Saturday Apr, 20 2024 01:17:04 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 22, 2016)

 • 17:31 PM Mon Aug 22, 2016
1,639
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 22,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KLASE sa mga pampubliko at pribadong
pre-school at elementary school sa Cotabato city, suspendido ngayong araw.

2. Isa pang kaso ng pamamaril, naganap sa Cotabato City Tatlo patay sa Datu Hofer, Maguindanao3. PINANINIWALAANG supporter ng ISIS, napatay
ng mga pulis sa Sarangani.

4. Mag-asawa, huli sa illegal gambling operation sa South Cotabato

sand//scontent.fmnl4-6.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/14089131_1030984343675041_6776442817500817115_n.jpg?oh=c32247a9640e31bef40523902a52382fandampoe=58488BE4 (Inaayos ng mga miembro ngNorala PNP ang illegal gambling paraphernalia na nakumpiska sa isinagawang raid laban sa mag-asawa na nakaupo sa kanan - Radyo Bida Koronadal photo) SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng mga
private at public pre-school at elementary school sa Cotabato city ngayong
araw.

Sinabi ni city executive secretary Boy
Rasalan na base kasi sa pagtaya ng PAGASA, nasa 80 hanggang 95% ang tsansa ng
pag-ulan ngayong buong araw ng Lunes, August 22.

Kaya aniya, nagdesisyon ang City LGU na
suspendihin ang klase para pangalagaan ang kalusugan ng mga batang mag aaral.

Samantala, may pasok naman sa mga lahat
ng mga secondary at tertiary level dahil ayon kay Rasalan, kaya naman ng mga
itong pangalagaan ang kanilang sarili laban sa pabago-bagong panahon.

BINAWIAN AGAD NG BUHAY ang payong-payong
driver matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Cotabato city.

Alas tres ng hapon kahapon nang mabaril
at mapatay ang biktimang si Jhulcain Tameyang Giosol, 27 years old, may asawa
at taga-Baranggay Tamontaka Uno ng lungsod.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng
Datu Udtog Matalam street, Malagapas, Baranggay Rosary Heights 10.

Batay sa paunang imbestigasyon ng City
PNP, naabutan nila ang biktima sa lugar na nakabulagta na at duguan.

Nabatid na ipinaparada lang ng biktima ang
kanyang minamanehong payong-payong sa nabanggit na lugar nang lapitan siya ng nag-iisang
suspek saka pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Limang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol
ang natagpuan sa crime scene.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad
ang motibo sa naturang panibagong insidente ng pamamaril at kung sino ang
posibleng suspek sa krimen. HULI kagabi
ang tatlong mga lalaki kaugnay ng mas pinaigting na kampanya ng Cotabato City
PNP laban sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa lungsod.

Pasado alas
siyete kagabi nang damputin ng nagrorondang mga pulis ang tatlong mga suspek sa
Barangay Rosary Heights 3.

Kulungan ang
bagsak ng pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga na nakilalang si Alimudin
Mohammad Kandado, 30 years old, tricycle
driver at taga- purok Capocao ng naturang barangay.

Huli din ang
kanyang dalawang buyers nito na nakilala namang sina Richard Maglinog Ong, 33,
taga-Barangay Poblacion Dos ng lungsod at si Armando Ayodtod Apao, 32.

Nadakip ang
tatlo habang ginagawa nila ang transaksyon.

Nakuha mula
sa mga suspek ang tatlong mga sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng
abot sa dalawang libong piso at mga drug paraphernalia.

Nakatakda
nang sampahan ng kaukulang kaso ang tatlo ngayong araw. DEAD
ON THE SPOT ang dalawang di pa nakikilalang mga lalaki matapos na pagbabarilin
sa Datu Hofer, Maguindanao.

Dead
on arrival naman ang isa pang biktima na nakilalang si Roger Baylon Castor, 20 years
old, estudyante, at taga-barangay Saliao, Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon
kay Datu Hofer PNP Chief of Police, Sr. Insp. Bryan Balite, ang isa pang
biktima ay nakilala lang sa alyas na ‘Joros’ sinasabing taga - Datu Abdullah
Sangki, Maguindanao.

Nabatid
na pasado alas onse ng gabi kamakalawa nang makatanggap sila ng sumbong mula sa
mga residente ng barangay Labu-Labu 2 hinggil sa naturang pamamaril.

Nang
magresponde, natagpuan ng mga pulis sa crime scene ang ilang mga basyo ng bala
mula sa M-16 rifle at caliber .45 pistol.

Blanko
pa rin ang mga otoridad sa motibo ng naturang pamamaril at sa pagkakakilanlan
ng mga salarin.

Samantala,
sa ngayon ay nasa St. John funeral h0me, sa Esperanza ang mga bangkay ng
dalawang hindi pa nakikilalang biktima.

Kaya
naman nanawagan ang Datu Hofer PNP sa mga nawawalan ng kamag-anak na magtungo sa
naturang punirarya para matingnan ang mga bangkay. NAGULANTANG
ang mga residente malapit sa isang paaralan sa Isabela City, Basilan nang
makatagpo ng improvised explosive device o IED sa kanilang lugar kahapon ng umaga.

Nadiskubre
ang IED sa malapit sa gate ng MS Bernardo Elementary School sa Barangay Dikki.

Ayon
kay Explosive Ordinance Disposal Team head, Police Senior Inspector Serafin Jun
Reyes, isang uri ng ‘pipe bomb’ ang IED na kinabitan ng cellphone na magsisilbi
sanang triggering device.

Aniya,
may kakayahanh makapaminsala at makapatay ng mga inosenteng sibilyan ang
naturang bomba kapag sumabog.

Nagsasagawa
na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang grupo na nagtanim ng
bomba at ang posibleng motibo ng mga ito sa paghahasik ng karahasan. BINALAAN
ng Food and Drugs Administration o FDA ang publiko sa pagbili ng apat na gamot
sa merkado, matapos matuklasang hindi rehistrado sa kanilang tanggapan at
posibleng magdulot ng problema sa kalusugan ang naturang mga gamot.

Base
sa FDA Advisory No. 2016-084, naglabas ito ng public health warning sa publiko
laban sa pagbili at paggamit ng mga sumusunod na gamotandBetahistine
dihydrochloride (Pronounced
as BETAHISTIN DAY-HAYDRO-CLORIDE) o Serc 8mg tablet na gawa ng
Highnoon Laboratories Limited Cinnarizine
o Stugeron 25mg tablet na gawa ng Johnson andamp Johnson

Betahistine
dihydrochloride (Pronounced
as BETAHISTIN DAY-HAYDRO-CLORIDE) o Serc 16mg tablet ng Abbott
Healthcare SAS

at
Ketorolac Tromethamine (Pronounced as KETOROLAK TROMITAMIN) o
Ketorocin-0.5 Ophthalmic Solution 5ml na gawa ng Appasamy Ocular Devices private
Limited Pharma Division.

Ibinunyag
ng FDA na hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ang naturang mga produkto at
maaaring makasama ito sa kalusugan. Nakakulong na ngayon sa lock uy cell ng pulisiya ang magasawa na nahuli sa anti illegal gambling operation ng mga pulis sa Norala, South Cotabato.
Kinilala ni Norala, Chief of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga ang mga suspek na sina Pino Magbanua at misis nitong si Nanet.
Ang magasawang Pino ay naaresto ng mga pulis sa kanila mismong lugar sa Barangay Liberty,Norala.
Ayon kay Madriaga, nakuha mula sa magasawang suspek ang bet money, resibo, ballpen,white board at talaan ng mga nagre-remitt sa kanila.
Inihayag ng police official na ang magasawang Pino ay coordinator ng iligal na sugal sa Norala.
Inaresto ng mga pulis ang mga suspek sa bisa ng search warrant ni Surallah Regional Trial Court Branch 26 Judge Lorenzo Balo.
Ang pagaresto sa magasawang suspek ay bunsod ng pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na sugal ng pulisiya sa South Cotabato.
Matatandaan na isang babae rin na nagpapataya ng illegal numbers game ang naaresto ng mga pulis sa Koroneal City noong Byernes.

Itinalaga ng Environment and Managemnt Bureau ng Department of Environment and Natural Resources o EMB- DENR 12 ang 15 Local Government Units para maging point person sa coordination at documentation.
Ito ay kaugnay naman sa National Clean-up Day na pangungunahan ng ahensya sa September 17.
Ayo kay Bai Soraya Meditar ng EMB-DENR 12 kabilang sa mga LGUs na ito ang mga lungsod ng Cotabato, General Santos, Tacurong,Kidapawan at Koronadal.
Napili din nila ayon kay Meditar ang mga bayan ng Isulan sa lalwigan ng Sultan Kudarat ,Makilala sa North CotabatoPolomolok, Tupi,Tantangan, Banga, Surallah at Sto. Nino sa South Cotabato.
Ayon kay Meditar magiging sentro din ng kanilang coordination at documentation sa selebrasyon ang mga bayan ng Alabel at Maitum sa Sarangani.
Inihayag ni Meditar na makikipagtulungan din ang EMB asa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng DepEd,at DILG.
Ang malawakang clean up drive ay kabilang sa mga prayordad na programa sa unang 100 araw ng Duterte Administration.
Pupulungin naman ng ahensya ang kanilang mga stakeholders para sa finalization ng malawakang clean up drive sa susunod na linggo.
Nabatid na kasabay din National Clean-up Day sa September 17 ang Nnational Coastal Clean-up Day.
Ipinagutos ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang suspension ng quarry operation sa Communal Quarry Area sa mga barangay ng Namnama at Caloocan sa Koronadal City.
Ito ay matapos ireklamo ng mga residente sa lugar.
Ayon kay Provincial Environment and Management Officer Seigfred Flaviano,pinangangambahan ng mga residente malapit sa quarry site ang unti unting pagguho ng lupa.
Matapos masuri ang lugar inirekomenda ng Provincial Mining and Regulator Board o PMRB ang temporaryong pagpasara sa quarry site.
Ayon kay Flaviano, maari lamang buksan muli ang quarry site kapag nakapagsumite ng Resolutionn Interposing No Objection mula sa dalawang barangay ang mayari nitong si Lorenzo Forro.
Gayunpaman ayon kay Flaviano, dapat kasama sa kokonsultahin sa usapin ang mga nagreklamong residente.
Ang pagpapasara sa Namnama-Caloocan Communal quarry site ay ipinagutos ni Fuentes kasunod nang pagbubukas ng communal quarry site sa Tapland River sa Barangay Topland, Koronadal City. Inaalam pa ng pulisiya ang pagkakakilanlan ng tatlong mga ISIS supporter na napatay ng PNP SAF sa Barangay Dalio, Maasim, Sarangani Province.
Ito ay ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer, Superintenent Romeo Galgo.
Ayon kay Galgo pakay lamang sana ng mga pulis na beripekahin ang presensya ni Mohammd Jaafar Maguid nang paputukan sila ng mga tauhan nito noong Sabado.
Si Maguid ay founder ng grupong Ansar Al-Khilafa na supporter ng ISIS.
Matatandaan na ang kuta ng grupo ni Maguid sa Palimbang Sultan Kudarat ay nabawi ng Marine troops Nobyembre noong nakaraang taon.
Inaresto naman mga pulis kasunod ng encounter sa Barangay Daliao ang supporter ni Maguid na si Mustapha Gansing.
Bolontaryo namang isinuko ni Gansing sa ang dala nitong 9 millimeter UZI machine pistol.
Nakuha rin ng mga pulis sa bahay ng isa pang tauhan ni Maguid sa kampo na si Kupang Sahak ang isang ISIS Flag, at mga sangkap sa pampasabog.
Natuklasan ng mga pulis ang kuta ni Maguid sa tulong ng komunidad.
Umapela naman si Galgo sa pulbiko na para sa pagpapanatili ng katiwasayan agad na isumbong sa mga otoridad ang mga nagkukutang armadong grupo sa kanilang lugar.
Magpapatayo ng dagdag na pasilidad sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center o SCPRDC ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Layon nito na maibsan ang siksikan ng mga preso sa pasilidad.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, gagawin ding kulungan ng mga preso ang mess hall ng kulungan.
Matatandaan na sa ngayon abot na sa mahigit 1000 ang mga preso sa SCPRDC na kilala rin bilang provincial Jail.
Ito ay mas mataas naman sa mahigit 400 capacity nito.
Naging dahilan naman ng paglobo ng mga inmate sa kulungan ang dami ng mga naarestong drug personalities sa lalawigan.
Dahil sa sobrang siksikan ng mga inmate, inihayag ni Fuentes na kinatigan na rin ng korte ang hiling ng pamahalaang panlalawigan na hindi pagtanggap ng bagong mga inmate ng provincial jail.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...