NDBC BIDA BALITA (9.13.17)

NDBC BALITA  • Wed Sep 13, 2017 09:09 PM  •  82   0
By NDBC
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST SEPTEMBER 13, 2017 (WED)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. DALAWANG mga sundalo, sugatan sa pamamaril sa Guindulongan, Maguindanao.  

2. Kalansay ng albularyo na tatlong taon nang nawawala, natagpuan sa Mount Apo.  

3. Apat na kawani ng South Cotabato provincial government, sinibak dahil sa paggmit ng illegal drugs

4. Kidapawan City police chief, na relieve, LGU, naghahanap ng kapalit  



-0-


Maswerteng nakaligtas ang dalawang mga sundalo matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang Grey Toyota Innova dakong ala una ng hapon kahapon sa national highway ng Guindulungan, Maguindanao.  

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division Public Affairs Office Chief Capt. Arvin John Encinas sa panayam ng DXMS AM Radyo Bida na binabaybay ng mga biktima ang Isulan-Cotabato road sakay ng motorsiklo nang banggain sila ng nasabing sasakyan at saka pinagbabaril ng dawalang mga suspect na sakay nito.  

Kinumpirma ni Encinas na hindi naman tinamaan ng bala ang mga biktima ngunit nagtamo ng sugat sa paa ang isa sa mga ito.  

Ayon kay Encinas, nagkaroon pa ng palitan ng putok ang magkabilang panig kung saan hinabol pa ng mga suspek ang mga biktima ngunit umiwas na lamang ang mga ito nang makitang malapit na sa Police Station ang mga biktima.  

Nabatid na tumakas ang mga suspek patungong Cotabato City.  

Ayon kay Encinas, sadya namang hindi kinilala ang mga biktima para na rin sa kanilang seguridad.  

Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng PNP at AFP kung ano ang motibo at kung sino ang mga  responsable sa pamamaril sa dalawang sundalo.
  Gayunman, sabi ni Encinas, mayroon na silang lead kaugnay ng insidente.



-0-

POSIBLE umanong ang matinding kampanya nito kontra iligal na droga ang dahilan ng pagbaril at pagpatay sa chairman ng Barangay Montay, Datu Piang, Maguindanao.  

Sinabi ni Datu Piang PNP chief, police Senior Inspector Cesar Ibal na si Barangay Montay Chairman Kadatuan Sinolinding Masukat ay na masigasig sa pagsugpo ng iligal na droga sa kanilang lugar.  

Ito marahil ang dahilan kaya naging target siya ng mga kriminal sa bayan.  

Pinagbabaril at napatay ng riding tandem criminals si Masukat pasado alas dyes ng umaga kamakalawa.   Nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa cal. 45 pistol ang biktima sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.  

Sa report ng Datu Piang PNP, sakay ng Honda XRM Motorcycle ang biktima kasama ang kanyang anak nang paputukan ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa bahagi ng Brgy. Buayan ng nasabing bayan.  

Maswerte namang nakaligtas ang anak ng kapitan na nagmamaneho ng motorsiklo.  

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Datu Piang PNP hinggil sa iba pang anggulo sa naturang insidente.



-0-



Patuloy ngayong ginagamot sa isang ospital sa lungsod ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals dakong alas otso kwarentay singko kagabi sa Purok Zion B, MBRH, Cotabatao City.  

Kinilala ni Cotabato City Police station 2 commander PCI Reynaldo Delantien ang biktimang si Jay-ar Dasilao Dilangalen 27 anyos, walang asawa at residente sa lugar.  

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya,  nakatayo lang umano sa daan ang biktima ng dumating at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga gunman na sakay ng kulay itim na honda RS 125 na agad namang tumakas matapos maisakatuparan ang krimen.
 

Tinamaan ang biktima sa kanyang tiyan at binti na agad namang dinala ng mga bystander sa lugar sa pinaka malapit na ospital sa lungsod.   Narekober ng pulisya sa crime scene ang 3 basyo ng bala ng kalibre 45 pistol.  

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa biktima.  



-0-



WALA PANG TATLONG minuto ay agad nang inaprubahan ng Kamara de Representantes ang 33.469 billion pesos na proposed budget ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM para sa susunod na taon.  

Ang naturang budget proposal ay sponsored ni Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo.  

Sa ngalan ng minorya, hiniling ni COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo na huwag ng magsagawa ng interpellation para sa ARMM budget proposal.  

Ang naturang mosyon ay kaagad namang sinuportahan ng mayorya sa kongreso.  

Ito ay sa kabila ng pagtutol ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan na nais pang pagdebatihan ang panukalang budget ng ARMM.  

Kaugnay nito ay lubos naman ang pasasalamat ni ARMM Governor Mujiv Hataman at nagkaisang suporta at tiwalang ibinibigay ng minorya at mayorya ng Kamara sa ARMM government.  

Ayon kay Hataman, tiwala siyang nasagot na nila ang lahat ng mga katanungan ng mga mambabatas hinggil sa panukalang budget sa pre-plenary hearings.


-0-


ISA NA NAMANG KAWAL ng bansa ang nabuwis ang buhay sa patuloy na pakikipaglaban ng mga ito sa teroristang Maute Group sa Marawi city.  

Kinumpirma ni Philippine Army Spokesperson Lt Col. Ray Tiongson ang pagkasawi ni Capt. Rommel Sandoval, Commanding Officer ng Army’s 11th Scout Ranger Company na binawian ng buhay sa pagtatangkang sagipin ang kaniyang tauhan.  

Ayon kay Tiongson, si Captain Sandoval na miyembro ng elite Scout Rangers Company ay isang magiting na opisyal na miyembro ng Philippine Military Academy Class 2005.  

Namatay ito kasama ang isa niyang tauhan na si Private First Class Sherwin Canapi habang tinatangkang iligtas ang mga sugatan nilang kasamahan.  

Ayon sa report, naiwan sa isang palapag ng gusali ang sugatang team leader ng nasabing tropa ng SRC na pinamumunuan ni Sandoval kaya tinangka nilang iligtas ito pero napuruhan sila ng Maute Group.  


-0-



Umaabot na sa apat na mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang tinanggal sa trabaho matapos magpositibo sa iligal na droga. Ito ang kinumpirma ni Provincial Human Resource Management Officer Alex Basco.

Sinabi ni Basco na ang mga tinaggal ay pawang nagpositibo sa random drug testing at maging sa confirmatory test ng lokal na pamahalaan noong nakaraang taon.

Sinabi ni Basco na ngayong taon wala pang kawani ng lalawigan ang nagpositibo sa random drug test. Naniniwala si Basco na ito ay resulta ng pinaigting na kampanya na kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan at takot na rin na matanggal sa trabaho.

Pinakahuling natanggal sa serbisyo ang isang job order driver ng Integrated Provincial Health Office na naaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City.




-0-


Nagpapatuloy pa rin ang intensified blood sampling ng mga animal health workers sa South Cotabato. Ito ayon kay South Cotabato Provincial Veterinary Office Officer-In-Charge Dr. Flora Bigot ay sa kabila ng pagtanggal sa ban ng delivery ng manok at iba pang poultry animals.

Ayon kay Bigot layon nito na matiyak na ligtas sa karamdaman na maaring ikalugi ng mga animal growers ang mga alagang hayop sa lalawigan.

Sinabi ni Bigot na sinanay nila para magsagawa ng blood sampling ang 285 na mga Animal Health Workers sa lalawigan.

Ipinahayag ni Bigot na para magkaroon ng resistensya laban sa mga sakit ang mga alagang hayop sa South Cotabato naglaan din ang PVET ng 22,000 doses ng pampurga.

Ngayong Setyembre ang PVET ay nasa pangalawang bugso na rin ng pagbibigay ng vitamin supplementation at castration.

Sa pamamagitan nito ayon kay Bigot ay maiiwasan ng mga alagang hayop na magkaroon ng New Castle Disease at Hemorrhagic Scepticemia. Nilinaw naman ni Bigot na ang South Cotabato ay ligtas pa rin sa foot and mouth disease na ikinaalarma kamakailan lang ng buong bansa.



-0-



AALAMIN ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung may foul play sa kamatayan ng isang albularyo na ang kalansay ay natagpuan kamakalawa sa may Lake Maag sa may Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang mga identification cards na na-recover sa erya. Si Reynaldo Lubendina ay huling nakita taong 2014 noong siya ay 50 anyos pa lang.

Nakita ang kalansay sa watershed ng mga puno ng Tinikaran na halos ay 50 metro ang layo mula sa Lake Maag. Sa mga larawang hawak ng SOCO, nabatid na walang trace na pinatay si Lubendina ng tao.

Posible, ayon sa isang opisyal ng SOCO-Cotabato, ay kinagat ng ahas habang naghahanap ng mga halaman na gagamitin niya sa kanyang panggagamot.

Si Lubendina ay kilala sa kanilang lugar sa Barangay Indangan, Makilala na isang albularyo o manggagamot.        




-0-    


Ni-relieve na sa kanyang pwesto bilang City Police director ng Kidapawan city PNP si Police Supt. Leo Ajero. Ito upang mabigyang daan ang kanyang promotion sa pagiging Police Senior Superintendent.

Ito ayon kay Mayor Joseph Evangelista dahil sa over-staying na ang police official.

Kaugnay nito, anumang araw ngayong linggo ay aasahan na may bagong hepe na ang Kidapawan City PNP.

Sa ngayon si Police Chief Inspector April Lou Palma ang itinalagang Deputy COP ng Kidapawan City PNP.

Samantala nilinaw naman ni Mayor Evangelista na nagbalik na ang STL sa Kidapawan City matapos na pansamantalang nagsara ito ng ilang buwan.

Aminado ang opisyal na talamak pa rin ang illegal gambling, partikular na ang last two sa lungsod dahilan para mas tinatangkilik ito ng mga tao kaysa sa STL, na sinasabing legal.

Gayunpaman, may deriktiba na ang higher headquarters ng PNP na mas palakasin pa nila ang kampanya kontra illegal na sugal.

Sinabi ng Punong ehekutibo na marami ang mawawalan ng kita kung huhulihin ang mga nagpapataya ng last two sa lungsod.

Dahil dito, gumagawa siya ng hakbang para mabigyan ng pangkabuhayan ang mga umaasa sa illegal number games o last two.

Nilinaw naman ni Evangelista na hindi siya protector ng illegal gambling partikular na ang last two.



-0-  



ITINANGGI ni Kumander Chuy ang ipinakakalat na report ng 39th Infantry Battalion na siya’y susuko na sa batas. Si Chuy ay isang mataas na lider ng NPA Front 53. 

Sa isang text message, sinabi ni Chuy na wala sa plano niya o ng kanyang grupo na isuko ang kanilang ipinaglalaban sa 39th IB na tinawag pa niya’ng, ‘berdugo’.

Una nang ipinakalat ni Lieutenant Silver Belvis, spokesperson ng 39th IB, na isa si Chuy sa mga susuko’ng NPA leader, anumang araw mula ngayon. Ito ay batay naman sa pahayag ng kanilang informant na nasa kustodiya ngayon ng 39th IB.

Giit naman ni Belvis na ang pag-atras nito para magbalik loob sa gobyerno ay upang maiwasang ma demoralize ang kanilang hanay.


-0-      



HINIKAYAT ng Regional Civil Security Unit ng PNP Region 12 at ng ARMM ang mga gun holder na i-avail ang isang araw na activity nila sa Kidapawan City, kung saan tatanggap sila ng mga application para sa renewal ng kanilang License to Own and Possess Firearm o LTOPF.

Sa mga gun holder na gusto’ng maka-avail ng provisional LTOPF, dalawang requirement lamang ang dapat nilang dalhin sa September 23 – una, dalawang 2x2 na ID picture; at ikalawa, bayad na P500 sa Land Bank of the Philippines.  

Ang application for renewal of license ay sa araw na pipil-apan, ayon kay Superintendent Renante Cabico, ang regional chief ng Regional Civil Security Unit ng PNP-12 at ng ARMM.

Ang validity lamang ng provisional LTOPF ay siyam na buwan, samantalang kung regular license ang kukunin na masyadong marami ang requirements ay apat na taon naman ang validity.

Sinabi ni Cabico na layon ng kanilang activity na mapigil o masawata na ang paglipana ng mga ‘loose firearms’ sa bahagi’ng ito ng Mindanao.

Ang activity na itinakda sa September 23 ay gagawin sa Kidapawan City PNP, mula alas-otso ng umaga, hanggang alas-singko ng hapon.                      
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy