NDBC BIDA BALITA (9.23.17)

NDBC BALITA  • Sat Sep 23, 2017 09:25 AM  •  129   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST September 23, 2017 (SAT)
7:00 AM   


HEADLINES:
   

1.
 Government employee, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato City; dalawang bystander, sugatan 

2.
 Last Two, Last Three legal na sa Kidapawan City – ayon sa isang PNP official 

3.
 Convergence Program kontra kahirapan at malnutrisyon inilunsad ng LGU sa liblib na Sitio ng T’boli, South Cotabato 

4.
 Pagkatapos ng clearing operations sa Marawi City, Martial law sa Mindanao, babawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte     



-0-


Dead on arrival sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC ang isang government employee matapos pagbabarilin sa Tulingan Street, Bagua II, Cotabato City, pasado alas otso kagabi. 

Kinilala ni City Police station 4 commander, Senior Inspector John Minindel Calinga ang biktimang si Amman Lu Juanday, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Lugay-Lugay, Bagua 1 ng lungsod.   

Habang sugatan naman ang dalawang bystander na kinilalalang sina Datu Salam Faisal Paki, 16 anyos at Haynen Credo Mamantar, 20 anyos na pawang mga estudyante at residente  sa lugar.   

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo umano ang biktimang si Juanday sa kanyang motorsiklo habang nakikipag-usap sa isang hindi nakilalang lalaki nang lapitan at pinagbabaril ng suspek na kinilala sa pangalang Fahad.    

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang likod Juanday na sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.  Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero di na ito umabot pa ng buhay.   

Nabatid na malapit na kamag-anak ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang biktima.   Habang tinamaan naman ng ligaw na bala sina Paki at Mamantar na patuloy pa ring ginagamot sa ospital.   

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang 6 na basyo ng kalibre 45 pistol at 3 basyo ng 9mm pistol.   

Sa ngayon  pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek habang  inaalam parin ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.



-0-


Arestado ang walo katao kasama na ang isang guro at midwife na sinasabing miyembro ng Bua Drug Group sa inilatag na drug operation sa panulukan ng Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.  

Kinilala ni PDEA ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang mga nahuli na sina Almusid Karim, 37 anyos, Ibrahim Dub Karim @Ibrahim Tang 36 anyos, Cortes Esmael @Esmael Cortes Karim 47 anyos, Madd-Ryu @ Ahmad Dub Karim 32 anyos, may asawa at isang guro ng Sultan Kudarat National High School, Jimmy Gomez @ nanding 32 anyos, Fatima Empao Karim 26 anyos, Remel Solaiman Ampuan 35 anyos at Nasser Usop Makalinggi 18 anyos isang estudyante.  

Samantala, wala naman sa lugar sina Soljah Karim, Senting Gomez, Jolo Gomez at Justin Gomez ng i-implementa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM, 37th IB PA, RPSB ARMM at Sultan Kudarat PNP ang search warrant na inisyu ni Hon Judge Bansawan Ibrahim Alhaj ng RTC Br 13 na may criminal case # 2017-105 to 2017-109 noong Sept. 13, 2017 laban sa kanila.  

Nabatid na ang BUA drug group ay nag-ooperate sa Central Mindanao.  

Nakuha sa mga ito ang ilang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at ilang mga armas.   Sa ngayon nakakulong na sa detention cell ng PDEA ARMM ang mga drug suspect habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA9165 at RA 10591 laban sa kanila.    



-0-


Nabawi na ng militar ang Raya Madaya-Masiu bridge sa Marawi City sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipagbakbakan sa mga terorista sa nasabing lungsod.  

Matapos nilang makubkob ang naturang tulay, nagpatuloy naman na ang mga pwersa ng pamahalaan sa paglapit pa sa pinagkukutaan ng Maute Group.   Sa ngayon ay nagawa na nilang maikulong sa loob ng 10 ektaryang battle area ang mga terorista.  

Gayunman, aminado si Joint Task Group Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na nahirapan sila dahil magkakadikit ang mga gusali na pawang mga low-rise pa.  

Sa ganitong sitwasyon aniya kasi, mahirap para sa kanila ang pag-“soften the ground.”  

Sa bakbakang naganap kahapon, araw ng Biyernes, isang miyembro ng Maute Group ang napatay ng mga militar.  

Dahil dito, umakyat na sa 689 ang kabuuang bilang ng mga nasawing teroritsta sa loob ng apat na buwan ng Marawi seige.


-0-


Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tama ang iprinisintang matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalaman ng mga personalidad na umano’y nag-pondo sa Marawi seige.  

Kinumpirma rin ni AFP chief Gen. Eduardo Año na kasama nga talaga ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa mga financiers ng mga teroristang lumusob sa Marawi City.  

Ayon kay Año, confidential document ang pinanggalingan nito, pero totoo ang pag-banggit ni Pangulong Duterte kay Parojinog na nauugnay sa mga lawless elements at terorista.  

Aniya pa, ang Maute brothers ay talagang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, at operational aniya ang estilo ng mga ito.  

Inihalintulad pa niya ito sa American crime drama na “Narcos,” na nakatuon sa bentahan ng cocaine sa Colombia, at mistula aniyang Lanao-Misamis cartel naman ang kinasasangkutan ng Maute brothers.



-0-


Bago pa man maibaba ang implementing rules and regulation hinggil sa pagiging legal ng last two at last three sa Kidapawan City, ay isinilbi muna ng mga awtoridad ang mga search warrant hinggil sa mga illegal na nagpapatakbo ng illegal na sugal sa simultaneous operation sa dalawang lugar sa North Cotabato, kagabi.  

Sa Kabacan, North Cotabato, isinilbi ng Provincial Intelligence branch ng CPPO at Kabacan PNP ang search warrant laban sa isang Michael Francisco, residente ng Beting, street barangay Osias ng nasabing bayan.   Bitbit ng mga awtoridad ang search warrant na pirmado ni Hon Judge Alandrex M Betoya ng regional trial court branch 16.  

Naaktohan mismo si Francisco at ang apat na iba sa kanilang bahay na nagta-tally at nagbibilang ng perang kita mula sa last-two.   Habang sa Kidapawan nag-negatibo naman sa ano mang gambling paraphernalia ang bahay ng hinihinalang coordinator din ng illegal na sugal.  

Target ng search warrant operation kagabi ang nagngangalang alyas Ian Dela Cruz ng barangay Sudapin.


-0-


Pasok na sa criteria ng Search for Outstanding Municipal Anti Drug Abuse Council MADAC sa South Cotabato ang drug rehabilitation at integration ng mga lokal na pamahalaan sa mga drug personalities.

Nabatid na batay sa criteria ngayong taon, pinakamalaking 75% na tapyas sa magiging batayan sa pararangalang nga LGU ay mula sa Anti-Illegal Drug Programs, Projects and Activities o PPAS ng mga MADAC.

Kabilang din sa mga indicator sa mga pararangalan ang anti illegal drug operation ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Titingnan din ng mga evaluator ang dami ng mga drug-cleared barangay sa isang lugar.

Saklaw din sa mga batayan ng PADAC na pinamumunuan ng permanent representative nito at Board Member Agustin Demalaa ang orientation, symposium, training, at iba pang mga programang suportado ng konseho.

Mahalaga din na functional ang mga Barangay Anti Drug Abuse Council. Ayon kay Demaala, ilulunsad ang Search for Outstanding Municipal Anti Drug Abuse Council sa Oktobre.

Ang mga magwawaging LGU ay pararangalan sa Provincial Drug Abuse Prevention and Control Week Celebration sa Nobyembre.



-0-


Inilunsad na ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang Convergence Program nito sa liblib na Sitio ng Traan Leteng sa Barangay Kematu, T’boli, South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes unang ipinatupad ang programa sa Sitio dahil sa dami ng malnourish na mga bata. Layon ng Convergence Program na masawata ang kahirapan sa lugar.

Ito ay sa pamamagitan ng mga programa ng pinagisang departamento ng provincial government.

Ayon kay Fuentes, maliban sa tulong na matatanggap, tutulungan din ang mga mamamayan sa lugar na maghanapbuhay para pagdating ng araw ay hindi na umaasa pa ang mga ito sa gobyerno.

Magluwas naman sa lunching sang nasambit nga programa, gin patigayon man ang kasalan sakapin 8 nga pares sa nasambit nga sitio. Masunod naman nga patigayunan snag programa ang mga malagyo nga sitio sa banwa sang T’boli.




-0-


Malinis at maayos na merkado publiko. Ito ang inaasahan ngayon ng lokal na pamahalaan kaugnay sa plano na pagsasaayos ng merkado publiko ng Koronadal,

Ayon kay City Economic Enterprise Development Officer o CEEDO Judith Labial Amido, saklaw sa upgrading ng palengke ang paglalagay din ng mas maayos na parking area kada barangay.

Titiyakin din ang pagkakaroon ng drainage system lalong lalo na sa wet section para mapanatili ang kalinisan.

Mahalaga ayon kay Aminado na maging maginhawa ang merkado publiko para dayuhin ng mga mamimili. Una nang ipinahayag ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na para makaagapay din sa pagdami ng mga mall, kailangang pagandahin din ang mekrado publiko.

Ito ay ipatutupad ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng private-public-partership program o PPPP. Maliban sa merkado publiko nais din hingi ng lokal na pamahalaan ang tulong ng pribadong sektor sa economic enterprise nito.

Kalakip dito ang slaugher house at pinaplanong city hospital. Paliwanag ni Miguel mas madali kasing maipatupad ang mga ito kapag nakikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa pribdong sektor.




-0-




Samantalahin ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF Caravan ng lokal na pamahalaan. Ito ang panawagan ng City Local Government Office ng Koronadal sa mga mamamayan ng lungsod na walang lisensya ang mga armas.

Ayon kay Koronadal City Local Government Officer Juanito Agullana gaganapin ang LTOPF Caravan sa Oktobre 6 hanggang 8. Layon ng one-stop-shop caravan na matulungang makakuha agad ng lisensya sa kanilang armas ang publiko.

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay sa iisang lugar sa mga ahensya ng gobyerno na kailangan sa pagkuha ng LTOPF. Ang mga interesadong mamamayan ay maari lamang makipag ugnayan sa City Local Government Operation Office sa Koronadal City Hall o tumawag sa 228-9457. Ito na ang pangalawang LTOPF Caravan sa South Cotabato.

Matatandaang unang pumila sa LTOPF Caravan sa provincial capitol ang mga negosyante, PNP , militar at ilang opisyal ng barangay sa South Cotabato.



-0-



LEGAL na sa Kidapawan City ang Last Two at Last Three. Ito ang nilinaw ni Chief Inspector Ramel Hojilla, ang officer-in-charge ng Kidapawan City PNP, sa isang press briefing, kahapon.  

Naging batayan ni Hojilla sa kanyang deklarasyon ang impormasyon na kanilang natanggap mula mismo sa Philippines Charity Sweepstakes Office o PCSO.  

Ayon kay Hojilla, may board resolution na ang PCSO na nagde-deklara sa naturang numbers game na legal.   Pero ang maaari lamang magpatakbo o mag-manage nito ay ang Miracle Gaming Corporation na siya’ng nakakuha ng prangkisa at sertipikasyon mula sa PCSO para mag-operate ng Small Town Lottery, kasama na ang Last Two at Last Three.
 

Ang certification mula sa PCSO ay may petsang September 13, 2017 at pirmado ni PCSO general manager Alexander Balutan.  

AYON pa kay Hojilla, hinihintay na lamang nila ang guidelines o implementing rules and regulations mula mismo sa PCSO kung paano ipatutupad ang naturang mga numbers game sa Kidapawan City.  

Dahil dito, hindi na hahabulin ng PNP ang mga nagpapa-Last Two basta’t susunod lamang sila sa guidelines ng PCSO.  




-0-  



Tatlong mga kabataan mula sa Lalawigan ng North Cotabato ang naging qualifiers sa Regional Level Qualifying Exams at Validation ng Young Filipino Farmers Training Program in Japan o YFFTPJ.  

Kabilang dito sina John Paul Cabangal ng Pigcawayan, Alvin Hondante, at Danny Boy Omagap na kapwa mga taga Antipas at pawang mga presidente ng 4h Club sa kani-kanilang lugar.  

Ayon kay 4H Club Cotabato Provincial Coordinator Judy Gomez, magtutungo sa Kamaynilaan ang mga qualifiers kung saan sasailalim sila sa national exams and validation at kung papalarin ay tuluy-tuloy na sa home stay at pre-departure orientation course ng YFFTPJ.  

Malaki naman ang pag-asa ng mga 4H Club members mula sa Cotabato na makapasa sa national level dahil kinakitaan ng husay at potensyal ang mga ito, ayon pa kay Gomez.  

Layon ng YFFTPJ na mapa-angat ang antas ng kaalaman ng mga kabataang magsasaka mula sa Pilipinas at mapalakas pa ang sektor ng agrikulutura sa bansa, alinsunod na rin sa adbokasiya at programa ng Serbisyong Totoo.      



-0-  



NAPATUNAYAN ng 36-taong gulang na si Rosalie Torrefiel na hindi hadlang ang kanyang kapansanan para siya magtagumpay sa buhay.

Gold medalist si Torrefiel sa larong Javelin Throw F12 Women’s Division, sa katatapos lamang na 9th ASEAN Para-Games na ginanap sa bansang Malaysia. Si Torrefiel ay bulag ang dalawang mata.

Ang best distance para makuha ni Torrefiel ang pinakamataas na spot sa Javelin Throw ay 20.75 meters. Nasa pangalawang puwesto si Hemala Devi Eni Kutty ng Malaysia na may best distance na 20.35 meters; at nasa ikatlong puwesto si Vu Thi Kim Thuy ng Vietnam na may best distance na 16.02 meters. Si Torrefiel ay tubong Magpet, North Cotabato.  

Graduate din siya ng Magpet National High School.   NDBC BIDA BALITA  




-0-    



Patuloy ngayong ipinapatupad ang mga proyekto ng Regional Project Coordination Office ng Dept of Agriculture 12 at Project Support Office ng Philippine Rural Development Project sa North Cotabato.

Ito matapos na ilahad ng mga kinatawan ng nasabing tanggapan ang status ng proyekto sa tanggapan ni Gov. Lala Taliño Mendoza.

Kabilang sa mga multi-million projects ang road rehabilitation at concreting ng mga farm to market roads sa Aleosan, Pres. Roxas, Antipas, Tulunan, Kabacan, Pigcawayan, Carmen at Kidapawan City at pagtatayo ng mga rubber consolidation center at sheeter processing plant sa Aleosan, Tulunan, Matalam, Antipas, at Kidapawan City.
Ilan sa mga projects na ito ay completed o tapos na habang ang iba ay ginagawa pa sa kasalukuyan.        




-0-      




Muling nabalam ang biyahe ng maraming sasakyan sa tulay na inaayos sa Sitio Patulangon, Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato kahapon ng hapon.

Ayon kay Makilala Municipal Disaster Risk Reduction Head Phil Jamero, alas 5:00 kahapon ng hapon ng tumaas ng lebel ng tubig sa Patulangon river.

Nagsanhi ito ng pag-overflow ng tubig sa nasabing tulay. Dahilan para lumikha ng ilang oras na bigat sa daloy ng trapiko kahapon.

Una rito, ay natumbahan ng malaking kahoy ang national Highway malapit sa kampo ng 39th IB.
Agad na rumesponde ang Disaster Team ng Makilala at mabilis na nakuha ang nakahambalang na kahoy.

Di kalayuan ay tumaas ang lebel ng tubig sa tulay na inaayos sa Sitio Patulangon kungsaan pansamantalang di muna pinatawid ang mga motorsiklo, multicab, van at ilan pang mga light vehicles.

Pasado alas 6:00 na kagabi ng tuluyang bumaba ang lebel ng tubig sa tulay at nagbalik sa normal ang sitwasiyon ng daloy ng trapiko.

Dahil dito nirereklamo ngayon ng mga motorista ang daan sa sitio Patulangon dahil sa mababang tulay na naging dahilan rin ng ilang disgrasya.    



-0-  



Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa nitong kasama ng pagbabarilin habang nakatayo lamang sa bahagi ng Purok Tagumpay, Brgy. Marbel sa Matalam, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Christopher Jason Sitjar habang sugatan naman si John Lorence Cainglet.

Nangyari ang pamamaril alas 2:30 kahapon ng hapon. Nasa gilid lamang ng provincial road ng nasabing barangay ang mga biktima ng pagbabarilin ng di pa nakilalang mga suspek.

Nagtamo si Sitjar ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang kasama nito na si Cainglet. Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen.          
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy