Tuesday Jan, 28 2020 03:37:43 PM

NDBC BIDA BALITA 9Dec. 4, 2019)

NDBC BALITA • 16:15 PM Wed Dec 4, 2019
231
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 04, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MOST WANTED PERSON sa Cotabato city, patay matapos manlaban sa mga otoridad na aaresto sana sa kanya kahapon.

2. MILF commander, patay sa pananambang sa National Highway sa Matalam, North Cotabato

3. DALAWANG mga pulis sa region 12, positibo umanong gumagamit ng iligal na droga.

4. PAGPAPALIBAN sa Barangay at SK elections, aprubado na ni Pangulong Duterte

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

PATAY ang Most Wanted Person sa Cotabato city matapos itong manlaban sa mga otoridad na maghahain sana ng warrant of arrest sa kanya kaugnay ng patong-patong na mga kasong pagpatay na kinakaharap nito.

Kinilala ng City PNP ang napaslang na suspek na na si Alip Kitab, nasa hustong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng Purok Lagundongan, Barangay Kalanganan Dos ng lungsod.

Sa report ng pulisya, isisilbi sana ng mga elemento ng 1404th Company-Regional Mobile Force Battalion 14 sa pangunguna ni Police Major Arturo Rivera Jr. ang warrant of arrest laban kay Kitab pasado alas kwatro ng hapon kahapon nang paputukan ng suspek ang mga pulis sa halip na sumuko ng mapayapa.

Gumanti ng putok ang mga pulis sanhi para magtamo ng tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng kanyang katawan ang suspek na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha naman ng mga otoridad ang cal. 45 pistol na ginamit ng suspek at mga basyo ng bala.

Ayon sa pulisya, si Kitab ay kabilang sa apat na mga itinuturong pumuslang sa meter reader ng Colight na si Randolf Ferolin Cabañog noong May 10, 2014 sa Datu Kadir Datumanong Street, Mother Barangay Bagua ng lungsod.

 

-0-

 

Arestado ng CIDG BARMM ang Field Marshall ng Moro National Liberation Front – Bangsamoro Armed Forces o MNLF-BAF na may standing Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Unjust Vexation at Malicious Mischief.

Nadakip ang suspek na si Demetrio Sanchez Jr. sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao pasado alas siyete ng umaga kahapon.

Sa ngayon ay nasa custody na ng CIDG BARMM ang suspek na nakatakdang iharap sa korte anumang araw mula ngayon.

Sa iba pang balita, nagtapos na sa kanilang Basic Military Training sa Camp Brig. Gen. SK Pendatun, sa Parang, Maguindanao ang ikalawang set ng mga dating combatant ng Moro Islamic Liberation Front o  MILF.

Sumailalim sa isang buwang pagsasanay ang trainees upang mapabilang sa Joint Peace and Security Team ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Kasabay ng mga dating MILF combatant sa training ang 77 personnel mula sa AFP at 90 naman mula sa PNP.

 

-0-

 

MAHIGIT LIMANG LIBONG mga bakwit mula sa limang mga bayan at 22 mga barangay sa Maguindanao ang nananatili pa rin sa mga evacuation site dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa kanilang lugar.

Sa report ng Maguindanao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO patuloy pa rin ang mga naririnig na putukan sa lugar kaya hindi pa maaring bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga bakwit.

Nabatid na kabuuang limang libong sako ng bigas, mga noodles at canned goods na rin ang naipamahagi ng Maguindanao provincial government sa mga apektadong pamilya.

Samantala, apektado rin ang pasok sa maraming mga paaralan sa probinsya dahil sa patuloy na bakbakan ng mga sundalo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Karamihan kasi sa mga paaralan ay ginawang evacuation centers.

 

-0-

 

ITINANGGI ni Police Station 2 Commander, Police Capt. Rustom Pastolero na mayroon silang natanggap na opisyal na report kaugnay ng kumakalat ngayon sa social media hinggil sa isang bata sa lungsod na muntik na umanong makuha ng mga taong nakasakay sa isang puting van.

Sinabi ni Pastolero na hanggang ngayon ay wala namang nagpa-blotter sa kanilang himpilan hinggil sa naturang pangyayari.

Kung totoo man aniya ang impormasyon ay dapat na agad itong isumbong sa mga otoridad para maaksyunan.

Pero ayon kay Pastolero, kung hindi naman totoo ang impormasyon ay hinikayat nito ang publiko na itigil ang pagpapakalat ng fake news na nagdudulot lang ng takot sa mga mamamayan.

Pero binigyang-diin ni Pastolero na dapat pa ring maging alerto ang lahat at agad na isumbong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang tao na mamamataan sa kanilang lugar.

 

-0-

 

90 porsyento nang kumpleto ang Massive Immunization program na Sabayang Patak Kontra Polio sa 36 na mga bayan sa Maguindanao.

Sinabi ni IPHO Maguindanao Chief, Dr. Elizabeth Samama na inaasahan nilang magiging 100 percent na ang immunization coverage sa probinsya bago sumapit ang December 8.

Sa ngayon aniya, umaabot na sa kabuuang 176 thousand, 212 ang mga batang edad 0 to 59 Months Old ang nabigyan ng Oral Polio Vaccine.

Target pa ng IPHO Maguindanao na mabakunahan ang nasa 195 thousand, 68 na mga bata hanggang December 7.

 

-0-

 

Dalawang pulis sa rehiyon positibo umano sa iligal na droga ayon sa public information officer ng PNP 12

Maaring ma-dismiss sa serbisyo ang dalawang mga pulis sa Soccksargen na nagpositibo sa iligal na droga. Ang mga ito ay kabilang sa mahigit 6,000 na mga pulis na sumasalang sa random drug test ng PNP 12 noong nakaraang buwan.

Bahagi ito ng internal cleansing sa PNP. Ang nasabing mga pulis na sasailalim pa sa confirmatory test ay ni-relieve na sa kanilang mga pwesto.

Ang mga ito ay pawang mga non-commissioned officers na dating nakatalaga sa North Cotabato at General Santos City. Ito ay ayon kay Police Regional Office 12 Public Information Officer Lieutenant Col. Lino Capellan.

Ayon kay Capellan ang kaso ng dalawang police personnel na nagpositibo umano sa shabu ay inindorso na sa Regional Internal Affairs Service o RIAS ng PNP 12.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Gensan City Police Director Col. Aden Lagradante na mula sa Fatima Police Station agad na inilipat sa Camp Fermin Lira ang pulis na nagpostibo sa illegal drugs. Ito ay habang hinihintay pa ang utos ng PNP 12 na paglipat sa kanya sa regional police headquarters sa Barangay Tambler, Gensan.

 

-0-

 

Mental health ng mga estudyante, tinututukan ng Deped sa South Cotabato

Para matutukan ang mental health ng mga kabataan isasailalim sa psychological first aid training ang mga guro sa South Cotabato. Ito ay ayon kay Deped South Cotabato Project Development and Youth Formation Officer Earl Lope.

Ayon kay Lopez napansin ng Deped ang paglala ng nasabing problema na kadalasan ay nagiging sanhi ng mga suicide incidents sa lalawigan. Ipinagutos mismo ni Deped South Cotabato sa mga school heads na magsagawa ng psychological first aid training sa kanilang mga eskwelahan.

Umaasa si Lope na sa pamamagitan nito ay matutugunan ang nakababahalang mental health issues ng mga kabataan.

 

-0-

 

Children in Conflict with the law sa South Cotabato bumaba ang bilang, ayon sa PNP

Mayroong apatnapung mga youth offender o children in conflict with the law o CICL ang South Cotabato. Batay ito sa naitala ng Women Children and Protection Desk o WCPD ng provincial police office mula Enero hanggang Oktobre nitong taon.

Nilinaw naman ni Police Lt. Jojie Alog ng WCPD na ito ay mas mababa kumpara sa 146 CICL na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon kay Alog karamihan sa mga CICL na ito ay sangkot umano sa pagnanakaw at iligal na droga.

Labinsiyam sa mga ito ay kinasuhan na, isa ang iniimbestigahan at lima ang nai-refer na sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang complainant naman ng siyam na mga CICL ay naghain ng affidavit of disinterested to file a case. Kaugnay nito, ipinahayag ni South Cotabato Provincial Social Welfare and Development Officer Haydee Agustin na ang lalawigan ay mayroong mga pasilidad para sa mga CICL.

Ang mga ito ay ang Bahay Silangan Reformatory Center, Bahay Pagasa, at Regional Rehabilitation Center ng DSWD. Sinabi ni Agustin na ibinabalik di sa kanilang komunidad ang mga CICL na minor lamang ang nilabag na batas.

 

-0-

 

Provincial Health officer pinagiingat sa mga lifestyle diseases ngayong kapaskuhan ang mga mamamayan sa South Cotabato

Ingatan ang kalusugan laban sa mga lifestyle diseases ngayong Holiday Season. Ito ang panawagan sa publiko ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. Ayon kay Aturdido, inaasahan na kasi ang mas maraming aktibidad at handaan tuwing kapaskuhan.

Kaya payo ngayon ni Aturdido sa mga mamamayan iwasan ang sobrang pagkain. Ipinahayag din nito na ikinokonsidera na ring lifestyle disease ang vehicular crash. Paliwanag ni Aturdido, madalas kasing naging sanhi nito ang paginom ng nakalalasing na inumin.

Ayon kay Aturdido 68 hanggang 70 percent ng pagkasawi ng isang tao ay sanhi ng mga non-communicable diseases. Kalakip sa mga ito ang hypertension o highblood, cancer, diabetes at maraming iba pang mga karamdaman na maaring maiwasan sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

 

-0-

 

Pangamba ng publiko sa karneng baboy sa Pasko, pinawi ng DA Secretary

Tumaas muli ang demand ng mga karneng baboy habang papalapit ang Pasko. Ayon sa Department of Agriculture, patunay ito na ligtas pa rin ang karneng baboy.

Ipinahayag ito ni DA Secretary William Dar.

Kaya panawagan ng kalihim sa mga mamamayan patuloy na tangkilikin ang local pork. Layun nito ayon sa kalihim na makatulong sa mga magsasaka na makabawi sa pagsadsad ng kanilang kabuhayan. Kasunod itong pinangangambahang African Swine Fever o ASF disease noong mga nakaraang buwan.

Matatandaan na para matiyak na ligtas sa ASF nagdagdag na quarantine checkpoints sa mga entry points ng South Cotabato ang provincial veterinary office.

 

-0-

 

MILF commander, patay sa pananambang sa National Highway sa Matalam, North Cotabato

Patay ang Moro Islamic Liberation Front o MILF commander matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Marbel Matalam, North Cotabato ala 1:00 ng hapon. Ito ang kinumpirma ni Matalam PNP Chief Police Major Brian Placer sa Radyo-BIDA.

Kinilala ang nasawi na si Hadji Mansor Blancia Imbong, 51 years old, may asawa, Deputy Brigade Commander ng 5th Brigade, 108 Base Command ng MILF at residente sa Purok Tagumpay 1, Baranagy Marbel, Matalam, Cotabato Sa isinagawang imbestigasyon ng Matalam PNP, lumalabas na pinagbabaril ang biktima habang lulan ng kanyang motorsiklo na pauwi na sana ng kanilang bahay.

Sinasabing sinundan umano ng mga suspek na sakay ng Toyota Hilux na walang license plate ang biktima at nang nagkataon ay dito na pinagbabaril at napatay si Imbong Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa motibo sa pagbaril at pagpatay sa kanya. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit dalawang daan na mga indibidwal sa Kidapawan City, makikinabang sa P3.7Million na livelihood assistance ng DOLE 12

Dalawang daan at dalawampu't apat na mga indibidwal ang mabibigyan na ng kanilang mga livelihood assistance mula sa Department of Labor and Employment 12.

Personal na inabot ni Kidapawan City DOLE Head Marjorie Latoja ang P3.7 million na tseke kay Mayor Joseph Evangelista kamakailan Layun ng programa na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga indibidwal na pumasa at kwalipikado sa programa.

Nagmula ang pondo sa DILEEP o DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program. Gagamiting pondo ang nabanggit na halaga na pambili ng starter kits ng mga beneficiaries. Ilan lamang sa makikinabang ay mga mahihirap na mamamayan, mga walang trabaho, senior citizens at ilang mga miyembro ng Balik Pangarap Drug Rehabilitazion Program.

Ilan lamang sa mga livelihood assistance ay welding, carpentry, food processing, street food vending at iba pa. Dole out ang DILEEP na bagamat hindi pautang, ay responsibilidad ng beneficiary na palaguin ito upang makatanggap pa ng dagdag na tulong. Sa unang quarter ng susunod na taon ay ibibigay na ng Public Employment Services Office at ng DOLE ang mga starter kits para sa mga benepisyaryo ng programa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Miyembro ng Communist Terrorist Group na may patung-patong na kaso arestado sa Magpet, North Cotabato

Arestado ng Magpet PNP ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group 1:30 ng hapon nitong lunes sa Purok Family, Sitio Boay-Boay, Brgy. Basak, Magpet, North Cotabato. Kinilala ni Magpet PNP Chief Police Major Judgie Barotas ang suspek na si Nelson Valdevieso Magbanua alias Dodong Magbanua, 60-anyos, may asawa, magsasaka na residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Barotas, ang nasabing suspek ang aktibong miyembro ng New People’s Army sa ilalim ng Guerilla Front 53 na nag-ooperate sa palibot ng paanan ng Mt. Apo.

Si Magbanua ay may warrant of arrest dahil sa kasong murder, two counts sa kasong frustrated murder at five counts frustrated murder na inisyu ni Judge Henelinda J. Molina-Diaz, Presiding Judge of RTC Branch 61, Kidapawan City na may petsang September 22, 2017. Kulong na ngayon ang suspek sa custodial facility ng Magpet PNP at kakaharapin ang kasong isinampa laban sa kanya. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Fault line na nasa Barangay Balabag Kidapawan City, itinuturing na active fault– ayon sa Philvocs

Itinuturing na ngayon ng Philvocs na active faultline ang Balabag fault na nasa Kidapawan City. Sa panayam kay Engineer Milo Tabigue ng Philvocs Kidapawan, sinabi nito na dating potentially active ang Balabag fault na may habang 286meters na ngayon ay active fault na at kayang mag generate ng hanggang sa Magnitude 6 na lindol.

Kapag sinabing active fault ang implikasyon nito ay ang posibleng paggalaw at una na ring isinailalim ang Barangay Balabag na high risk area ng Mine and Geosciences Bureau o MGB.

Maliban dito may iba pang faultlines na lumabas sa kanilang mapa ito ay nasa Matalam, Aleosan, Alamada at Carmen North Cotabato. Ang hazard din ng lindol ay hindi lamang ang ground rapture at ground shaking dahil isa din sa mapanganib kapag may mga pagyanig ay ang landslide o pagguho ng lupa.

May dalawang uri rin ng landslide ito ay ang pagguho ng lupa dahil sa lindol at pangguho ng lupa dahil naman sa patuloy na nararansang pag-ulan sa lugar. 

Nilinaw din ng opsiyal na ligtas pa rin naman anyang magpatayo ng bahay sa mga lugar na tinukoy na may active faultline basta’t sumunod lamang sa pamantayan ng National Building code at dapat ding limang metro ang layo mula sa buffer zone.

Muli din nitong nilinaw na hindi maapektuhan ang Mount Apo kung saan malapit lamang sa paanan nito ang Barangay Balabag dahil anya ito ay potentially active volcano. Kapag nakaranas na ng malakas na lindol ay posibleng sa loob pa ng mahabang panahon gagalaw ulit ang nasabing fault. VC- TABUIGE Si Engineer Milo Tabigue ng Philvocs Kidapawan NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Senior Citizen Focal Person ng DSWD 12, muling ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi na nakatanggap ng pension ang ilang dating mga pensioners sa North Cotabato

Muling ipinaliwanag ng DWSD 12 kung bakit naantala ang pagbibigay ng pension ng mga senior citizen sa ilang mga bayan sa North Cotabato.

Sinabi ni Senior Citizen Focal Person Lavinia Saraw, sumailalim pa sa data cleansing at revalidation ang kanilang systema at maging lahat ng mga pensioners. Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na makatanggap ng reklamo ang Radyo BIDA dahil simula umano noong enero ng taon ay wala pa silang natatanngap na tulong lalo na ang mga senior citizen sa bayan ng Magpet.

Giit din nito na hindi lahat ng mga senior citizen ay makakatanggap ng benipisyo matapos din ng pagbabago sa kanilang sistema at dapat tanging mga kwalipikado lamang o mga matatanda na walang tinatanggap na pension maliban mula sa DWSD.

Pagkatapos nito ay kailangan pa nilang isumite sa central office upang isailalaim sa cross- matching nang masuri kung nagtugma ang lahat ng datus. Ang nasabing hakbang ay upang masiguro na matatanggal sa kanilang dating listahan ang mga benepisyaryong hindi na dapat bigyan ng tulong mula sa gobyerno. VC- SARAW Si Senior Citizen Focal Person Lavinia Saraw ng DSWD 12.

 

-0-

 

 

Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa halip na May 2021, gaganapin na ang susunod na Barangay at SK elections sa December 2022.

Ginawa ng pangulo ang paglagda sa bagonbg batas sa ceremonial signing sa Malakanyang.

Isinailalim ang 600 libong mga estudyanteng kinse-anyos mula sa 79 na mga bansa kabilang ang Pilipinas sa dalawang oras na 2018 Programme for International Student Assessment o PISA exam.

Batay sa resulta ng pagsusulit, isa sa kada apat na estudyanteng Pinoy ay hindi man lamang makakumpleto ng isang basic reading task.

Giit ng OEC, mahalaga ang reading proficiency sa kahit pinaka-ordinaryong aktibidad ng tao kaya dapat itong pagtuunan ng pansin ng Pilipinas.

 

-0-

 

Sa kabilang dako, nagbanta namang muli si Pangulong Duterte na haharangin ang franchise renewal ng media network na ABS-CBN.

Sinabi ng Pangulo na din a dapat umasa ang TV network na magkakaroon pa ng renewal ang kanilang prangkisa.

Sisiguruhin umano ng pangulo na wala na ang ABS-CBN sa susunod na taon.

Nabatid na hanggang sa March 30, 2020 na lamang ang validity ng kasalukuyang prangkisa ng network.

 

Blessed are you father, Lord, of heaven and earth

Reading 12 SM 6:12B-15, 17-19

David went to bring up the ark of God from the house of Obed-edom
into the City of David amid...

MJ joints, shabu seized from 2 minors in Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY  – Police authorities here arrested today two students engaged in peddling of dried marijuana leaves and suspected shabu during...

NDBC BIDA BALITA (Jan. 27, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. HIGIT 400 mga pamilyang bakwit at nasa 600 mga kabataan mula sa dalawang mga...

Fire raze 17 houses in Cotabato City

COTABATO CITY --- Seventeen houses were razed by fire that hit a residential site in Barangay Bagua here on Monday morning.

In a...

Rape suspect from Zamboanga peninsula nabbed in Maguindanao

MAGUINDANAO --- The Datu Odin Sinsuat municipal police arrested Monday a Visayan fugitive from Zamboanga-Sibugay province who is wanted for two...