NDBC BIDA BALITA (9.9.17)

NDBC BALITA  • Sat Sep 9, 2017 05:19 PM  •  98   0
By NDBC NCA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
NEWSCAST SEPTEMBER 9, 2017 (SAT)
7:00 AM
 

HEADLINES:
 

1. MGA MUSLIM sa Marawi city, sabaysabay na nanalangin sa mosque na nabawi ng Army sa Maute.

2. BPAT member na pumagitna sa nag-aaway, napatay. 

3. 33 MGA PRESO sa South Cotabato Provincial Jail, napalaya sa tulong ng Justice on Wheels ng Korte Suprema.  

5. Kaso ng nakawan sa Koronadal, patuloy na dumarami, modus operandi ng mga magnanakaw, ganun pa din.





-0-



Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang gulo sa Marawi City, nakapagdasal nang muli ang mga Muslim sa mosque na nasa loob ng Islamic Center ng syudad.  

Pinangunahan ni Marawi City PNP Chief, Police Supt. Ebra Moxir ang congregational prayer, na ginanap kahapon kasama ng nasa 50 mga Muslim na pulis at sundalo.  

Sinabi ni Joint Task Group PNP commander Senior Supt. Rolando Anduyan na ang naturang mosque ay nabawi ng militar mula sa teroristang Maute Group noong August 24.  

Ito ang ikalawang major mosque na nabawi ng pwersa ng gobyerno mula sa mga terorista, bukod sa Saad al Musairi mosque.  

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng ceremonial turnover ang Army’s 603rd Brigade ng mga maipong relief goods para sa mga piling bayan sa Lanao del Sur at sa Marawi city.
 

Ang aktibidad ay gaganapin sa September 17, sa Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.  

Nabatid na ang naturang Relief Goods na kinabibilangan ng bigas at dry goods ay nakolekta mula sa mga bayan ng Kabuntalan, Datu Odin Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, Talitay, Talayan at Guindulungan sa pamamagitan ng Kapamagayon Inter-agency Task Force.  

-0-


Samantala,  Minamadali na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang pagtatayo ng mga bahay para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.  

Ito ay matapos namang libutin ni DPWH Sec. Mark Villa rang evacuation centers kung saan pansamantalang naninirahan ang mga pamilyang lumikas dahil sa patuloy na giyera sa nasabing lungsod.  

Aniya, aabot sa 241.69 million pesos ang inilaan para sa land development sa Sagonsongan Village na inaasahang makakapag accommodate ng nasa 1,100 families.  

Nabatid na tinatayang nasa 275 transitory houses ang itatayo sa naturang lugar sa tulong naman ng National Housing Authority  


-0-



NAARESTO NA ng Cotabato City PNP ang ikalawa sa kanilang mga target sa ikinakasang Oplan Lambat-Sibat.  
Sinabi ni Police Station 3 commander, police Sr. Insp. Alexander de Pedro ang suspek na si Salido Amba Talipasan, 45 anyos at taga Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.  

Sinabi ni de Pedro na nadakip si Talipasan pasado alas onse ng umaga kahapon sa bisa ng  warrant of arrest na inilabas ni Acting presiding judge Jordan Reyes ng Koronadal City dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
 

Nabatid na namimili ang suspek sa loob ng isang Mall sa syudad nang arestuhin ng mga otoridad.   Ayon sa suspek, una na siyang nahuli sa Koronadal City noong 2015.  

Giit pa nito, nadawit lang siya nang mahuli ang kanyang mga kasama sa sasakyan na may dalang iligal na droga sa nasabing lugar.  

Sa ngayon nakakulong na sa detention cell na ng Police Station 3 ang ginang.  


-0-


KRITIKAL at nakikipaglaban ngayon sa kamatayan ang isang magsasaka matapos mabiktima ng pananaksak sa Midsayap, North Cotabato.  

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si JULY CLARITO AMUALYA, 32 years old, at taga Barangay San Mateo, Aleosan, North Cotabato.  

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang pananaksak sa biktima pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Barangay Kimagango, Midsayap.  

Nagkaroon daw ng alitan ang biktima at ang suspek na nakilalang si Oning Antikristo, 29 years old at residente ng naturang lugar na nauwi sa pananaksak.  

Agad namang tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen at hanggang ngayon ay patuloy siyang tinutugis ng mga pulis.


-0-



MAAARI nang maghain ng Certificate of Candidacy o CoC ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan bago matapos ang buwang kasalukuyan.  

Ito ay dahil wala pang batas na naipapasa para sa postponement ng nasabing halalan na nakatakdang isagawa sa October 23.

Batay sa advisory na inilabas ng Commission on Elections o Comelec, maaring maghain ng kanilang CoC ang mga kandidato simula sa September 23 hanggang sa September 30.  

Nabatid na sa ngayon, dalawang panukalang batas sa Senado at Kamara ang nagnanais na ipagpaliban muli ngayong taon at isagawa na lamang ang barangay at SK polls sa susunod na taon.  

Sa ngayon aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataang election hanggang sa May 2018.  

Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan ang nasabing panukala matapos itong i-sponsor ni House committee on suffrage and electoral reform chairman Sherwin Tugna sa plenaryo kamakalawa ng gabi.


-0-


Inamin ni Pangulong Duterte na ang pag-unlad sa Mindanao sa ngayon ay hindi pa maaring ikumpara sa ibang mauunlad na lugar sa Visayas at Luzon.  

Ayon sa pangulo, medyo nahihirapan ang Mindanao dahil sa presensiya ng mga armadong grupo, gaya ng New People’s Army o NPA na dahilan aniya ng pagka antala ng kaunlaran sa rehiyon.  

Gayunman, giit ng pangulo na malaki pa rin ang posibilidad na uunlad na ang Mindanao sa pagtutulungan na rin ng mga mamamayan nito.  

Samantala, handa na naman si Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines-New People’s Army o CPP-NDFP-NPA, pero may kapalit itong kundisyon.  

Ayon sa Pangulo, kung nais ng mga rebelde na balikan ang peace talks, kailangan munang magdeklara ng ceasefire ang mga ito o tuluyang mauuwi sa giyera ang patuloy na pagmamatigas ng naturang rebeldeng grupo.  



-0-


  

"Maging mahinahon at wag magpadala sa galit".  

Ito ang naging paalala ni Chairman Armando Tungcua ng barangay Tibao sa Mlang North Cotabato kasunod ng umano insidente ng panghahampas ng bote at pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang BPAT kamakalawa.

Sa panayam kay Tungcua, habang nag-iinoman sa isang tindahan ang Ulidan brothers na kinilala lamang sa kanilang mga alias na Jong-jong, Obet at ang isa pa habang ay naroon din sa lugar ang BPAT na si Roger Espartero.  

Una ng may alitan sina Espartero at ang isa sa mga myembro ng Ulidan Brothers. 

Nang magkita sila sa tindahan ay muling naungkat ang naturang alitan.
 

Dito na pumagitna ang isa pang BPAT na si Romy Tagnong dahil sa mainit na ang pag-uusap ng dalawa.   Nagbabala umano si Tagnong na magpapatawag ng pulis kapag hindi tumigil ang mga ito.  

Napagbalingan naman ng tatlong magkakapatid si Tagnong at dito na nila ito hinampas ng bote sa ulo at di pa nakontento ay pinagsasaksak pa nila ito.  

Labing tatlong saksak ang tinamo ni Tagnong na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.  

Agad namang tumakas ang tatlo patungo sa kabilang barangay ng Dalipe pero nahabol din ang magkakapatid.  

Sa ngayon naka kulong na ang tatlong mga suspek at naisampa narin ang kaso laban sa kanila.   NDBC BIDA BALITA    



-0-    


Isasampa na ngayong lunes ang kasong pagtlabag sa RA 9165 o ang Comprehensive dangerous act of 2002 laban sa isang 24 anyos na babaeng naging target ng Search warrant operation ng mga awtoridad alas 7 ng umaga kahapon sa Purok 5, barangay New Culasi Tulunan North Cotabato.  

Kinilala ang nahuli na si Cathyrene Grace Untalan, 24 years old na residente ng nasabing lugar.   Ang operasyon ay binubuo ng Tulunan PNP, RPSB 12 at CIDG.  

Bitbit ng mga awtoridad ang search warrant na ipinalabas ni Hon Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan North Cotabato.  

Sa paghahalughog sa bahay ng suspek ay nakuha ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu partikular sa aparador kong saan nakalagay ang mga damit nito.   Ayon sa report ng nakalap ng awtoridad na tinuturong runner ng droga si Untalan.  

Tudo tanggi naman dito ang suspek sa aligasyon laban sa kanya.



-0-



Nakapagtala ng 123 na vehicular crash noong buwan ng Agosto ang Koronadal City PNP.

Ito ay ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 74 na iba ba. Siyam din sa mga biktima ay pawang mga pedestrian.

Ayon kay Koronadal City Traffic Section Police Non-Commission Officer SPO2 Arnel Falcis karamihan sa mga nasangkot sa vehicular crash ang 97 motorsiklo, 73 automobile, 21 tricycle, walong bus at dalawang bisekleta.

Kinumpirma ni Falcis na pagkakamali ng mga driver ang malimit na naging sanhi ng vehicular crash sa lungsod. Nangunguna dito ang bad overtaking na umabot sa 39, Bad Turning, Overspeeding at Self Accident.

Lumabas din sa datus ng traffic section ng Koronadal PNP na umabot sa 543 ang vehicular crash sa lungsod mula Enero hanggang Hulyo nitong taon.

Ito ay ikinasawi naman ng 19 na biktima at ikinasugat ng mahigit 300 iba pa.

Kaugnay nito, umapela si Falcis sa publiko na para makaiwas sa kapahamakan, mag-ingat sa pagmamaneho lalong lalo na sa mga national road kung saan madalas magkakaroon ng vehicular crash.



-0-


Pinakahuling pinasok ng mga mangnanakaw ang sangay ng Motortrade sa General Santos Drive, Barangay Zone I, Koronadal City.

Ayon sa Manager nitong si Edgar Gonzales 50 anyos, natuklasan ang pagnanakaw pasado alas otso kahapon ng mga pumasok na empleyado.

Hindi pa makumpirma ni Gonzales ang halaga ng tinangay ng mga suspek.

Tulad ng pagnanakaw sa Koronadal nitong mga nakalipas na linggo, dumaan din ang mga suspek sa binutasang bubong at kisame ng ninakawang establisemento.

Nabatid na wala ring close circuit television camera o CCTV sa lugar.

Ipinahayag ni Koronadal City Chief of Police Superintendent Rolan Allan Penaverde na maaring iisang grupo lang ang may kagagawan sa krimen.

Nauna nang umapela si Koronadal Mayor Peter Miguel sa mga commercial establishment sa lungsod na maglagay ng CCTV Camera.

Dahil sa sunod sunod na nakawan nais ng alkalde na reposohin ang CCTV ordinance ng lungsod para mapatawan ng kaukulang penalidad ang mga lalabag dito.

Sa pamamagitan nito ayon kay Miguel ay maaobliga ang mga negosyante na maglagay ng CCTV camera sa kanilang mga tindahan



-0-


33 preso sa South Cotabato Provincial Jail, pinalaya ng Justice on Wheels ng Korte Suprema

Ayon kay Surallah Regional Trial Court Branch 26 Judge Lorenzo Balo, dismissable na ang kaso ng mga pinalayang mga preso.

Ang mga ito ay pawanag nakapiit sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.

Ipinahayag ni Balo na siya ring appointed judge ng Justice on Wheels, ito ay matapos magsumite sa korte ng dessistance affidavit ang mga complainant.

Mayroon ding ibang complainant na hindi na sumipot sa hearing ng mga kaso. Bukod dito ayon kay Balo, walong civil cases din ang naayos sa pamamagitan ng Justice on Wheels.

NIlinaw ni Balo na isang buwan bago isinalang sa Justice In Wheels, isinailalim muna sa screening ang mga preso para sa mas mabilis na paglilitis.

Ayon kay Balo tulad ng medical mission layon din ng Justice on Wheels ng Korte Suprema na mailapit sa mga mamamayan ang korte.



-0-



Nais ng pamilya ng 18 anyos na estudyante na isailalim sa autopsy ang mga labi nito.

Ito ay upang malaman kung may foul play o wala sa pagkasawi nito. Nagduda kasi ang maga magulang ng estudyante nang makitaan ng pasa sa mukha at paa ang umano nagpatiwakal na anak.

Kinilala ng kanyang mga magulang ang biktima na si Lorlyn Magiuob, 18 anyos at taga Barangay Veterans, Surallah, South Cotabato.

Ang biktima ay natuklasan ng mga boardmate nito na wala nang buhay sa kanilang boarding house sa Pinto Street, Barangay General Paulino Santos Koronadal .

Ayon sa mga boardmate ni Mangiuob na sina Joeymae Calaza at Mirabel Joy Cabines, napilitan silang sirain ang lock ng kanilang kwarto dahil walang sumasagot sa loob nito.

Ito ay matapos umanong magbigiti gamit ang looped ng kuryente ang dalaga na estudyante ng isang kolehiyo sa Koronadal City.

Palaisipan din sa mga magulang ng dalaga kung ano ang naging sanhi ng pagpapakamatay nito. Pero ayon sa ina nito, nag-apply umano ang anak para sa isang on the jon training pero hindi ito umabot sa deadline.



-0-


Sumailalim sa Culture Of Peace o COP Training ng pamahalaang panlalawigan ang mga lider ng Muslim Communities sa South Cotabato.

Layon ng tatlong araw na training na maturuan ang mga participant na labanan ang iligal na droga sa kanilang lugar.

Ito ay ayon kay PSWD South Cotabato Provincial Sectoral Division Head at Provincial Muslim Coordinator Genelene Vidanes.

Ayon kay Vidanes lalo pang matutunan ng mga Muslim leaders sa COP training ang kasaysayan, ugat ng kaguluhan at peace process sa Mindanao.

Sinabi ni Vidanes na ito ay dahil sa aktibong pakikiisa mg mga Muslim leaders sa mga proyekto ng pamahalaan sa South Cotabato.


-0-

  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy