Friday Mar, 29 2024 05:19:52 PM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 20, 2016)

 • 18:35 PM Sat Aug 20, 2016
2,006
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 20,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KASO NG KRIMEN sa Region 12, bumaba
ng halos limampung porsyento

2. PNP 12 nagbabala sa mga pulis na
sangkot sa ilegal gambling

3. Selos, motibo
ng PNP sa pagpatay ng suspek sa kapwa meat vendor sa Antipas, North Cotabato

4. Robbery gang leader, muling naaresto sa Surallah, South Cotabato BUMABA ng halos 50 porsyento ang bilang
ng krimen na naitala sa buong region 12 noong nakaraang buwan.

Ayon kay Police Regional Office 12
Spokesperson Police Supt. Romeo Galgo, ito na ang pinakamataas na crime
reduction rate sa buong lalawigan.

Resulta umano ito ng matagumpay na
kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon.

Paliwanag ni Galgo, kung ikukumpara sa
mga nagdaang buwan at taon, madalas ay may kaugnayan sa ilegal na droga ang mga
krimen na nangyayari sa kanilang area of responsibility, tulad na lamang ng
nakawan, rape, at pagpatay.

Kung ihahambing sa taunang crime
statistics na naitala ng PNP 12 sa taong 2013 hanggang 2014, nasa 16.5 percent
lang ang ibinaba ng insidente ng kriminalidad sa rehiyon.

MALAKI din ang epekto ng pagbaba ng
insidente ng kriminalidad sa rehiyon dahil sa pagsuko ng libo-libong mga drug
personalities na karamihan ay sangkot rin sa iba't ibang krimen.

Sa unang 46 araw pa lang ng Duterte
administration, ipinagyabang na ni PNP chief Ronald Bato” de la Rosa na
bumagsak ng 49 porsiyento o halos kalahati ang crime index” ng bansa noong
Hulyo, kumpara noong 2015.

Malaki rin ang naging epekto ng
paglulunsad ng barangay at city curfews sa pagbaba ng kaso ng krimen dahil
maagang nakakauwi ang mga kabataan sa kanilang mga bahay.

Idagdag pa riyan ang empowerment” sa
mga mamamayan na magreklamo sa pagtawag sa 911 laban sa krimen at kung tungkol
naman sa serbisyo ng gobyerno ay 8888. KINUMPIRMA ni
Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na si Sailila Abdula na ang bagong OIC
Executive Director ng Philippine Rice Research Institute o PhiRice Midsayap
Branch sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay
Piñol, inaasahang magiging maganda ang kalidad ng bigas na aanihin sa North
Cotabato dahil nagmula mismo sa lalawigan ang bagong direktor ng PhilRice.

Si Dr. Abdula
ay nagtapos ng Bachelor of Science in Agriculture major in Plant Breeding and
Genetics sa University of Southern Mindanao
sa Kabacan, North Cotabato at PhD in
Agriculture sa Chungbuk National University sa Korea.

Kamakailan,
kinilala si Abdula bilang Gawad Saka Outstanding Agricultural Researcher sa SOCCSKSARGEN
Region.

Kinilala rin
ng Development Academy of Philippines na best re-entry project ang
kanyang proyektong may pamagat
Improvement of rice-based farming technology through training of religious
leaders in Maguindanao, ARMMand A pilot test of Madrasah sa Basak.”

Ang Gawad
Saka Award na natanggap ni Dr. Abdula ay pagkilala sa kanyang kontribusyon sa larangan ng rice research,
partikular ang development ng NSIC Rc120 at Rc226 rice varieties, na may
panlaban sa sakit na tungro. NAKAUWI
na sa kanyang pamilya ang elementary teacher na dinukot sa Patikul, Sulu ng mga
hinihinalang miembro ng Abu Sayyaf Group o ASG.

Sinabi
ni Armed Forces of the Philippines o AFP Western Mindanao Command Spokesperson
Major Felimon Tan na pinalaya ng kanyang mga abductor si Arina Bongil, guro ng
Tuup Elementary School, pasado alas dos ng hapon kamakalawa.

Ayon
kay Tan, agad namang inihatid ni Patikul Mayor Kabir Elias Hayudini ang biktima
sa mga kamag-anak nito sa Barangay Anuling.

Nabatid
na sumailalim din sa stress debriefing si Bongil sa tulong ng Joint Task Force
Sulu.

Dinukot
si Bongil ng apat na armadong lalaki sa Barangay Kan Ague, Patikul noong August
16.

Sakay
ng pampasaherong jeep ang biktima nang sunggaban at tutukan ng baril ng mga
suspek.

Wala
nagawa ang guro nang kaladkarin siya pababa sa jeep at saka tinangay ng mga
armadong suspek. NAGDEKLARA
ng All Out War kontra droga ang lokal na pamahalaan ng Datu Montawal,
Maguindanao.

Layunin
nito na tuluyan ng masugpo ang ipinagbabawal na gamot sa bayan, ayon kay Datu
Montawal Vice Mayor Datu Otto Montawal.

Sisikapin
ng lokal na pamahalaan na matapos ang problema sa droga sa loob ng tatlong buwan.

Kaugnay
nito mismong ang mga opisyal na ng bayan kasama ng kapulisan ang nag iikot sa
labing isang baranggay ng bayan upang paalalahanan ang kanilang kababayan na
itigil na ang shabu.

Naglaan
na rin ng P50,000 pesos ang LGU sa sinu mang makagpatuturo o makakapatay sa Big
Shot Dealer o Drug Lord ng Shabu sa bayan.

Titiyakin
din ng opisyal na magiging Drug Free Municipality ang Datu Montawal sa mga
susunod na buwan. KASUNOD
NG PANSAMANTALANG PAGPAPALAYAsa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, nagdeklara
ng seven-day unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines o CPP
at New People's Army o NPA.

Idineklara
ito ng CPP-NPA sa bisperas ng biyahe ng mga peace panels papuntang Oslo, Norway
para sa formal peace talks ng gobyerno at National Democratic Front o NDF.

Nagsimula
ang ceasefire alas 12:01 ng madaling araw kanina hanggang 11:59 gabi ng Agosto
27.

Ayon
sa Public Information Bureau ng CPP, ang ceasefire ay para ipagdiwang ang
panunumbalik ng formal GRP-NDFP peace talks. Nakatakdang sumailalim sa evaluation ng Seal of Good Local Governance ang Kidapawan City LGU sa susunod na linggo.
Dahil dito, nakahanda na si City Mayor Joseph Evangelista at ang mga department heads ng City Hall sa itinakdang Seal of Good Local Governance o SGLG Evaluation na pangangasiwaan ng Department of Interior and Local Government.
Ang SGLG o mas kilalang Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ay ginagawad ng DILG sa mga natatanging Local Government Units sa bansa sa kanilang husay sa pamamahala, pagbibigay serbisyo publiko at pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad.

Upang makamit ng Kidapawan City LGU ang naturang selyo, kinakailangang maipasa nito ang tatlong ‘core assessments’ ng SGLG gaya ng mga sumusunodand Good Financial Housekeeping Disaster Preparedness at Social Protection.

Dagdag din dito ay ang pagkakapasa sa isa sa alin mang core assessments na kinabibilangan ng and Business Friendliness and Competitiveness Environmental Protection at Law and Order Public Safety.
Kapag nakuha ng Kidapawan City LGU ang selyo, tatanggap ito ng mga insentibo mula sa DILG gaya ng Performance Challenge Fund at iba pang performance based benefits and projects mula sa National Government.

Gagawin ang SGLG Evaluation sa darating na August 22-23, 2016.
Hindi na nagawang maisalba ng mga doktor ang buhay ng isang meat vendor matapos ang dalawang oras na pakikipaglaban nito sa kanyang buhay dahil na rin sa ilang tama ng bala sa kanyang katawan.Ang biktimang si Ruel Besares, 25-anyos ay binaril ng suspek na si Alvin Cadungon parehong taga Antipas, North Cotabato.Ang insidente ay nangyari sa loob mismo ng public Market ng Antipas pasado alas dos ng hapon kahapon.

Si Besares ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib mula sa kalibre 45 na baril base na rin sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.Nakatakas pa ang suspek patungong barangay Linao, Matalam area.

Pero pagdating ng alas singko ng hapon kahapon ay tuluyan ng naaresto ang suspek na nagtatago lamang sa Duyan Street, Purok 6, Poblacion Antipas.

Nabatid na lasing umano ang suspek ng barilin ng ang biktima na parehong may stall sa palengke na nagbebenta ng karne.Iniimbestigahan pa ngayon ng PNP ang motibo sa pamamaril habang inaaam pa kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek na nakakulong sa Antipas PNP lock up cell.
Hindi na umabot sa kanyang kasal ang isang lalaki pati na ang kanyang kapatid nang pagbabarilin sila ng di pa kilalang mga suspek sa barangay Inug-og, Pikit, North Cotabato pasado alas otso ng umaga kahapon.Kinilala ni Chief Ins. Bryan Placer, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Mujaid Musain at Abdul Nasser Musain na taga Brgy. Talitay, Pikit.Ayon kay Placer, sakay ang mga biktima sa kanilang motorisklo mula sa kanilang bahay at papunta na sana sa brgy. Batulawan kung saan ikakasal si Mujaid na naghihintay naman ang kanyang mapapangasawa.Pero bago paman makarating ang dalawa at habang nasa area ng barangay Talitay ay doon na sila pinagbabaril ng riding tandem criminals.Sa imbestigasyon ng PNP posibleng sinundan ng mga suspek ang dalawa at naghahanap lamang ng tiempo para sila ay patayin.

Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang natamo ng mga biktima gamit naman ang 45 caliber pistol. Patay on the spot ang magkapatid.

Awayan sa pamilya naman ang sinusundang anggulo ng PNP na posibleng dahilan sa krimen.

Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril habang patuloy namang iniimbestigahan ang insidente at iniaalam din kung sino sa magkapatid ang target ng mga suspek.
Tinutulan ng ilang progresibong grupo sa North Cotabato ang plano ngayon ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa implementasyon ng Peace and Development outreach Program o PDOP sa higit sampung barangay sa Kidapawan City.Bagaman at hindi pa ito tuluyang naisagawa sa lungsod dahil sa hindi rin pagsang-ayun ng ilang Sangguniang Panglungod members, kinontra naman ng progresibong grupo.Sinabi ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilinas sa North Cotabato baka raw kasi maulit lamang ang mga nangyaring pagpatay at panhaharas ng militar sa mga magsasaka at residente kagaya sa mga nangyari sa ibang bayan na may PDOP kagaya ng MAkilala, President Roxas, Arakan at Tulunan.Ayaw rin nilang matulad ang mga magsasaka kay Joel Gulmatico sa bayan ng Arakan na umano pinatay ng militar at nangyari ito sa kasagsagan ng implementasyon ng nabanggit na programa sa bayan.Ayon kay Alborme, tahimik ang mga barangay sa Kidapawan City at hindi na kailangan ang presensya pa ng militar.Nag-ugat naman ang proposal ng 39th IB kay City Mayor Joseph Evangelista kaugnay sa kanilang implementasyon ng PDOP maging pag-presenta nito sa mga konsehal ng lungsod matapos ang umano mga reports na kanilang mga natatangap na ilang mga barangay na sa bayan ang impuwensyado ng New People's Army.Ang iba rin raw ang nagsusuporta at nagbibigay pa sa NPA.

Una nang tiniyak ni 39th Infantry Battalion Commander Lt. Col Harold Argamosa na walang dapat ikatakot at ipangamba ang mga residente sa implementasyon ng programa dahil pagsasagawa ng evaluation at pagbibigay tulong lamang ang kanilang gagawin sa mga barangay ng Kidapawan City.Ang pahayag na ito ng militar ay una na ring sinuportahan ni City Vice Mayor JUn Piñol basta sisiguraduhin lamang ng mga sundalop na walang mabubuwis na buhay sa kanilang gagawing programa.

NDBC BIDA BALITA
Abot sa 10.5 million pesos ang nakatakda ngayong ipamahagi ng Lokal na pamahalaan ng Kidapawan bilang PTA Subsidy sa lahat ng mga public

elementary at high school ng lungsod.Bawat estudyante ay makakatanggap ng tig tatlong daang piso mula kindergarten hanggang grade 10 sa Junior High School.

Ngayong school year 2016-2017, nasa halos 35 thousand na mga estudyante ang makakabiyaya ng nabanggit na subsidiya.Ang nabanggit na subsidy ang siyang pangako ni City Mayor Joseph Evangelista para mas gumaan ang mga bayarin ng mga magulang sa mga school feels

at proyekto ng kanilang mga anak.Sa pamamgitan kasi nito malilibre na ang mga babayarin ang mga proyekto sa eskwelahan base na rin sa zero collection policy ng DepEd.

Gagawin ang pamamahagi sa mga tseke kasabay ng gagawin ng PTA Summit sa August 26 na mismong ibibigay ni Mayor Evangelista. Plano ngayong humingi ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ng abot sa 64 Billion pesos na pondo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Piñol ito ay para gamitin sa mga proyekto at programa ng kagawaran sa susunod na tatlong taon.Sakaling maaprubahan ng pangulo ang nabanggit na pondo ay makatatanggap ng libreng binhi at abono ang mga magsasaka particular sa North Cotabato.Nais kasi ni Piñol na matulungan ang mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita at makapagbenta ng dekalidad na bigas merkado.Ang pahayag na ito ng opisyal ay narinig ng daan daang magsasaka pati na mga local chief executive ng lalawigan sa isinagawang Tapatan sa DA na

ginanap nitong martes sa JC Complex, Kidapawan City. Bilang bahagi ng agri-business development program ng Office of the Provincial Agriculturist ng North Cotabato, isinagawa kamakailan ang training

on durian fruit processing sa Poblacion, Magpet ng lalawigan.

Ito ay pinangunahan ng Socio-economics Division ng OPA sa pamamagitan ng Food Laboratory In-charge na si Ms. Marivic Supeña.Abot sa 25 kalahok ang dumalo sa nabanggit na training na pawang mga kasaping Rural Improvement Club (RIC) na binubuo ng mga maybahay ng mga

magsasaka mula sa iba’t-ibang barangay ng Magpet.Ayon kay Provincial Agriculturist EliseoMangliwan, layunin ng training na maibahagi ang kaalaman tungkol sa durian fruit processing sa mga

maybahay ng mga magsasaka upang magkaroon sila ng dagdag na pagkakakitaan sa pamamagitan ng value adding sa durian na sagana ngayon sa pamilihan

at karaniwan nang ipinagbibili na sariwa ng hinog na prutas.Naituro sa mga kalahok ang paggawa ng durian pie, tart, jam at pastillas na higit na mahaba ang shelf life kumpara sa sariwang prutas ng durian.

Dagdag pa rito, natutunan rin ng mga RIC members ang paggawa ng banana cake at cookies maging ang paggawa ng calamansi concentrate.Ang fruit processing mula sa durian, saging at calamansi ay mainam na value adding na negosyo na makapagbibigay ng mataas na presyo at

makakapagpahabang shelf life ng produkto
Selos ang sinusundang anggulo ngayon ng Antipas PNP sa motibo sa pamamaril sa isang meat vendor na nangyari nitonf nakaraang araw sa loob mismo

ng palnengke ng bayan.

Ang biktima na si Ruel Besares, 28-anyos ay binaril ng suspek na si Alvin Cadungon parehong taga Antipas, North Cotabato.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na madalas raw nakikita ng suspek ang asawa nito at ang biktima na nag-uusap.

Magkaharap lamang din kasi ang pwesto sa nirerentahang stall sa loob ng palengke ng suspek at biktima.

Una rito pasado alas dos ng hapon kamakalawa nang pagbabarilin ng suspek na si Cadungon ang biktimang si Besares.Lasing umano ang suspek nang gawin ang krimen na mabilis pang nakatakas.

Dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib na natamo ng biktima agad itong binawian ng buhay.

Kahapon sa isinagawang pursuit operation ng PNP ay agad namang nahuli ang suspek na ngayon ay nakakulong na Antipas PNP lock up cell habang

inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Samantala, kulong naman ang isang magsasaka matapos maaresto sa isinagawang search operation ng Kidapawan City PNP sa barangay Mu-an ng lungsod.

Kinilala ang suspek na si Lorito Arcayos, 31 anyos .

Sa paghalughog sa bahay ng suspek nakuha mula sa kanya ang tatlong pinaghihinalaang shabu.Nakakulong na ngayon sa PNP Lock up cell si Arcayos habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

NDBC BIDA BALITA Hinimok ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang mga Magsasaka, Business Sector, at maging ang Local Government unit o LGU na palakasin pa

ang produksyon ng mga prutas sa lungsod.Ito ang ipinahayag ng alkalde sa isinagawang fruit congress kahapon sa JC Complex Kidapawa City na bahagi ng Selebrasyon sa Kasadya sa Timpupo

2016.Ayon pa kay Evangelista na magpahanggang ngayon ay producer parin ang lungsod ng Kidapawan sa usapin ng produksyon ng mga prutas, hindi kagaya sa

bansang Thailand na nakakagawa na sila ng rambutan in canned sa loob ng mahigit labing limang taon

Kinakailangan anya na bigyang halaga ang mga produkto sa mga prutas sa lungsod.Ibinahagi rin ng opisya ang sinabi ni Agriculture Secretary Manny Pinol na sana matapos na ang araw na tatawagin ang Pilipinas na producer kundi

isa ng manufacturer ng mga prutas.

Isa sa mga nakikitang problema kasi ni Evangelista sa ilang Pilipino ay ayaw pumailalim sa quality control.Kaya umaasa ito na ang naganap na fruit congress ay makakatulong lalo na ang pakikibahagi ng ibang mga LGU sa probinsya at maka likha ng isang

fruit industry upang makatulong sa lahat ng mamamayan sa North Cotabato.Sa kabilang dako, aasahan naman ang gagawing re-routing ngayong araw na pangungunahan ng Traffic Management Unit, PNP, BPAT at ibang force

multipliers na ikakalat sa buong lugar kaugnay sa gagawing Costume Parade ng ibat-ibang sektor sa Kidapawan City bilang hudyat sa pagsisimula ng

Kasadya sa Timpupo Festival ng lungsod. Mamayang alas singko ng hapon hanggang gabi ay matutunghayan naman ang Bb. Kalikasan 2016.

Una nanamg tiniyak ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla na walang dapat ikatakot at ipangamba ang publiko sa kanilang seguridad dahil

ligtas ang Kidapawan City sa anumang oras.
ANG BABALA ay
mula sa tagapagsalita ng Philippine National Police regional office 12 na si
Supt. Romeo Galgo Jr.

Sa panayamng
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal Ayon kay Galgo, sinabi ni Galgo na hindi ka
tanggaptangap ang mga gawaing ito ng sinumang miembro ng PNP alinsunod sa
kautusan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Sinabi ni
Galgo na sasailalim sa proseso at imbestigasyon ang mga pulis na sangkot sa
ilegal na sugal kapareho sa ibinibigay nitong pagkakataon sa mga pulis na
sangkot sa ilegal na droga.

Ito ang
reaksyon ng opisyal matapos ang isinagawang operasyon ng Koronadal City PNP sa
isang outlet ng ilegal na sugal sa Barangay Zone IV.

Sa naturang
operasyon, naaresto ang isang Annie Jean Torres, 43, residente ng Barangay Zone
4 at sinasabing coordinator ng last two.

Nabatid na may
nakuhang mga index cards mula kay Torres at naglalaman ng pangalan ng ilang pulis
mula sa Provincial Headquarters at CIDG South Cotabato.

Idinagdag niya na isasailalim sa proseso ang
nakuhang talaan at sasailalim sa due process ang mga sangkot sa illegal
gamling, kung meron man. ###

0NAABO ANG
MAHIGIT ISANG DAANG libong pisong halaga ng mga ari-arian sa sunog na naganap
sa Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni
Tupi Fire Marshal Eugene Mangilaya ang may ari ng bahay ni si Nestor Bulahan.

Dahil sa gawa
sa light materials ang bahay ay mabilis itong nilamon ng apoy. Posible umanong
pinaglaruan ng apat na taong gulang na bata ang isang lighter na naging dahilan
ng sunog.

Iniwan umano
ni Bulahan ang kanyang dalawang anak na nagkakaedad ng anim at apat na taon sa
bahay nang maganap ang sunog. Maswerteng
nakalabas ito ng kanilang bahay bago tuluyang nilamon ng apoy.

Kaugnay nito,
nagbabala naman ang Bureau of Fire Protection sa mga magulang na ilagay sa
matataas na lugar ang mga posporo o lighter kung may mga bata sa bahay para
makaiwas sa sunog. ###

Kinilala ng
Surallah PNP ang suspect na si Mamerto Malinao Orbasayan, 53 taong gulang at
lider ng Orbasayan robbery gang.

Sa panayam ng
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal, sinabi ni Surallah town police station commander
Chief Inspector Joel Fuerte na si Orbasayan ay naaresto sa ginawang
anti-illegal drug operation sa Barangay Colongulo alas 6 ng gabi.

Siya ay
naaresto na noong nakaraang taon dahil sa mga kasong murder, robbery hold-up at
pagtutulak ng illegal drugs. Pero ito ay
nakatakas.

Sa anti-drug
operation, dala ng mga police ang search warrant na inilabas ni Judge Lorenzo
Balo ng Regional Trial Court 26 Surallah.
Nakuha mula kay Orbasayan ang limang sachet ng shabu at illegal drug
paraphernalia.

Hindi na
nagawang tumakas ng suspek dahil napaligiran na ito ng mga pulis.

Inihahanda na
ang dagdag na kaso laban sa suspect na ngayon ay nakapiit sa Surallah police
lock-up cell. ###

Umabot sa pitong internet café sa
Koronadal City ang sinuspinde dahil sa kawalan ng business permit at
nagpapapasok pa ng mga menor-de-edad kahit oras ng klase.

Nabatid ng Radyo Bida Koronadal na
nagsagawa ng surpresang inspeksyon ang Internet Ordinance Regulatory Board Team
o IORB at city social welfare office sa 24 na internet café sa lungsod.

Natuklasan na sa 24 na mga internet
café, pito dito ang walang business permit ngunit nagpapatuloy pa rin sa
kanilang negosyo.

Ang pitong internet café ang nagmula
sa Barangay Sto. Nino, Zone II at Esperanza.

Binigyan ng limang araw ang mga
may-ari ng internet cafe upang asikasuhin ang kanilang business permit. Pinagmula din sila ng tig-dalawang libogn
piso.

Samantala, abot naman sa 19 na mga
kabataan ang naabutan ng city government team na nasa loob ng internet café sa
oras ng klase.

Ayon sa IORB, ang mga kabataan ay
isinailalim sa counselling ng kani-kanilang paaralan.####

Hiniling
ni South Cotabato Chief of Hospital Dr. Condrado Brana sa mga pasyente o
kamag-anak nito na iparating sa kanya ang mga reklamo sa serbisyo ng pagamutan
sa halip na i-report sa 8888 Hotline.

Ito
ang panawagan ni Brana sa mga nagpapagamot na mamamayan sa kabila ng pagbubukas
ng 8888 hotline.

Sinabi
niya na bukas ang kanyang tanggapan upang makinig sa mga reklamo tungkol sa
serbisyo ng hospital at pag-uugali ng mga empleyado nito.

Hinikayat
pa nito ang mga gustong magreklamo na kung nahihiya ang ito ay bukas naman ang
telepono ng kanyang opisina.

Umaasa
si Brana na kahit undermanned o kulang sa kawani ang Provincial Hospital ay
kayang nitong mabigyan ng sapat na atensyong medical ang mga pasyente.

Una
nang sinabi ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na lapitin talaga
ng reklamo ang South Cotabato provincial hospital lalo na pagdating sa
pag-uugali ng mga empleyado. ####

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...

BARMM, Inter-Agency Teams implement OPLAN HARABAS, nets 1 conductor positive for drug use

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency in the Bangamoro Region and police units in the city conducted on Tuesday "Oplan Harabas" in a...