang farm-to-market para sa pagunlad ng agrikultura sa nasabing mga barangay. Ayon kay Faciol sa kabila kasi ng mataas na produksyon, hirap pa rin ang mga magsasaka sa Kanalo at Nomoh sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan dahil sa mga sirang daan. Ang mga ito ay nararating lamang kasi ngayon ng “Habal-Habal.”

Ang PRDP ng DA ay nakakumpleto na ng pitong mga proyekto na nagkakahalaga ng mahigit P244 million sa Sarangani sa nakalipas na tatlong taon. Ang mga ito ay napakinabangan ng mahigit 42,000 na mga mamamayan sa lalawigan.

 

-0-

 

Apat mga bayan sa North Cotabato, tinukoy na mayroon umanong mga Marijuana Plantation Sites

Apat na mga bayan sa probinsya ng North Cotabato ang tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 na mayroong pinaghihinalaang mga Marijuana Plantation Sites.

Ayon kay PDEA12 Regional Director Naravy Daquiatan, ang mga bagong tukoy na lugar ay ang bayan ng Arakan, mga hangganan ng Pikit, Aleosan at Carmen, North Cotabato.

Inihayag ng opisyal na ang mga nasabing iligal na droga ang ina-angkat sa ibat-ibang mga lugar sa loob at labas ng North Cotabato gamit ang pampubliko at pribadong mga sasakyan maging ang mga motorsiklo.

Ayon pa kay Daquiatan, nasa 25-150 pesos ang bentahan ng per gram ng tuyong dahon ng marijuana sa rehiyon 12. Samantala, maliban sa mga nabanggit na lugar sa North Cotabato, tinukoy rin ng PDEA ang mga pinagmumulan ng droga sa labas ng lalawigan. Ito ay ang tri-boundaries ng Malungon Saranggani, Tampakan South Cotabato at Columbio sa Sultan Kudarat.

 

-0-

 

Motorsita sugatan nang aksidenteng mabangga sa sasakyan ng dating mayor sa Tulunan, North Cotabato

Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang isang motorista matapos na aksidente nitong mabangga ang isang mitsubishi strada pasado ala una ng hapon kahapon sa National Highway Brgy Bual, Tulunan, North Cotabato.

Sa ulat, minamaneho ng isang lalaki na sadyang hindi kinilala sa report ang kanyang Euro 155 na motorsiklo.

Habang minamaneho noon ng driver ng dating alkalde ng bayan ng Tulunan, North Cotabato na si ex-Mayor Lani Candolada ang mitsubishi strada, kulay itim na may license plate LGE-684.

Ayon sa ulat, parehong binaybay ng dalawang sasakyan ang national highway nang aksidente umanong binangga ng motorsiklo ang sasakyan ni Candolada sa likurang parte nito. Agad namang dinala sa pagamutan ang driver ng motorsiklo at swerte na lamang na ligtas ang dalawang batang angkas nito.

 

-0-

 

Mga persons who used drugs sa bayan ng Arakan sa North Cotabato, nakatanggap ng livelihood assistance mula sa LGU.

Nagtapos na sa Community Drug rehabilitation program ng LGU ang 74 na mga Persons who used drugs o PWUD's sa bayan ng Arakan. Kasabay ng isinagawang programa kahapon ay tinanggap din ng mga ito ang 5 thousand pesos na livelihood assitance mula sa LGU.

Ayon kay Municipal Anti-Drug Abuse Council o MADAC coordinator Xhander Khan Gacho, bago nagtapos ang mga PWUD's ay sumailalim muna ang mga ito sa ibat-ibang seminar Ito ay upang masigurong hindi na babalik sa paggamit ng iligal na droga ang mga ito.

Ang 5 thousand pesos na cash ay ibibili nila ng kanilang napiling pagkakakitaan. Ang iba sa kanila ay ibibili ng gamit sa pag gupit at ang iba naman ay mga farm inputs.

Sasailalim pa rin sa monitoring ang mga PWUDs matapos nilang magtapos maging ang mga livelhood projects na kanilang napili.

 

-0-

 

Pinarangalan BILANG Outstanding Bridging Leader in Public Health Award 2018 ng Department of Health o DOH 12 ang Kidapawan City Government.

Ito ay bilang pagkilala sa mga natatanging Local Government Units sa Rehiyon Dose na nakapagbigay ng angkop na health services sa mga mamamayan nito.

Iginawad ng DOH SOCCSKSARGEN ang parangal sa ginanap na Mega Program Implementation Review and Awards Ceremony kamakailan sa General Santos City. Malaki ang naging kontribusyon ng pagiging Champions for Health 2018 Awardee ng lungsod sa pagtanggap nito ng gawad at pagkilala mula sa DOH 12.

Aktibong ipinatupad ni City mayor Joseph Evangelista ang kanyang Health, Nutrition and Education program na naglalayong magabayan ang nutrisyunal na pangangailangan ng mga bata.

Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, ay ipinaseguro na ng City Government na magiging malusog ang bata sa kanyang paglaki sa pamamagitan ng mga libreng programang medical na ipinatupad sa mga barangay ng lungsod.

 

 

 

 

 

Fire hits printing office near Koronadal Cathedral

Printing Press malapit sa Christ The King Cathedral sa Koronadal City, nasunog. Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi, alas 5:45 ng hapon nagsimula...

Cotabato Light's accredited payment center remains open until 1 p.m. on Saturday Sept. 19

Please be informed that our Accredited Service Center at Alnor Commercial Complex is OPEN every Saturday from 7:30 AM to 1:00 PM while No Movement is...

Maguindanao farmers lose millions of agri-crops to floods

COTABATO CITY – As the proverb saying goes “Don't count your chickens until they are hatched.” This is how a farmer described his fate while...

NDBC COVID WATCH: 9 recover, 20 new cases in Region 12

COTABATO CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today reported that nine patients have recovered from the coronavirus disease...

READI reaches out to flood-stricken communities

COTABATO CITY --- The Bangsamoro government is now reaching out to villagers hit by floods that swept through several towns in Maguindanao and...