Friday Mar, 29 2024 03:35:42 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 23, 2016)

 • 17:04 PM Tue Aug 23, 2016
1,393
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 23,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DOH-12 director Baluma, pumanaw na2. Higit isang daang katao, nabiyayaan
ng libreng legal consultation sa DXND 52nd anniversary.

3. Videoke bar cashier sugatan sa grenade explosion sa Polomolok IED pinasabog din sa bayan4. Taga South Cotabato, kinatawan ng bansa saMiss Planet International sa Europe. PUMANAW NA ang direktor ng Department
of Health Regional Office 12 na si Dr. Teogenes Baluma.

Kinumpirma ni DOH 12 Assistant Regional
Director Dr. Frank Mateo na tuluyan ng binawian ng buhay si Baluma pasado alas
tres ng hapon kahapon habang nasa intensive care unit ng Davao Heart Center.

Sinabi ng opisyal na nasawi si Baluma
dahil sa komplikasyon ng matagal na nitong karamdaman.

Si Baluma ay sumakabilang-buhay sa edad
na 63. Siya ay nagsilbi sa gobyerno sa loob ng mahigit 30 taon partikular sa
pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang mga lugar sa Mindanao.

Si Baluma ay naging direktor ng DOH 12
noong September 2013.

Nakatakda namang ihatid si Baluma sa
kanyang huling hantungan mamayang ala una ng hapon sa Dalican, Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao. Administrastive
Assistant ng Intellegence Section ng Office of the Regional Governor sa
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang pinakahuling biktima ng
snatching sa Cotabato city.

Sakay ng
payong-payong ang 61 taong gulang na biktimang nakilalang si Agap Fatima Unton
nang mabiktima siya ng mga snatcher na naka-motorsiklo pasado alas dos ng hapon
kahapon.

Aniya, habang
tumatakbo ang kanyang sinasakyang payong-payong ay sinundan at dinikitan ito ng
riding tandem at hinablot ang kanyang bag.

Wala nang
nagawa si Unton kung hindi bitiwan ang kanyang bag dahil kung makikipag hilahan
aniya siya sa mga suspek ay baka mahulog siya sa kanyang sinasakyan.

Cash na
mahigit isang libong piso at mahahalagang ID's at ilan pang mahahalagng
dokumento ang laman ng bag ni Unton.

Panawagan ngayon
ni Unton sa mga kawatan na kung maari ay ibalik na lamang ang kanyang mga ID at
ang kanyang passport. ISINUKO
ng kanyang ina at asawa ang isang kilalang tulak ng iligal na droga sa Cotabato
city na matagal nang nasa watchlist ng City PNP at Philippine Drug Enforcement
Agency o PDEA ARMM.

Kinilala
ang naturang suspected drug pusher na si

Sajid
julanin Mendoza, taga Datu Piang, Maguindanao at pansamantalang nanunuluyan sa
Mabini Interior, Barangay Bagua Tres ng lungod.

Kahapon,
isinuko siya ng kanyang asawang si Farah Mendoza kasama ang ina ni Sajid.

Ayon
kay Farah, nagdesisyon silang isuko si Sajid habang hindi pa huli ang lahat.
Aniya, takot silang matutulad din sa ibang mga tulak ng droga si Sajid na
napatay sa nagpapatuloy na illegal drug operation ng mga pulis.

Para
makatiyak naman na hindi manlalaban si Sajid, hiniling ng asawa at ina nito na
lagyan ng posas ang mga kamay nito nang damputin ng mga otoridad.

Nabatid
na si Sajid ay naging subject na noong ng Search Warrant subalit hindi siya
nadatnan sa lugar.

Gayunman,
nakuha noon sa kanyang bahay ang tatlong mga motorsiklo na ayon sa kanyang
asawang si Farah, ginagamit ito ni Sajid para maghatid ng mga iligal na droga
sa kanyang mga parokyano.

UMAASA
ang Duterte administration na hindi na mauulit at malalagpasan na ngayon ang
mga sagabal sa peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People's
Army o CPP-NPA.

Sa
opening statement nin Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa
pagbubukas ng formal peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic
Front o NDF sa Oslo, Norway, sinabi nito na kabilang sa naging sanhi ng ilang
beses na peace talks breakdown ang mga pre-condition, mga hardline non-negotiable
positions at ang multo ng tinatawag na 'status of belligerency.'

Kaya
umaasa si Dureza na magsisilbing leksyon ang mga pinagdaanan sa nakaraan at
samantalahin ang bagong pag-asang dulot ng Duterte presidency na pursigido sa
pagkamit ng final peace settlement sa bansa.

Bagama't
aminadong hindi magiging madali ang daan tungo sa kapayapaan dulot ng matagal
ng hidwaan, pagdududa at armadong labanan, naniniwala si Dureza na maaayos anmg
anumang gusot basta’t mananatili lamang seryoso at tapat sa nag-iisang
hangaring pagkakasundo at tuluyang pagtatapos ng kaguluhan.

Samantala,
kumpiyansa naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magkakaroon na ng
katahimikan ngayong nagdeklara na rin ng ceasefire ang NPA.

Ayon
kay Lorenzana, sasamantalahin nila ang pitong araw na ceasefire ng CPP-NPA-NDF
para ibaling ang atensyon ng militar sa mga non-combat operation gaya ng mga
humanitarian at developmental projects ng pamahalaan.

KUMPIYANSA
si Datu Montawal, Maguindanao Vice Mayor Datu Ohto Montawal na walang magiging
ebidensya na magpapatunay na isa siyang narco-politician .

Matapos
na mapabilang ang kanyang pangalan sa narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte,
agad na sumailalim si Montawal sa imbestigasyon sa pangunguna ng Crime
Investigation and Detection Group o CIDG.

Ayon
kay Montawal, bukas siya sa ano mang proseso ng imbestigasyon basta't tama at
naaayon ito sa batas.Sinagot
naman ng bise alkalde ang mga usap-usapan na diumano'y nagpapanggap lamang ito
sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Aniya,
hindi pa man Pangulo ng bansa si Duterte ay maigting na ang kanilang kampanya
laban rito.

Samantala,
Pinabulaanan naman ni Montawal na tinatago o pinoprotektahan niya ang kanyang
kapatid na si Andy Montawal na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad dahil
sa kasong rape na kinakaharap nito mula pa noong 2008 at pagkasangkot nito sa iligal
na droga.

NDBC News AM Aug 23
Headline and IPs mula sa SOCCKSARGEN Region at karatig lugar, nagkakaroon ng Solidarity Festival sa Koronadal City
Nagtipon tipon ngayon sa Koronadal City ang mahigit 5,000 mga lumad mula sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani, South Cotabato,General Santos City at Davao Del Sur.
Ito ay kaugnay sa kanilang isang linggong SADYANDI o Kampuhan sa Lupa, Pagkain, Hustisya at Kapayapaan.
Nananawagan ang grupo sa gobyerno na ibigay ang hustiysa sa mga lumad na biktima ng pangaabuso ng karapatang pantao.
Ayon kay Kahugpungan sang Katawhang Lumad sang Halayong Habagang Mindanao o KAHULAMIN Secretary General Minda Dalina, hinihiling din nila sa gobyerno ang patuloy na subsidiya sa mga magsasakang hindi pa nakakabawi sa El Nino Phenomenon.
Ayon kay Dalima, nais din ng mga lumad na ipatupad ang totoong reporma sa lupa upang hindi pasukan ng banyagang kapitalista ang kanilang ancestral domain.
Nanawagan din ang mga ito kay Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Gina Lopez na kanselahin ang lahat ng mining permit application.
Ayon kay Dalima para sa katiwasayan, dapat ding umalis sa luaar ng mga IPs ang militar.
Inaasahan din ng grupo ang pakikipagpulong ng mga opisyal ng DENR, Department f Environment and Natural Resources,Department of Agriculture, DepEd at National Commission on Indigenous People o NCIP 12 ngayong linggo. Ang SAYANDI ng mga lumad ay magtatagal hanggang sa August 27.
Nagsisilbing silongan ngayon ng mga IPs ang mga tolda na inilatag ng mga ito sa Rizal Park na sentro ng aktibidad.
Nakakulong na ang isang babae na maghahatid lang sana ng pagkain sa live in partner nito sa lock cell ng Bureau of Jail Management and Penology sa Koronadal City kahapon.
Kinilala ni City Jail Warden Jail Senior Inspector Gechris Abanilla ang suspek na si Joy Castañeda, 35 anyos at residente ng Morrow Street, Barangay Zone 3, Koronadal City.Ayon kay Abanilla, arestado si Castañeda matapos mabisto ng mga jail guard ang dalawang sachet ng suspected shabu na sinilid sa dala nitong noodles.Ang kontrabando ayon kay Abanilla ay ibibigay umano ng suspek sa live in partner nitong si Gary Tan, na naaresto din dahil sa iligal na droga ng mga pulis sa Koronadal nong nakaraang buwan.Sinabi ni Abanilla na dahil sa pagpupumilit ni Castañeda na magdala ng pagkain sa kanyang live in partner kahit hindi araw ng dalaw, nagduda ang mga jail guards kaya inispeksyon ang mga dala nitong pagkain.Ito ay nagresulta naman sa pagkakatuklas sa umano ay iligal na droga.
Binigyan diin naman ng suspek na si Castañeda na hindi niya alam na may laman umanong shabu ang noodles dahil ipinadala lamang umano ito sa kanya ng kaibigan ng kanyang live in partner.
Gayunaman, kakasuhan pa rin siya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Umaasa ang isang dilag mula South Cotabato na maguuwi ito ng karangalan hindi lamang sa lalawigan kungdi maging sa buong bansa.
Ang 25 anyos na si Hazel Tamplonuevo Arbening mula sa bayan ng Surallah ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Planet Inernational Pageant.
Makakatunggali ni Arbening sa beauty pageant na gaganapin sa Bulgaria sa susunod na buwan ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
Si Arbening ay kinoronahan noong Aril bilang Miss Planet Philippines 2016, isang beauty pageant na sumusulong sa pangangalaga sa kalikasan.Ayon kay Arbening una siyang sumali sa mga beauty pageant sa mga barangay at ang Miss Planet Pageant ang kauna unahang international pageant na kanyang sasalihanInihayag ni Arbening na bago tanggapin sa pageant kailangan muna ng isang kandidata na ilatag ang kanyang mga programa para sa pangangalaga sa kalikakasan at planet earth.Nangako naman si Arbening na ibabandera nito ang lalawigan ng South Cotabato sa Bulgaria sa pamamagitan ng pagsusuot ng national costume na gawa sa ipinagmamalaking T’nalak Cloth ng lalawigan.Si Arbening ay ikalawang dilag mula South Cotabato na sasabak sa isang international beauty pageant ngayong taon.Matatandaan na ang tubong bayan ng Surallah din na si Aiza Faeldonia ay tinanghal na 5th Runner Up sa 2016 Miss World Next Top Model sa Beirut, Lebanon noong Mayo.
sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13939323_1413254295367650_6779628594121366353_n.jpg?oh=a5da8bebb7436bc23e2eb2d2825fee95andampoe=585A9016 (Hazel Tamplonuevo Arbening) Nagpapagaling pa sa Polomolok Municipal Hospital ang isang babae na nasugatan sa pagsabog ng isang Granada sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Anie Atam,39 anyos at residente ng barangay Lamlahak, Lake Sebu.Nabatid na si Atam ay nasugatan matapos sumabog ang Granada na inihagis sa harap ng video k bar sa national highway, barangay Pagalungan, Polomolok kung saan siya nagtatrabaho bilang cashier.Ang biktima ay nasa ligtas ng kalagayan matapos masugatan sa kanyang leeg, dibdib at kanang paa.
Ang riding tandem na suspek sa paghagis ng granada ay tumakas patungong General Santos City.Ang pagsabog ng Granada sa Polomolok ay kasunod naman ng pagsabog ng isang improvised explosive device o IED sa parking area ng Mang Ephoy resto Bar sa National Highway barangay Magsaysay noong Sabado ng gabi.Nabatid na ang IED ay iniligay sa likod ng Bongo Kia Truck na pagaari ng may ari din ng resto bar.
Wala namang nasaktan sa pagsabog.
Narekober ng mga pulis sa lugar ang dalawang hindi sumabog na IED na may nakadikit na simpack, 9 volts battery at lata.
Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagiwan ng mga pampasabog sa lugar.
Nagsasagawa ngayon ng serye ng blood letting activity ang City Health Office o CHO ng Koronadal.
Ayon ka OIC city Health officer Dr. Jean Genieve Aturdido,layon nito na makatulong sa mga dengue patients ng lungsod.
Ayon kay Aturdido unang isinagawa ang blood letting activity sa mga barangay ng Saravia at San Jose kung saan nakakolekta sila ng mahigit 50 bags ng dugo.
Ang mga ito ay mula naman sa mahigit 50 blood donors na sumailalim sa masusing pagsusuri ng CHO.
Ayon kay Aturdido, target ng CHO na makalikom ng tig 25 bags ng dugo sa bawat barangay.Magigng prayoridad sa blood letting activity ng CHO ang mga barangay sa Koronadal City na may pinakamaraming kaso ng dengue.Ayon kay Aturdido ang susunod nilang blood letting activity ay gaganapin sa Barangay Sto. Nino, Koronadal sa September 1.Ang Koronadal City ay nakapagtala ng 636 na kaso ng dengue, pangalawa sa 664 dengue cases sa bayan ng Tupi. Tiniyak ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na mabibigyan ng ayudang pangsakahan at pangkabuhayan ang mga Indigenous people ng lungsod.
Ito ang sinabi ng alkalde sa pagdiriwang ng IP Day kahapon ng umaga na bahagi pa rin ng selebrasyon sa Kasadya sa Timpupo.Iginiit ni Evangelista na magiging prayuridad ang mga IP na makatanggap ng ayudang sakahan at pangkabuhayan na kabahagi ng ibinigay na assistance ng Department of Agriculture nitong sabado lamang.Nais kasi ng alkalde na makitang maging produktibo at umunlad ang IP’s lalo na at marami sa kanila ay mga magsasaka.Sa ilalim ng mahigit sa anim na milyong pisong farm assistance ng DA, matutulungan na nito ang mga farmer IP’s na magkaroon ng dagdag na kita sa vegetable production lalo na yaong mga komunidad sa mga bulubunduking barangay ng lungsod na angkop pagtamnan ng mga gulay.Maliban dito, nais ring tutukan at tulungan ni Mayor Evangelista ang kabataang IP’s.Hihiling ngayon si Evangelista sa SP na magpasa ng Resolusyon na payagang magsuot ng kanilang katutubong kasuotan ang mga kabataang IP’s isang beses sa isang linggo ng kanilang klase.Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga kabataang IP’s na bigyang halaga at ipagmalaki ang kanilang kultura at pagkakakilanlan.Kinukunsidera rin niya na bigyan ng isang araw ang lahat ng mga kabataang IP’s na magdiwang ng kanilang IP youth day sa susunod na taon. Anumang araw mula ngayon ay sisimulan na ang implementasyon ng Peace and Development Outreach Program ng 39th Infantry Batallion sa 13 mga barangay sa Kidapawan City.
Ito makaraang aprubahan kahapon ng Sanguniang Panglungsod members ang nabanggit na proposal ng militar kasabay ng kanilang isinagawang special session tungkol rito.Sa botong 10-2 mula sa miembro ng konseho, maari na ngayong simulan ng 39th IB ang kanilang mga gagawing evaluation sa mga tukoy na barangay na umano may impluwensya ng New People's Army o NPA.Kabilang na rito ang mga barangay ng Singao, Perez, Blabag, Sikitan. Marbel, Linangkob New Bohol, Sto Niño, San Isidro Gayola, katipunan, Malinan at San Roque.Nilinaw naman ni Capt. Adele Belvis, Civil Military Operations Officer ng 39th IB, na posible pang mabawasan o madagdagan ang nabanggit na mga barangay base na rin sa gagawing imbestigasyon ay ebalwasyon ng militar.Sa sesyon kahapon, matapos basahin ni City Councilor Francis Palmones, chair ng Peace and Order ang kanilang committee report ay naglabas din ng sentimyento sina Councilor Ruby Padilla Sison at Councilor Mike Rualo kung saan ipinahayag nila ang kanilang pagtutol sa nabanggit na programa. Pero sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ngayon ang 39th IB sa tiwala na ibinagay ng karamihan sa mga konsehal.

Tiniyak lamang ni Capt. Belvis na susunod sila sa mga inilatag na kondisyon ng SP kaugnay sa pagpapatupad ng nabanggit na programa. Ang PDOP ay hindi lamang una sa North Cotabato kung saan ilang mga bayan na rin ang napasukan ng naturang programa kagaya sa bayan ng Makilala, President Roxas at Tulanan pati na sa Colombio, Sultan Kudarat.
Abot sa 111 mga BIDA ang dumalo at nabigyan ng Free Legal Consultation ng Integrated Bar of the Philippines o IBP kahapon sa loob ng dalawang oras lamang sa DXND Mini Auditorium, Kidapawan City.

Ito ay bilang bahagi sa selebrasyon ng ika-52nd founding day ng DXND Radyo Bida 747.Pinangunahan ni Atty. Dionesio Alave, Presidente ng IBP Cotabato Chapter ang nasabing konsultasyon kasama ang dalawang hukom at labing limang mga abogado na nasa Government at Private Law Offices sa North Cotabato.Sinabi ni Atty Alave, karamihan sa mga ikinonsulta sa kanila ay ang usapin tungkol sa mga lupa.

Ang iba ay patungkol sa kanilang propriedad at mga pangalan.

Nabatid na galing pa sa malalayong bayan sa probinsya ang mga humingi ng tulong legal kagaya ng Antipas, Matalam, Magpet at Tulunan bitbit ang kanilang mga dokumento at iba pang papeles.Bakas sa mga mukha ng mga BIDAng nagpakonsulta ang kaligayahan matapos masagot rin ang ilan nilang mga pangangailangan.Ang nasabing libreng konsultasyon ay bilang pagpapasamat na ng Radyo Bida sa lahat ng mga suki na mga taga pakinig nito.

Maliban sa IBP, partner rin ng DXND sa Aktibidad ang OMI Justice Peace ang Integrity of Creation and Mass Media Ministry at ang Notre Dame of Mlang batch 1991. Iginiit ni Kabacan PNP Chief of Police Senior Ins Ronnie Cordero na nagpapatuloy ang kanilang house to house visitation araw-araw sa Kabacan, North Cotabato.

Ito ay bilang bahagi naman ng kanilang kampanya kontra illegal na droga sa bayan.

Ang pahayag na ito ng opisyal ay kasabay rin sa kanyang pasasalamat sa paghirang sa kanya bilang Best Junior police commission officer 2016 sa buong Region 12.
Dahil dito ay ni-re-require sila ngayon ng higher headquarters na magsagawa ng household visitation ng 40 kabahayan o mahigit pa, araw-araw. Bukod din ito sa ginagawa nilang operation ‘TokHang’, double barrel at Project DUTERTE sa bayan.

Sa ngayon umaabot na sa higit pitong daang drug personalities sa bayan ang nag-surface sa kanilang tanggapan na patuloy naman nilang minomotor at iniimbestigahan.

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...

BARMM, Inter-Agency Teams implement OPLAN HARABAS, nets 1 conductor positive for drug use

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency in the Bangamoro Region and police units in the city conducted on Tuesday "Oplan Harabas" in a...